App herunterladen
32.14% Forgotten Memories (tagalog) / Chapter 18: Isla del Fuego

Kapitel 18: Isla del Fuego

Isla del Fuego.

Ang paraiso sa Mevious city. Dahil ekslusibo ito ay kailangan ng imbitasyon mula sa Suits Brotherhood (samahan ng mga self- made bachelors na nagmamay- ari sa isla) bago makapasok sa naturang isla.

"Ang ganda naman dito!" saad ni Jei habang pinagmamasdan ang bughaw at kumikinang na tubig dagat. Mula sa kanyang bintana ay tanaw niya ang malawak na dagat at ang mga matatayog na puno ng niyog na nagsisilbing silong sa mga taong nag- eenjoy sa malinis na beach.

"Do you like it?"

Lumingon si Jei at natutop ang bibig ng makitang walang pang- itaas si Wonhi. Naka- blue Hawiian beach shorts lang ito kaya lantad ang matipuno nitong muscles at abs na katamtaman lang.

"Hey, pervert! Enjoying the view?" nakangising kantiyaw ni Wonhi ng mapansin ang reaksiyon ni Jei ng makita siya.

Biglang nagbawi ng tingin ang dalaga saka umingos. "Huh! Flatter yourself. Maraming ganyan sa beach no!" sagot nito saka ibinalik ang tingin sa beach upang ibaling ang kanyang atensiyon.

Natawa lang si Wonhi sa inasal niya. "Why are you so defensive? I am talking about the view outside. Ewan ko sa yo, Jei!" pilyong saad ng binata.

"Anyway... why are you here?" biglang tanong ni Jei para idivert ang usapan.

"Ah... yeah! I come by to ask if you wanna join us. Rain and tito Liam are already preparing," sagot ni Wonhi. Nag- isip si Jei. Tatanggi sana siya ng biglang nagsalita si Wonhi na parang nabasa ang laman ng kanyang utak.

"I know a place where you can buy bathing suits," saad ni Wonhi. Biglang namula ang pisngi ng dalaga sa sinabi nito.

"I don't~"

"Oh c'mon! It's close from here. Tara!" sabi ni Wonhi bago niya hilain ang kamay ni Jei palabas ng kanilang inuupahang cottage patungo sa isang boutique sa di kalayuan.

Nakashades ito at puting bull cap na lalong umagaw sa atensiyon ng mga turistang nadadaanan nila. Lalo pa't exposed ang kanyang pang- itaas na katawan.

Napatingin si Jei sa binata ng marinig niya ang isang babaeng tumili ng marecognize niya ang modelo.

"Holy shit! That's Wonhi Park for sure!" ani nito sa mga kasamang nagsasun basking sa mga lounges na nagkalat sa may pampang.

"Damn! He's f*cking hot!"

"But... who's that girl with him?"

"Maybe... a girlfriend?"

"No! Impossible! I mean, look at her!"

"Yeah. Right!"

Parang walang narinig si Wonhi at tuloy- tuloy lang itong naglakad habang hawak- hawak ang kamay ni Jei.

Nahiya tuloy siya sa itsura niya dahil naka- t- shirt lang siya at jogging pants kaya nagmukha tuloy siyang katulong nito. Nagsisisi siyang hindi nagdala ng isusuot na beach wear pero narealize niyang wala din naman siyang magandang damit maliban sa shorts at camishirts niya.

"You still look pretty even without wearing expensive and stylish clothes," nakangiting sabi ni Wonhi sa kanya.

"Huh? How did you~ can you read minds?" gulat na tanong ni Jei sa binata na tumawa sa sinabi nito.

"Kinda. But only yours. So I know na pinagnanasahan mo ako!" kantiyaw ng binata sa kanya.

"Yuck! In your dreams, kuya!" sigaw ni Jei.

"Try harder next time!" nang- aasar na saad ng binata. "Your mouth may lie, but your eyes? Never!"

"Tama na! Nakakapikon ka na!" nakangusong saad ng dalaga.

Pero tila in the mood si Wonhi sa pang- aasar sa kanya kaya hindi ito tumigil. "It's okay, my body is all yours to see!"

Namula si Jei sa kahihiyan dahil sa sinabi nito kaya bigla niyang sinuntok ang braso ni Wonhi na agad namang umilag. Lalong nainis si Jei dahil sa pag- ilag nito kaya sunod- sunod na suntok sa dibdib ang ginawa niya.

Malalakas ang tawa ni Wonhi habang umiilag at pinapanood ang frustrated na mukha ng dalaga.

Naluluha na si Jei sa inis kaya bigla siyang niyakap ng binata na naguilty sa kanyang pang- aasar.

"Sorry," saad ng binata habang ginugulo ang buhok ni Jei. Umingos lang si Jei saka nagpunas ng luha.

Napangisi si Wonhi sa inasal niya. "Hay naku! Always a cry baby!"

"Bwisit ka!" saad ng dalaga na tinawanan lang ni Wonhi.

"Good morning! What can I get you?" tanong ng isang sales clerk na malagkit ang tingin sa binata.

"We need some swimwear please," sagot ni Wonhi.

"Perfect! We have some hot items here, sir!" saad ng dalaga habang tinutungo nila ang isang section na puno ng magagandang bikini. "What kind of bikini would you like?"

"Uhm... something sexy, yet still discreet!" sagot ng binata. Tumango ang sales lady saka naghanap sa mga nakadisplay.

"How about this?" tanong nito habang hawak ang isang itim na one piece bikini na strapless at may disenyong ruffles sa may dibdib.

"Hmmm... too cute!" saad ni Wonhi.

"This?"

Ngayon naman ay isang pulang string bikini na may pares na pula at mahabang floral print silk kimono.

"All guys will be looking at her in that!" komento ng binata.

Napanganga na lamang si Jei habang pinapanood ang dalawa na namimili sa kanyang bikini. At nabubwisit na siya sa kakaantay. Puro...

"Next..."

"Too skimpy!"

"Too conservative..."

"Try something else!"

"Na... another!"

Ang mga komento ni Wonhi sa mga ipinakita ng sales lady sa kanya. Kung ibang customer siguro ay nabwisit na rin ang sales lady sa binata. Pero sa lagay ngayon eh tila sinasadya pa nitong malimalihin ang ipinapakitang mga damit.

"Wait! Shouldn't I be the one choosing for MY swimwear?" biglang saad ni Jei na pumukaw sa atensiyon ng dalawa na nakafocus sa pagpili ng damit.

"Oh sorry! Which one do you like?" nakangiting tanong ng binata.

"Any can do! I'll be using them once anyway!" sagot ni Jei.

"Sure?" sagot ng binata. Mula sa peripheral view niya ay nakita niyang sumimangot ang sales lady ngunit bigla rin itong ngumiti ng matamis ng humarap si Wonhi sa kanya.

"Please, help her!" saad nito. Tumango ito saka bumaling sa kanya.

"Have you already chosen one, ma'am?" magalang na tanong nito kay Jei na tumango bilang pagtugon.

"Can I have this?" saad ni Jei saka ipinakita ang isang pares ng itim na bandeaukini na may makulay na mandala prints.

"Nice choice!" nakangiting saad ng sales lady saka bumaling kay Wonhi na komportableng nakaupo sa isang sofa. "Your girlfriend has a great fashion taste!"

Nanlaki ang mga mata ni Jei sa sinabi nito kaya marahas siyang napatingin kay Wonhi na parang walang narinig.

"How much is it?" kaswal na tanong nito. "Including this maxi dress."

"$200 total, sir!"

Matapos ibalot ang pinamili ay nagpaalam sila sa sales lady na tuwang- tuwa ng pagbigyan ni Wonhi na magselfie sila kahit for keeps. Bawal i- upload sa kanyang social media accounts.

"Where have you been?" tanong ni Rain sa kanila ng makarating sila sa kanilang cottage.

"Bumili. She doesn't have any swimwear so..."

"Wait, what? You went shopping for swimwear?"

"Yes po, kuya. Siya nga po ang namili nito!" dagdag ni Jei habang ipinapakita ang pinamiling maxi dress.

"Ah! Then, what took you so long?"

"Choosing and~"

"Nakipagflirt po siya sa sales lady!" sabat ni Jei bago pumasok sa kanyang kwarto para magbihis.

"What?! Hindi ah. It was just difficult to choose the right piece," natatawang saad ni Wonhi sa kaibigan ng tignan niya ito ng pilyo.

"Tara na! Jei... matagal ka pa ba diyan?!" sigaw ni mang Liam sa anak na dalaga na saktong lumabas mula sa kanyang kwarto.

"Andiyan na po, tay! Excited much?" natatawang saad ni Jei sa nakasimangot na ama.

"Ba't ganyan ang suot mo?!" kunot ang noong tanong ng matanda ng makitang nakabandaeukini si Jei.

"Tay naman! Anong gusto mong isuot ko? Turtleneck?" angal ni Jei. Tumawa naman sina Wonhi at Rain ng lalong pinandilatan siya ng ama pero wala rin itong nagawa kundi payagan ang anak.

Nagpakasawa sila sa paglangoy sa dagat bago sila magpasyang mag- island hopping. May isang maliit ngunit magandang isla sa may timog ng Isla del Fuego. Sa katunayan ay masyado itong maliit para maituring na isla.

Isa lamang itong higanteng sedementary rock na patuloy na iginuguho ng alon at panahon. Bukod sa tatlong puno ay wala nang makikita dito. Ngunit ang tunay na yaman ay wala sa ibabaw kundi sa may 30 meters sa ilalim ng malawak na karagatan.

"Have you done this before?" worried na tanong ni Wonhi kay Jei habang inaayos ang kanyang diving gears.

"Yep!" sagot nito sa modelo. "But, only once!"

"Don't worry! She's half mermaid," saad ni Rain. Saka ngumisi sa kapatid.

Nagpaiwan si mang Liam dahil napagod daw siyang lumangoy pero alam nina Jei at Rain na takot ito sa malalim na parte ng dagat.

Nang maayos ang lahat ng kanilang gears ay nagdeep sea diving na sila. Namangha sila sa yamang ipinagmamalaki ng isla. Namumukadkad ang marine life na kanilang nasaksihan mula sa mga makukulay na coral reefs at iba't ibang uri ng isda.


Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C18
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen