(( Cristoff ))
"Van,kain ka na muna",mahinang pukaw ko sa kanya.Dumilat naman ito ng bahagya.
Tinulungan ko itong makasandal sa headboard ng kama nya.Kinuha ko ang kanyang soup mula sa tray.Kumuha ako ng konti sa kutsara at inihipan ito.Nakatingin lang ito sa ginagawa ko.
"Marunong ka pa lang magluto"simpleng sabi nito.
"Oo,"sagot ko sa kanya.
"Anong soup yan?"
"Ito yung specialty ko,soup...crab and corn soup"
"hahaha bwisit ka talaga Cris! Crab and corn?Eh ang dali dali naman yan"Hinampas ako nito ng maliit nyang unan.
"hahaha syempre joke lang,ito lang kasi ang meron ka dito"
"hahaha puro ka kalokohan"
((Vanellope))
Matapos ako nitong pakainin pinag pahinga nya ako.Yes mga besh,nagmukha akong disabled sa kanina🤭
Rinig ko mula sa labas na may ginagawa ito kaya bumangon ako para puntahan ito.Nakita ko itong inaayos ang mga pinamili namin christmas decors ni kring nung isang araw.
"Nagising ba kita?"tanong nito ng makita nya akong papalapit sa kanya.Tumigil din ito sa ginagawa nya at lumapit sa akin.Hinawakan nito ang dalawang braso ko.
"Okay na ba pakiramdam mo Van?"Ayan na naman sya sa titig nyang nakakalusaw.
Pinipilit kong kayanin ang mga titig na yun pero kusang tumitingin ang mga mata ko sa ibang direksyon.
(( Kenneth))
"Oh tropa okay ka lang?"tanong ni Gab.
"Oo naman,iniisip ko lang si Van..."sagot ko dito.
"Ha?"
"Ang ibig kong sabihin,kung kamusta na sya kasi ang sabi ni Cristoff masama daw pakiramdam kaya hindi pumasok"
"Nagtext nga rin sa akin na nandon daw sya ngayon sa condo ni Vanellope"
Sa paglilibot namin nadaanan namin yung store nila.Nakita ko na sya sa may entrance na inaayos ang mga damit kasi andaming tao.Balak ko sanang pumasok dun kaso lang nagyaya si Gab na kumain daw muna kami kaya ang sabi ko babalikan ko na lang sya.Habang kumakain kami parang hindi ako mapakali,yung gusto ko na talaga makita ang mukha ng babaeng yun.
Nang matapos kaming kumain niyaya ko silang pumasok sa store kung saan nandon ang babae at buti na lang nandon pa sya.
Hindi ako nagkakamali,sya nga yun.
(( Cristoff ))
Nagpapahinga sya ngayon sa kwarto nya at ako naman nakaupo lang sa couch.. Nilibot ko ulit ng tingin 'tong condo nya.At napako ang tingin ko sa isang sulok,may book shelf na maliit.
Nilapitan ko iyon,at nakita ko nga na nagsusulat pala sya ng mga kwento.May mga ibat ibang uri din sya ng pens.At madami din syang novels na naka display.May mga notebooks din sya na wala pang laman at ang iba meron nang sulat.Binasa ko ang isa sa mga notebooks na yun.
"Bat ka nandyan?"nagulat ako ng may nagsalita.Ramdam kong papalapit ito sa akin kaya binalik ko yung notebook na dapat babasahin ko.
Bumaling ako sa kanya.Nakapamewang ito at nanlilisik ang mga mata.
Ang haba ng hair ni Vanellope eh! Gandaugh ka ghorl ?hahaha'
Abangan natin ang POV ni Sean:)
Please write a review:) wag tayong spoiler' mwaaa!
Thank you so much!:)
JMP