App herunterladen
52.63% BITE ME MORE (FILIPINO NOVEL) COMPLETED / Chapter 10: CHAPTER 9

Kapitel 10: CHAPTER 9

AN: Dahil sa matagal akong hindi nakapag-update sasamantalahin ko na gumagana ang utak ko. Kaya maraming salamat sa mga naghihintay. 😊😍😘

------------------------------------------------------------------------

BONITA's P.O.V

Natakot ako dahil sa pagbabago ng itsura nang matandang kausap ko, at sobrang lakas niya ng hawakan niya ako sa braso ko.

"Ipakita mo sa akin kung gaano ka takot na takot sa akin," nakangisi na sambit nito malapit sa may leeg ko.

Naramdaman ko ang kilabot dahil sa hiningang dumampi sa balat ko, at hindi ko alam pero pakiramdam ko ayaw gumalaw ng katawan ko. Gusto kong magpupumiglas pero hindi ko magawa, anong nangyayari?

Hanggang sa maramdaman ko ang pagdampi ng masakit na bagay sa leeg ko at biglang kumawala sa lalamunan ko ang sigaw.

Napalayo ang lalaki at nanlalaki ang mata nito habang kapit ang dibdib niya. Natataranta naman ako at hindi ko malaman kung saan ako pupunta, habang hawak ko ang leeg ko nakalabas ako ng silid na 'yon at nagtatakbo ako palabas ng club.

"Ang sakit!" sambit ko habang naglalakad ako. Pero mayamaya'y unti-unting nawala ang ang sakit na pinagtataka ko. Sandali? Bakit hindi na masakit? At bakit sa tuwing may kakagat sa akin nagkakagano'n sila?

Isip ko habang naglalakad kung saan dahi hindi ko alam ngayon kung saan na ako tutungo. Wala na akong mapupuntahan ngayon at isa pa wala akong pera kahit isang kusing, yoko ng bumalik sa doon sa club ni Dexter dahil kung anu-ano ang nakikita ko doon.

"Hi, miss! Wanna join with us?"

Natigil naman ako sa paglalakad dahil sa tatlong lalaki sa harapan ko na hindi ko namalayan, dahil sa kung saan-saan tumatakbo ang isipan ko.

"Ha? H-hindi po, kayo na lang." nauutal na sagot ko dahil amoy alak siya. Kumilos naman ang paa ko at nagtatakbo palayo sa kanila.

Nalingunan ko pa na hinabol nila akong tatlo. Jusko po lord, ayokong pagsamantalahan nila ako ang papanget at ang baho pa naman nila. Dasal ko habang tumatakbo, pumasok naman ako sa nakita kong eskinita at doon nagtago sa mga sirang playwood. Nakahinga ako ng maluwag nang makita ko na lumagpas na sila sa akin.

"Nagugutom na talaga ako," mahinang sambit ko at napahawak ako sa tiyan ko. Muli akong naglakad ng maramdaman ko na parang may sumusunod sa akin.

"Bonita!"

"Bampira! Este! Dexter ikaw pala!" napapakamot na salita ko dahil sa gulat ko.

"Bampira? Sino?" Takang tanong nito sa akin.

"Ikaw, hindi 'yung humahabol sa akin mukhang bampira." natatawang sagot ko. Ano ba yan puro bampira na laman ng isip ko. Saway ko sa sarili ko.

"Ok, halika na at bumalik na tayo. Mabuti at nakita kita, delikado ang magpagala-gala ang magandang tulad mo dito sa madilim na lugar." seryosong salita niya.

"Ha? O-Oo nga eh, s-sige tara na." sagot ko na lang dahil no choice na nagugutom na talaga ako.

Sinama akong ulit ni Dexter sa club, pagpasok namin doon ang daming tao na at karamihan 'ay lasing na. Napapangiti na lang ako sa mga nakikita ko dahil ang saya-saya nila. Tapos 'yung nagsasayaw sa stage, napapikit ako. Ang sexy ng babae halos makita na ang tinatago niya grabe naman, kaya ko kaya yon?

"Bonita, sasayawa ka na mamaya."

Napanganga naman ako sa sinabi ni Dexter sa akin at matagal bago ako nakasagot dahil sa bigla.

-------

Hala? Ito ang isusuot ko? Mas malala pa ata ito sa doon sa suot ng babae kanina na nagsasayaw. Kasi kanina suot ng babae sirang short o sinadya na sirain tapos punit rin ang hanging blouse na nito na itim. Ngayon sa akin isang pares ng itim na bra na ang taas ng sobra kaya kita ang singit ko talaga, tapos kinulang ang tela sa matambok ko na puwet.

"Ok na, Bonita? Alam mo huwag ka na ngang maarte diyan, malay mo magkaroon ka ng maraming pera dito. Lalo na at bago lang," salita nitong masungit na babae kanina.

"Aa.. Oo nga eh, malamang marami akong pera nito." naatawang sagot ko na lang at nagpunta na ako sa likof ng stage.

Grabe ang tibok ng puso ko sobrang bilis at nanlalamig ang mga kamay ko, first time ko sasayaw na puro lalaki ang manonood. Kahit pa sanay ako nakakailang kasi lalaki lahat karamihan, kahit pa marami akong nakitang mga gwapo.

Nagsimula ng tumugtog ang musika, wala itong kahit na anong words at hindi ko alam kung ano'ng musika ito, pero ang intense niyang pakinggan. Yung malamyos lang na parang nang-aakit ka.

Lumakad na ako sa gitna habang medyo madilim, may liwanag naman siya kahit paano 'yung sakto lang para makita mo ang mukha ng mga manonood. Tahimik ang lahat ng magsimulang gumalaw ang malambot ko na bewang, pababa at pataas. Dahan-dahan ko rin ginagalaw ang balakang ko kasabay ng kamay ko.

Nagsayaw lang ako na ayon sa musika, nakarinig ako ng sunod-sunod na palakpakan kaya naman napangiti ako. Pero bigla ako'ng nakaramdam na parang may nagmamasid sa akin.

Matapos kong sumayaw ang daming nagsigawan at ingay ng mga kubyertos sa baso. Lumibot ang paningin ko sa kabuuan ng club nakita ko ang bawat ngiti at paghanga ng mga lalaki. Hanggang nagulat na lang ako may lalaki sa harapan ko at walang iba kung hindi si Rius! Ang totoong bampira!

Pagmulat ko ng mata ko na sa labas na kami at sa taas ng b-building? Para akong masusuka dahil sobrang taas namin. Pero nawala ang takot ko ng makita ko ang buong paligid na kumikinang dahil sa mga ilaw mula sa mga bahay at mga sasakyan. Ang ganda sobra! Sandali bakit siya nandito?

"Bakit ka pala nandito? Tumakas na nga ako doon sinundan mo pa ako," kunwaring inis na salita ko.

"Hindi ka puwedeng mawala sa paningin ko at sa tabi ko." sagot niya naman sa malamig na boses.

Ewan pero para akong tanga na napapangiti dahil sa sinabi niya, siguro type niya ako kaya hinanap talaga ako. Ayiieee, ikaw ha Rius. Kinikilig na isip ko.

"Your crazy, Tss."

Narinig ko na palatak niya, oo nga pala nababasa niya ang na sa isipan ko dahil nga bampira siya.

"Fine! Teka nga, ibalik mo na ako doon. Di naman ako sasama ulit doon sa mga puro bampira, mamaya kainin niyo ako'ng lahat." salita ko na napapangiwi.

"Walang magbabalak na kumain sa'yo, mahal pa nila buhay nila."

Natawa naman ako sa sagot niya. "Marunong ka palang magbiro?" nakakalokong salita ko.

Hindi naman siya sumagot kaya kinabahan tuloy ako dahil naging seryoso siya bigla.

"Hindi ka na babalik doon sasama ka sa akin ngayon." sagot lang nito.

Nagulat na lang ako ng mabilis na kinabig niya ako at nakaalis kami ng ganon lang kadili sa builiding na pinagdalhan niya sa akin. Parang pumukit lang ako tapos ngayon na sa kalsada na kami.

"Ito ang pera, kumuha ka ng bahay at kapag nakakuha ka na tawagan mo ako sa number na 'yan."

Halos manlaki ang mata ko dahil sa pera na nilagay niya sa kamay ko kasama ang isang calling card. Ang laki ng pera na 'to puro tag-iisang libo, teka bakit kailangan akong kumuha ng bahay? Tapos tatawagan ko siya, baka mamaya ano gawin niya sa akin baka ano... Anuhin niya ako...

Hindi ko namalayan na wala pala siya harap ko. Nagpalinga-linga ako sa daan pero wala na talaga siya, lumakad na lang ako at naghanap ng makakainan dahil nagugutom na talaga ako. Malaki naman 'tong pera malamang may sobra pa ito.

-------------


Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C10
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen