App herunterladen
8.88% Alice In The Mafia World / Chapter 4: Chapter 2

Kapitel 4: Chapter 2

Sorry for the typos and grammatical errors. Enjoy reading!

••••••

Chapter 2

"Ihahatid na kita." sabi niya ng ipinark ang kotse sa parking lot ng school.

Kinunutan ko siya ng noo.

"Ng ganyan ang ayos mo? No way! Baka isipin ng mga studyante dito may kasama akong baliw."sabi ko at aakmang lalabas sa kotse niya nang pinigalan niya ako.

"T-Teka lang magbibihis lang ako." napairap ako at sumandal habang nakatingin sa kanya.

May kinuha siya sports bag sa back seat at kumuha ng isang plain white V-neck shirt.

Umiwas ako ng tingin ng bigla siyang nag-hubad sa aking harapan ng kanyang gusot na t-shirt.

"Tara na." sabi niya pagkatapos magbihis. Nauna akong lumabas at sumunod naman siya na nakasuot ng shade.

Lumapit siya sa akin at pinadausdos ang ang kamay niya sa beywang ko kaya siniko ko na naman siya.

"Lumayo ka nga." irap ko sa kanya.

Buong akala nga kaklase ko boyfriend ko tong gagong to dahil hinahatid niya ako minsan sa classroom, minsan naman ay susunduin kahit alam niyang may dala akong kotse.

"Hayaan mo nalang kaya ako." sabi niya na nakangisi.

Lumibot ang mata ko sa paligid. Nasa amin ang atensyon ng mga studyante!

"Sa susunod wag ka ng pumunta dito. Nakakahiya." nakayuko kong sabi na may halong diin.

"Nah! Baka may lalapit sayo ng mga lalaki." iling niyang sabi.

Anong kinalaman ng mga lalaki sa pagtataboy ko sa kanya? Hibang.

"Bahala ka sa buhay mo, Boss. Nahihibang ka na naman." inis kong sabi at naunang maglakad.

Rinig ko ang pagtawag niya sa akin pero diko siya pinansin. Nakakairita ang presensiya ng gago. Nakarating kami sa classroom ko and as usual nagtilian na naman ang mga kaklase ko dahil sa kasama ko.

"Waahh! SABYEEEERR." sigaw ng kaibigan ni Nilo na bakla.

Ultimate crush nya daw kasi si Boss. Oo gwapo si Boss pero baliw at gago nga lang.

Ningitian niya si Nilo kaya ayun halos himatayin ang bakla pati rin ang ibang kaklase namin kinilig at natatawa.

"Umalis ka na nga."patataboy ko.

Ngumuso naman siya. "Goodbye kiss ko." nguso niyang sabi.

What the heck? He's crazy! Sinamaan ko siya ng tingin.

"Goodbye suntok baka gusto mo?" sabi ko at ipinakita ang kamao ko.

Tumuwid siya ng tayo. Ngumisi siya ng biglang nag sigawan ang mga kaklase ko ng 'kiss'. Nilingon ko sila at sinamaan ng tingin. Kayo suntukin ko eh. Pero hindi sila nasindak sa masamang tingin ko patuloy parin sila sa pag sigaw ng 'kiss'.

Binalingan ko muli si Boss na siyang malaking pagkakamali ko. Dahil mabilis niyang naangkin ang aking labi.

Nanlalaki ang mata kong nakatitig sa kanya na nakapikit at nakangisi. Hindi ako nakagalaw sa pagkagulat. Nanlalambot ang tuhod mo at ang bilis ng tibok ng puso ko.

Rinig ko ang hiyawan at tilian ng mga kaklase ko. Shit.

Kinagat niya ang ibabang labi ko kaya agad ko siyang itinulak at naghahabol ng hininga.

"Putang ina mo!" diko napigilang sigawan siya.

Kita kong hindi niya pinag sisihan ang ginawa niya. Nakangisi lang siya at nakataas ang kilay na parang tuwa-tuwa.

"WAG NG MAHIYA SANAY NA KAMI. PERO IBA NGAYON SA LIPS NA!" sigaw ng isa kong kaklase.

"Manahimik kayo!" sigaw ko pero tumawa lang sila.

"Huwag itago ang kilig!"

Sa cheeks niya kasi ako hinahalikan tuwing magpapaalam siya pagkatapos nya akong maihatid sa classroom ko.

Pero ang gago nag evolve! Sa labi niya ako hinalikan! He's damn now my first kiss! Peste siya hindi ko tanggap! Hindi ko tanggap na ang baliw kong Boss ang first kiss ko! Damn him!

"Oh come on. Lagi naman kita hinahalikan sa labi ah." natatawang sabi niya at lumapit sa akin.

Tatama na sana ang kamao ko sa mukha niya kung hindi niya lang mabilis na nahawakan. At anong lagi ang pinagsasabi niya? Bwesit siya!

"Anong lagi!?" galit kong tanong.

Di niya parin binitawan ang kamay ko pero binaba niya iyon.

"Lagi kaya kitang hinahalikan sa labi tuwing tabi tayong matulog." inosenteng sabi niya.

Muling magtilian ang mga kaklase ko.

"Hindi daw boyfriend pero magkatabi sa pagtaulog!" pang-aasar nila.

"What the fuck!?" di makapaniwala kong sabi.

"Good bye na usap nalang tayo pag uwi mo. Susunduin kita mamaya. Pupuntahan ko lang si Yanna. Bye future." mabilis nya akong hinalikan sa labi at tumakbo.

"PAPATAYIN TALAGA KITANG GAGO KA!" sigaw ko sa papalayong gago.

Padabog akong umupo sa upuan ko at humupa na din ang panunukso nila.

"Oh anyare? Ang sweet talaga ng boyfriend mo." natatawang sabi ng kaibigan kong si Armen na seatmate at kaibigan ko.

"Hindi ko nga yun boyfriend." pagtatama ko sa sinabi niya. " And please remind me after class that I'll kill that jerk!" inis kong sabi.

"Ay sus! Hinahalikan ka nga niya tuwing hinahatid ka pero iba ngayon ha dahil sa lips niya. Ang landi ng boyfriend mo." kinikilig at nanunukso niyang sabi at hindi pinansin ang huli kong sinabi.

"Gagong yun papatayin ko talaga yun mamaya." inis kong sabi.

"Pero aminin kinilig ka. Namumula ka pa nga eh." sinundot-sundot ni Armen ang tagiliran ko.

Kung di ko lang to kaibigan baka pinaglamayan na'to.

"Namumula ako sa galit hindi sa kilig." irap ko. Bwesit.

Magsasalita pa sana siya pero dumating na ang prof namin.

Nagdiscuss lang siya at magbigay ng quiz yun din ang ginawa ng sumunod na mga prof namin.

"Alice, gusto mo bang hintayin kita para sabay na tayong lumabas?" tanong ni Ar Men.

Dissmisal na kaya nagligpitan na kami ng mga gamit.

Umiling ako. "Mauna ka nalang. Pupunta pa kasi ako ng Faculty para ipasa ang mga reports ko." sabi ko habang inaayos ang ipapasa kong report na nasa folders.

"Naks sipag talaga ng kaibigan ko. Oh sige. Una na ako baka nandoon na ang sundo ko. Kita nalang tayo bukas." sabi nita at nagpaalam.

"Ingat ka."

Pagkatapos kong inayos ang mga report ko agad akong lumabas sa classroom at nagtungo sa kabilang building kung saan ang faculty room.

Kaunti nalang ang mga studyante dahil 6 na ng gabi. Habang naglalakad ako sa hallway at may biglang tumawag sa akin kaya napalingon ako sa likod.

"Hi Alice." nakangiting sabi ni Tred.

Siya ang nanligaw sa akin noon. Mabait naman siya at gwapo kaso wala sa kanya ang hinahanap ko sa isang lalaki. Kaya hindi ko sinagot. Okay lang naman siya sa desisyon ko at sana maging magkaibigan atleast kami kaya pumayag ako.

"Hello." sabi ko at nagpatuloy sa paglakad.

Nasa gilid ko siya at sinabayan ako sa paglalakad.

"Saan punta mo?"tanong niya.

"Sa faculty. Ihahatid ko lang 'tong mga report ko bago umuwi.." sabay pakita ko sa kanya sa kamay kong may hawak ng tatlong folder.

Tumango siya. "Ah.. samahan na kita. Kung pwede?" nahihiyang tanong niya.

I smiled because he's really cute.

Sasagot na sana ako ng bigla kong narinig ang pamilyar na boses. Gago.

"Hindi pwede." sabay namin siyang nilingon ni Tred.

Walang emosyon ang mukha niya habang nakatitig kay Tred. Pero ang mga mata niya ay mariin at may kakaibang emosyon. Gumalaw ang kanyang panga tila nagpipigil.

Kumunot ang noo ko. Galit ba siya? Anong problema niya?

"Who are you?" takang tanong ni Tred.

"Asawa ng taong kasama mo." laglag ang panga ko sa walang kurap niyang sagot.

Nakita kong tulala sa pagkagulat si Tred sa sinabi ni Boss.

What the— ano bang pinagsasabi ng isang to!?

Aalma na sana ako at sabihin kay Tred na hindi yun totoo pero agad nahapit ng gago ang beywang ko at siniil ako ng halik.

"I miss you, babe." ngising sabi ng gago nang humiwalay ang mga labi namin.

Gusto siyang suntukin ng pauli-ulit sa labi niyang makasalanan! Isa talaga siyang PUTANG INANG GAGONG KUNEHONG MANLILINLANG dahil naniwala si Tred sa kanya.

Ngumiti ito sa akin ng pilit.

"Kaya pala di mo ako sinagot noong niligawan kita. May asawa ka na pala sana sinabi mo nalang." may halog inis, tampo, galit at lungkot sa sinabi niya at mabilis umalis.

Shit! Mabilis dumapo ang kamao ko sa pisngi ng gago!

"Papatayin kita! Bwesit ka! Ano bang pumasok sa kukute mo!? Kaninang umaga ka pa ah! Alam mk bang nakakainis ka na?!" galit kong sigaw.

Napupuyos ako galit. Matalim ko siyang tinitigan bago pinulot ang tatlong folder na nabitawan ko kanina.

Tumayo siya at hinigitan ang matatalim kong tingin.

"You punch me huh. You punch your fucking Boss! I'm you boss, Alive. Baka nakalimutan mo?" he gritted his teeth.

"I know! But you don't have to do that!" galit kong saad sa kanya bago siya iniwan doon.

Imbis na ako mismo ang magbibigay ng report ko ay inutos ko nalang iyon sa isang studyante na nakasabay ko papuntang faculty.

Mabibigat ang hininga ko ng makapasok sa kotse niya. Gago siya! Ginagalit niya talaga ako.

Nakita ko siyang naglalakad patungo dito sa sasakyan habang hinihimas ang kanyang panga at pisngi kung saan ko siya nasuntok.

Sinundan ko lang siya ng tingin habang seryosong naglalakad hanggang sa makaupo sa driver's seag. Isinarado niya ng sobrang lakas ang pinto ng driver's seat bago niya ako mariing tiningnan.

Wala akong nakitang kahit emosyon sa kanyang mata. Parang biglang nagtindigan ang balahibo ko sa batok dahil sa kakaibang titig niya pero di ako nagpahalata. Kasalanan niya kung bakit ko siya nasuntok.

Dapat ako lang ang galit ngayon. Bwesit siya. Wala siyang karapatang gawin iyon.

"U-Umalis na tayo." sabi ko at nag-iwas ng tingin sa kanya.

Tumingin nalang ako sa labas ng bintana kahit dilim lang naman ang nakikita ko. Pero nararamdaman ko parin ang titig niya.

"Sinuntok mo ako dahil sa lalaking 'yon?" may diing sabi niya sa napakalamig na boses.

Pigil hininga ang ginawa ko dahil ito ang unang beses na narinig ko ang ganitong klase ng boses niya. Ito ang unang beses na natakot sa kanya ng ganito. Parang kahit nakatalikod ka ramdam mong mawawalan ka ng hininga dahil sa mga titig niya.

Titig na ngayon ko lang nakita at naramdaman. Titig ng isang demonyo. Damn it. He's a demon after all. A fucking gorgeous demon.

Ang why am I praising him? I'm mad at him. Tss.

Lumunok ako ng ilang beses bago lumingin at matapang na sinalubong ang titig niya. Bigla nalang nanlambot ang tuhod ko at nagpapasalamat akong nakaupo ko dahil kung hindi baka natumba na ako.

"Hindi si Tred ang dahilan kung bakit kita sinuntok. Yung sinabi mo ang dahilan." matapang na boses kong sabi.

Sarcastic siyang ngumisi.

"Bakit? Pareho lang yun. Dahil ayaw mong marinig ng manliligaw mong yun ang sinabi ko diba?" he said while clenching his jaw. Gusto kong umiwas ng tingin dahil parang hinihigop ako ng mga titig niya.

Kinakabahan ako. Kaba na ngayon ko lang naramdaman. Hindi ako nagsalita dahil biglang umurong ang dila ko. Tila naging blanko ang utak ko.

Napaigtad ako ng bigla siyang sumigaw. "Sagutin mo ako, Alice!" napahampas siya mainbela.

"OO! Masaya kana? Ayokong marinig ni Tred yun dahil kasinungalingan lang naman yun! Tapos hinalikan mo pa ako sa harap niya! Sa harap ng mga kaklase ko! Gago ka talaga! Baka maniwala yung tao sa kasinungalingang pinagsasabi mo!" nakakuyom ako dahil naghahalo halo ang nararamdaman ko.

Nakita ko ang paglabas ng ugat sa braso niya dahil sa matinding galit na diko alam kung anong dahilan. Dahil kung sa suntok lang yun wala yun para sa kanya. Alam kong may iba pang dahilan ang galit niya hindi lang dahil sa pagsuntok ko sa kanya.

"Fuck!" sinabunutan niya ang buhok niya at mura ng mura.

Mabilis kong hinablot ang kamay niya dahil patuloy parin niyang sinasabunutan ang sarili niya.

"Gusto mo bang makalbo!? Sabihin mo lang dahil ako mismo ang kakalbo sayo! Stop pulling your hair, Boss!" sigaw ko habang mas lalong hinigpitan ang paghawak sa dalawang kamay niya na pilit paring inaabot ang buhok hanggang sa tumigil siya.

Pagod niya akong nilingon. "Manhid ka talaga kahit kailan ano?" paos niyang sabi at mapupungay na ang kanyang mga matang nakatitig sa akin.

Taka ko siyang tiningnan.

"Ano bang pinagsasabi mo?" taka kong tanong.

Nag-iwas siya ng tingin. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa ideyang pumasok sa isip ko. No, hindi dapat.

Hindi siya sumagot. Binawi niya ang kamay niya sakin at walang sabi sabing pinaandar ang kotse ng mabilis kaya napamura ako. Nasagi pa ang trash can na nasa parking lot ng school kaya napamura ako. Dere-deretso lang ang pagmamaneho niya ng mabilis paglabas ng school. Malalakas na busina ang ginawa ng mga ibang kotse dahil sa mabilis niya pagpapatakbo ng kotse.

"Boss! Ihinto mo ang kotse!" utos ko dahil ang bilis ng takbo ng kotse niya at nag oovertake na siya.

Pero hindi niya ako pinakinggan. Tuloy-tuloy parin ang takbo ng kotse niya.

"Fuck! Baka mabangga tayo!" takot kong sigaw.

Napasinghap ko ng nakita ko ang pag red ng traffic light hudyat na stop pero mabinilisan niya parin ang pagpapatakbo hanggang sa malampasan namin at nakatawid sa kabilang kalsada.

Nanginginig ako sa takot at galit. Nahihirapan akong huminga dahil sa kabang naramdaman ko kanina. Halos nawalan ng lakas ang kamay kong nakahawak sa strap ng seatbelt ko kanina.

Hindi ko namalayang humihikbi na pala ako dahil sa takot.

"S-Stop the car." nanghihina kong sabi.

Pagdating sa trabaho ko mabilis akong mag maneho pero lagi akong nag-iingat sa bawat madadaan ko. I'm not a reckless driver. Kaya malinis palagi ang trabaho ko dahil masyado akong maingat lalo na sa pagmamaneho ng mabilis.

Hindi kagaya ni Boss na halos hinahabol na ako ng kaluluwa ko sa sobrang bilis ng kanyang pagmamaneho. Para kang unti-unting pinapatay sa kaba. Mas pipiliin ko pang mabaril kaysa maranasan ang naranasan ko kanina sa kotse.

Unti-unting bumagal ang takbo ng kotse at itinabi sa gilid ng madilim daan na.

Mabilis ako bumaba at agad na upo sa lupa dahil hindi ko magawang ihakbang ang paa ko dahil sa panginginig. Isinusob ko ang mukha ko sa tuhod ko at doon umiyak dahil sa takot. Sinandal ko ang likod sa pinto ng passenger seat na nanatiling nakabukas.

"Hey," mahinahong tawag saakin ng gago. Pilit niya hinahawakan paa ko pero iniiwas ko.

"L-Lumayo ka sa akin. Kung gusto mong magpakamatay huwag mo akong idamay!" pumiyok ang boses ko.

Naramdaman kong umupo siya sa harapan ko at pilit inaangat ang ulo ko pero pinipigalan ko.

"I'm sorry..." hinawakan niya ang braso ko na mabilis ko namang hinawi.

"L-Lumayo ka sa akin. Papatayin mo ako." umiiyak kong sabi.

Isa siyang gago! Papatayin niya ako! Tangina.

Sa huli ay napaangat niya ang ulo ko at mabilis niyang hinawakan ang magkabilang pisngi ko.

Kita ko ang pag-aalala sa mukka niya.

"I'm sorry. I'm just mad." sincere niyang sabi.

Iniwas ko ang mata ko sa mata niya. Deretso ang tingin ko sa lupa.

"I'm really sorry. Don't cry." pinunasan niyang naglalandasan kong luha gamit ang hinlalaki niya.

"You scared the shit of me!"

Ngayon niya lang ulit yata ako nakitang umiyak. Ang huling pag-iyak ko ay noong una naming pagkikita.

"I know and I'm really sorry. Please don't cry, Alice. Nasasaktan ako pag nakikita kitang umiiyak, alam mo ba yun?" sabi niya. Medyo nagulat ako sa huling sinabi niya pero hindi ko nalang pinansin.

"Muntik na akong mamatay sa takot. Ano ba talaga ang problema mo? Alam kong hindi lang yun dahil sa suntok, may iba ka pang dahilan eh." inis kong sabi.

Inayos niya ang nakaharang na buhok sa mukha ko at inilagay sa likod ng akong tenga.

May bigla na naman akong kakaibang naramdaman. Agad ko itong iwinaksi dahil alam kong pareho kaming mapapahamak.

"Gusto mo ba talagang malaman ang ibang dahilan ko?" tanong niya habang inaalalayan akong tumayo at pinaupo sa passenger seat.

Tumango ako bilang sagot. Bahagya siyang yumuko para magpantay ang mukha namin.

Hindi ko mapigilang mapatitig sa kanyang mata kahit madilim kita ko parin ang kulay nito na brown. Matang puno na ng emosyon hindi kagaya kanina na blanko.

"I'm jealous. Damn fucking jealous, Alice. Nagseselos ako sa manliligawng panget mong yun pero masaya akong binasted mo siya. Dahil ang kagandahan mo lang ang nababagay sa kagwapuhan ko. Pero kahit kailan ang manhid mo. Ang kagwapuhan ko na nga ang nagbibigay motibo sa mga kilos at salita ko pero talagang ang manhid mo. Hindi mo ba nahahalata kong bakit sinusunod ko ang utos mo? Damn bakla mang pakinggan pero handa akong sundin ang lahat ng iutos mo dahil sa ating dalawa ikaw ang Boss ko. At isa pa hindi ko kayang patayin ang buhay ko. Mahal kita Alice pero masyado kang manhid." natulala ako sa sinabi niya.

"What the hell?"


Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C4
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen