Sa kaniya tayo'y naniWALA
dahil sa paniniWALA
na lahat ay kaniyang mababago.
Sa kaniya ibinigay ng labing-anim na milyon ang tiWALA
at marami ang patuloy pang nagtitiWALA.
may nagbago ba? WALA.
mayroon bang naWALA?
Marami! at Hindi na maibabalik pa.
Ngayong may naisiWALAt na marami ang umaabuso sa pagtatago sa maskara ng digmaan
ang tao na kaya hihiWALAy at maghihimagsik o mananahimik pa rin at WALAng gagawin?
Hindi ito pag-unlad. ito'y isang kaWALAn.