App herunterladen
55.07% Daydreaming (Filipino) / Chapter 38: Chapter 38

Kapitel 38: Chapter 38

For the second time around ay nagising ulit si Kyra. Sumakit tuloy ang sentido niya. Pinilit ba naman niyang matulog ulit kanina? Antok na antok pa din talaga siya and gusto pa niyang matulog ulit pero hindi naman niya magawa dahil sa sobrang lakas ng tunog ng cellphone niya.

May tumatawag sa kanya at hindi naman siya sanay magsilent ng phone. Eto tuloy, at nagising siya. Inabot niya ang phone niya at agad na sinagot ang tawag kahit hindi pa niya nakikita kung sino 'yon.

"Hello!?" Inis niyang sabi sa kabilang linya.

Ang ingay ng background ng tumatawag sa kanya. Sobrang lakas ng music tapos marami ring mga boses na nagsasalita, naghihiyawan, at nagtatawanan.

"K-Kyra..."

"Who-Who's this?" Tanong niyang papungas-pungas pa.

Hindi 'yon sumagot at maingay pa rin talaga sa kabilang linya. Gamit ang isang mata ay tiningnan niya kung sino 'yon. Si Arthur pala 'yon!

Agad siyang napaupo sa kamang hinihigaan. "Arthur!" Tawag niya dito at tuluyan ng nawala ang antok.

After ng insidenteng pagsusuntukan nito at ni Bryan sa restaurant ay hindi na ulit nagparamdam sa kanya si Arthur. Ilang beses niya itong sinubukang tawagan at nagpadala rin siya ng mga texts dito pero hindi ito nagreply tapos unattended din ang number nito.

She tried to ask about him through Mr. Sevilla pero sinabihan siya ng huli na hayaan na muna si Arthur. Okay naman daw si Arthur, 'yon lang ay nahospital ito dahil tinahi ang sugat nitong dulot ng pagsuntok ni Bryan dito.

"Arthur!" Tawag niya ulit ng hindi ito nagsasalita. Sobrang ingay talaga ng paligid nito. "I can't hear you! Labas ka muna! And where are you?" Pasigaw na sabi niya para marinig siya nito.

Maya-maya lamang ay narinig na niya ang paglayo nito sa ingay and she can hear him breathing on the other line.

"Arthur? Where are you? K-Kumusta ka na?" She asked him.

"I-I'm okay.. Ikaw?" Tanong nito. "I forgot h-honeymoon niyo pala ngayon, n-nakakaistorbo yata ako." Tapos tumawa ito na parang walang buhay.

"Huh?"

Pagkasabi nito ay doon lang niya naalala ang lahat. Kinasal pala siya. Nawaglit kasi sa isip niya noong malamang si Arthur ang tumatawag sa kanya. She's been dying to hear from him. Partly, sinisisi niya kasi ang sarili niya sa nangyari sa restaurant.

Napabaling ang tingin niya sa sofa. Natutulog pa din si Bryan pero gumalaw ito ng kunti tapos ay narinig na naman niya ang paghilik nito.

Good thing, he didn't wake up completely kahit na sobrang lakas ng ringtone at ng boses niya kanina.

Narinig niya ulit ang pagtawa nito na parang pilit sa kabilang linya, "A-Are you happy, Kyra?" He asked afterwards using a serious tone.

Napabuntong-hininga muna siya. "Arthur.."

"P-Pasensiya na kung nakakaistorbo ako. You can t-turn off the call now. Pasensiya na ulit. I just want to hear your voice, that's all." Sabi nito.

Naalala niya tuloy ang sinabi nito kay Bryan sa restaurant, that he likes her. She thought it was just a spur of the moment, but now, mukhang totoo pala 'yon. Nalungkot tuloy siya sa naisip pero hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya dito.

"W-We'll just talk one of these days, Arthur. Mag-ingat ka.." Sabi niya dito.

"O-Okay.." Sabi nito at tumahimik na ulit.

Akala niya ay wala na itong sasabihin, but he asked her again the same question that she doesn't want to answer right now.

"A-Are you happy, Kyra? Sorry, if I have to ask. G-Gusto ko lang malaman."

Napahinga muna siya ng malalim. Napabaling ang tingin niya sa sofa ulit at parang gusto ng tumulo ng mga luha niya.

Pinamanhid niya ang sarili niya kanina from the pain that Bryan has been inflicting on her, kaya hindi niya nagawang umiyak. But now that Arthur is asking her that question, pakiramdam niya ay nawala ang epekto ng anesthesia na tinurok niya sa puso niya.

Agad siyang nahiga sa kama para maiwasan na ang tumingin sa natutulog na si Bryan. She then controlled her sobs from coming out, pero may mumunting hikbi pa rin na lumabas.

"K-Kyra. Are you crying? I'm sorry.. Shit! Please, huwag kang umiyak. Shit! Sorry. S-Sorry."

"N-No, no. Wala kang kasalanan, Arthur! Kasalanan ko 'to.." At mas lalong lumakas ang paghikbi niya pagkatapos niyang sabihin 'yon.

"No, Kyra. Hindi mo kasalanan." Sabi nitong pilit siyang kinukumbinsi. "I-If you want. You can file for d-divorce, I'll help you!"

"D-divorce?"

"Yes. You still have the chance to change your fate, Kyra. Divorce will be the only solution for you to get out of that arrangement. K-Kung gusto mo after a week na tayo magfile ng divorce niyo!" Sabi naman nito sa kanya.

Napaisip tuloy siya.

Of course she can divorce, Bryan! Then everything will be back to normal. Sasaya na ulit ito at si Georgina. Siya lang naman ang naging hadlang sa mga ito. Kaya hindi rin niya masisisi si Bryan kung bakit galit at malamig ito sa kanya.

Tapos magiging malaya na rin siya. At least natupad na niya ang pinangako niya kay Mr. Sevilla! Matutuloy na 'yong itatawag niya sa sarili niya na Kyra Diborsiyada.

But.. What about her parents?

They will be devastated and heartbroken.

"So, what you mean to say is one week lang akong kasal and I can file for divorce pagkatapos?" Tanong niya dito.

Kaso isang linggo?

"Yes! Makipaghiwalay ka na kay Bryan, Kyra kaysa patuloy mong sinasaktan ang sarili mo. There are others who are worthy to be your husband and partner in life. You just have to open your eyes and your heart." Sabi nito sa kanya.

Napakagat-labi tuloy siya at suminghot-singhot. Alam niyang nagpaparinig ito sa kanya.

"Kyra?" Tanong nito ng hindi siya nakasagot agad.

Nag-iisip kasi siya.

Napabuntong-hininga muna siya. "I need to think this over, Arthur.. but I guess you're right.. Divorcing Bryan will be the best solution for this." Sabi niya dito.

"Yes, and I'll process it for you. Just tell me, and I'll do it immediately. And its free-of-charge, by the way." Sabi nito at agad tumawa na may galak na.

Napangiti rin tuloy siya. Pagkatapos ay nagpaalam na rin ito. Nasa bar pala ito at nakainum. Kaya daw nagkaroon ito ng lakas ng loob para tawagan at kausapin siya.

"Sige na, Arthur. Tsaka huwag ka ng uminom. Its already.." Chineck niya muna ang oras sa phone. "..2:34. Umuwi ka na!"

Dinig niya ang paghalakhak nito sa kabilang linya na parang ang saya-saya nito. "Oo na, boss. Goodnight."

"Goodnight and ingat, Arthur."

Pagka-off niya ng tawag ay akmang yayakapin na sana niya ang unan sa gilid niya pero bigla siyang napaigtad ng makarinig ng malakas na tawa.

Alam na niya kung kaninong tawa 'yon. She immediately closed her eyes and pretend she's asleep. Mas lalo pa niyang pinikit ang mga mata ng makarinig na siya ng yabag na palapit sa kanya.

"You're planning on divorcing me, hmm? So, 'yan pala talaga ang plano niyo ni Arthur? Good, then. Hindi na pala ako mahihirapan." Dinig niyang sabi nito sa nanunuyang boses at malapit na ito sa kanya kaya hindi talaga siya gumalaw.

Naramdaman niya ang paglundo ng kama just below her feet.

"Stop pretending that you're sleeping, Kyra. Wala pang isang minuto noong natapos ang tawagan niyo ng lalaki mo, and now, you want me to believe na tulog ka na? Yeah, right!" Sabi nito sabay tawa ulit na parang halimaw.

Pero hindi pa rin siya gumalaw.

Ayaw niyang makausap ito.

Hindi man lang ba ito makatunog?

"Get up and talk to me!" Galit na sabi nito sa kanya but she remained still. "I said get up!" Sigaw na nito.

Kaya napabangon na din siya at agad na hinarap ito. "What?!"

Nagpupuyos ito sa galit at ganoon din siya, pagkatapos ay bumaba ang tingin nito sa dibdib niya at ngumisi. "Nice. Now, you want to seduce me? Gusto mo talaga matuloy ang honeymoon, hmm?"

Napababa rin tuloy ang tingin niya at agad na inayos ang bathrobe na suot niya. Lumihis na pala 'yon.

"I don't, Bryan!" Mariin na sabi niya dito.

Tumawa ito ng malakas. "And you want me to believe that? You're wearing that seductive lingerie when you know that its our supposed honeymoon, tapos idedeny mo? Kasama din ba ito sa plano niyo ng lalaki mo?"

Napamaang siya dito. "What are you saying, Bryan? Isipin mo na kung ano ang gusto mong isipin! Bahala ka! At ayokong kausapin ka!" Galit niyang anas dito na tinawanan lang ng hudyo.

Napahugot muna siya ng hangin. Kung sasabayan niya ang kaarogantehan nito ay hindi maayos 'to. He's right, they do need to talk. Pinilit muna niyang huminahon ang sarili niya para makausap ito ng maayos.

"Bryan. Honestly, narealize ko ng mali talaga ang desisyon kong pumayag na magpakasal tayo. You were right. Hindi dapat tayo nagpakasal. I can't undo our marriage anymore, its already been done. But don't worry. I'll file for the divorce a month after nito para hindi naman mabigla ang mga magulang ko. Arthur will help me." Malumanay na sinabi niya dito.

Naging seryoso din ito na parang nakikinig ng mabuti sa kanya kaya pinagpatuloy niya ang pagsasalita. Sasabihin na niya ang lahat.

"For now, let's just be civil to each other. You can pretend that you're not yet married, and I'll do the same. You can continue your relationship with Georgina and I won't tell a single word to your father. Tutulungan din kita sa mana na gusto mo ng kunin sa ama mo. Pero sana.. try to be civil to your father, too. He loves you. Kaya niya nagagawa ang lahat ng ito. Sana kahit makuha mo na ang mana mo ay bibisitahin mo pa rin ang ama mo, because 'yan 'yong rason kung bakit siya natatakot na ibigay ang hinihiling mo. He's scared to lose you again. 'Yon lang, Bryan." Sabi niya dito at tumulo na ulit ang mga luha niya.

Nakita niyang napayuko ito at parang napaisip ng malalim.

"A-After a month.. magdidivorce na tayo?" Tanong nito na nanatiling nakayuko.

"Yes." Agad niyang sagot dito.

"O-Okay." Sabi nito at nakita niyang tumango ito ng ilang beses. "M-Magpapakasal ba kayo ni Arthur pagkatapos nating m-maghiwalay?"

Napamaang tuloy siya sa tanong nito. "Huh? H-Hindi."

Napaangat ito ng tingin sa kanya at naging galit na naman ang expression nito. "Don't deny it. I know you and Arthur are in a relationship."

"W-What? That's not true!" Agad niyang tanggi kasi hindi naman talaga.

Nakita niyang napangisi ito at tiningnan siya ng galit. "Liar."

"I'm not, Bryan! Totoo ang sinasabi ko!" Sabi niya dito na siyang tinawanan lang nito.

Bumalik tuloy ang inis niya dito kaya napatayo na siya sa kama at agad na sinuot ang tsinelas niya.

"Bahala ka sa buhay mo kung ayaw mong maniwala! Kung magpapakasal man kami ni Arthur, ano bang pakialam mo, huh? Basta! After a month magfafile na ko ng divorce natin! End of discussion!" Galit na sabi niya at ang plano niya'y lumabas na lang ng suite na 'yon.

Ayaw niyang makasama si Bryan dito. Nawala na rin naman ang antok niya kaya mas mabuti ng magmuni-muni na lang sa labas. Hindi na nga niya inalala na madaling araw pa lang, basta lalabas siya dito. She needs to distance herself away from this monster.

"Where are you going?" Tanong nito sa kanya ng nilampasan na niya ito.

Pero tuloy-tuloy lang siya sa paghakbang papunta sa pintuan, but before she could even hold the knob ay napabalik na ulit siya.

"Ano ba!" Agad niyang sabi at agad na binawi ang braso niyang hawak-hawak nito.

"San ka pupunta? Hindi mo ba nakikitang madilim pa sa labas? Walang tao dito! Tayo lang! Paano kung may masamang loob doon? May rapist?! Hindi mo ba alam kung ano lang ang suot mo?!" Galit na bulyaw nito sa kanya.

"So? Eh 'di paparape!" Sabi niya ditong nakasimangot at humakbang na ulit papunta sa pinto pero malakas at mabilis siya nitong hinila pabalik at malakas ring itinulak pahiga sa kama.

Naramdaman niyang lumihis na naman ang bathrobe na suot niya at pati ang hita niya ay naexpose na sa mga mata nito. Kita niya ang pagngisi nito habang nakatingin sa katawan niya. Tatayo sana siya ulit sa kama pero napatili na lang siya ng kinubabawan na siya nito. Sobrang dilim na ng ekspresyon nito sa mukha bago nito ibinalik ang ngisi nito na parang demonyo.

"You could've told me na gusto mo palang reypin, my dear wife." Nang-uuyam na sabi nito.

"W-What? Hindi, Bryan! Get off me!" Nahihindik na sabi niya dito at agad na tinulak ang dibdib nito.

"No." Sabi lang nito at agad na sinakop ang mga labi niya.


AUTORENGEDANKEN
Aybeeming Aybeeming

@Daoist342670 & @hedelisa thank you, thank you! Pasensiya na at bitin. Hehe, Pero medyo sinadya ko talaga. Ty ulit ♥♥♥

At sa lahat din ng nagbabasa salamat! :)♥

Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C38
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen