App herunterladen
18.51% THIS NERD IS MY DREAM GIRL (Completed Novel) / Chapter 15: CHAPTER FOURTEEN

Kapitel 15: CHAPTER FOURTEEN

(Kensington High School, afternoon)

(Kath Rence's POV)

PAGKATAPOS NG klase namin sa Math ay may iniutos sa akin si Ma'am Solis na ibigay ko itong mga quiz papers kay Jack. Tatanggihan ko sana si Ma'am pero ayoko namang magalit sila kung kaya kahit ayaw ko ay pumunta ako sa classroom nila which is the second section.

Pagdating ko sa IV-2 ay papasok na sana ako kaya lang...

"Excuse me, do you need something?" hinarang ako ng dalawang mataray na babae na nakabalandra sa pinto ng classroom. Tinitigan pa nga nila ako mula ulo hanggang paa na para bang minamata nila ako.

Err, sige na, kayo na ang maganda. Tss....

"Ahm, may iaabot lang sana ako kay Jack."

Bigla akong sinampal nung isang babae sa pisngi ko.

"How dare you?! How dare you called Prince Jack by a name?! Gosh, how uneducated!"

Ganun?!

Sinampal niya ako kasi tinawag ko si Jack ng Jack lang?

Eh ano ba si Jack, anak ni Elizabeth II para tawaging Prince Jack? Okay lang ba sila? Baliw ba sila?

Psychos.

"Hoy kamatis, tantanan mo na nga ako dyan sa ka-e-english mo! Saka sino kaya yung mas uneducated sa atin? Ikaw itong nanampal ng tao ng basta-basta at dahil lang sa mababaw at hindi konsiderableng dahilan!"

"What did you just called Lindsay?! A what? A kamatis? Omigosh!" nilagay pa niya yung kamay niya sa noo niya at umaaktong hihimatayin. Talagang may maarte accent pa siya dun sa "kamatis" part! Grabe, saksakin ko kaya ang kaartehan ng mga 'to!

"Eh ano, mukha naman talaga kayong mga kamatis sa sobrang kapal ng blush on nyo!"

"Really!? Look who's talking, a dirt bag."

Pigilan ninyo ako, papatayin ko 'tong mga 'to! Pigilan ninyo ako!

"Tignan ninyo sina Cristine at Lindsay, may inaaway yata sila dun sa may pinto. Sino ba yung babaing yun?" ang tanong ng lalaking nasa loob ng classroom kung saan nakaumpok si Jack.

Noong tumingin si Jack sa pintuan ay lumapit yung dalawang kamatis sa kanya habang nagulat ako nang biglang lumapit sa akin si Satchel at agad akong inakbayan.

"Prince Jack, help us! She's bullying us!"

"Oo nga! She even slapped me on my face even I did no-P-Prince Satchel!"

Galit na lumapit si Satchel dun sa Cristine at Lindsay at laking gulat ng lahat nang kunin ni Sachi ang mineral water na nasa compartment ng dala niyang bag at ibinuhos iyon kay Lindsay. Matapos nun ay kinuha naman niya ang juice na iniinom ng isa sa mga nakikiusyosong estudyante at ibinuhos niya naman yun kay Cristine. Taranta at hiyang-hiya ang dalawa sa ginawa sa kanila ni Satchel habang umalingawngaw ang tawa sa buong corridor.

"P-Prince Satchel...b-bakit mo k-kami...b-binasa?" ang uutal-utal sa sobrang pagkabiglang tanong nung Cristine.

"Dahil mga demonyo kayo. At dapat lang sa mga demonyong katulad ninyo, nililinis ang malanding kaluluwa na meron kayo. Naiintindihan ninyo?"

Umiiyak na napatangu-tango ang dalawa sa sobrang takot at hiya kay Satchel at sa mga nakikiusyosong estudyante sa paligid.

Inihagis ni Satchel ang dalawang walang lamang plastic bottles sa pagmumukha ng mga babaing yun at saka niya tinitigan ng masama...si Jack.

"S-Sachi, p-pasensya na sa nangyari..." ang mahinang sabi ni Jack pero kinuha ni Satchel ang papers mula sa akin at inihagis niya iyon kay Jack.

"Hoy, wag na wag mo nang abalahin pa ang girlfriend ko. Yan, papeles mo!"

"I'm sorry." sabi ni Jack.

"Halika na Toodles." at inakbayan ako ni Satchel sabay alis namin sa corridor. Wala na akong nagawa kundi tignan na lamang si Jack sa huling pagkakataon. Hindi na ako nagulat pa sa ginawa ni Satchel pero kahit papano'y naaawa pa rin ako sa dalawang babaing pinahiya niya. Pero wala naman akong karapatang diktahan siya kung kaya naman pinababayaan ko na lang siya sa mga gusto niya.


Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C15
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen