App herunterladen
79.24% Wishing Girl 3: Pain 2 Forget / Chapter 42: CHAPTER FORTY

Kapitel 42: CHAPTER FORTY

ANNIZA woke up feeling dizzy. Kaya naman unti-unti niyang inimulat ang mga mata. Unang bumungad sa kanya ay ang puting kisame. Naamoy niya din ang mabahong amoy ng hospital. Nang ma-isip na nasa hospital ay tumingin si Anniza sa braso niya. Nakita niya nga ang dextrose na nakaturok sa kanyang braso.

"Annie..."

Nagtaas ng tingin si Anniza. Nakita niyang nakatayo sa harap niya ang asawa. Puno ng pag-alala ang mukha nito.

"What happen?" tanong niya dito. "Why I'm here?"

Mabagal na umupo sa kamay niya si Joshua at hinawakan ang kamay niya. Maliban sap ag-aalalang nakikita niya sa mga mata nito ay nabasa niya din ang lungkot doon. Joshua plays her hands.

"Joshua, tell me why I'm here." Pinupundol ng kaba ang dibdib niya.

"Hindi mo ba naalala ang nangyari?" Balik tanong ni Joshua sa kanya.

Nagsalubong ang kilay niya. Pinilit niyang inalala ang nangyari. Isang malabong imahe ang lumitaw sa kanyang isipan.

NASA sala ng bahay nila si Anniza ng marinig niya ang door bell. Napatingin siya bigla sa deriksyon ng pinto. Hinayaan niya ang katulong nila na si Nay Karen ang magbukas ng gate. Baka isa sa mga kaibigan ng asawa ang pumunta para makibalita sa nangyari kay Shilo.

Linggo ng mga sandaling iyon pero nagtatrabaho pa rin siya. Inaayos niya ang listahan ng mga empleyado para ipasok sa data base ng kompanya. Mas nais niyang gawin iyon kaysa manood ng kung anu-ano sa T.V. Nasa ganoon siyang sitwasyon ng bumukas ang pinto ng bahay at pumasok si Nay Karen.

"Annie, may bisita po kayo," anito.

Mula sa pagkakatago sa likuran ni Nay Karen ay lumabas ang nanlilisik na mga mata ng ina ni Joshua. Napatayo siya bigla ng wala sa oras.

"Ma'am..." Kinakabahan niyang tawag sa ina ng asawa.

Tumingin ang ina ni Joshua sa kay Nay Karen. "Iwan mo na kami."

Mabilis na sinunod ni Nay Karen si Mommy Jhel. Kilala ng matanda si Mommy Jhel dahil minsan na daw naging katulong ng pamilya si Nay Karen. Kaya siguradong alam nito kung anong ugali meron ang ina ni Joshua. Nang pumasok sa kusina ang katulong ay lalong lumapit sa kanya ang hindi inaasahang bisita. Tumayo na rin siya.

"Tama pala talaga ang narinig kong balita. Nagsasama na nga talaga kayo ng anak ko." Mataray nitong sabi.

"Ma'am, patawarin niyo po kami ni Joshua. Gina---"

"No need to explain." Tumaas ang kilay nito. "How much you need to stay away from my son?"

"Ma'am..." May maliliit na patalim na sumugat sa kanyang puso.

"Tell me. Name your price like you sister-in-law. Hindi ba at iyon naman talaga ang habol niyo sa anak ko."

Namutla si Anniza ng marinig ang sinabi nito. Nagtaas-baba ang dibdib niya. Alam na ng in ani Joshua ang tungkol sa pagkatao niya. Alam na nito na Kuya niya ang asawa ni Ate Tin. Dumating na ang kinatatakutan nila.

"P-paano niyo po nalaman?"

Tumaas ang sulok ng labi nito at mas lumapit pa sa kanya. "Akala mo ba ay hindi ko malalaman ang tungkol sa pagiging magkapatid niyo ng basurang pulis na iyon. Masyado niyong minamaliit ng anak ko kaming mag-asawa."

Hindi siya nagsalita. Masakit marinig mula dito ang pagtawag sa Kuya niya pero may ginawang mali ang kapatid niya sa pamilya ng babaeng nasa harap niya ngayon.

"Kaya naman pala ayaw ko sa iyo noon pa. Magkapatid kayo ng manlulukong iyon. At mas lalong hindi kita matatanggap sa pamilya ko. Kaya naman sabihin mo sa akin kung magkano ang kailangan mo para tigilan na ang anak ko. Mas may nakakahigit na babae sa kanya."

Umiling siya. "Patawarin niyo po ako pero hindi ko iiwan ang anak niyo. Mahal ko po si Joshua."

Tumaas ang kilay ng babae habang tumawa ng malakas. "Mahal mo ang anak ko? O mahal mo ang perang meron siya?"

"Hindi po iyon ang habol ko kay Joshua." Hindi niya napigilan na magtaas ng boses.

She doesn't like people to question her love for her husband. Mahal niya si Joshua hind dahil sa kahit anong rason. Mahal niya ito dahil mahal niya ito. Tumibok ang puso niya ng walang dahilan.

"Oh! I doubt that. Magkapatid kayo kaya pareho kayo ng bituka. You just wanted to used my son. Sigurado akong pinagplanuhan niya ang pagpasok ng kompanya ng bayaw ko para makalapit kayo sa anak ko. Inakit mo siya para makasigurado ka sa kinabukasan mo. Malandi kang babae ka." Dinuro pa siya nito.

"Hindi po iyan totoo." Sigaw niya.

"Just name your price and stay away from my son." Lumapit pa sa kanya ang babae.

"Hindi ko po iyon magagawa. Kasal na kami ni Joshua. Asawa ko na siya kaya hindi ko siya pwedeng iwan."

"Anong sabi mo?" nanlalaki ang mga mata na tanong ng babae.

Buong tapang niyang sinalubong ang mga mata ng babae. "Kasal na kami ni Joshua. Kinasal kami sa huwes. Asawa ko na po si Joshua kaya hindi ko kayang iwan siya."

Nanlisik ang mga mata ng ina ni Joshua. "Isa kang malanding babae." Ubod lakas siyang sinampal ng ina ni Joshua.

Anniza feel the heat in her face. Nang mamanhid iyon sa sobrang sakit. Nahawakan niya ang nasaktang pisngi. Ito ang unang pagkakataon na may gumawa noon sa kanya kaya hindi agad siya nakapag-react. Nanlalaki lang ang mga mata niya habang nakatingin sa coffee table. Joshua's mother has a heavy hand. Hindi pa doon nakuntento ang ina ng binata. Hinawakan pa nito ang buhok niya at pinatingin sa kanya.

"Talagang sinugurado mo na posisyon mo sa buhay ng anak ko. Akala mo ba ay makukuha mo na ang gusto mo dahil kasal na kayo ng anak ko. Tandaan mo ito, hindi kita matatanggap sa pamilya ko. Sisiguraduhin ko na hindi ka sasaya sa piling ng anak ko. Gagawin kong impyerno ang buhay mong babae ka."

Tinulak siya ng malakas ng ina ni Joshua dahilan para mapa-upo siya sa sahig. Ngunit dahil hindi niya inaasahan ang ginawa nito ay tumama ang parte ng kanyang tiyan sa mesa. Napahawak si Anniza sa kanyang tiyan na nasaktan. Napapikit siya ng mariin ng dumaloy ang sakit na iyon.

"Hindi ako makakapayag na isang basurang katulad mo lang tuluyang bumagsak ang anak ko. Sisiguraduhin ko na ikaw ang kusang aalis sa buhay ng anak ko." Sigaw nito.

Anniza doesn't care what the woman shouted anymore. Ang sakit na lumalakbay sa tiyan niya ang siyang mas inaalala niya. Napangiwi na siya dahil hindi na niya ma-intindihan ang sakit noon. Napapikit siya ng maramdaman ang hindi matatawarang sakit sa puson niya. Napatingin siya sa bahaging iyon ng kanyang katawan. Nanlaki ang mga mata niya ng may nakitang pulang bagay na makikita sa suot niyang short. Nanginginig ang kamay na hinawakan niya ang bagay na iyon.

"No!" mga katagang halos ayaw lumabas sa kanyang labi.

Looking at the red spot at her hands makes Anniza feel dizzy. Nahihilo siya.

"Tumingin ka sa akin." Naalis ang tingin niya sa dugong nasa kamay niya ng hinila ng ina ni Joshua ang kanyang buhok.

Magsasalita sana ito ng makita ang kanyang namumutlang mukha. Dumako ang mga tingin nito sa kanyang kamay at kagaya niya ay natigilan din ito.

"W-what is that?"

"Help me! Iligtas niyo po ang baby ko." Pabulong na niyang sabi ang mga katagang iyon.

Nabitiwan ng ina ni Joshua ang kanyang buhok at napa-atras ito. Lalong nakaramdam ng pagkahilo si Anniza pero kailangan niyang isalba ang kanyang dinadala.

"Nay Karen..." At her weak state, she shouted for help.

Anniza tried to get up but her hands are weak even her knees. Nang hihina na siya ng mga sandaling iyon. Isang kamay ang naramdaman niyang humawak sa kanyang braso. Napataas siya ng tingin at nakita niya ang ina ni Joshua.

"Come on." Sigaw nito.

Mabuti na lang at narinig ni Nay Karen ang sigaw niya dahil patakbo itong lumapit. Tinulungan siya ng dalawang matanda na makalabas ng bahay.

"Emelio, start the car." Sigaw ng ina ni Joshua ng makalabas sila ng gate.

Agad na sinunod ng driver ang utos ng amo nito. Pinagtulungan siyang ipasok ng dalawang babae sa backseat. Nang maayos na siyang makasakay ay sumunod na sumakay ang ina ng asawa habang si Nay Karen ay nagpa-iwan dahil na rin sa utos ng kasama. Anniza just hold her stomach.

'Please! Don't leave me, baby,' aniya sa anak. Puno ng pagsumamo niyang paki-usap sa anak.

"Malapit na tayo." Bulong ng kasamang babae. May pag-aalala sa boses nito.

Ngunit hindi na iyon pinansin ni Anniza. Lalo siyang nahihilo at nandidilim na rin ang kanyang paningin. Nanghihina na siya. At bago siya tuluyan nawalan ng malay ay tinawag niya ang pangalan ng asawa.

"Joshua...."

UPON REMEMBENG everything, Anniza look down on her belly. Sa nanginginig na kamay ay hinawakan niya ang tiyan. Nagsimulang dumaloy ang luha sa makinis na balat ni Anniza.

"K-kamusta siya?" Basag ang boses na tanong nito.

"Anniza..." Joshua hold her hands.

"Kamusta siya?" tanong niya sa asawa at tiningnan ito.

Joshua's eyes are full of sorrow. Lalong bumigat ang dibdib ni Anniza. "J-Joshua, sabihin mo sa akin. O-okay lang siya, di ba? K-kasama pa natin siya, di ba?"

Umiwas ng tingin si Joshua. Bumitaw siya sa pagkakahawak ng asawa. "Sabihin mo sa akin na okay lang siya. Ano ba, Joshua?" Sinuntok niya sa dibdib ang asawa.

Joshua didn't stop her. Hindi din ito nagsalita pa. Dahilan para lalong masaktan si Anniza. Napuno ng malalak na pag-iyak ang apat na sulok ng kwartong iyak. Iyak na puno ng pagdadalamhati. Joshua keeps his head lower but she clearly saw that he is shaking. Kagaya niya ay umiiyak din. Pahina ng pahina ang mga suntok ni Anniza. At tumigil nga ang dalaga sa pagsuntok sa binata at umiyak na lang ng umiyak.

Nadudurog ng mga sandaling iyon ang kanyang puso. Walang tigil sa pag-ayos ang mga luha nito. Parang may parte ng pagkatao niya ang nawala sa kanya ng mga sandaling iyon. Napahawak si Anniza sa tiyan niya. Niyakap niya ang sarili.

"Baby, nandiyan ka pa, di ba? Kasama pa kita di ba?" bulong niya.

Hindi matanggap ni Anniza ang lahat kahit pa nga nararamdaman niyang may pagbabago sa loob ng kanyang katawan. Alam niya sa sarili niya na wala na ang bata sa kanyang sinapupunan. Hindi na kailangan pangsabihin ng asawa ang totoo. Kahit hindi na nito sabihin ang mga katagang iyon ay alam na niyang may munting angel na nasa loob niya ang tuluyan na siyang nilisan.

"Anniza..." Bulong ni Joshua at niyakap siya.

Hindi gumanti ng kayakap si Anniza. How could this thing happen to her? Why she need to lost something?

"Joshua, wala na siya. Wala na ang baby natin." Bulong niya sa asawa.

"I know and I'm sorry. I'm so sorry, Anniza," wika ni Joshua sa basag na boses.

Kagaya niya ang hindi maitatago ang pighati sa boses nito. He is in pain like her. Naalala niya ang nakaraan nito. Ito ang pangalawang pagkatataon na nawalan din ng anak si Joshua.

"I'm sorry too. I lost him because I'm stupid. I didn't protect our baby, Joshua."

"No! Don't say that. It's my fault. I didn't protect you two. It's my mistake that I let this happen. Patawarin mo sana ako, Anniza."

Umiling siya. It's not his fault. Walang kasalan si Joshua. Gumanti siya ng kayakap sa binata. Alam niyang kasalan niya ang nangyari. Dapat mas iningatan niya ang anak nila. Hindi dapat niya sinagot ang ina nito. Dapat mas naging ma-ingat siya sa naging sagot niya.

"Don't blame yourself, Annie. Ako ang may kasalanan ng lahat. Patawarin mo sana ako sa pagkukulang ko." Patuloy na wika ni Joshua.

Mas hinigpitan pa niya ang pagkakayakap sa asawa. They lost their baby and Anniza knows something inside of them is now missing. Nararamdaman ni Anniza na pareho sila ni Joshua na hindi buo. Pain, they are both in pain.

NANG DUMATING ang kapatid ni Anniza ay iniwan niya muna ang asawa sa pangangalaga nito. Sinabi niyang may pupuntahan siyang importante. Walang tigil sap ag-iyak si Anniza at kinailangan itong turukan ng pangpakalma para lang tumahan. Natatakot sila na kapag hindi nila iyon ginawa ay ma-dehydrate ito. Inaasahan na niya ang sakit at pagdadalamhati ng asawa. Inipon niya ang lahat ng lakas para hindi umiyak sa harap ng asawa ngunit hindi pa rin niya nagawa.

Nang makita ang sakit sa mata nito ay tuluyan ng natipag ang tapang na itinatag nito. He can't bare to see Anniza in pain. Luha pa lang nito ay nanghihina na siya. Kaya naman hindi niya mapigilan ang mga luhang pumatak sa kanyang mga mata. He cried together with her. He holds her tight to ask for strength. Nang dumating si Anzer at nakita ang sitwasyon nila ay tumawag ito ng doktor. Tinurukan ng pampatuloy si Anniza para kumalma at matingnan ang kalagayan nito.

Kristine comfort him. Nang kumalma siya ay tinawagan niya si Patrick at Asher. Naka-uwi na ang mga ito galing China. Maayos na ang sitwasyon doon at kaya nang hawakan ni Shilo.

"Where are you?" tanong ni Patrick ng sagutin niya ang tawag nito.

"On my way, give me five minutes," aniya sa mga ito.

"Okay. Nandito na kami ni Asher. Sigurado ka na ba sa gagawin mo?" May pag-aalalang tanong ng kaibigan.

"Yes. Kailangan ko silang kausapin. After what they did to my wife. They need to stop."

Isang malakas na buntonghininga ang ginawa ng kausap sa kabilang linya. "Make sure you are calm down. Mga magulang mo pa rin sila, Joshua."

Humigpit ang hawak ni Joshua sa manibela. "If they are really my parents, they should think of my own happiness and Anniza is my happiness, Patrick."

"I know that but they are blinded with powers. Ikaw ang lubos na nakakakilala sa magulang mo kaya alam mo kung anong iniisip nila. You need to think clearly in front of them. They are still your parents, Joshua."

"I know them. They won't stop. Ngayon pa na alam ko na ang dahilan kung bakit pumunta si Mommy sa bahay namin ng asawa ko." Thinking about what his mother reason for treating his wife makes his blood boiled.

"Walang karapatan si Mommy na saktan si Anniza dahil lang sa kapatid siya ng taong lumuko kay Kuya Shan. Anniza is innocent. And what she did is not right. Hindi tamang saktang nila ang asawa ko ng dahil lang doon." Hindi na niya ma-itago ang galit.

"Joshua, calm down. Hindi ka pwedeng humarap sa magulang mo ng ganyan."

Ayaw na niyang makipagtako sa kaibigan. Nakita na kasi niya itong nakatayo sa tabi ng kotse nito. Katabi nito si Asher na serysong nakatingin sa harap ng bahay ng kanyang mga magulang. Pinatay niya ang tawag ng hindi nagpapaalam. Itinabi niya ang kotse sa tabi ng kotse ni Patrick. Agad naman na napansin ni Patrick ang kotse niya kaya ibinaba na nito ang hawak na telepono. Tumayo ito ng tuwid at lumapit sa kanya.

Saktong pagkababa niya ng kotse ng lumapit sa kanya ang dalawa. Hinawakan ni Patrick ang balikat niya.

"Pipigilan ka namin kapag kailangan," anito.

Tumungo siya sa kaibigan. Iyon naman talaga ang rason kung bakit ang mga ito ang pinili niyang samahan siya. Alam niya kasing hindi siya hahayaan ng mga itong gumawa ng masama. He got them back. Lumapit sila sa mataas na gate ng bahay. He pushes the doorbell. Hindi nagtagal ay may nagbukas ng maliit na gate. Nagulat pa ang katulong ng makita siya.

"Senorito Joshua, kayo po pala."

"Nasa loob ba sina Mommy at Daddy?" tanong niya.

Tumungo ang katulong. Nilakihan nito ang pagkakabukas ng gate. Pumasok silang tatlo. Ang malawak na Bermuda grass ang sumalong sa kanila. Nilakad nila ang malawak na pathway papunta sa main door ng bahay. At kagaya kanina ay pinagbuksan nila ng katulong ng pinto.

"Senorito, hintayin niyo na lang po dito sa sala si Madam. Tatawagin ko lang po sila."

"Sige po, Nay Karina," aniya sa katulong.

Mabilis na umakyat sa pangalawang palapag ng bahay ang katulong. Naiwan silang tatlo sa sala. Umupo ang dalawa sa mahabang sofa. Hinawakan ni Asher ang braso niya ng tumayo lang siya sa gilid nito.

"Calm yourself down, Joshua. We are here to ask them not to fight with them."

Tumungo siya sa kaibigan. Alam niya ang ibig nitong sabihin kaya naman umupo siya sa gitna ng mga ito. Ilang sandali din silang naghintay hanggang sa nakita nila ang kanyang magulang na pababa ng hagdan. Tumayo ang dalawa at nagbigay galang.

"Anong ginagawa niyo dito?" tanong ng kanyang ama.

Pinagdikit niya ang dalawang labi. Ganoon pa rin ang ama kahit pa nga na ang mga ito ang may ginawang mali sa kanilang mag-asawa.

"I'm here to ask mom about what she did to my wife." Seryusong sabi niya.

Tumaas ang kilay ng kanyang ina. "Bakit nagsumbong na ba sa iyo ang magaling mong asawa?"

Napakuyom siya. "Hindi, Mom pero mabilis naman mahulaan ang lahat lalo na at ikaw ang sumugod sa kanya sa ospital."

Tumaas ang isang sulok ng labi nito. "Kung ganoon ay hindi naman pala ganoon kasama ang asawa mo. Marunong din pala siyang lumugar."

Upon hearing those word, he stood up and about to shout went Patrick holds his arms. Napatingin siya sa kaibigan. Sininyasan siya ni Patrick na kumalma. Huminga siya ng malalim. Alam niyang hindi makakabuti kung uunahin niya ang galit kahit pa nga na gusto na niyang magwala ng mga sandaling iyon.

"Why you do that to her mom?"

"Why? Tinatanong mo pa talaga sa akin iyan, Joshua. Inakit ka ng babaeng iyon. Inakit ka niya para makuha niya ang yaman mo. He just marry because of money and I can't let her fool you."

"Anniza marry me because she loves me. Walang kinalaman ang pera sa pagpapakasal namin. Bakit ba hindi niyo iyon matanggap?" Tumaas ng bahagya ang boses niya.

"Loves you? Mahal ka ng babaeng iyon. Wag ka ngang baliw diyan, Joshua. Alam mo bang kapatid ng babaeng iyon ang taong nanloko kay Shan noon. Ginagawa nila ulit ang ginawa nila noon. Ikaw naman ngayon ang gusto nilang lukuhin." Ang ama naman niya ang nagsalita.

"Anniza didn't know what his brother did to Kuya Shan. Inosente si Anniza sa nangyari sa nakaraan. Inosente ang asawa ko, Dad."

"Wala akong paki-alam kung inosente siya o wala siyang alam sa ginawa ng Kuya niya. Magkapatid pa rin silang dalawa ng lalaking iyon. Pareho silang manluluko kaya hindi ko siya matatanggap sa pamilyang ito." Sigaw ng kanyang ama.

"Hindi ko din siya matatanggap, Joshua. Kahit anong mangyari ay hindi ako makakapayag na maging parte siya ng pamilya natin. Hindi isang malandi at maduming babae ang hahayaan kung nanahid ng pangalan na iningatan namin ng ama mo."

Umiinit ang taingan ni Joshua ng marinig ang sinabi ng ina. Umakyat yata lahat ng dugo niya sa ulo ng dahil sa pagtawag nito kay Anniza. Kumawala siya sa pagkakahawak ni Patrick.

"Kaya mo ba siya pinagbuhatan ng kamay, Mommy? Kaya mo ba siya sinaktan?" May sumbat niyang tanong sa ina.

"Tama lang sa kanya iyon. Ipinagmalaki pa niya sa harap ko na asawa ka na niya at magkaka-anak pa kayo. Magkakaroon pa ako ng apo na isang bastardo ng dahil sa kanya. She deserves what I did to her."

Pinagdikit niya ang mga labi. Milyon-milyong karayum ang tumarak sa puso niya. Ganitong magulang ba talaga ang meron siya. Dumaloy ang mga luha sa pisngi niya.

"Bastardo? Kaya niyo ba siya pinatay dahil isang bastardo ang tingin niyo sa anak ko?"

"A-anong sabi mo?" gulat na tanong ng ama.

Tumingin siya sa kanyang ama. "Yes, Dad. My dear mother kills my own son. She kills her own grandchild and I can't forgive you from that."

Namutla ang kanyang magulang sa mga sinabi niya. He is hurt. Nasasaktan siya dahil sarili niya pang magulang ang magsasabi noon sa anak niya, na kung tutuusin ay apo ng mga ito ang batang dinadala ni Anniza. That unborn child comes from him. He is his blood and fresh. He can't accept that they treat him like a piece of trash that need to disposed.

Hinding-hindi niya mapapatawad ang mga ito.


Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C42
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen