App herunterladen
15.09% Wishing Girl 3: Pain 2 Forget / Chapter 8: CHAPTER SEVEN

Kapitel 8: CHAPTER SEVEN

    "HEY!" Sigaw ng mga kaibigan ni Joshua ng makalabas siya ng airport.

    Napa-iling na lang si Joshua ng makita si Liam at Patrick na nakatayo sa kotse ng huli. Lumapit siya sa mga ito at nag-brother handshake.

    "How's your vacation on Davao?" tanong ni Liam.

    Sinamaan niya ng tingin ang kaibigan. "Mission accomplishes." Sagot niya.

    Tumawa ang dalawang kaibigan. Kinuha sa kanya ni Liam ang dalang luggages at nilagay sa likod ng trunk. Sumakay naman siya sa passenger seat. Si Patrick ang nasa driver seat at si Liam naman sa passenger seat.

    "Nagkita kami ni Jackie kahapon sa Dark Club." Pagbabalita sa kanya ni Patrick.

    Bigla siyang naalarma sa sinabi nito. "Anong ginagawa niya doon?"

    "Don't worry binantayan ko siya. Kasama niya ang mga kaibigan niya pero hindi naman sila gaanong nagtagal doon. Nagka-usap na rin kami. Sinabi niya sa akin ay dapat ka daw tumupad sa pangako mo."

    Tumungo siya. "Tutuparin ko naman talaga. I won't bother her and her family again. Sapat na sa akin ang makita ang puntod ng mag-ina ko."

    Tumingin si Joshua sa labas ng kotse at pinanood ang mga iyon.

    "Babalik ka na ba ng MDHGC?" tanong ni Liam.

    Napatingin siya sa kaibigan. "Oo, dalawang linggo din akong wala. Siguradong tambak na ang trabaho ko at baka maging AWOL na ako sa trabaho ko."

    "Kahit naman mag-AWOL ka sa MDHGC ay wala pa rin problema. Anak ka ng isang share holder at pamangkin ka naman ng may-ari."

    "Hindi porket anak at pamangkin ako ng may mataas na posisyon sa kompanya ay pwede na akong gumawa ng kalukuhan. Wala akong balak na umalis sa trabaho ko ngayon. Nag-eenjoy pa ako maging HR staff ng MDH," aniya.

    Ngumisi at napa-iling na lang ang dalawang kaibigan.

    "Paano ang Wangzi? Wala ka bang balak na hawakan iyon."

    "May usapan naman kami ni Dad. Matagal pa bago ko hawakan ang Wangzi." Sumandal siya sa upuan.

    Hindi na nagsalita ang dalawang kaibigan. Alam ng mga ito na hindi magbabago ang desisyon niya patungkol sa paghawak sa Wangzi. It remains that way until the day his dad said. Walang pwedeng sumuway sa gusto ng kanyang ama. Lagi ito ang nasusunod ngunit hindi pagdating sa kanya.

    "Oo nga pala. Anong… Anong plano mo sa kanya?"

    Napatingin siya muli sa kaibigan. Nagtagpo ang mga mata nila ni Patrick. Ngumiti si Joshua at tinapik ang balikat nito bago muling tumingin sa labas ng sasakyan. It will be a good day for him.

    KAKABABA LANG ni Annie ng kanyang bag ng makita ang isang bagay na nakapatong sa kanyang mesa. Muling nagsalubong ang kilay niya. Mag-iisang buwan na rin kasi na tumigil ang secret admirer niya kaya nagtaka siya kung bakit mayroon ganoon sa table niya. Kinuha niya iyon at nakitang isa iyong key chain mula sa Malaysia.

    "Good morning, Annie."

    Napatingin sa kaliwang bahagi si Annie ng marinig ang boses na iyon. Napasinghap ang dalaga ng makita si Joshua na nakatayo at nakapatong ang isang braso sa cubicle ng opisina. He looks so handsome in his fresh look. Umikli ang buhok ng lalaki at nakataas iyon. May naglalarong ngiti sa labi nito. Nakita niyang muli dito ang dating Joshua. Iyong Joshua na nakilala niya noong unang araw niya sa kompanya.

    "Good morning." Wala sa sariling bati niya dito.

    Lalong nagningning ang mga mata ng binata. "Pasalubong ko nga pala sa inyo. Sana magustuhan mo." Itinuro nito ang hawak niya.

    Napatingin siya doon. "Ikaw ang naglagay nito?"

    Tumungo ang binata. Umalis ito sa pagkakatayo sa labas ng cubicle niya at lumapit sa kanya. Hindi nito inaalis ang mga tingin sa kanyang mga mata. Kaya naman napaatras na lang si Annie. Bumilis kasi bigla ang tibok ng puso niya at para na iyong lalabas sa loob ng kanyang katawan. 

    "Good to see you again, Annie." Itinaas ni Joshua ang isang kamay at ipinatong sa kanyang ulo.

    Isang hakbang na lang ang layo nito at nagwawala na ang brain cells niya. Yumuko si Joshua kaya halos maduling si Annie. What's happening to her? Bakit hindi niya matulak ang binata? Dati naman ay mabilis siyang nakaka-iwas dito.

    "Hope you miss me." Ngumiti si Joshua at ginulo ang buhok niya bago tumayo ng maayos at tinalikuran siya.

    Naiwan si Annie na nanlalaki ang mga mata sa ginawa nito. Napahawak siya sa buhok na hinawakan ng lalaki. Bigla tumigil ang mundo niya sa pag-ikot at tanging nakikita lang ay si Joshua. Napatingin siya sa table ng binata. Nagsisimula na itong magtrabaho. Doon lang parang natauhan si Anniza. The heck! Bakit siya nagkakaganoon sa simpleng hawak lang ng binata? Ano bang nangyayari sa kanya? Ilang linggo lang itong nawala at nagkakaganoon na siya dito.

    Napakurap si Annie at umupo sa kanyang upuan. 

    'Umayos ka Annie. Si Joshua lang iyan. Hindi ba at inis na inis sa diyan kaya ano iyang reaksyon mo?' Pangaral ni Anniza sa sarili.

    Pumikit ng mariin si Annie at huminga ng malalim. Kailangan niyang mag-focus sa trabaho. Marami pa siyang gagawin ng araw na iyon. Hindi dapat ang binata ang laman ng isipan niya. Those touch is nothing. Muling huminga ng malalim si Annie at sinimulan magtrabaho. She needs destruction to shake it off

    Nasa gitna na sila ng trabaho ng magsalita ang head ng kanilang department. Napatingin sila dito.

    "Guys, may farewell party tayo mamaya kaya kailangan nandoon ang lahat. I only have one week left here, so I want everyone to be there. No excuses, understand."

    "Yes." Sigaw nilang lahat.

    Umikot lang ang eyeball ng head nila at pumasok na sa loob ng opisina nito. Tumawa na lang si Annie sa katarayan ng head nila. Nang sumara ang pinto ng opisina ng head nila ay nagsisigaw sa tuwa ang mga kasamahan niya. Napangiti nalang siya. Sino ba kasing ang hindi sasaya? Wala na ang Maleficent ng kanilang department. Masyado kasing mataray at strikto ang head nila na iilan sa mga dating empleyado ang umalis ng dahil dito. Matira matibay ang peg nila sa department na iyon. Iisa siya sa tumagal dito. Well, kapag maayos naman kasi ang trabaho nila ay wala silang naririnig dito.

    Pagkatapos magsisigaw ng mga kasama niya ay balik trabaho na ulit sila. May isang linggo pa silang kasama ang mataray na head nila kaya kailangan pa nilang magtrabaho.

    "Sino kaya ang papalit kay Maleficent?" tanong ng isa nilang kasama ng magtanghalian sila sa cafeteria ng kompanya.

    "No idea at all," sabi ni Mae.

    "Sana naman hindi katulad ni Maleficent. Ayaw ko na ng head na kagaya niya at baka talagang ma-resign na ako ng wala sa oras."

    Napangiti si Annie. "Wala pa naman tayong naririnig. At saka, wala pang kinaka-usap si Ms. Sofia na isa sa atin para pumalit sa pwesto niya."

    Nakipagkibit balikat ang mga kasamahan niya.

    "Wait!"

    Sabay silang napatingin kay Kales ng magtaas ito ng kamay. 

    "I remember, noong nakaraang buwan tinawag ni Maleficent si Sir Joshua. Kung hindi ako nagkakamali, wala na tayo noon sa loob ng opisina ng tinawag siya. Matagal silang nag-usap dalawa."

    Nagsalubong ang kilay niya. "Sigurado ka?"

    Tumungo si Kales. "Lahat tayo noon ay nagmamadaling umuwi tapos nakasunod sa iyo si Sir Joshua, hinabol yata siya ni Ms. Sofia at sinabi na kakausapin siya. Nakita ko iyon dahil ako ang huling umalis ng opisina."

    "Kung ganon ay si Sir Joshua ang bago natin head?"

    "Wag ka munang magsalita ng ganyan, hindi pa natin alam kung talagang siya ang magiging head natin. Wala pang sinasabi mula sa itaas." Mataray na wika ni Annie.

    "Sinong magiging head natin?"

    Lahat sila ay nanlaki ang mga mata ng marinig ang boses na iyon. Sabay silang napatingin sa lalaki. Nakatayo si Joshua sa tabi niya at nakapatong ang dalawang kamay sa mesa. Nakatingin ito sa mga kaibigan niya at may ngiting naglalaro sa labi.

    "Sir Joshua." Banggit ni Kales sa pangalan nito.

    Lalong ngumiti ng malapad ang binata. Umayos ito ng tayo. "I heard my name. Sinasabi niyo bang ako ang magiging bagong head ng HR department."

    Namutla ang dalawa niyang kasama. Alam niyang hindi pwedeng pag-usapan sa loob ng kompanya ang mga Wang. Isa iyon sa mga rules dito. What you see and heard inside the company about the Wang shouldn't speak or talk about. Tikom lang dapat ang bibig nila. Kaya nga kahit marami ang nakakakita sa nangyaring eksena noong nakaraang buwan sa kay Joshua at sa babaeng nakasagutan nito ay hindi iyon kumalat sa buong building. Umikot si Joshua sa bakanteng upuan at umupo doon. 

    "Don't worry hindi ko kayo isusumbong sa management na pinag-uusapan niyo ako pero kailangan niyong aminin sa akin ang totoo."

    Nakita niyang sabay na napalunok ang mga kasama. Huminga ng malalim si Anniza at tumitig sa binata.

    "Yes. Kina-usap ka daw ng head natin. Kaya iniisip namin na ikaw ang papalit sa kanya."

    Bumaling ang tingin ni Joshua sa kanya. Wala siyang nababasang emosyon sa mukha nito. Nakipaglabanan ito ng tingin sa kanya. Bumilis ang tibok ng kanyang puso dahil sa ginawa ng binata. Siya na tuloy ang umiwas ng tingin.

    "Yap. Ako nga ang papalit kay Maleficent. Nag-usap na sila ng board at kinonsedera ang recommendation niya. Ang totoo niyan sa Monday magtuturn-over na siya sa akin kaya pareho na kaming magiging busy."

    Walang nagsalita kahit isa sa kanila. Pareho-pareho silang nagulat sa pag-amin nito. Tumaas ang isang sulok ng labi ni Joshua at sumandal sa upuan.

    "Akala ko ba iniisip niyo na ako ang papalit. Bakit nagulat pa rin kayo?"

    Napakurap siya dahil sa tanong nito. She clears her throat. "Hindi lang siguro naming inaasahan na aaminin mo sa amin. Congratulations sa promotion mo."

    Tumungo si Joshua. "Thank you, Annie."

    Nag-iwas siya ng tingin ng ngumiti ang binata. Hindi niya alam pero bumilis ang tibok ng kanyang puso. May kung anong bagay ang biglang gumulo sa sistema niya dahil lang sa ngiting iyon. She tried to eat and ignore Joshua's stares.

    "Sana hindi ka kasing strikto ni Maleficent, Sir Joshua," ani Kales.

    "Hindi naman ako kagaya niya. Let's make a good environment on our department. I want you to have fun."

    Isang ngiti ang sumilay sa labi ni Anniza sa narinig. Nakikita na niya ang magiging sitwasyon ng HR department kapag si Joshua na ang head nila. Kilala niya ang binata. Mahilig ito sa kalukuhan at sigurado iyon ang mangyayari sa department. Pero hindi ba nitong huling pagkikita nila ay parating seryuso ng binata. Sana naman ay hindi ito ganoon.

    "Sir Joshua."

    Lahat sila ay napatingin kay Mae ng tinawag nito ang lalaki

    "Yes."

    "Kung hindi po niyo sasamain. Saan kayo nagpunta nitong huling linggo na nawala kayo?"

    Nakita niyang nagbago ang bukas ng mukha ni Joshua dahil sa tanong na iyon ni Mae. May dumaan na lungkot sa mga mata nito pero mabilis iyon natago ng malanlinlang na ngiti.

    "Well, pumunta ako ng Malaysia para mag-unwild at umattend ng concert."

    Nagsalubong ang kilay ng dalawa niyang kasama. "Concert?"

    "Concert ng Blackpink."

    Muntik na silang mahulog sa kina-uupuan nila dahil sa sagot nito. Concert ng Blackpink? Seryuso ba ito.

    "K-Kilala niyo po sila?"

    Tumawa si Joshua. "Oo naman. Magaganda kaya ang Blackpink. At…." Tumingin sa kanya si Joshua. "…talented pa. Masaya ang concert nila sa Malaysia. Sobrang nag-enjoy ako. Subukan niyo minsan. Bilhin ko pa kayo ng concert nila. Sabay natin iwagay-way ang lightstick nila."

    Lahat sila ay napangiwi sa sinabi nito. Mukha ngang seryuso ito sa sinabi. Tumaas ng dalawang kilay ni Joshua habang nakatingin sa kanya. Ngumiti ng pilit si Annie dito.

    Bakit ang weird nito? She never imagine Joshua being a fan boy.

    "BAKIT nandito lahat ng mga ka-officemate mo?" tanong sa kanya ni Patrick ng lumapit siya sa bartender area.

    Lumingon muna siya sa mga katrabaho bago kinuha ang alak na bigay nito. "Dito pinili ni Malifecent. Wala akong nagawa dahil siya ang head namin."

    Narinig niyang bumuntong hininga si Patrick. "I will ask my security to check on your officemate. Wala naman dito ang grupo ni Brandon kaya pwede ka mag-relax."

    Tumungo siya sa kaibigan at muling uminum ng alak.

    "Okay ka lang?" tanong ni Patrick pagkalipas ng ilang sandali.

    "I'm fine. May iniisip lang. Pupunta ba ngayon si Liam?" pag-iiba niya ng usapan.

    "Pupunta daw siya. May sasabihin yata siya sa iyo tungkol kay Shan."

    "Anong tungkol sa pinsan ko?" Ipinatong niya ang braso sa mesa.

    Nagkibit balikat lang si Patrick. "Kilala mo naman si Liam. Hindi niya sasabihin sa akin kung ikaw ang gusto niyang ka-usapin."

    Tumungo na lang siya. "Well, hindi naman nagbago si Liam kahit na ilang taon na ang lumipas."

    "Sinabi mo pa. Snob pa rin. Buti nga at napunta sa kanya ang management ng kompanya ng magulang niya kahit na ganoon ang ugali ng isang iyon."

    Tumawa siya ng mahina. "Matalino naman si Liam. Gago lang talaga minsan."

    "Parang ikaw, hindi," aniya sa kaibigan.

    Nanlaki ang mga mata ni Patrick at binato siya ng ice. Tumawa lang siya at itinaas ang kamay, pinakita dito ang gitnang daliri.

    "Gago ka talaga, Joshua. Parehas lang tayo kaya nga magkakaibigan tayong tatlo."

    Tumawa si Joshua "Alam ko."

    Umiling lang si Patrick at muling ibinalik ang atensyon sa ginagawa. Naghahalo ng inumin si Patrick ng may lumapit dito na babae.

    "Boss ako na diyan," ani ng babae.

    Nagtaas siya ng tingin at nakita ang babae na ngayon ay nakatayo sa tabi ni Patrick. Napataas ang kilay niya ng makita ang ayos ng babae. Hindi kasi iyon ang uniform ng mga bartender o waitress doon. Masyado yatang balot ang babae kumpara sa mga nandoon. Tumikhim siya para kunin ang atensyon ng mga ito. Sabay na tumingin sa kanya ang dalawa.

    "Hi." Bati niya sa babae

    Nakita niya sa side ng kanyang mga mata ang pagtaas ng isang kilay ni Patrick. Gusto niyang ngumiti pero pinigilan niya ang sarili.

    "Do you need anything, sir?" tanong ng babae.

    "My I know your name?" He said in sweet tone.

    Naging seryuso bigla ang mukha ng kaibigan niya na lalo niyang nagustuhan. Tumaas naman ang kilay ng babae pagkatapos ay ngumiti sa kanya. Ipinatong nito ang dalawang braso sa mesa at inilapit ang mukha sa kanya.

    "I don't flirt with my boss friend."

    Mahina siyang tumawa sa sinabi ng babae. "I just want to know your name. May masama ba?"

    "My name is not for everyone. But you can call me Ocean." Inirapan siya ng babae at tinalikuran.

    Narinig niya ang mahinang pagtawa ng kaibigan kaya napatingin siya dito. Tumigil naman sa pagtawa si Patrick at tinaasan siya ng kilay. Nang hahamon ang mga mata nito.

    "Anong pangalan niya?" Itinuro niya ang babae.

    Sumeryuso ang kaibigan. "Not gonna tell you."

    Lumawak pa lalo ang pagkakangiti niya. "Possessive."   

    Sinamaan siya ng tingin ni Patrick. "Why don't you go to your girl? Wag mong guluhin ang staff ko." Tinalikuran na siya ni Patrick at sumunod kay Ocean na pumasok ng staff room.

    Napa-iling na lang si Joshua. Mukhang may kinababaliwan ngayon ang kaibigan niya. He wonders if that girl really name is Ocean. Sa uri ng trabaho ni Patrick ay siguradong nagtatago ito sa code name. Kinuha na lang ni Joshua ang isang baso ng alak na nandoon. Hindi naman siya makikita ni Patrick dahil siguradong busy na ito sa waitress nito.

    Hindi ininum ni Joshua ang hawak na alak. Bumalik na lang siya sa table nila ng mga katrabaho. Pagka-upo palang niya sa sofa ay agad niyang napansin ang mga kasama na nakahilig sa sofa. Lasing na agad ang mga ito gayong kakasimula pa lang ng gabi. Inikot ni Joshua ang mga mata sa paligid. Nagsalubong ang kilay niya ng hindi makita si Annie.

    Tinapik niya ang binti ng kasamahan na lalaki.

    "Al, nasaan si Mae at Annie?"

    Hindi sumagot si Albert. Umungol lang ito. Halatang lasing na lasing ang mga ito. What's wrong with them? Dumako ang kanyang mga mata sa mga bote ng alak na nasa mesa. Nanlaki ang kanyang mga mata ng makita ang isang basong pamilyar na pamilyar sa kanya. Dinampot niya iyon at inamoy.

    "Shit!" Mura niya ng mapag-alaman kung ano iyon.

    "Paano nagkaroon ng ganitong inumin sa table namin?" Iniikot niya ang paningin sa paligid.

    Nagsasayawan ang mga tao at nagkakasayahan sa loob ng club. Walang bakas na may nangyayari na namang dahas. Tumingin siya sa isang particular na mesa. Mesa ng mga lalaking hayop sa laman. Binalot ng kaba ang puso niya ng wala doon ang mga hayop. Tumayo si Joshua. Hinanap ng kanyang mga mata ang isa sa tauhan ni Patrick na nagbabantay din doon.

    Mabilis niya itong nakita. Lumapit siya dito at pasimpleng dinikitan.

    "Table 10. Pakibantayan naman. Ang alak na laging ginagamit ni Brandon ay nasa table namin. All my officemate drunk it. I will look for my officemate." Bulong niya.

    "I tell boss about what happen. Go. Ako na ang bahala sa table 10."

    Tumungo siya at lumayo na dito. Una niyang hinanap si Annie sa restroom ng club ngunit wala doon ang dalaga. Lalo siyang kinabahan dahil mukhang natarget ito ng grupo ni Brandon.

    'Bakit ba kasi iniwan ko sila?' gusto na niyang dukutan ang sarili.

    Sunod niyang hinanap sa dance floor si Annie ngunit wala doon ang dalaga. Paakyat na siya sa second floor ng may natanggap siyang mensahe sa kaibigan.

    'Second floor, VIP 3 room. Nandoon si Annie at Mae. Mabilis ko siyang na arbor kay Brandon.'

    Napahigpit ang hawak ni Joshua sa phone niya ng mabasa ang mensahe na iyon ng kaibigan. Talaga ngang natipuhan ito ng grupo ni Brandon. Wala talagang pinili ang mga gago. Mabilis siyang naglakad para mapuntahan agad si Annie sa kwarto na nandoon. Hindi na siya nag-abala pang mag-reply sa kaibigan. Pagkapasok niya sa kwarto ay agad niyang napansin si Annie at Mae na nakahiga sa malaking kama at nakatayo sa tabi ng kama si Ocean.

    "Sky is now on negotiation room with Brandon. Itakas mo na silang dalawa ngayon."

    Tumungo siya at mabilis na nilapitan si Annie. Nakapikit ang dalaga na siyang pinagtataka niya. Ang alam niya ay hindi ganoon ang epekto ng druga sa babae kapag naka-inum ito. Napatingin siya kay Ocean at binigyan ito ng nagtatanong na tingin.

    "I shot her with the medicine I created. Sa ngayon ay okay pa siya. May dalawang oras ka para ma-itakas sila. Kapag lumipas na ang dalawang oras ay mawawala ang epekto ng gamot at makakaramdam ulit sila ng init." Paliwanag ni Ocean.

    Tumungo siya at ibinalik ang tingin kay Annie. Napaka-amo ng mukha nito habang natutulog. Hindi niya masikmura kapag may nangyaring masama dito. Hindi siya makakapayag na sa pangalawang pagkakataon ay mawala sa buhay niya ang taong mahal niya.

    Maingat niyang binuhat si Annie pero bago nilisan ang kwartong iyon ay nilingon niya si Ocean.

    "Can you take care of Mae?" Hindi niya pwedeng isabay na itakas ang dalawang babae baka bago pa nila matakas ang mga ito ay mahuli na sila.

    Tumingin si Ocean kay Mae bago ibinalik sa kanya ang tingin. "I already called for back-up. You can leave her to me."

    Ngumiti siya sa babae. "Thank you."

    Tatalikuran na sana niya ang babae ng muli itong magsalita. "Used the back door. May naghihintay sa inyo na tauhan ni Boss. They will assist you."

    Tumungo siya. "Please! Tell Patrick thank you. I will pay him later."

    Hindi na nagsalita si Ocean. Mabilis na niyang nilisan ang club ni Patrick. Sinunod niya ang sinabi ni Ocean. Dumaan siya sa back door. Mabuti na lang at alam niya ang sekretong daan sa club ni Patrick kaya iyon ang ginamit niya. Kagaya nga ng sabi ni Ocean may nag-aabang na natauhan ni Patrick sa back door. Mabilis siyang naalalayan papunta sa kanyang kotse.

    Mabilis niyang mina-obra ang kotse niya paalis sa lugar na iyon. Mamaya na niya kakausapin si Patrick at pasalamatan sa ginawa nito. He owns his friend a big one.


Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C8
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen