-Athena Brix Alexandro-
I'm here at the CR, wearing my so-called 'astig' clothes para mas mag-mukha akong lalaki diba? Buti na lang plat ako, hindi mahahalata hehe.
"Brix! Matagal ka pa ba dyan? " tanong ni Jerix sa labas nitong CR.
"Eto naaa! " sabi ko with my macho voice HAHAHA.
Binuksan ko ang pintuan ng CR at nakatingin silang lahat sa'kin. Tinaas ko ang dalawa kong kilay na para bang sinasabi kong, "baket? Anong nagawa kong mali? "
"Lagot ka kay boss. " sabi ni Harry habang nakaturo ang hintuturo nya sa'kin. I mouthed 'bakit?'
"Ang tagal mo, tsk. " sabi ni Jerix at pumasok na lang sa CR.
"Sungit. " bulong ko.
"Ayaw kasi ni boss ng mabagal. " sabi ni Gray.
"Yeah right, gusto nya mabilis na mabilis. " Zef said.
"'Yung kasing bilis ni flash hehehe. " Kean giggles.
"Kaya sa susunod, 'wag ng bababagal-bagal ha? " sabi naman ni Funky saka ginulo ang buhol kong magulo na talaga. Aish! Tiningnan ko sya ng masama.
"Oh? Ano na namang ginawa ko? " tanong nya habang tumatawa.
"Tss. Magulo na nga 'yung buhok ko, ginulo mo pa! " sabi ko sa kanya.
"Come with me, may suklay dun sa kwarto, may alam akong babagay sa buhok mo. " sabi nya saka ako kinindatan. Tch. Kindat ng kindat, ang liit naman ng mata! Hmp!
"Ano na naman bang gagawin mo ha? " tanong ko habang naka-crossed arms. Naupo ako sa higaan at nakasimangot akong tumingin sa kanya.
"Wala. I'm just going to brush your hair, bruh. Don't worry, I won't rape you 'cause you're not my type. " sabi nya saka ngumisi. Aba't--!
"Hoy! 'Di rin kita type 'no? Kapal ng mukha mo, tsong! Nakahithit ka siguro, ano? " tanong ko sa kanya saka umirap.
"Mabuti, the feeling is mutual, ayoko sa'yo, ayaw mo rin sa'kin. " so, M.U ba tawag sa'min? Kase, M.U means mutual understanding diba? Eh, pareho namin ayaw ang isa't-isa eh.
Nabalik ako sa ulirat ng pitikin nya ang noo ko.
"Ouch! " daing ko.
"Hindi M.U tawag dun, tanga! " talaga naman!
"Mind reader ka ba ha? " tanong ko.
"Nope, halata lang sa itsura mong panget HAHAHAHA! " kingina!
"Mas panget ka! " asar kong pabalik sa kanya.
"Thank you. " sabi nya saka ngumiti.
"O sya, ayusan mo na ako. " sabi ko sa kanya.
"Pfft. " pag-pipigil nya ng tawa.
"Ano na naman ba? " tanong ko.
"Eh, kase, kanina pa kita naayusan. 'Wag mo kasi ako masyadong isipin ha? " sabi nya saka lumabas ng kwarto. Yabang ampupu! Bago ko lisanin ang kwartong 'yun ay tumingin muna ako sa salamin. Infairness, gwapo ko *wink*
Pag-labas ko ng kwarto ay nakita ko silang naka-bihis na. Ay, wow, kegagwapo eh. Pero, mas gwapo pa rin ako. Hehe.
"Tara na, Brix, pupunta na tayo sa section natin! " masayang sabi ni Kean saka umakbay sa'kin.
T-teka, anong sabi nya? Section namin? So, kaklase ko sila?
"Yep, we're classmates. "
"Ay, itlog ng pugo! " putsa! Nakakagulat naman 'to si Funky! Papatayin ata ako nito eh.
"Sorry kung nagulat kita. " sabi nya saka bumungisngis. Ngina! Tuwang-tuwa pa!
"Sorry mo mukha mo! " sabi ko saka sya hindi pinansin.
"HAHAHAHA! Ang cute mo talaga kapag napipikon. " ayun! May magandang sinasabi naman pala 'yung bibig nya eh.
"Talaga? Cute ako? " tanong ko saka nag-puppy eyes.
"Oo, mukha kang pusa! HAHAHAHAHA! " asdfghjkl!
"Bwiset ka talaga! " hmp! Ang sama-sama nya! Kung nagkakakatotoo lang siguro 'yung mga ini-imagine ko, ibuburol na sya. Tss.
Mahaba-habang lakaran pa ang nangyari habang papunta kaming section namin.
"Talagang kasali na sya sa the kings 'no? " - schoolmate #1. I think he's pertaining to me.
"Oo nga, magaling daw kasi talaga makipag-laban. " -schoolmate #2.
"Gwapo pa, bagay sya sa the kings. " -schoolmate #3. Hehe. Sabi na eh, gwapo ako.
"Huy, Brix! " napalingon ako sa likod ko at bakas ang pagtataka sa kanila. Nauuna na pala ako?
"A-ano 'yun? " tanong ko.
"Dito na 'yung room natin hahaha. Lutang ka ah. " sabi ni Zef.
"Ha? Ay sorry, hindi ko kasi alam eh. Hehe. " sabi ko at nahihiyang pumunta na doon at pagpasok ko pa lang ay may tumamang crumpled paper agad sa mukha ko. Ay putek na!
Nilibot ko ang mata ko sa classroom at mukhang wala silang pakielam na may natamaan na sila. Putcha naman!
"Easyhan mo lang, Brix. Ganyan talaga sila. " sabi ni Gray.
"Sasanayin ko na lang siguro 'yung sarili ko hehe. " tuluyan na kaming umupo sa upuan naming walo dun sa likod.