Tahimik lang na nakatingin si Margareth sa stage kung nasaan si Norbert na nagbibigay ng kaonting speech para sa mga guest ng bigla may mga umupo sa tabi nya. Nagtaka sya dahil hindi naman nya kilala ang mga ito.
Hinayaan na lang nya at hindi na pinansin pa ang mga kasama nya sa table kahit na nagbubulung-bulungan ang mga ito.
"Tama nga ang hinala ko." Sambit ng isang lalaki. Common ang mukha ng lalaki sakanya pero hindi nya matandaan kung saan nya ito nakita.
"Ang tinik talaga ng isang yun." Humalakhak ang isang lalaki. May feature ito na parang isang kastila. Matangos rin ang ilong at ang kulay ng balat ay medyo mereno na syang nagpapatingkad sa anyo nitong parang isang kastila.
"Sinabi mo pa." sambit naman ng isa pang lalaki. She remember this guys. Sy yung lalaking humingi ng tulong kay Norbert para bilhin ang ibang stocks ng kumpanya nila para hindi iyon malugi at bumagsak.
Lumingon na sya sa mga lalaki at agad na inilahad ng isang lalaki ang kamay nya at nagpakilala. Pinagtaasan nya lang ng kilay ito.
"I'm Jed Luiz de Vera." Pagpapakilala nito pero hindi kinuha ni Margaret hang nakalahad na kamay nito para makipagkamayan. Mas pinili nyang maging suplada dahil baka makita sya ni Norbert na nakikipag-usap at magkagulo pa. Knowing Norbert Santiago, possessive beast.
"Wooh! Wait! Hindi mo ba ako natatandaan? Kami?" he said in surprised.
"No." she answered. Kumunot ang noon g isang lalaki.
"I'm Ian Jude Samaniego, maybe you can recognize me," ngumisi ito pero gaya ng ginawa nya sa isang lalaki ay pinagtaasan nya lang ito ng kilay. Suplada na kung suplada pero ito ang dapat nyang gawin dahil baka nakatingin nap ala si Norbert sakanya at mag-init ang ulo nito bigla.
"Mga gung-gong kayo. You're hitting my girl!" nagulat sya ng may umakbay sakanya at iyon ay si Norbert.
"No we're not." Chorus nilang sinabing tatlo. They laughed in chorus also pero natigil sila dahil sa seryosong tingin sakanila ni Norbert. Maling kalabanin ang isang Norbert Santiago dahil tingin palang nito ay manginginig kana what more pa kaya kung may ginawa na sya. He's so dangerous that might your life will be gone just a blink of an eye.
"Okay. We're just checking kung sya nga ba yung napapabalitang you know? Kinaadikan mo." Sambit nung isang lalaking may kastilang features.
"So?" Norbert said in a serious tone.
"Can you just calm down. We're not hitting your girl." Jed said. Humalakhak ang tatlong lalaki at kasabay nun ay ang paglagok ng isang lalaki ng alak na nasa champagne glass.
"Then, why are you here? I did'nt invite you here."
Nagtawanan na nga talaga sila dahil sa pagiging possessive ng isang Norbert Santiago. Really? He's so cruel kahit sa mga kaibigan nya.
"We're so bored kaya naispan naming na pumunta dito and besides you have a surpised at hinihintay naming na gawin mo yun. You know? Tignan lang naming kung paano magpakilig ang isang womanizer." Si Jed.
"Surprise? What surpise?" Sumali na si Margareth dahil naguguluhan na sya sa mga sinasabi ng apat na lalaking nasa harap nya. They are so gourgeous at hindi mo mahahanapan ng kapintasan ang apat sakanila pero higit na mas lamang sa mga mata ni Margareth si Norbert.
She smile widely pero masamang tingin lang ang ibinigay sakanya ni Norbert. He'to na naman si Norbert sa pagiging seloso nya. She holds his hands para kumalma ito ayt nagawa naman nya.
"Leave us here. Humanap kayo ng mauupuan nyo." Seryoso pa ring sambit nito.
"You're so rude." Sambit ni Jed sabay halakhak nito.
"Yes I am."
"Okay fine. Possessive womanizer." Pang-aasar ni Ian. They leave the table at lumipat kasama ang mga nag gagandahang employees ng SCFC na nakatingin sakanila kanina pa.
"Bakit ka nakangiti?" Hindi maiwasang ngumiti ni Margareth dahil sa nangyari. Kahit na medyo hindi maganda ang ugali ng isang Norbert Santiago ay nagawa pa rin nilang magbiro. She knows na magkaibigan ang apat at kasama na doon si Axel.
"Nothing." She answered.
"You like them?" seryosong sambit ni Norbert na umupo sa tabi nga at inakbayan sya.
"No. I'm just happy na kahit na ganyan ang ugali mo may kaibigan ka rin pala." Humalakhak si Margareth sabay pisil sa pisngi Norbert na nakasimangot pa rin.
"You think na gusto ko sila? Bakit andito pa rin ako kung gusto ko sila. Ikaw ang gusto ko, no, Mahal pala. Mahal na mahal. So, stop being so possessive and stubborn, Baby." Hinalikan sya ni Norbert ng biglang nagdilim ang paligid. Nagulat sya dahil doon. Kinakabahan bigla sya ng maramdaman nyang hindi na nya katabi si Norbert.
Biglang umilaw ang stage at andun nakatayo si Norbert at may hawak na mike.
"It's another milestone to us on closing the multi-billionaire deal. Hindi mangyayari ito kung wala ang mga employee kong walang pagod sa pagtatrabaho dahil dyan bukas na bukas makukuha nyo na ang bonus nyo." Nagtawanan ang mga tao at nagsigawan naman ang iba na empleyado ng SCFC kahit na madili ang paligid nila.
"I'm gratefull also na nakadalo ang mga kaaway ko sa business." Nagtawanan ulit sila dahil sa biro ni Norbert. Napangiti nalang si Margareth dahil sa nakikita nyang ngiti sa labi ni Norbert.
"And also too my very special someone...Thank you." Tumingin sakanya si Norbert at kasabay nun ang pagkakaroon ng ilaw ng kinaroroonan nya. Tanging silang dalawa lang ni Norbert ang may nakatutuok na ilaw.
Madaming babae ang napasinghap at nagbulung-bulungan dahil sa mga nangyayari. Dahil sa hiya ay agad syang nag-iwas ng tingin at napayuko dahil sa mga matang nakatingin sakanya kahit na madilim ang paligid.
What's going on?! What?! Anybody tell me what's going on?! Sa isip-isip ni Margareth. Gusto nyang isigaw yan pero wala syang lakas dahil sa matinding kaba sa puso nya. Naramdaman nyang may tumugtog ng gitara kaya napatingin sya dun.
"Shit!" bulong ni Margareth sa sarili nya. Napatayo sya dahil sa kinakabahan na sya. Tumingin sya sa paligid pero tanging dili lang ang nakikita nya at ang liwanag lang na meron ay si Norbert.
Si Norbert lang naman ang nasa stage na may hawak ng gitara at nakangiting nakatingin sakanya. Napasinghap sya dahil duon at mas kinabahan dahil sa unti-unting paglapit ni Norbert sakanya kasabay ng strum ng gitara at pagkanta nito.
"When your legs don't work like they used to before and I can't sweep you off of your fee. Will your mouth still remember the taste of my love? Will your eyes still smile from your cheeks?" May sumisinghap na mga babaeng nanunuod sa ginagawa ni Norbert.
Mayroon namang bigo at mayroon ring kinikilig tulad ni Margareth. Mas lumawak ang ngiti ni Norbert habang humahakbang ito palapit sakanya.
"Shit!" Napamura ulit si Margareth habang palapit ng palapit sakanya si Norbert. Wala na syang pakialam sa bawat matang nakatingin sakanila ngayon maging ang kanyang parent. Masyado ng maoccupied ang utak nya sa nangyayari ngayon. Kinikilig sya at kinakabahan din.
"And, darling, I will be loving you 'til we're 70 and, baby, my heart could still fall as hard at 23. And I'm thinking 'bout how people fall in love in mysterious ways..." Napapikit si Margareth dahil sa boses ni Norbert. It's soathing and make you shiver. Buong-buo ang boses nya at lalaking-lalaki. Puno yun ng damdamin na nakakapagpalambot ng puso.
Napaatras si Margareth ng muling humakbang palapit sakanya si Norbert. Alam ng sarili nyang nahuhulog na sya ng husto sa lalaki at isang malaking katanungan yun para sakanya. Sa maikling panahon ay nahulog sya at sa maikling panahon ay naranasan nyang masaktan. Nakaramdaman ng kaonting takot si Margareth sa puso nya dahil sa iniisip nya. Handa na ba talaga syanng pasukin ang bagong mundong binuksan ni Norbert para sakanya? Handa na ba syang suungin ang magiging consequences nito? Handa na ba syang masaktan muli o pipigilan nya ang sarili nya?
"Maybe just the touch of a hand well, me—I fall in love with you every single day and I just want to tell you I am..." Napakunot ng noo si Norbert dahil sa ginawa nya pero ngumiti rin muli. Bakas sa mukha at mata ni Norbert ang saya nito.
Kung papasok ba sya sa bagong bukas na mundo ay makakalabas pa ba syang buo o kulang na? Maari ring makalabas sya pero na kay Norbert na ang puso nya at ayaw nyang mangyari yun dahil ayaw nyang masaktan. Ayaw nyang maramdaman nya ang naramdaman ng ibang babae na iniwan ng minamahal pero ano nga ba ang magagawa nya? Nagmamahal lang sya at hindi na nya babago ang katotohanang mahal na nya talaga si Norbert.
"So honey now take me into your loving arms, kiss me under the light of a thousand stars. Place your head on my beating heart. I'm thinking out loud that maybe we found love right where we are." Huminga ng malalim si Margareth at tinitigan ang nakangiting si Norbert na kumakanta pa rin.
It is very romantic scene na kinakantahan ng lalaki ang isang babae sa harap ng maraming tao. Namataan nya sa dilim ang mata ng daddy nyang nakatingin sakanya ng may ngiti sa mga labi. Tumango ito na para bang sinasabing mag enjoy lang sya dahil minsan lang mangyari ang ganitong pagkakataon sa buhay ng isang babeng tulad nya ang mahalin ng sobra ng lalaking nasa harap nya.
Mababa lang ang tono ng pagkanta ni Norbert pero nadun pa rin ang sinseridad at puno ng damdaming pagkanta nya. Andun ang nag-aalab nyang matang nakatingin sakanya at ang bibig nyang naglalabas ng mga salitang nakakapagpatunaw ng puso ng kahit na sino.
It's his first time to this ang mangharana sa isang babae sa harap ng maraming tao. People changes and he proved it in front of a crowd lalo na sa babaeng kinakantahan nya. Nagbago na ang isang womanizer na tulad nya dahil sa isang babaeng tulad ni Margareth. Pakiramdaman ni Norbert ay ginayuma sya dahil ginagawa nyang ito. Nababaliw at naaddict na sa bawat tingin sakanya ni Margareth na gusto nyang sya lang ang nakikita ng dalaga.
"I'm thinking out loud that maybe we found love right where we are. Oh, baby, we found love right where we are and we found love right where we are..." Nasa harap na ni Margareth si Norbert. Nakangiti itong nakatingin sakanya at may namumungay na mga mata.
Tila natigil ang pag-ikot ng mundo ng mga taong nakapanood sa isang napakaromantic na ginawa ni Norbert. Hindi nila inaasahang gagawin nya iyon dahil alam ng lahat na wala itong sineseryosong babae pero nagkamali ata sila. Tahimik ang lahat at walang sino man ang gumawa ng ingay dahil lahat ng mata ay nasa kanilang dalawa.
"Huwag kang mag-aalala hindi kita nililigawan para sakanya. Nililigawan kita kasi gusto kita...kasi mahal kita." Napalingon si Margareth kay Norbert na nakatitig sa mga mata nya. Shit! She knows this fire burning eyes.
"You have still doubts about my feelings. I feel it." Malungkot na saad ni Norbert. Napayuko si Margareth at hindi na nakipagtitigan kay Norbert.
"I'm just afraid na baka isang araw ay iiwan mo ako sa ere at may kasama ng iba. Takot ako kasi may posibilidad na mangyari yun. Malaki ang posibilidad, Norbert."
"I'll prove to you that is all wrong, Margareth. I will prove." Lumapit si Norbert sakanya at mahigpit sya nitong niyakap saka hinalikan sa noo. Nagpalakpakan ang mga tao dahil dun.
"Papatunayan kong may posibilidad na magbago ang isang womanizer at magstick-to-one, Margareth, just believe me and be mine."
"Papatunayan ko sayo at ibibigay ko ang nararapat na pagmamahal sa isang tulad mo. I'll give you world, everything that you deserve to have. I'll give you my heart and my soul that will forever will love you. I love you, Margareth."Huminga ng malalim sa mga sinabi ni Norbert. Sigurado na sya sa desisyon nya ngayon. Papasok na sya sa bagong mundong binuksan sakanya ni Norbert. Gusto nyang magbakasali at sundin ang sigaw ng puso nya at hindi ang isip nya. Isusugal nya ang puso nya para kay Norbert sa ngayon at wala na syang pakialam sa mga posibilidad na mangyari. Wala na syang pakialam sa mga susunod na mangyayari, kung masasaktan ba sya o mananatiling masaya kapiling ang bisig ni Norbert. Susugal na sya at wala ng atrasan pa.
"I love you too, Norbert." Iyon ang huling salitang nasambit nya saka nya naramdaman ang isang mainit na halik mula kay Norbert bago nya ipinikit ang mata ay nakita nya ang babae kanina na nakatingin sakanya ng nananlilisik na mata pero hindi na nya nasundan pa iyon ng bigla nagdilim na ang buong paligid at ang tangin alam na lang nya ay sumusunod na sya sa bawat hakbang na ginagawa ni Norbert palabas ng venue ng party.