App herunterladen
83.33% Enchanted in Hell (Tagalog) / Chapter 45: How I Met, Rina?

Kapitel 45: How I Met, Rina?

"Hindi ka pa rin ba tinitigilan ng Eduardo na 'yan?" tanong ni Dominador sa anak na si Dr. Steve.

"Malaki ang utang na loob natin sa kanya. Kung hindi dahil sa kanya baka wala rin tayo sa kalagayan natin ngayon. Baka hindi ako nakapag-aral at baka lugmok pa rin tayo sa hirap ngayon."

"Pero sobra na kung may ipapagawa pa siyang hindi bukal sa loob mo o kung may ipapagawa siya sa 'yong masamang bagay."

Hindi na nakaimik pa si Dr. Steve sa huling sinabi ng ama. May katwiran naman ito dahil unang-una sa lahat, matagal na nilang pinagtrabahuang mag-ama ang naitulong na iyon kay Eduardo. Bukod pa roon, si Eduardo ang nagboluntaryo na tulungan sila. Hindi naman nila ito pinilit kaya nga nagtataka na lamang sila dahil sa tuwing may ipapagawa ito na hindi bukal sa kanilang loob, palagi nitong sinusumbat ang naitulong nito sa kanila.

"Hindi bukal ang pagtulong niya sa atin dahil palaging may kapalit," dagdag pa ni Dominador.

Matapos ang pag-uusap na iyon ay umalis na si Dr. Steve sa kanilang bahay. Marami pang nag-aabang na trabaho sa kanya sa hospital kaya kailangan niyang agahan ang pag-alis. Plano niyang bumisita sa mansion pagkatapos ng trabaho para sana makapanghingi ng tawad kay Theo dahil mapahanggang sa oras na iyon ay nilalamon pa rin siya ng guilt dahil sa panloloko.

Kahit pa sabihin na unti-unti nang lumalamig ang issue tungkol sa kondisyon ni Theo sa social media dahil ginagawan iyon nang paraan ni Armando, hindi pa rin nito maiaalis ang katotohanan na napahiya na si Theo at nabahiran na ng mantsa ang pagkatao nito.

Huminga nang malalim si Dr. Steve. Kung marunong lamang talaga siyang humindi o tumanggi, marahil ay hindi siya hahantong sa ganoon. Mahalaga na sa kanya si Theo dahil lahat naman ng nagiging pasyente niya ay pinapahalagahan niya at nagiging malapit sa kanya. Isa na si Theo roon kung saan ay tinuring na nga niya itong nakababatang kapatid. Hindi niya matanggap sa sarili na nagawa niya itong saktan. Ngayon, siguradong hindi na siya pagtitiwalaan muli ni Theo.

Gaya nang napagpasyahan, matapos ang oras ng trabaho ay dumiretso nga si Dr. Steve sa mansion upang bisitahin si Theo. Alas singko pa lang ng hapon nang makarating siya. Hindi na niya kailangan pang hingin ang pahintulot nina Armando at Caridad upang makapasok sa mansion dahil kilalang-kilala na siya ng mga guwardiya at bukod pa roon ay binilinan na rin naman ang mga ito ng amo na papasukin siya sa kahit ano'ng oras. Ganoon din kalaki ang tiwala sa kanya ng mag-asawang Ledesma.

Pagkatungtong ng kanyang paa sa sahig ng mansion ay nagpasya na siyang umakyat para makita si Theo subalit hindi sinasadya namang nakita niya si Rina sa hapag-kainan na abala sa pagpupunas ng mesa. Hanggang tanaw na lamang talaga niya ang babae sapagkat may nagmamay-ari na sa puso nito. Alam niyang may nararamdaman ito kay Theo at ganoon din naman si Theo rito. Hindi niya na dadagdagan pa ang kasalanan kay Theo kaya hindi niya na gugustuhin pang makipagkompetensya para sa babae. Bukod pa roon, mahalaga rin sa kanya si Theo kaya tama lamang siguro ang naging pasya niya.

"Ri—" Hindi niya tinuloy ang pagtawag sa abalang babae, sa halip ay binaba na lamang niya ang kanyang kamay na kanina ay animo'y aabutin ang babae. Bagsak ang kanyang balikat na nagpatuloy sa pag-akyat sa hagdan. Ang babaeng matagal niyang hinanap at ang babaeng matagal niyang hinintay ay hindi na maaaring maging sa kanya. Kung mas napaaga-aga lamang siguro ang pagtatagpo nila noon, marahil may pag-asa pa sa kanilang dalawa ni Rina. Subalit sadyang malabo ang tadhana. Hindi talaga ito pabor na maging sila ni Rina.

Isang hakbang na lamang sana si Dr. Steve para makarating sa second floor nang marinig niya ang pagtawag ni Rina sa kanya.

"Dr. Steve."

Marahan siyang lumingon sa babae. "Rina." Binigyan niya nang ngiti ang babae.

"Kumusta?"

"Ayos lang naman. Ikaw ba? Kayo?"

"Ayos lang naman ako pero si Theo, medyo."

"Mabuti naman at ayos ka."

Bahagyang napanganga si Rina sa sinabi ni Dr. Steve. "Paanong mabuti at ayos ako?"

"Kasi ikaw na lang ang masasandalan ni Theo kung hindi pa bubuti ang kalagayan mo, wala nang maiiwan pa kay Theo," paliwanag naman ni Dr. Steve sa sinabi niya kanina na hindi niya rin namalayan na lumabas na pala sa kanyang bibig.

"A..." Napatango-tango si Rina. "Kumain ka na ba?"

Napahawak si Dr. Steve sa likod ng batok bago sumagot. "Ang totoo niyan, hindi pa talaga. Galing ako sa hospital."

"Kumain ka muna. Katatapos lang namin kumain ni Theo. Marami pang ulam na natira dito."

Tatanggi pa sana si Dr. Steve kaso bigla na lamang siya hinila pababa ni Rina kaya wala na siyang nagawa kundi ang magpatangay rito sa hapag-kainan.

"Halika na dali," anito.

Hinainan ni Rina ng pagkain si Dr. Steve matapos itong paupuin. Dinampot na ni Dr. Steve ang kutsara't tinidor at nagsimula nang sumubo.

"Ang sarap mo talagang magluto. Kanino mo ba 'to namana?"

"Kay Mama. Siya ang nagturo sa 'kin magluto. Nagluluto rin si Papa noon kaso..."

"Kaso?"

"Wala na si Papa."

"I'm sorry about that."

"Hindi, ayos lang. Matagal ko na rin namang natanggap 'yon...pero alam mo, kung hindi siguro nawala si Papa baka matagal na akong nakapagtapos ng nursing. First year college kasi ako noong nawala siya. Matapos 'yon, kailangan ko munang tumigil sa pag-aaral para makapagtrabaho at matulungan si Mama."

Napatango-tango si Dr. Steve habang nagkukwento si Rina. Ngayon ay alam na niya ang dahilan kung bakit bigla na lamang nawala si Rina sa university na pinupuntahan niya dahil tumigil ito sa pag-aaral. "Kaya pala," aniya.

"Hmm? Kaya pala?"

"Hindi mo ba ako natatandaan, Rina? Nagkita na tayo noon."

Napahawak sa baba si Rina kasabay nang pag-iling. Kasalukuyan itong nakaupo sa harap ni Dr. Steve.

"Nagkita na tayo noon? Talaga? Wala akong matandaan."

Napangiti si Dr. Steve. "Pero tandang-tanda kita ng oras na 'yon. Naglalakad ako sa hallway nang may isang babae ang bumangga sa 'kin. Tumabi na nga ako pero nabangga pa rin niya ako. Umiiyak ang babaeng 'yon tapos ang sabi niya sa 'kin ay 'sorry'. "

"Sandali..." Napaayos nang upo si Rina sabay turo sa kanya. "'Wag mong sabihin na ikaw...ikaw 'yong lalaking nabangga ko noon?"

"Yes, ako nga. Malabo siguro mata mo no'n dahil sa luha kaya hindi mo nakita ang mukha ko," pagbibiro ni Dr. Steve.

Napatakip ng mukha si Rina gamit ang dalawang palad na ikinangiti naman ni Dr. Steve.

"Hala, sorry kung hindi kita natandaan," paumanhin pa ni Rina.

"No, it's okay. I'm used to be forgotten by someone."

"Hala, grabe ka naman."

"Hinanap kita noon 'Rina Miraflor Abella', nursing at first year college pero wala ka na."

"Kabisado talaga full name ko. Magaling ka rin sa memorization, a."

"Yup. Matalino ata 'tong nasa harap mo."

"Ayawan na...may pagkamahangin ka rin pala Dr. Steve."

Tumawa si Dr. Steve. "Just kidding. Malinaw lang talaga ang mata ko kaya nabasa ko ang ID mo tapos ayon paulit-ulit kong binibigkas sa utak ko nang hindi ko makalimutan at hanggang sa ayon na nga...hanggang sa nakabisado ko na. Mas kabisado ko pa kaysa sa number ko."

"Loko ka."

"Pero noong araw na nagkabanggan tayo? 'Yon na rin talaga ang huling araw mo sa university?"

"Oo, kailangan, e. Kailangang kumita ng pera para mabuhay."

"I salute you."

"Bakit naman?"

"Kasi kahit sa ganoong edad ay matured ka nang mag-isip. Biruin mo, sixteen years old ka pa lang ata ng panahon na 'yon."

"Pati edad ko alam mo na, a," natatawang saad ni Rina.

"Pero seryoso, hanga ako sa tatag at tiyaga mo. Nagsisikap ka para makatulong sa pamilya. You aren't depending to other people unlike me na pinagtapos ng ibang tao."

"Ano ka ba? Kung may opportunity lang na dumating sa 'kin o kaya kung may taong magboboluntaryo na pag-aralin ako, bakit hindi? Nagkataon na wala talaga."

Pumalakpak ng isang beses si Dr. Steve ng isang beses sabay sabi, "Speaking of studying, would you like to continue?"

"Ha? Bakit mo natanong?"

"Ahm, I volunteer to give you my sponsorship. Ako magpapaaral sa 'yo."

"Hala, seryoso ka?"

"Yes, I'm serious. So, what can you say about my offer?"

"Gus—"

"Ahem."

Hindi na nagawang sagutin pa ni Rina ang tanong ni Dr. Steve nang makarinig sila nang pag-ubo kaya naman magkasabay silang napalingon kung saan nanggaling ang pag-ubo na iyon at doon ay nakita nila si Theo, sa bandang likod ni Dr. Steve. Nakakrus ang kamay habang seryosong tumitingin nang palitan sa dalawang nakaupo na sina Rina at Dr. Steve.

"Theo," utal na banggit ni Rina sa pangalan ng lalaki. Bahagya pang napaawang ang labi ni Rina sa biglaang pagsulpot ni Theo.


Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C45
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen