"Tagos sa iyong salamin,
agaw pukaw mong paningin.
Tila mga bituin,
Sa dilim nagniningning.
Tagos sa iyong salamin,
ang iyong mga matang may lalim.
Sa isang tingin ay iyong nanaisin,
na lapitan at kilalanin.
Tagos sa iyong salamin,
sigaw ng iyong damdamin.
Tila may lungkot na nais magtago sa akin,
ngunit imbis na ako'y palayuin
ay mas ninanais ko itong ayuin.
Tagos sa iyong salamin,
mga matang tumatawag na ika'y dinggin..
nagtataglay ng repleksyon na parang isa ring salamin.