App herunterladen
60% Protégée / Chapter 9: Chapter Nine

Kapitel 9: Chapter Nine

Panay ang hawak ni Peter sa dalawa nitong cellphone, "Ang kapal ng mukha ng babaeng 'yon?!" sabi ng binatang manager ni Paige sabay lakad ng pabalik-balik at galit na galit, "sino siya para pagbintangan ka na mamamatay-tao?!" dugtong pa ni Peter. "May punto din naman kasi siya, at in-accept ko pa kasi ang foremost position ng pelikula ko last month at ako ngayon sumabay pa itong Ricci Lux siyempre isasama ako sa nominasiyon, at makakalaban ko na naman siya, phenomenal supporting actress na nga ang tawag sa 'kin ng bansa tapos tinanggap ko pa'ng offer ng leading role ng 'Mari Sol'," sabi ni Paige, "at... sinulatan ko pa si June ng pelikula, alam ko namang hindi ko na nga siya kaibigan, ang tanga-tanga ko talaga..." dugtong pa ni Dazzle. "Wala na 'yon bes, nadala lang si June sa anger and suspicion kaya siya napapunta dito at inaway ka." Sabi ni Van kay Paige. Nainis si Peter sa sinabi ng mamahayag. "Nadala sa anger? Let's say, anger nga, so naniniwala ka na gaga si Paige?" tanong ng manager ni Dazzle kay Van. "Siyempre hindi!" sagot agad ni Van, "Ano bang tanong 'yan?" tanong din ng newscaster. "Iyang kaibigan mo na nadala sa 'anger', sinabi niya sa alaga ko, na gaga daw!" sabi ni Peter. "Narinig ko rin 'yon," Sabi bigla ni Paige, "kung mamamatay-tao ako, mamamatay-tao lang, pero hindi ako gaga..." dugtong pa ni Dazzle, sabay tayo sa kinauupuan. "Kasuhan mo 'yang June na 'yan!" sabi ni Peter kay Paige. Napatayo rin si Van at sinabihan si Paige ng, "Paige, 'wag na please... Nadulas lang ang lola June mo, 'wag mo ng dagdagan pa ang awayan niyo." Sabi ni Van kay Dazzle. "Puwes, kung nadulas siya, nadulas din ako sa pagdedemanda sa kanya ng libel." Sabi ni Paige. "'Yan! Ganyan nga! Idemanda mo 'yang June na 'yan!" sabi pa ni Peter sabay cheer sa alaga nito. Hindi alam ni Van kung anong gagawin. "Pero bago ang pagdedemanda, magpapatawag muna ako ng presscon, para maganda." Sagot ni Paige. "Oh God." Sambit ni Van. "Yeah! That's what I'm talking about!" sabi ni Peter na panay ang tawa.

3:00 ng hapon, umiiyak si Sparkle sa sofa kasama ang kapatid na si Ricky. Inaalala ang mga araw na kasama ang dating bestfriend na si Paige. Inaalala ni Sprakle ang araw na naglalaro sila ni Paige sa isang cosplay party at may nagvi-video sa kanila. Si June ay nakasuot na costume ni Tom na isang pusa habang hinahabol niya si Paige na nakasuot na costume ni Jerry na isang daga. "Please!!! No!!! Don't hurt me!!!" sigaw ni Paige habang siya ay tumatakbo at hinahabol ni June. Natatawa at naaliw naman sina June at Paige sa ginagawa nilang kabaliwan at kahit ang nagvi-video sa kanila ay naaliw din.

May kumakatok sa pintuan ng bahay ni June. Nag-uusap ang magkapatid sa sofa ng salas. Tumayo si Ricky sa kinauupuan at lumakad papunta sa pintuan para buksan. Pag-bukas ni Ricky ng pinto, nagulat itong kuya ni June nang makita si Van na hinihingal at nagmamadaling pumasok sa loob ng bahay ng magkapatid. "Van!" sabi ni Ricky sa reporter, "easy, what's wrong?" dugtong pa ni Ricky. Pumasok agad ang mamahayag sa loob ng bahay ng magkapatid. "Where's June?" panay ang hanap ng newscaster kay Sparkle. "Ang O.A. mo andito lang ako." Sabi ni June na nakaupo lang din naman sa sofa, may hawak na unan at pumupunas ng mga luha sa mga mata. Lumapit agad si Van sa bestfriend nito. "Kamusta ang lola Paige mo?" tanong ni June kay Van. "Gusto mong malaman?" tanong din ni Van sa kaibigan. Kinuha ng journalist ang remote control ng TV na nasa center table, itinuon ni Van ang remote control ng telebisiyon, pinindot niya ang 'on' at umandar ang TV. Lumabas sa TV screen na nasa presscon itong si Paige. Tinatanong ng press si Dazzle at sinasagot naman ito agad ng artista, at halos lahat na mga tanong ay tungkol sa pag-atake daw ni June sa bahay ni Paige. Isang tanong kay Paige ang kumuha ng atensiyon ni June. "So, idedemanda mo talaga ng libel si miss Sparkle, miss Dazzle?" tanong ng dalagang newscaster. "'Yan na nga lang ang idedemanda ko sa kanya, dapat nga trespassing pa, pero 'wag na, bait ko kasi." Sagot ni Paige sa dalagang newscaster. "Bait?" sambit ni Kitty. "Tahimik!" sabi ni Van sa make-up artist. "Bakit nga ba libel ang kasong idedemanda mo sa kanya miss Paige?" tanong ng binatang journalist. Napataas ng kilay si Paige at nagsabi ng, "Dahil sinususpektahan niya 'ko na ako ang pumatay sa ama't kapatid ko... nalaman iyang ako ang sumulat ng pinakasikat niyang horror movie na, 'Protégée'." Sagot ni Paige. At nagulat lahat ng newscasters sa sagot ni Dazzle dahil nalaman nilang si Paige pala ang sumulat ng 'Protégée'. "Yes. I was the one who wrote that creepy film and sinulat ko lamang ang pelikulang 'yon para kay June ay dahil nagagalingan lang ako sa kanya pero she's still suspecting me at sinabihan niya ko ng, gaga." Sagot pa ni Dazzle. "Parang 'yon lang?!" sabi ni Kitty. "Ikaw kanina ka pa!" sabi ni Ricky kay Kitty. "Masakit para sa 'kin, na, sabihan ka ng gaga, na alam mo sa sarili mo na hindi ka gaga." sabi pa ni Paige, "lalo na pag-galing ang salita sa isang dating bestfriend." Dugtong pa ni Dazzle. Napatitig sina Van, Kitty at Ricky kay Sparkle. Si June naman ay napaluha hindi sa lungkot kundi sa galit. Tinern-off ni June ang TV gamit ang remote control. "Ano ng gagawin mo sis?" tanong ni Ricky sa kapatid, "for sure mamaya babaha na naman ng camera at microphone mula sa media." Dugtong pa ni Ricky. Nakatayo lang si June at di gumagalaw, at panay ang titig sa TV. "June," sabi ni Van, "patay na ang TV, puwede ka ng tumalikod sa amin." Dugtong pa ng kaibigan. Tumalikod bigla si June kina Ricky, Kitty at Van. Napasigaw ang tatlo sa gulat. "'Wag ka namang manggulat girl!" sabi ni Van sa kaibigan. Biglang nagsalita si June. "Magpapatawag din ako ng presscon." Sabi ni Sparkle. Nagulat sina Kitty, Van at Ricky. "Hoy! Di ka naman masyadong excited 'no?" sabi ni Ricky sa kapatid, "okay din namang magpatawag ng presscon pero 'wag naman ngayon." Sabi ni Van sa bestfriend nito. "Sino ba'ng nagsabi sa inyo na, ngayon ako magpapatawag ng presscon?" sagot ni June sa kapatid at mga kaibigan. Tumunog bigla ang telepono. Sinagot agad ni June ang nagri-ring na telepono at pinilit na ngumiti. "Hello?" sagot ni Sparkle. Isang repoter na lalaki ang nasa kabilang linya, nagtatanong sa artista kung puwede ba itong pumunta ngayon sa bahay niya para maka-one-on-one si June, ngunit sumagot lang si Sparkle sa mamahayag ng, "'Wag po kayong mag-alala, magpapatawag din po ako ng presscon, bukas, yes po, salamat." Ibinaba na ni June ang telepono. "Magpapa-presscon ka?" tanong ni Ricky sa kapatid. "You heard me." Sagot ni June. "Talaga?" tanong ni Van sa kaibigan. "Talagang talaga. And you heard me, again." Sagot ulit ni Sparkle.

8:30 ng umaga, may kumakatok na sa pintuan ng bahay ni Dazzle. Binuksan ni Peter ang pinto at sumimangot bigla ang mukha ng binata. Si Van lamang pala ang kumakatok. "Ano na naman? Ano na naman ang ginagawa mo dito?" tanong ni Peter sa mamahayag. "Where's Paige?" tanong ni Van sa manager ni Dazzle. "Oh, Van, andiyan ka pala, pasok." Sabi ni Paige na nakita ang kaibigan sa labas habang umiinom ng kape sa salas at nanunood ng TV. "Excuse me." Sabi ni Van kay Peter sabay pasok sa loob ng bahay. Nagalit lalo si Peter sa newscaster. "Miss Van Helsing, ba't andito ka na naman?" tanong ni Peter sa mamahayag. "Anong pinapanood niyo?" tanong ni Van kay Paige. Nakita ng newscaster na aliw na aliw si Paige habang nanunood ng 'Tom an Jerry'. Natatawa si Paige habang pinapanood ang sikat na cat-and-mouse na cartoon series. "Naalala mo?" tanong ni Paige kay Van na natatawa, "Ito palagi ang ginagaya namin ng lola June mo, noong... magkaibigan pa kami..." dugtong pa ni Paige na nalungkot bigla. "Mamaya na mo na 'yan ipagpatuloy Daz, dahil itong pinunta ko dito." Sabi ni Van kay Paige sabay na inilipat ang istasiyon na pinapanood ni Paige sa channel kung saan balita ang lumalabas. Nagulat si Peter lalo na si Paige sa kanilang nakita sa TV. Nasa press conference si June. Nagsisitanungan ang media kay Sparkle. Sinasagot naman ni June ang mga katanungan. Tumunog bigla ang cellphone ni Van. May nag-text sa dalagang reporter. Presidente ng isang istasiyon sa telebisiyon ang nag-text daw sa kanya. "Pinapapunta ako sa presscon ng lola mo, dapat raw may makukuha akong mga importanteng mga..., mga bagay na mangyayari sa presscon." Sabi ni Van kina Paige at Peter. "Sino ba 'yon?" tanong bigla ni Peter kay Van. "Ano ba'ng paki-alam mo?" tanong din ni Van kay Peter, "Close ba tayo? Kung si Paige sana ang nagtanong baka nasagot ko. Kilala mo ba si Nenito Banderas?" dugtong pa ni Van. Sasagot sana si Peter ngunit si Paige ang sumagot, "Presidente ng TV station niyo." Sagot ni Dazzle. "Oh, alam nga ni Paige malamang ikaw kilala mo din kaya di ko na kailangan na ipakilala ang ka-text ko." Sabi ni Van kay Peter. Napasimangot naman si Peter. "Bakit? Ipinakita mo ba ang ka-text mo sa 'min? wala di ba?" sabi din ni Peter kay Van. "Bakit ko ipapakita sa'yo ang cellphone ko sa'yo?! Nag-iisip ka ba?!" galit na tanong ni Van kay Peter at mag-aaway na naman sana ang manager at ang reporter. Mabuti at pumagitna na naman si Paige sa dalawa. "Van, sige na, umalis ka na, hindi mo na maabutan ang presscon ng lola Sparkle mo." Sabi ni Paige kay Van. Umalis ng bahay ni Dazzle si Van ng nakatitig ng masakit kay Peter. Isinara ni Peter ang pintuan. "'Kita mo'ng mukha ng babaeng'yon!? Kulang na lang saksakin na niya 'ko ng ballpen na nasa bulsa niya! Hindi si Banderas sang ka-text no'n!" sabi ni Peter kay Paige. "Tumahimik ka nga!" sabi din ni Paige sa manager nito, "manood na lang tayo ng presscon ng most awarded best actress na ito." Dugtong pa ni Dazzle.

"Why did you ask for a presscon miss Sparkle?" tanong ng isang TV anchor na babae, "for sure, gusto mong ipahiwatig sa mga tao ang side mo sa pagdedemanda sa'yo ni miss Dazzle, ng libel." Dugtong pa ng nasabing anchorwoman. "Oo. Tama ka." Sagot din ni June sa reporter. Humigpit ang hawak ni Paige sa tasa ng kape na nasa mga kamay nito.

Panay naman ang tawag ni Ricky sa cellphone niya at si Warren ang nasa kabilang linya. "'Asan ka na ba?" tanong ni Ricky sa sheriff, "matatapos na ang presscon ng ex mo, wala ka pa rin dito!" dugtong pa ni Ricky na galit na at nakatalikod lang sa stage mula sa ibaba kasama ang media. "'Andiyan na 'ko, umantay ka nga." Sagot naman ng pulis. Panay lang ang pagtalikod ni Ricky para di siya mapansin ng media at hindi maabala ang kapatid sa pagsagot sa mga tanong ng media. Panay lang ang sagot ni June sa mga tanong mula sa press. "So miss Sparkle, idedemanda mo rin si miss Dazzle?" tanong ng isang binatang radio anchor. Nag-pause for a moment. Kinakabahan si Paige at baka idedemanda rin siya ng dating kaibigan. Sumagot bigla si June, "Hindi." Napatawa si Peter, at napangiti si Paige sa sagot ni Sparkle.

Dinugtungan bigla ni Sparkle ang kanyang pangungusap ng, "Pumunta lang ako sa bahay niya dahil sa takot na baka siya nga ang sikat na killer ngayon dahil siya nga ang sumulat ng pelikula ko na 'Protégée' na kay tagal ko ng hinahanap kung sino ang may kasulatan, at siya lang din naman pala ang may kagagawan at sinabihan ko siya na handa akong kumitil ng ng buhay sa kung sino man ang totoong mamamatay at siguro na-offend ko siya pero,... duwag lang ang magdedemanda kung sinabihan ka ng gaga." Dugtong pa ni Sparkle. Nagulat bigla ang media. Napatigil agad si Peter sa pagtawa at sa pag-ngiti itong si Paige. "Miss June, di ba po, si miss Paige ang sinabihan niyo ng gaga, so bale siya po itong duwag, tama po ba?" tanong ng isang babaeng reporter. "Tama," sagot ni June, "di lang gaga, bingi pa." dugtong pa ni sparkle. Nagulat si Paige at ang manager nito. "Bakit po bingi?" tanong ng isang janitress sa may sulok. Napatitig lahat bigla sa janitress. Napayuko bigla ang tagapaglinis sa hiya. "It's okay, I can answer that." Sabi ni June na napangiti. Tumitig ulit lahat kay Sparkle. "She's deaf because..." lumapit lalo ang mga microphone ng media sa artista. Napangiti lalo si June sa press, "shes's deaf because... we use to call ourselves as 'gaga' whenever we meet. It simply means that she really buried our friendship." Dugtong pa ni June na parang namumula ang mga mata sa lungkot. Napaluha naman si Paige nang marinig ang sinabi ng dating kaibigan.

Nagagalit naman itong si Ricky dahil nawala sa linya si Warren. "Anak ng-- matatapos na ang presscon, wala pa-". Nang bumalik itong sheriff sa linya, "Andiyan na ko! Ano ba!" sabi ni Warren kay Ricky. Sumagot bigla si Ricky sa pulis ng, "Ewan ko sa'yo!" sabi nito na galit, "tapos na ang presscon ng kapatid ko! At wala pa ring pulis dito!" dugtong pa ni Ricky. Pinatay ng kuya ni June ang cellphone nito at humarap na lang sa stage kung saan panay ang sagot ng kapatid nito sa mga tanong ng press. Naiinis pa rin si Ricky kay Warren. Pinipilit na lang ni Ricky na ngumiti sa kapatid na nasa entablado. Nang biglang ginulat si Ricky ng isang bilog na pula na parang ilaw sa may dibdib ng kapatid. Pumasok bigla sa isip ni Ricky na parang laser ng baril ang ilaw na pula. Nakatuon ang laser sa kaliwang parte ng dibdib ng bunso nitong kapatid. May gustong bumaril sa kapatid niya. Nagmumula ang laser sa ikalawang palapag. Nagtatago sa dilim ang taong gustong bumaril sa younger sister nito. Hindi makita ng crowd ang killer dahil nakaharap sila sa stage at nasa likod ang killer na nasa second floor. Hindi naman mapansin ang laser na nasa dibdib ni June ay dahil sa suot nitong pulang damit at sa mga flash ng mga camera mula sa media. Malayo si Ricky sa entablado. Naisipan nitong lumakad papunta ng entablado at itulak ang mga reporter na humaharang sa dinadaanan niya. Habang si June ay patuloy sa pag-sagot ng mga katanungan mula sa media. "Eh ano ngayon kung sinabihan ko siya ng gaga?" tanong din ni Sparkle sa media, "eh, kahit pangalan ngayon ng tao, gaga na." Ipinakita agad ni June ang picture ni Lady Gaga na nasa magazine, sa crowd. Napatigil din si Ricky sa paglakad at napatitig din ito sa magazine ni Lady Gaga na hawak ng kapatid. Biglang nawala ang nakatutok na laser sa dibdib ni June. Nagtanguan ang media sa isa't isa at kombinsido sila sa sagot ni Sparkle. Nagtaka si Ricky kung saan pumunta ang laser. Napatalikod at napatingin din si Ricky kung saan pumunta ang tao sa ikalawang palapag. Tinawagan ulit ni Ricky si Warren. "Hello? Warren? Nasaan kana? May laser na--" tanong ng kuya ni June sa sheriff. "Andiyan na nga di ba?" sagot naman ni Warren. "Kanina pa'ng andiyan-andiyan mo matatapos na ang presscon ng kapatid ko! Wala pa ring pulis dito! Parang hindi pa ako sigurado kung babarilin ba si June sa entablado ng wirdong tao!" galit na pagsabi ni Ricky. Pinatay ng kuya ni June ang cellphone nito at humarap ulit sa entablado. Patuloy sa pagsagot ng mga tanong si June mula sa media. "Paige I'm not saying na duwag ka. Ang sa akin lang kung sana iniisip mo din ang tawagan natin sa isa't isa noong magkaibigan pa tayo. At kahit nag-away tayo noon sa pagiging ampon ko, hinding hindi ko pa rin sasabihin sa media ang sikreto mo." Sabi ni June. Napaluha ulit si Paige. Biglang lumabas ulit ang laser at nakatutok ulit ito sa dibdib ni Sparkle. Nagulat ulit si Ricky nang makita ang laser. "Kaya ko 'to," Sabi ni Ricky sa sarili, "I can do this..." dugtong pa ni Ricky habang tumatakbo papunta ng stage at pinagtutulak ang mga tao na humaharang sa dinadaanan nito. Napansin na ng media ang laser na nasa dibdib ni Sparkle. "Tabi!!!" sigaw ni Ricky sabay tulak sa mga tao na humaharang sa daan nito. "Oy! Laser 'yong nasa dibdib ni miss Sparkle!!!" sigaw ng press. Nasa itaas na ng stage si Ricky. "Kuya?" tanong ni June nang makita ang kapatid na tumatakbo papunta sa kanya. Nang maabot na ni Ricky si June, tinulak niya agad ito sa gilid. Nagulat ang lahat. Biglang may pumutok na baril at tinamaan si Ricky sa kanang braso at natumba ang kuya ni Sparkle. Napasigaw lahat sa gulat, nag-panic at nagkagulo. Nagulat si Paige at Peter habang nanunood at nabitawan ni Dazzle ang dala-dalang tasa ng kape. Napasigaw si June sa kapatid "Kuya!!!" nang makita ang pagkatumba nito. Napasigaw sa sakit itong si Ricky dahil sa tama ng bala mula sa isang baril. Nagakagulo bigla at umingay mula sa crowd. Nag-panic lahat ng mga tao sa presscon, iba ay nagsikuha ng mga picture sa pagkabaril ni Ricky at ang iba ay nagsitakbuhan paakyat ng second floor kung saan nagmula ang pamamaril. "Hayun siya!!!" nakita ng media ang taong bumaril mula sa isang sulok ng ikalawang palapag. Nilapitan agad ni June ang kapatid at di niya mapigilang umiyak. Tumakbo agad ang mga guard sa tinamaang si Ricky at iba ay sinundan ang media na umaakyat ng ikalawang palapag para dakpin ang bumaril. Pumasok agad ang taong bumaril sa female restroom. Gusto ring pumasok ng ibang guard at ng ibang media men ngunit pumasok sa loob ng female restroom ang taong bumaril kay Ricky. Nahihiya ang ibang lalaking guard na pumasok sa loob ng nasabing C.R.. Ngunit pinilit sila ng mga babaeng guwardiya at reporters na pumasok sa loob. Pagbukas nila ng banyo, wala na ang tao. Nakita na lang nila na bukas ang bintana ng banyo at may naiwang baril sa may inodoro. Hindi kayang dalhin ng dalawang lalaking guard at ng isang babaeng journalist si Ricky. Nagagalit na si June sa panay na pagkuha ng mga cameraman at mga reporter ng picture sa tinamaang kapatid. "Ano? Magte-take na lang kayo ng picture? Tulungan niyo kami!" sigaw ni June sa media. Nagtitigan ang mga cameraman at mga reporter. Ang iba ay tinulungan ang magkapatid at ang iba ay nagpatuloy sa pag-take ng pictures at videos. Inilagay na ng mga tumulong na mga tao si Ricky sa wheelchair. Dinala nila si Ricky palabas ng hall kasama si June. Patuloy pa rin ang media sa pagkuha ng picture sa duguang si Ricky at panay ang pag-iyak na si June. Sa labas ng mini-auditorium, dumating din sa wakas si Warren. Nakita ng sheriff ang naka-wheelchair na si Ricky. "What happened?!" gulat na tanong ni Warren. "Dumating ka pa..." sabi ni Ricky na pinipilit na magsalita dahil sa sakit. Ipinasok ng mga guard at ng media si Ricky sa isang ambulansiya at umalalay ang mga nurse pati si June at Warren sa pagpasok kay Ricky sa loob ng ambulansiya at agad na bumyahe ang nasabing sasakyan papunta ng hospital.

Si Paige naman ay napanganga sa titig sa TV. Di nito alam na nabitawan na niya pala ang tasang hawak nito. "Hoy!" ginigising ni Peter ang alaga habang bukas ang mga mata nito. Nagkamalay ulit si Paige. "Ha?" tanong ni Paige sa manager nito. "Kape mo! Nabitawan mo na! sa kakatitig sa TV! Ano? Gusto mong tulungan ang magkapatid na 'yon 'no?" tanong ni Peter kay Dazzle. "Ha? Hindi 'no?" sagot ni Paige sa manger nito. "Hello? Halata sa mukha mo ineng!" sabi ni Peter kay Paige. "Ano ba'ng pinagsasabi mo?" tanong ni Paige sabay lakad papunta sa kuwarto nito at isinara ang pinto. Huminga ng malalim si Dazzle at napaiyak ng todo. Gustong gusto niyang tumulong sa dati nitong bestfriend ngunit alam niyang hindi niya magawa at alam niya na kailangan ngayon ni June ng makikiramay. Noon siya palagi ang kasama ni June sa mga problema at kabiguan at ngayon, di na niya madamayan ang dating kaibigan.

Nakahiga si Ricky sa loob ng isang kuwarto sa ospital. Pinapagaling ng mga doctor at nurse ang kuya ni June. Nasa labas lang ng nsabing kuwarto si Sparkle at ang ex nito na si Warren. Nag-uusap ang dating mag-kasintahan. "Ba't ang tagal mo?" tanong ni June sa dating nobyo, "hayan, kita mo na'ng resulta ng katagalan mo?!" dugtong pa ni Sparkle kay Warren. "Pasensiya na," sagot ng sheriff, "traffic, eh, I have to manage pa 'yong nag-away dahil sa banggaan ng jeep at ng tricycle." Dugtong pa ni Warren. "Oh, sha, sige," sabi ni June, "imbestigahan niyong mga pulis kayo ang may kagagawan ng 'to. Ang laki ng tiwala ko sa'yo, alam kong mahuhuli niyo ang gagang may kagagawan ng mga 'to,... o gago." Dugtong pa ni June sa ex niya. "'Wag kang mag-alala, huhulihin ko ang killer at papatayin kung kailangan." Sagot ni Warren sa dating nobya.

Ilang oras din ang nag-daan, pumasok sina June at Warren sa loob ng patient's ward ni Ricky. "Okay ka na Rick?" tanong ng sheriff sa kapatid ni June na nakahiga sa kama at may bandage ang kanang braso. "Kinda." Sagot ni Ricky sa sheriff. Napangiti si June at ang pulis sa sagot ni Ricky. "Mukhang di naman ang kuya Ricky mo ang mamamatay-tao June." Sabi ni ni Warren kay June. "Nahihiya nga ako sa sarili ko, noong pinagsuspektahan ko si kuya. Ngayon alam ko na, itataya niya ang sarili niya para sa buhay ng kapatid niya." Napaluha si June habang nagsasalita. "'Wag ka ng mag-emote diyan," sabi ni Ricky sa kapatid, "Ano ka ba, bala lang 'tong tumama sa braso ko, at kung mamatay man ako, okay lang girl, basta para sa'yo." Dugtong pa ng kuya ni Sparkle. Nagtitigan ang magkapatid at nagluhaan. "So!" sambit ni Warren bigla, "naniniwala ka pa rin ba na si, Paige ang killer?" tanong pa ng pulis kay Sparkle. Napaisip bigla si June at sumeryoso ang mukha. "Hindi na," sagot ni June sa dating nobyo, "may iba na 'kong suspek." Dugtong pa ni Sparkle. Bumukas bigla ang kuwarto. Nagulat bigla sina Sparkle, ang kuya ng artista at ang pulis sa pagbukas ng pintuan ng hospital ward ni Ricky. Si Van lamang pala ang bumukas ng pinto at pumasok ng kuwarto. Nagtitigan ang tatlo at tumingin sa reporter. "Siya ba?" tanong ni Ricky sa kapatid kung si Van ba ang bago nitong suspek. "Siya nga." Sagot naman ni June. "Siya?" tanong din ni Warren sa dating nobya. "Siya ang ano?" tanong din ni Van sa kanila sa may pintuan. "Wala," sagot ni June, "Zsa Zsa Padilla daw, bumili si Warren ng bagong album ni Zsa Zsa." Dugtong pa ni June. Pasimpleng siniko ni June ang dating nobyo para sumang-ayon sa alibi nito. "Ah! Oo! Galing nga ni Zsa Zsa sa bago nitong single! Oo, hehehe..." sabi agad ni Warren kay Van sabay ngiti ng pilit. "Jesus, Ricky are you alright?" tanong ni Van sabay lakad papalapit kay Ricky. Kinabahan agad ang manager ni Sparkle dahil lumalakad papalapit sa kanya ang reporter at dali-dali itong umarte na walang sakit. "Oo! Okay na 'ko! Oo! Parang wala lang 'yong bala kanina eh!" sagot ni Ricky sabay ngiti kay Van. Nagtataka si Van, parang iba ang inaasal ni Ricky, kahit ang bestfriend nito ay walang ganang tumitig sa kanya. "Parang dumaplis lang 'yong bala!" sabi pa ni Ricky kay Van. "Eh, sabi ng doctor mo sa labas, malapit sa buto mo ang tama ng bala, paanong--" Naputol ang pangungusap ni Van nang magsalita si June, "Van," sabi ni Sparkle sa bestfriend, "parang wala ka kanina sa presscon ko, ikaw pa naman ang inaasahan kong newscaster na maraming itatanong." Dugtong pa ni June. "I was on my way, pero, sinabihan ako ni sir Nenito sa phone ko na, 'wag na raw ako umatend ng presscon mo dahil marami naman raw doon mga taga-station namin ang umatend, sorry Junie..." sagot ni Van sa kaibigan. "Really?..." sambit ni June na iba ang galaw at di kombinsido sa sagot ni Van. Napapansin ng newscaster na iba na ang tono ng tinig ng artista at ang tindig nito. Mukhang iba na ang tingin ng bituin sa mamahayag. "Okay, so, I guess, magpapahinga pa si Ricky, at babantayan mo pa siya bes, so, perhaps, bukas na lang ako ulit bibisita. Bye." Sabi ni Van sabay bukas ng pintuan ng kuwarto. Pagbukas ng journalist ng pintuan, si Kitty agad ang tumanbad sa harapan nito. Napasigaw agad si Kitty dahil sa buhok ni Van na sobrang haba na abot sa puwitan. Nagulat rin sina Ricky at Warren sa pagsigaw ng make-up artist. Pumasok sa loob ng kuwarto si Kitty at lumabas naman si Van. "Ba't ngayon ka lang?" tanong ni Ricky kay Kitty, "wala ka din kanina sa presscon, ikaw siguro ang killer 'no?!" dugtong pa ng nabaril. "Ako?", tanong din ni Kitty kay Ricky, "takot ko lang siguro sa baril, and for your information, nag-shopping ako for more make-up kit, at kung ako man ang killer, sisiguraduhin kung tatamaan sa noo ang babarilin ko." Dugtong pa ni Kitty sabay tawa bitbit ang plastic ng mga lipstick, pulbos, perfume at kung ano-ano pa. Napansin ni Kitty na seryoso ang mga mukha ng tao sa loob ng kuwarto at napatigil din ito sa pagtawa. Nagpatuloy ang bangayan nina Kitty at Ricky. Habang si Van na nasa labas ay panay din ang titig kay June at ganoon din naman si Sparkle sa kanya. Umalis na lamang si Van at umiwan ng masakit na titig kay Warren. Nagulat naman ang pulis sa titig ni Van. "Kita mo 'yon?" tanong ni Warren sa dating nobya. "Oo, nakita ko," sagot ni Sparkle, "bantayan mo daw kami." Sagot ni June sa dating nobyo tungkol sa titig ni Van sa kanya.


Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C9
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen