(( Cristoff ))
Lumapit ito sa akin at kinuha ang notebook na dapat babasahin ko at iniabot nya iyon sa kin.
"Basahin mo"simpleng sabi nito na nakangiti.Ewan ko ha pero lahat yata ng babae may sayad sa ulo.Katulad ng isang 'to,kanina parang ginawa nya na akong giniling na karne sa tingin nyang yon at ngayon naman nakangiti na sya na parang walang nangyari.Ibang klasi talaga kayo mga girls🤭
"Ikaw ba nagsulat nito?"tanong ko dito.Nilibot nya ng tingin tong mini writing space nya.Wow naman,parang hindi kanya kung makatingin eh:)
"Gusto ko maging isang writer,hindi man ngayon pero sa tamang panahon"
"Talaga? Dapat pag nangyari yun kasama mo ako Van ah"
Tumingin ito sa akin ng seryoso.
"Oo naman,hindi mo naman siguro ako iiwan diba?"
(( Vanellope ))
Gabi na nang magpaalam si Cristoff na babalik na sya ng barko nila.Buti na lang mabait daw ang kapitan nila kaya pinayagan syang magleave kahit ilang oras lang.Sya na rin nag ayos ng mga christmas decors na hindi ko pa nadidisplay kasi nga closing na schedule ko.At bago sya umalis kumain muna kami ng sabay.
"Thank you pala Cris ha"sabi ko dito habang kumakain kami ng dinner.
Tumingin ito sa akin.
"Walang problema basta ikaw Van"simpleng sagot nito at ipinagpatuloy ang pagkain nya.Nakatingin lang ako sa kanya.
Mabait si Cristoff,sobra.Kaya kahit sinong babae maiinlove dito kasi maalaga sya at palabiro which is gusto ng mga girls especially ako🤭
"First time ka lang ba nakakita ng lalaking kumakain Van?Kanina ka pa nakatingin sa 'kin"panunukso nito.
"Hahaha hindi ah! Feelingero:) ang bait mo sa akin..bakit Cris?"
"Anong klasing tanong yan Van?..Gusto mo ba maging masama ako sayo?"
Hindi na ako sumagot pa kasi tumayo na ito at niligpit ang pinagkainan namin.Sya na rin naghugas ng mga plato at ako?Wala..pinahiga nya lang sa couch:)Matapos nya akong painumin ng gamot.Ganun sya besh🤭 para daw makapagpahinga ako ng mabuti.
((Cristoff ))
Nang matapos akong maghugas ng mga pinggan pinuntahan ko sya sa couch kung saan ko sya pinagpahinga.Nakatingin lang ito sa kisame.
Tumingin din ito sa kinaroroonan ko ng mapansin nyang papalapit ako sa kanya.
"Okay ka lang ba dito?Babalik na kasi ako ng barko Van"paalam ko dito.
"Oo naman Cris,okay na ako dito"ngumiti ito sa akin."Salamat ulit ha at mag ingat ka"
Lumapit ako sa kanya at umupo sa harap nya.Hinawakan ko ang kanyang kamay na nanlalamig..Nagulat ito sa ginawa ko.
"Magchat ka lang kung may kailangan ka,okay? Pagaling ka Vanellope"Hinalikan ko ang kanyang kamay na hawak ko.Tumayo na ako at nakatingin lang sya sa 'kin na parang naninibago sa kilos ko.
"Anong tingin nyan?"tanong ko dito.
"Wala naman.,nagugulat lang talaga ako sayo minsan"natatawang sagot nito.
(( Vanellope ))
Nagpaalam na ulit ito sa akin at hinalikan nya ako sa noo bago sya lumabas ng condo.Si Cristoff ba talaga yun?Kala ko kasi puro lang sya biro,may sweet side din pala sya🤭
(( Cristoff ))
Nang makalabas ako ng condo nya,nag message ako kay kenneth kung dumating na ba sila sa port.Nagreply din ito agad na wala munang byahe ngayon gabi kasi mahina ang pyesa nito baka bukas pa ayusin.Ang sabi ko sa kanya message nya na lang ako kung anong oras bukas matatapos ang pagkukumpuni ng pyesa.
Nag message na rin ako kay kapitan na baka bukas na lang din ako makakabalik kasi wala naman byahe ngayong gabi at pumayag naman ito.
Nilagay ko na sa bulsa ko ang cellphone ko at bumalik sa condo ni Vanellope.
Kakatok na sana ako pero hindi iyon naka lock kaya pumasok na ako at hinanap ko sya.Wala sya sa salas at sa kusina,nakita kong bukas ng bahagya ang kwarto nito kaya pumasok na ako.Narinig kong nasa banyo ito kaya hinintay ko syang matapos.Ilang sandali pa bago sya lumabas.Nagulat ito ng makita nya ako.
(( Vanellope ))
"Dyos ko naman Cristoff! Aatakihin ako sayo eh! O bat nandito ka pa?"
"Bat hindi mo nilock ang pinto?Pano kung pasukin ka dito? Do you think may tutulong sayo ha"
"Galit ka na nyan? Si kring kasi pupunta dito so hindi ko na nilock baka kasi hindi ko sya marinig,nasa banyo kasi ako"pagpapaliwanag ko.
Narinig kong napabuntong hininga ito.
Nauna na itong lumabas ng kwarto ko at sumunod na rin ako.
Maya maya pa may narinig na kaming pumasok.Sabay kami napatingin sa bagong dating,may dala itong bulaklak.
Nagulat din ito nang makita nyang nandito si Cris.
"Kala ko nakauwi ka na,dito ka rin matutulog?Wow! Sino nagdesign nito?Ang ganda"tukoy nya dun sa christmas decor na inayos ni Cristoff.Lumapit naman ito sa akin tsaka nya binigay ang dala nyang bulaklak.
Kumunot naman noo ko kung kanino galing to.Wala naman akong manliligaw.
May kasamang letter ito kaya binasa ko iyon."Pagaling ka"yun ang nakalagay.
:/// You may encounter typos and error.
@JMP_
Pls.rate this chapter if you enjoyed it:)thank you.Thank you so much'
@JMP_