App herunterladen
90.62% My Saturday Girl / Chapter 29: Chapter 28

Kapitel 29: Chapter 28

Chapter 28

Vinson's POV

Lumipas ang mga araw at mas nakilala ko si Jade. Hindi naman pala siya ganoon kaarte gaya ng iniisip ko. At masasabi ko na girlfriend material siya. Siya iyong tipo ng babae na maaari mong maipakilala sa pamilya mo at iyon ang ginawa ko noong nagkaroon kami ng family dinner sa bahay. Siyempre nandoon na naman si Tito Rudy, ininvite rin kasi siya ni Mommy. Ipinakilala ko si Jade bilang friend ko. Bigla ba namang hinanap ni Mommy si Andrea sa akin, napatingin ako kay Jade kasi naramdaman ko na parang naging uneasy siya ng marinig niya ang pangalan ni Andrea. Sabado kasi iyon at nagpaalam ako kay Andrea na ipagpaliban muna namin ang review ngayon week kasi nga, inilaan ko ang araw na ito para sa amin ni Mommy.

Sinabi ko nalang na masama ang pakiramdam ni Andrea kaya siya hindi nakapunta. Halata sa mga mata ni Mommy na nagaalala siya. Sinabihan pa niya ako na tawagan ko raw si Andrea after the dinner at kamustahin ko siya, kung okay ba siya o baka kailangan na niyang magpatingin sa doctor. Tumango nalang ako at saka kami umupo.

Binulungan ko si Jade at humingi ako ng patawad, ngumiti lang siya bilang tugon sa akin. Ipinagmalaki ko sa kanila na top student ng Treston si Jade, at natuwa naman si Mommy ng malaman niya iyon. Habang si Jade ay nahihiya at ngumingisi lang. Hanggang sa Tito Rudy ay tinanong si Jade kung nililigawan ko na raw ba si Jade. Nasamid siya nang marinig niya ang tanong na iyon. Humihigop kasi siya ng sabaw ng bulalo na niluto sa amin ni Ate Mercy. Inabutan ko kaagad siya ng tubig at napkin tapos ginamit rin naman niya ito at uminom ng tubig. Natawa naman si Tito Rudy habang nagalala naman si Mommy, sabi niya okay lang raw ba siya. Tumango lang si Jade.

Pero makulit parin si Tito Rudy he still insist iyong tanong niya kay Jade. Kaya sinagot na niya ito, sabi niya hindi naman raw ako nanliligaw. Saka napunta sa akin ang atensyon ng dalawa, hanggang sa muling nagsalita si Jade at sabi niya na magkaibigan lang raw talaga kami. Kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag sa narinig ko.

Kumento naman ni Tito Rudy na masyado raw akong mabagal baka raw makuha pa ng iba itong si Jade. Napatingin ako kay Jade at tinawana niya lang ang sinabi ni Tito Rudy.

Pagkatapos ng masayang Dinner namin ay hinatid ko na si Jade sa kanila habang nagdadrive ay bigla nalang siyang nagsalita at halatang seryoso ang tono ng pananalita niya.

Bakit nga raw hindi ko pa siya ligawan. Maganda naman raw siya. Matalino. Maganda rin ang hubog ng katawan niya. Medyo tahimik lang pero may kulit din raw siyang tinatago.

Matagal na raw niya akong gusto. Lihin raw siyang nagchecheer sa labas ng court sa tuwing may laban kami. Sinusulyapan sa malayo habang kumakain. Naglalaro sa phone at tumatawa.

Gustong gusto niya raw na nakikitang tumatawa ako. Iyong tawa na pati mga mata masaya at nangyayari lang raw iyon kapag kasama ko si Andrea.

Hindi niya raw ugali ang mainggit o mainsecure sa kapwa babae pero noong nalaman niya na mas pinili ko raw si Andrea over her para itutor, doon raw siya nakaramdam ng panliliit sa sarili niya.

Mayaman siya at lahat ng gusto niya nakukuha niya pero iyong taong pinakagusto niya hindi niya makuha. And mas pinili raw ang mahirap na katulad ni Andrea.

Matalino siya at kaya niyang sagutin ang lahat ng tanong na maaaring ibato sa kaniya pero pagdating raw sa akin nabobobo siya.

Halos pareho lang naman raw sila ng IQ ni Andrea pero bakit hindi raw siya ang pinili ko.

Napahinto ako habang naririnig ko siya siyang naglilitanya, hanggang sa ang litanya ay napalitan na nang hikbi at luha.

"Kamahal mahal naman ako hindi ba, Vinson?" tanong ni Jade habang patuloy na tumutulo ang luha sa mga mata niya.

Kaagad kong kinuha ang panyo sa bulsa ko ay pinahid ko ito sa pisngi niya at sinabihan ko siya na tumahan na ito, baka mabugbug ako ni Seth kapag nakita siyang umuwi na maga ang mga mata. Tapos natawa siya, at bigla nalang niya akong hinampas sa braso. At niyakap ng mahigpit.

At gumanti na rin ako ng yakap sa kaniya. Habang magkayakap kaming dalawa ay nagsalita siya.

Namimiss na raw niyang makita ako na masaya. Iyong saya na hindi lang raw mga labi ko, kundi abot hanggang sa mga mata ko. At nakikita niya lang iyon kapag kasama ko si Andrea.

Tapos humarap siya sa akin.

"Okay lang naman sa akin na magkaibigan tayo. Kasi ang friendship forever iyon, walang break-up." tapos tumawa siya. Natawa na rin ako. Sa totoo lang paiyak na rin ako ng minutong iyon. Pero, pinigilan ko. Tapos muli niya akong niyakap. Baka raw kasi hindi na niya magawa ito kapag naging kami na ni Andrea. Pinisil ko ang pisngi niya at nagsorry ako sa kaniya.


Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C29
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen