App herunterladen
38.09% Wrong Bride / Chapter 8: Kabanata 6

Kapitel 8: Kabanata 6

"I UNDERSTAND." Ang hindi naiintindihan ni Kiona ay kung ano ang mangyayari sa kanya pag nalaman ng bakla na nagsisinungaling siya.

Ngunit planado ang lahat. Tahimik na kasal ang magaganap. Garden Wedding sa hardin mismo ng mga Gregorio. Gusto ng mga magulang ni Kiona at ng Mommy ni Cassius na sa San Augustin Church, but Kiona won't take the risk.

Ang wedding gown niya ay sa Tacloban din ipinagawa. Katwiran niya sa ina ay paborito niya ang designer doon. Napakiusapan din ang officiating priest na huwag nang i-announce sa bulletin board ng simbahan ang kasal nila.

Dahil malaki namang donasyon si Mrs. Gregorio sa parokya nila, pumayag ang pari. Malalapit na kamag-anak lamang ang bisita.

Idiniin ni Kiona na hindi siya pabor sa engrandeng kasal. Idinagdag pa niya na mas mabuti na iyong simple lamang at tahimik para na rin sa kapakanan ni Lyndon.

Iyon ang paraan niya ng paghingi ng paumanhin sa binata, ang huwag nang malaman ng lahat na nabali ang engagement nila dahil nasalisihan ito ng pinsan. Na-touch naman ang mommy ni Lyndon at niyakap siya abot ang pasasalamat.

——

ARAW ng kasal. Kahit gaano ka-simple ang suot na wedding gown ni Kiona ay naging eleganteng-elegante ito. Lalo nang magsimulang lumakad ang dalaga, patungo sa Gazebo kung saan doon gumawa ng altar.

Kahit si Cassius ay tulala, habang hinihintay ang paglapit ng bride. Kung naniniwala siya sa engkantada, tiyak na si Kiona ang halimbawa noon.

Sa isang maikling sandali, nakadama ng pagmamalaki si Cassius na siya ang groom ng babaing ikakasal. Nanghinayang pa siya at hindi niya naimbita ang lahat niyang kaibigan.

Tiyak mamamatay sa inggit ang mga iyon. Mas ikinagulat niya ang biglang paglitaw ni Lyndon sa tabi niya. Simula noong maganap ang insidente sa bahay nila.

Ay hindi na niya muling nakita at naka-usap ang pinsan. Hindi naman niya alam ang gagawin. Dapat ba siyang humingi ng tawad? Paano siya hihingi ng tawad, gayong hindi naman siya makaramdam na guilty siya? Ngayon ay nasa tabi na niya si Lyndon. Nakabarong din at nakangiti.

"Anong ginagawa mo dito, pinsan?"

"I'm your bestman, dapat lang na narito ako."

"Bestman? Hindi ba't si—"

"I decided na ako ang dapat na tumayong bestman mo. Daig pa natin ang magkapatid, di ba? You're my big brother. Congratulations!"

Kinamayan siya ni Lyndon. Mahigpit.

"Hindi ka galit? I mean..."

"Nope. Mas bagay kayo ni Kiona. Look at her, she's a goddess. Alam kong hindi ka lugi diyan. She's as pure and fresh as those lilies."

"Anong ibig mong sabihin?" Kilala ni Cassius ang pinsan, alam niya ang galaw ng mga mata nito kapag may ginawang kalokohan.

"Wala akong maibibigay na gift sa iyo. Pero sapat na siguro si Kiona. Habangbuhay mong pakikinabangan iyan. Akala ko ay nagkamali ako ng desisyon, but seeing her now, seeing you now, alam kong you're meant for each other." Naniningkit ang mga mata ni Cassius.

"Anong ginawa mo? Tell me the truth!" Gigil na gigil na si Cassius sa pinsan, kung hindi sa malalim na sulyap ng Mama niya, dahil sa pagtatalo nila ni Lyndon, malamang na nasakal na niya ang pinsan.

"I'm leaving for the States tomorrow, to fulfill my dreams. You know, the one I always talking about. Hindi matutupad iyon kung magpapakasal kami ni Kiona. I won't say sorry, pinsan. Dahil alam kong it's for your own good. Proud pa ako na ako ang naging tulay nyo. I saw your reaction when you first saw her. You're in

love."

"In-love-in mong mukha mo!" Singhal niya.

"Alam mo ba kung gaano kalaking kahihiyan ang ginawa mo sa akin? Alam mo ba kung paano mapagbintangang rapist? Babaero ako hindi rapist! Kung inaakala mong we will live live happily ever after, tama ka. Magiging maligaya kami ni Kiona after this wedding dahil maghihiwalay kami! Napag-usapan na namin ang annulment."

"You can't do that pagkatapos ng honeymoon niyo, ewan ko kung pakakawalan mo pa si Kiona."

"Walang honey-honeymoon. Kasama iyon sa napagkasunduan namin." Sumenyas ang Mama niya na tumahimik siya, masyadong malakas ang bulungan nila ni Lyndon.

"I doubt kung papayag ka ng ganoon. Kilala kita pinsan—"

Naputol ang sasabihin ni Lyndon nang lumapit na ang bride at ang daddy nito. Nagmano muna si Cassius sa biyenan niya, pagkatapos ay inakay si Kiona patungo sa makeshift na altar.

"YOU may now kiss the bride." Announce ng pari.

Natigilan si Cassius, hindi alam ang gagawin. Hindi nila napag-usapan ni Kiona ang bagay na iyon.

"You may now kiss the bride." Uli't ng pari.

Alam niyang ibig sabihin non. "Just do it so we can get out of here." Tinitigan din niya si Kiona na tila humingi ng permiso. Bahagyang tumango si Kiona.

Ang buong akala ni Kiona ay smack lang ang gagawin ni Cassius. Ngunit totoong halik ang ibinigay nito. Mariin at mapusok, walang balak bitawan ang mga labi niya.

Tuluyan nang napakapit sa batok ni Cassius ang bride. Noong una'y nakikiramdam lamang ito sa mga galaw ng labi niya, ngayon ay gumaganti na ito.

Tulad ni Kiona, wala ring balak siya na patagalin ang halik na iyon, ngunit nang magkalapat ang kanilang mga labi, hindi na niya nagawang bitawan pa iyon.

Wala siyang gustong gawin sa oras na iyon kung hindi ang angkinin si Kiona. Hindi niya maipaliwanag kung ano ang nararamdaman niya, ang alam lang niya ay kay sarap hagkan ng mga labi ni Kiona, at napakabango ng bride niya.

Bangong nagmumula sa loob ng katawan. Hindi na siya magtataka kung tatlong araw mang hindi maligo si Kiona ay mabango pa rin ito.

Gustong-gusto ng itulak ni Kiona si Cassius, ngunit sa halip ay kinabig pa niya ito. Unang halik. Akalain ba naman niyang ganoon pala iyon? Hindi niya inaasahan na malambot pala ang mga labi ni Cassius, at may kakaibang tamis.

Napapikit siya ng mariin. Hinding-hindi niya makakalimutan ang halik na iyon, ang masama ay tila hahanap-hanapin pa niya ito.

Nagpalakpakan ang mga bisita. At panay ang kislap ng kamera. Aba'y tinalo pa nila sina Ate Vi at Ralph noong ikasal ang mga ito. Na-break nila ang record sa pinakamatagal na kissing scene right the wedding ceremony!


Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C8
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen