"Mukhang nagkakamabutihan na kayo ni Sir. Norbert, ah?" sabi ni Quesnel, ang chief Engineer ng kumpanya. Nakilala ito ni Margareth ng minsang nabangga nya ito sa cafeteria ng kumpanya. He's handsome, too pero hindi kasing gwapo ni Norbert. May appeal rin ang lalaking ito pero hindi pa rin matatalo ang meron si Norbert. Napangiti nalang si Margareth dahil sa mga naiisip nya.
"Nope. We are just friends." tipid nyang sagot. Umupo sa tabi nya si Quesnel at inilapag ang biniling lunch. Oras ng lunch break kaya kasabay na naman nya ang lalaking ito at nagpapasalamat sya dahil hindi sa ganoong tagpuan na naman ang magaganap. Nabangga nya kasi ito at lahat ng binili ay tumilapon sa damit ng lalaki.
"Then, we are friends, too?" humalakhak ang lalaki sa sinabi nito. Tumango nalang sya bilang sagot para hindi sya magmukhang bastos sa harap nito. She's just feels an ackward feelings kapag kasama nya ang lalaking ito. Hindi nya mapigilang mapayuko dahil alam nyang may matang nakatingin sakanya lalo na sa lalaking kassama nya.
Nagtaas sya ng ulo ng may isang bulto ng lalaking nakatayo sa likod ni Quesnel. Matalim ang tingin nito sakanya kaya napalunok sya ng dalawang beses. It's Norbert, her boss. Napatingin naman sa likuran nya si Quesnel at agad naman itong napatayo ng makita ang boss nya.
"Good afternoon, Sir." Bati ni Quesnel sa boss nya pero ang mata at atensyon nito ay na kay Margareth na nakatitig rin. May sarili silang mundo na parang nag-uusap sila gamit ang kanilang mga mata. Mas lalong nagging matalim ang tingin ni Norbert ng lumipat ito sa tabi ni Margareth at duon umupo.
"Upo po kayo, Sir."sabi nito.
"No, thanks. I'm just here to inform you that she's off limit so back off and get lost. Now." Seryosong sambit ni Norbert. His devilish side is already turned on. Alam ni Margareth na kapag ganito ang nangyayari ay may masamang mangyayari. She nows how Norbert turn to a devil one. A sexy and hot devil one.
"O-Okay, Sir." Agad na binitbit nito ang kanyang pagkain at umalis. Nakayuko itong naglakad palayo habang nanginginig ang mga kamay. Napangiwi nalang si Margareth sa nakita at agad na nag-iwas sa matalim pa ring mata ni Norbert na pilit hinuhuli ang mata nya.
"From now on, don't entertain any of my employee mostly the boys baka masisante ko lang silang lahat." Napahagalpak ng tawa si Margareth dahil sa tinuran ni Norbert. Paanong nagagawa ng lalaking ito maging possessive sakanya kahit na hindi sila.
"You're a possessive boss. Mamatay ata ako dito sa company mo dahil sa kawalan ng makausap." Natawa ulit si Margareth na agad namang tumigil dahil sa matalim na tingin ni Norbert. Hindi dapat sya tumawa kapag nagsisimulang magtransform ang lalaking ito sa isang demonyo dahil siguradong delubyo ang mangyayari tulad nalang nung nakaraang buwan.
"Then, go to my office at ako ang kausapin mo. It's better, baby. I will make myself busy talking to you than finishing those files there. It sounds so exciting, right?" pinamulahan ng pisngi si Margareth sa mga sinabi ni Norbert. This man can make her blushing just a simple words he said. Masyado ng malala ang epekto ng 'Norbert's Virus' sa katawan nya.
Umupo sa tabi nya si Norbert at agad nyang ipinulupot ang kamay nito sa beywang nya. Nakuryente na naman sya kaya napaupo sya ng maayos at tila hindi kumportable dahil sa dami ng matang nakatingin sakinila. Sino ba naman ang hindi maapatingin sa tulad ni Norbert na isang gwapo, success at ma ipinagmamalaking 6 burning abs sa tyan atsaka magtataka ang lahat dahil magkasama ang isang ordinary at simple babaeng tulad nya at kasama ang lalaking ito.
"Much better if I'm with you all day. I can guard you---"
"That's not a idea. Maabala ka lang and you have a lot of paper works here besides I can take care of myself alone." Ngumiti si Margareth sa nakangusong si Norbert. Pakiramdamn ni Margareth ay nasa langit sya ngayon dahil sa sayaang nararamdaman nya. Noon, para syang isang asong nakakulong at umiiyak dahil sa mga utos ng kanyang mga magulang at sa pagiging possessive ng mga ito sakanya pero ngayon, mas nanaisin pa nyang makulong sa mga bisig ng lalaking nasa harap nya at nagugustuhan niya ang pagiging possessive nito. Her doughts are to Norbert are beginning to fade away. Nagsisimula ng tumubo ang bagong damdaming nasa kanyang puso. Damadaming ngayon nya lang naramdaman, ang masidhing pag-ibig.
Gusto nya palaging makasama at makausap si Norbert dahil pakiramdam nya ay safe sya at nagagawa nya ang mga bagay na hindi pa nya nagagawa. She's free now from her parent's hand pero nakakulong na sya sa puso ng lalaking ito.
"You're not my boyfriend, Norbert. You have no right to be a possessive one." Uminom ng tubig si Margareth dahil nanunuyo ang lalamunan nya sa mga salitang binitawan nya. Alam nyang masakit sa mga lalaki ang tapakan ang ego nila.
"Let me court you and be my girlfriend." Ngumiti ng malawak si Norbert. Ito ang gusto nyang mangyari. Hindi sya isang babaeng easy to get kahit na may nangyari na sakanilang dalawa. Mas gusto nyang kilalanin pa ng husto ang lalaking nagpapatibok na puso nya ngayon kahit pa gaano katagal ay gagawin nya. Natatakot syang masaktan sa isang iglap lang. Natatakot si Margareth na mabalewala ang pag-ibig nya.
"Nah? I know you can't do that. Ang mga womanizer like you does'nt court anyone they like dahil naghihintay lang silang kusang lumapit ang babaeng gusto nila lalo na sayo, Mr. Santiago. You're a chic magnet and a head turner kaya alam kong wala kang alam sa panliligaw." Napahagalpak ng tawa si Norbert dahil sa sinabi ni Margareth na syang nagpakunot naman ng noo nito. Napatingin ang lahat ng tao sa kanilang dalawa na may pagtataka.
"Are you underestimating me, Ms. Ty?" isang nakakalokong ngiti ang nasa labi ni Norbert.
"No. i'm just stating the truth here. I do have explanation for that first, that woman who came into your house and just kiss you in your lips. You said you did'nt call her to come to your house but she did without permission to you..."
"See, mga babae na ang lumalapit sayo at nagpapaubaya ka naman. Pagkatapos mong makuha ang gusto mo you just simply dumped them." Mahabang litanya ni Margareth. Nakangiti namang nakikinig sakanya si Norbert.
"You're jealous, right? It's sound so bitter." Muling humagalpak ng tawa si Norbert. Napangiti si Margareth dahil sa lutong ng tawa nito. Ito kasi ang unang pagkakataong napatawa nya ito ng ganito kalakas sa harap pa ng mga natatakot nyang empleyado kapag andyan na ang boss nila.
"Sa mga babaeng tinutukoy mo, asan ko doon?" napalunok si Margareth dahil sa tanong ni Norbert. Nakalimutan nya palang pati sya ay kasama sa mga babaeng lumalapit nalang sakanya bigla at ang malala sakanya ay unang kita palang nila ay nanghingi na sya ng isang halik.
"That's just dare, Mr. Santiago. Hindi ako kasali sa mga babaeng tinutukoy ko atsaka ikaw ang humahabol sa akin, remember? Ikaw ang pumunta dito sa school at muntik ka raw magwala sa harap ng condo unit ni Claire para lang mahingi ang cellphone number ko. Ganyan ba ang mga womanizer? Naghahabol?" napaiwas ng tingin si Norbert dahil sa sinabi nya. Namumula rin ang tenga nito at pisngi dahil siguro sa kahihiyan, maybe natapakan ni Margareth ang ego nya at naibaba nya ng kaonti ang self steem nito.
Tapos na ang lunch break kaya unti-unti ng nagsisi-alisan ang mga employee hanggang sa silang dalawa nalang ang natira. Mahabang katahimikan ang namagitan sakanilang dalawa at tanging si Margareth lang ang nakatitig kay Norbert.
"Nagawa ko yun dahil sayo. Nabaliw ata ako ng araw na yun dahil halos buong condominium ay nilibot ko mahanap ka lang. Hindi ko alam ang pangalan mo kaya ipinahanap kita sa mga private investigator ko to only to find out kung ano ang pangalan mo..."
"Nagpunta pa ako sa university para mahanap ka dun pero wala ka naman pala buti nalang nakita ko ang pinsan kong si Claire at tinanong ko kung kilala ka nya yun pala bestfriend mo sya---"
"Pinsan mo si Claire? Paanong?"
"Opps. Wrong words." Sumipol si Norbert at nag-iwas ng tingin. Nagulat si Margareth sa mga rebelasyong sinabi nito. Bakit hindi nya alam na pinsan ni Claire si Norbert? Kaya pala ito galit na galit noon dahil nakita nyang magkasama silang dalawa ni Norbert. Hindi nya nahalata lahat ng sinabi ni Claire noon na gusto nyang mag-ojt sa SCFC dahil andito ang boyfriend nya at siguradong makakakuha ito ng flying colors dahil pinsan nya ang may-ari. Bakit hindi nya naisip ang mga yun?
"Malilintikan sa akin ang babaeng yun. I need to go. Malalate na ako." Tumayo si Margareth kaya napatayo rin si Norbert. Agad itong lumapit sakanya at inakbayan sya at nagsimulang na silang maglakad. They're look like a sweet couple.
"May the princess be guarded by his prince." Humalakhak si Norbert sa tinuran nya.
"You're not a prince. You're my slave now." Bulong ni Margareth sa tenga nya at agad na hinalikan sa pisngi at pumasok sa pinto ng quarter niya.
"Take care, baby." Sambit ni Margareth ng muli nitong binuksan ang pinto para sabihin ang mga salitan yun sa nakatulalang si Norbert. Papayagan na nyang manligaw si Norbert at papahirapan nya ito para makuha ang kanyang matamis na 'oo'.
It's been a while since the last time they met in The Bachelors Bar. The first encounter was just a bet, a game and a free will of Margareth until turns it out with a fire burning night in Norbert's bed. It's just a one night stand between the two of them until Norbert realize how he missed that girl. The girl who makes his heart beats fast. Makes his mind turns upside down.
Now, Norbert wants to treasure everything from Margareth. Gusto nyang sya lang ang makakahawak sa lahat ng parte ng katawan ni Margareth. Sya lang ang tinitignan nito sa bawat sulok, sa bawat parte kung nasaan man sya.
"Masyado naman atang special treatment ang ginagawa mo sa akin, Mr. Santiago? Hindi kaya magalit ang mga babae mo sa akin?" napahalakhak si Norbert sa sinabi ni Margareth. Nasa isang fine dining restaurant sila ngayon, Italian restaurant, to be exact.
"Remember? I'm your prince kaya dapat lang na tratuhin ang isang prinsesang katulad mo." Napatigil sa pagkain si Margareth at tinitigan ang seryosong si Norbert na nakatitig rin sakanya. Ang mga mata nitong puno pa rin ng emosyon at naglalagablab na apoy. Init na syang nasa mata lang ni Norbert pero pati sya ay nararamdaman yun.
"Bakit ako, Norbert? Madami namang mga babae dyan na mas higit sa akin, na syang babagay sa isang katulad mo. Bakit ako?" napayuko si Margareth dahil sa sariling tanong nya. Alam nyang hindi na dapat nya isipin ang mga bagay kung bakit sya nagustuhan ni Norbert sa dinami-dami ng babae sa paligid nya. Isang Womanizer si Norbert kaya hindi nya mapigilang mag-isip kung seryoso ba ito sa lahat ng ginagawa nya. Sumibol na naman ang pag-aalinlangan at takot sa puso ni Margareth. Paano kung tama siya na isang lust o katawan nya lang ang gusto nito? Paano kung ang lahat ng sinasabi nito ay kasinungalingan? Ano ang gagawin nya?
"Do I need to answer that question? Do I need to summarize the reasons why this heart of mine is beating faster whenever you're around? Do I need too explain the gravity of the earth why I'm easily falling in love to you? I know you've still doughts about my feeling. I can sense it but sorry, baby, my heart belongs to you now. Just for you."hinawakan ni Norbert ang kamay nyang nasa mesa. Napakagat-labi si Margareth sa sensasyong nararamdaman nya sa dampi lang ng kamay nito sa balat nya.
"Hindi ko alam kung kailan 'to nagsimula, kung kailan ko naramdaman basta nagising nalang ako isang araw na ikaw yung laman nito." Naging malamlam ang mata ni Norbert. Nakipagtitigan si Margareth at nakikita nyang may sinseridad ang bawat salitang sinasabi nito. Galing sa puso ang bawat salitang nilalabas ng bibig nito.
Nakakalasing ang matang nakatingin kay Margareth. Nakakapanghina ng tuhod at nakakapagpapabilis ng tibok ng puso. Ang bawat bahagi ng katawan ni Margareth ay iba ang nararamdaman kapag andyan ang presensya ni Norbert. Ibang-iba sa una nyang karanasan sa ibang lalaking nagging karelasyon nya. Bagong-bago sa pakiramdaman at puso nya.
"Just hold to me, baby. I won't let you fall for your doubts because I will lift you up and believe in forever." Tumayo si Norbert sa kanyang upuan at lumapit kay Margareth at kinuha niya ang kamay niya saka itinayo. Niyakap niya ng mahigpit si Margareth at hinalikan sa noo.
"Just hold, baby." Sambit ni Norbert at muling niyakap si Norbert saka ipinatong ang ulo sa balikat nito.