App herunterladen
46.15% Queen and the Nine Tailed Fox / Chapter 12: Chapter 12

Kapitel 12: Chapter 12

Chapter 12 - Nakumpirmang Katotohanan?

Hindi kaya... siya 'yung Gani na nakipagkita sa'kin kagabi?

Nagsisindihan na ulit ang mga kandila ng pag-asa ko na baka hindi naman talaga ang totoong Gani ang nangreject sa'kin doon sa flowerfield kundi si Rio na nagpapanggap na siya.

Biglang napaubo-ubo si Eirin kaya naalis ang mga pumupuno na 'yon sa isip ko ngayon.

"Eirin!" Sobra ang pag-aalala naman sa kaniya ni Gani at halatang hindi nito malaman ang gagawin habang alalay pa rin siya. "Dadalhin na kita sa iyong silid upang ikaw ay makapagpahinga na."

"S-sandali lamang Ginoong Gani." pigil naman nito sa kaniya. "Bago ako bumalik sa aking silid ay nais ko munang marinig ang paghingi ng kapatawaran ni Rio sa inyo lalo na kay binibining Queen." Tumingin siya kay Rio at napagaya naman kami sa kaniya.

Napunta lahat ng atensyon namin kay Rio at halatang napressure siya sa gusto ng Ate niya.

"Sige na Rio at gawin mo na ang nararapat mong gawin gaya ng nais ng iyong umbo," udyok din sa kaniya ni Inang Sreimi at minamadali talaga siya. "Kung patatagalin mo pa iyon ay baka kung ano ang mangyari sa iyong kapatid. Batid mo naman na bawal na bawal sa kaniya ang napapagod katulad ng inyong ina, hindi ba?"

Napakuyom naman ang mga kamao ni Rio at napatungo. Kagat-kagat niya rin ang ilalim ng labi niya.

"Rio..." nagmamakaawa nang tawag sa kaniya ni Inang Sreimi.

Inangat na niya ang mukha niya pero sa gilid niya lang siya nakatingin. "H-humihingi ako ng tawad sa aking nagawa Gani at Queen—"

"Lagyan mo ng paggalang." maawtoridad na utos sa kaniya ni Eirin kaya naputol ang sasabihin niya.

Tumikhim naman siya. "Ginoong Gani at binibining Queen, patawad sa aking pagkakamali. Batid ko naman na ako ay nakagawa ng pagsuway ngunit hindi ko nagawang humarap sa inyo dahil natatakot ako na mapagalitan kaya nagtago na lamang ako sa aking silid." tumingin siya sa'kin. "Binibining Queen... patawad kung muntik ka nang mapahamak dahil sa akin."

Hindi ko mabasa kung sincere talaga siya sa paghingi ng tawad sa'kin pero hindi na mahalaga 'yon. May kailangan akong itanong sa kaniya. "Ayos lang Rio... pero ano... M-may gusto lang sana akong itanong." paglalakas loob ko at titig na titig lang siya sa'kin pero nang mapansin ko na nasa'kin na ang atensyon nang lahat, bigla namang umurong ang dila ko.

Gustong-gusto ko nang itanong sa kaniya kung siya nga ba talaga 'yung Gani na nakipagkita sa'kin sa flowerfield pero...

Napatingin ako kay Gani. Naghihintay lang siya sa itatanong ko kay Rio at ganoon din sila Hilva.

...pero baka naman ang totoong Gani talaga 'yung nakipagkita sa'kin doon at nangreject sa'kin nang walang-awa. Siguradong mapapahiya lang ako sa kanila kapag ganoon nga... lalo na kay Gani mismo.

Ngumiti na lang ako kahit pilit at umiling. "A-ahh. Wala pala."

Sandaling katahimikan ang nanaig.

"Tinatanggap ko ang iyong paghingi ng tawad sa akin Rio," pagbasag ni Gani sa patay na sandaling 'yon. "Sinabi na rin naman ni Queen na ayos na sa kaniya iyon—"

"Sandali." pagsingit ko kaya napatigil siya. Biglang nagbago ang aura ko. Kahit depressed ako ngayon, hindi ako papayag na basta lang makalusot si Rio.

Kung iisipin, ang pagtabi lang naman ng paghiga kay Gani ang kasalanan niya pero big deal 'yon dito sa kanila kaya gagamitin ko na rin 'tong paraan para makaganti sa kamalditahan niya sa'kin. Binaling ko ang tingin ko sa kaniya at nginisian siya. "Mapapatawad ko lang siya nang tuluyan... sa isang kundisyon."

Sobra naman ang naging pagngunot ng noo niya kaya mas lalo akong napangisi.

* * *

"Mga serv—tagapagsilbi pala! Magpahinga muna kayo dahil may papalit muna sa inyo sa mga gawaing bahay ngayong araw." malawak ang ngiting balita ko sa mga servants ni Gani na abalang-abala sa pagpupunas at paglilinis sa paligid ng bahay.

Napatigil naman sila sa ginagawa nila at napatingin sa'min ng kasama ko. Halatang nagtataka sila sa sinabi ko.

"Siya muna ang papalit sa inyo ngayong araw..." itinuro ko si Rio sa tabi ko. "...kaya gawin n'yo ang lahat ng gusto n'yo ngayong hapon. Magpahinga kayo, maggala. Kahit ano."

Sobra namang umasim ang mukha ni Rio dahil sa sinabi ko.

"Ano?!" protesta niya.

Hinarap ko naman siya at tinaasan ng isang kilay saka ako nagcrossarms. "Ito ang kundisyon na sinasabi ko kanina. Ang pumalit ka sa mga tagapagsilbi rito ngayong araw at gawin ang mga gawain—"

"Nahihibang ka na ba?! Hinding-hindi ko gagawin iyon!" sigaw niya sa'kin at nagtoss hair pa saka nagmartsa paalis.

Napangisi ako. "Ayaw mo ha! Isusumbong kita kay Eirin!" Inunahan ko siya ng paglalakad para kunwari, isusumbong siya sa kapatid niya at doon naman, napatigil siya sa pag-alis.

"Oo na! Oo na!" Hinila niya pa ang mahabang buhok ko na nakapony para lang patigilin ako.

"Aray ko naman!" reklamo ko. Napakamaldita talaga! Ang bata-bata niya lang tingnan pero sigurado akong mas matanda siya sa'kin kaya ang lakas ng loob niya na ganituhin ako. "Aba't gusto mo na naman talagang mapagalitan ka ng kapatid mo?" banta ko sa kaniya at nabahag naman ang buntot niya sa pananakot ko sa kaniya.

Mukha na siya ngayong batang takot mapagalitan at literal pala 'yon."P-patawad." Hindi siya makatingin sa'kin.

'Yung Eirin lang na 'yon pala ang magagamit ko pangblackmail sa malditang 'to. "Sige na at gawin mo na ang mga kailangan mong gawin."

Nagsialisan na 'yung mga servants dahil sinenyasan ko na sila na puwede na silang magday-off.

Inabot naman ng isang servant sa kaniya ang basahang gamit nito at nakasimangot niya namang tinanggap 'yon. Nadidiri niya ring hinawakan 'yon. "Kailanma'y hindi ko naranasang humawak ng isang napakaduming bagay na katulad nito!" reklamo pa niya.

"Byebye. Maglinis kang mabuti ha." nang-aasar na pagpapaalam ko sa kaniya at naglakad na ako paalis pero naalala ko na itanong na sa kaniya ang tungkol sa Gani na nakipagkita sa'kin sa flowerfield kaya napatigil ako sa pag-alis.

Kami na lang naman dalawa rito kaya komportable ko nang maitatanong 'yon sa kaniya.

"Rio—"

"Pakiusap." biglang sabi naman niya na kasabay ng pagsasalita ko kaya hindi ko natuloy 'yon. "Sa susunod na may magawa ako sa inyong mali, sana ay huwag nang makarating pa sa aking umbo."

Hindi ko naman inaasahang makita ang pagkadesperado sa mukha niya habang nakatingin sa'kin.

"Kahit na kay Inang Sreimi n'yo na lamang ako isumbong, huwag lamang sa aking umbo." Napansin ko ang paghigpit ng paghawak niya sa basahan. "Mahina na ang pangangatawan ng aking kapatid... at ayokong pag-alalahanin pa siya sa kung anu-anong bagay na mas magpapasama sa kaniyang pakiramdam kaya naman... sa susunod ay huwag na sana niyang malaman." puno ng pagmamakaawa ang tingin niya sa'kin at dumagsa naman ang guilt sa dibdib ko dahil sa sobrang pangbablackmail ko sa kaniya gamit si Eirin.

("Nagkulang ako sa pagdidisiplina sa kaniya simula nang mamatay ang kaniyang ina sa karamdamang naipapasa sa aming henerasyon."

"Batid mo naman na bawal na bawal sa kaniya ang napapagod katulad ng inyong ina.")

Mas lalo akong naguilty dahil may nabuo na akong isang bagay sa isip ko tungkol kay Eirin. Gusto ko sanang magsorry sa kaniya pero naglakad na siya paalis.

Naiwan naman akong nakatayo lang dito at nakahabol ng tingin sa kaniya.

* * *

Kasalukuyang nakatambay lang ako ngayon dito sa veranda sa likod ng bahay ni Gani at nakatulala sa kawalan sa kadiliman ng gabi.

Naaalala ko kasi ang iba pang mga nangyari pagkatapos ng pag-uusap-usap namin sa bahay nila Rio kanina.

Pagkatapos kasi n'on, napaubo-ubo na si Eirin at mas lalo namang nag-alala para sa kaniya si Gani. Sa panghihina niya ay mapapaupo na sana siya pero binuhat na kaagad siya nito na parang prinsesa... katulad ng ginawa ni Gani sa'kin noong inatake kami ng Leon sa labas ng Leibnis.

Nagmamadali siya nitong inilabas ng kwarto ni Inang Sreimi at kahit ayoko sanang mukhang naghahabol, kusang naglakad ang mga paa ko para sundan sila palabas.

Ang laki ng mga hakbang ni Gani paalis habang buhat siya nito at nakayakap naman siya sa leeg nito. Hindi ko napigilan ang sarili ko na sundan pa sila hanggang sa makarating na rin ako sa kwarto niya kung saan ko siya nakita kanina.

Nandoon na silang dalawa at kitang-kita ko kung gaano siya kaingat na inihiga ni Gani sa kama niya. Inayos pa nito ang kumot niya saka hinaplos ang buhok niya at kung hindi ko lang siguro sila kilala na dalawa, iisipin ko na mayro'ng namamagitan sa kanila.

Sumikip naman ang paghinga ko at para bang may dahan-dahang pumipilipit sa puso ko sa mga naalala kong 'yon kina Gani at Eirin.

Kung noong una, masasabi ko pa na walang interes si Gani kay Rio na nagpapanggap na Eirin pero may kakaiba sa pakikitungo niya sa totoong Eirin. Para bang isa 'tong bulaklak na hinding-hindi niya hahayaang may masugatang mga talulot.

Dahan-dahan akong humugot ng hininga at hindi ko namamalayan na naluluha na pala ako.

Hindi ko alam kung possessive ba ako o ano... pero ayoko lang talaga na makitang may tinatratong ganoong iba si Gani... na parang espesyal para sa kaniya dahil nagseselos ako at nasasaktan.

May tumabi sa gilid ko kaya ipinaling ko ang mukha ko sa kabila para hindi n'on makita na nag-e-emote ako.

"Tapos ko na ang mga gawaing bahay," sabi ng Gisune na 'yon na si Rio at sa totoong anyo niya pa rin ang boses niya.

Hindi ako nagsalita.

"Tss." Muhang nainis siya sa pang-i-snob ko sa kaniya at naglakad na paalis.

Bigla akong may naalala na sinabi niya noon. "Si Eirin," sabi ko at tumingin na sa kaniya. Napatigil naman siya sa pag-alis at nilingon ako. "Nabilang ko na walo ang buntot niya. Nabanggit mo na dati na ang babaeng Gisune na may pinakamaraming buntot sa inyo ang dapat mapangasawa ni Gani. Ibig sabihin ba..." hindi ko magawang ituloy ang sasabihin ko dahil natatakot ako na marinig sa kaniya ang isang bagay na kahit sigurado na ako, gusto ko pa ring hilingin na sana, mali lang ako.

Hinarap naman niya ako nang maayos at seryoso lang na nakatingin sa'kin. "Tama. Si umbo Eirin nga ang dapat mapapangasawa ni Gani at para lamang maipaalam sa iyo, napakalapit ng loob nila sa isa't isa noong wala ka pa sa buhay ni Gani."

Para naman akong binatingaw nang malakas sa sinabi niya at namilog ang mga mata ko. Napahawak din ako sa tela ng mahaba kong palda at ang higpit-higpit n'on.

Lumapit na ulit siya sa tabi ko at isinandal na ang mga braso niya sa terrace ng veranda habang nakatingin sa malayo. "Lagi ngang isinasalaysay sa akin noon ni umbo Eirin kung gaano siya alagaan ni Ginoong Gani noong sila ay mga paslit pa lamang. Hindi pa ganoong kahina si umbo noon ngunit bawal pa rin siyang lubusang mapagod kaya ipinagbabawal sa kaniya ang makipaglaro sa ibang bata. Dahil doon ay si Gani na ang gumagawa ng paraan upang hindi siya malungkot. Sinasamahan siya lagi nito sa malawak na lugar ng mga bulaklak dahil batid nito na roon siya sasaya."

Habang patuloy siya sa kinukwento niya, para namang tinatadtad nang pino ang puso ko. Para ring nagkakaroon ng blackhole sa gitna ng dibdib ko na humihigop ng mga masasakit na emosyon at ipinapakalat sa buong katawan ko.

'Yung flowerfield... kung saan ko sinubukang magconfess kay Gani noon. Hindi ko alam na may nagmamay-ari na pala ng lugar na 'yon para sa kaniya.

"Kung hindi nga lamang talaga tinanggihan ni umbo noon na ikasal na silang dalawa ayon sa aming tradisyon, may mga supling na siguro sila ngayon."

Napapikit ako nang mariin at naramdaman ko na ang pagdaloy ng mga luha ko sa magkabila kong pisngi. "B-bakit siya tumanggi?"

"Iyon ay dahil sa sakit ng henerasyon naming mga Cygnus. Nababahala si umbo Eirin na mabigyan ng mahihinang supling si Gani kaya siya tumanggi ngunit ang totoo ay itinitibok ito ng kaniyang puso noon pa man."

Nagmulat na ako at nagpunas ng mga luha ko gamit ang sleeves ko. "Eh ikaw? Sa mga naging kilos mo sa'kin, naiisip ko na may gusto rin kay Gani."

Ngumisi nga siya pero ang lungkot-lungkot naman ng mga mata niya. "Kahit nakangiti ang aking kapatid ay batid ko na labis siyang nanghihinayang sa tinanggihan niyang kasal kay Gani kaya naman nag-aanyo akong siya at laging nagpapakita kay Gani upang hindi nito makalimutan ang aking umbo. At sa pagkakakita rin sa akin ni Gani parati ay maaaring maisip niya muling alukin ang aking kapatid ng kasal. Kung hindi man agad mangyayari ay ako naman talaga ang sunod na nakatakda para sa kaniya dahil sa aking limang mga buntot."

"Hindi ba mas masasaktan si Eirin kung sa'yo na kapatid niya mismo si Gani mapupunta?"

Napahinga naman siya nang malalim. "Mas maikli naman ang aking buhay sa kanila. Gagamitin ko lamang ang aking buhay upang itali si Gani nang hindi siya mapunta sa iba ngunit sa iyong pagdating ay sinira mo ang lahat ng aking pinaplano para sa kanila ni umbo Eirin." Sinamaan niya ako ng tingin.

Dahil doon ay mas lumakas ang pagdududa ko na baka nga siya 'yung nakipagkita sa'kin sa flowerfield.

Gaya ng sabi niya, ako ang nakasira sa plano niya na panatilihin si Gani para kay Eirin kaya malaki ang chance na baka nga siya talaga ang Gani na 'yon. Hinding-hindi rin naman ako itatrato nang ganoon ni Gani.

"Huling tanong ko na Rio at gusto ko na magsabi ka nang totoo." seryosong-seryosong nakatitig na ako sa kaniya at hindi naman niya inaalis ang tingin niya sa'kin. "Ikaw ba 'yung Gani na nakipagkita sa'kin doon sa malawak na bulaklakan?" deretsahang tanong ko sa kaniya.

Akala ko, makakahinga na ako nang maluwag kapag naitanong ko na sa kaniya 'yon sa wakas pero mas nanikip ang paghinga ko dahil hindi sobra akong natatakot sa magiging sagot niya.

Nakatingin lang siya sa'kin nang ilang sandali at sa bawat segundo na pinapalipas niya, nasasakal na ako sa sobrang paghihintay nang... "Anong sinasabi mo? Hindi ko iyan nababatid." Ni hindi siya kumurap.

Nagduda naman ako dahil alam ko naman na hindi niya agad aaminin 'yon. "Sigurado ka ba talaga? Hindi ka ba nagsisinungaling?" Binabasa ko ang expression niya para mahuli ko ang pagsisinungaling niya.

Hindi pa rin naaalis ang tingin niya sa'kin at kumunot na ang noo niya. "Ni hindi ko nga batid ang iyong tinutukoy kaya paano ako magsisinungaling sa iyo?"

Hindi pa rin talaga ako naniniwala. "Kung totoo talaga, nasaan ka no'ng mga oras na 'yon?"

"Nasa silid lamang ako ni Gani noon, kahit tanungin mo pa ang isa sa kaniyang mga tagapagsilbi na nag-abot sa kaniya ng isang liham noong araw na iyon."

Natigilan naman ako nang mabanggit ang sulat na ipinaabot ko kay Gani.

"Natatandaan ko, nang mabasa niya iyon ay dumilim ang kaniyang mukha at walang imik na lumabas ng kaniyang silid. Nais ko pa sana siyang sundan ngunit natakot ako kaya hinintay ko na lamang siya na makabalik at nang makabalik na nga siya ay naabutan mo na ako na nasa tabi niya ng higa."

Nanlaki ang mga mata ko sa mga sinabi niya at parang sinuntok nang malakas ang dibdib ko habang sobrang bilis ng pintig ng puso ko na parang binubuhusan ng asido sa hapdi.

"Kung hindi ka pa rin naniniwala sa akin ay maaari mo namang tanungin mismo si Gani kung ako ba talaga ang nakipagkita sa iyo sa malawak na bulaklakan gaya ng iyong ipinipilit. Siguro naman, kung sa kaniya mismo manggagaling na siya iyon ay maniniwala ka na talaga."

Napailing-iling ako dahil hindi ko na kayang madanas ulit ang pamamahiya ni Gani gaya ng ginawa niya ng gabing 'yon sa lugar na na inakala kong magiging mahalaga para sa'ming dalawa. Nabitawan ko na rin ang mahigpit kong pagkakahawak sa palda ko at natulala na lang saka nag-alpasan na ang mga luha ko. "K-kung gano'n, si Gani pala talaga 'yon..." Tinraydor na ako ng mga binti ko at hindi na hinayaan ng mga 'yon na manatili pa akong nakatayo kaya napasalampak na lang ako sa sahig ng upo.

"Ano ba ang nangyari sa inyong dalawa ni Gani sa lugar na iyon at naisipan mo na ako ang nakipagkita sa iyo?"

Wala sa sariling napatingin ako kay Rio sa tanong niyang 'yon at bakas sa mukha niya na wala talaga siyang kaalam-alam sa nangyari. Napahikbi na lang ako at niyakap ang mga tuhod ko sa sobrang sakit ng nararamdaman ko sa loob ng dibdib ko saka doon pigil na pigil na umiyak.

Kay Gani pala talaga nanggaling ang masasakit na mga salitang 'yon. Sa sobrang sakit kasi ng mga 'yon, 'di ko talaga inakalang kaya niyang sabihin ang mga 'yon sa'kin o kahit na kanino pa.

Umasa ka na naman Queen! Umasa ka naman... kaya ngayon, sobra ka na namang nasasaktan.

"Rio! Anong nangyayari rito?! Bakit umiiyak si Queen?!" galit na sigaw ng kararating lang na si Gani at lumapit kaagad siya sa'kin. Umupo siya sa harapan ko at hinawakan ako sa balikat. "Queen anong ginawa sa'yo ni Rio?" pang-aalo niya sa'kin kaya napaangat ako ng tingin at napatitig sa kaniya ang hilam sa mga luha na mga mata ko.

Bigla akong minulto ng malamig niyang ekspresyon at ang nandidiri niyang tingin sa'kin nang aminin ko ang totoong nararamdaman ko sa kaniya kaya 'di ko napigilang tabigin ang kamay niyang 'yon mula sa balikat ko. Nanlaki naman ang mga mata niya dahil halatang hindi niya inaasahan ang ginawa kong 'yon.

Nagpunas kaagad ako ng mga luha ko gamit ang likod ng kamay ko. "W-wala siyang kasalanan." malamig na sabi ko sa kaniya at tumayo na ako. Nahirapan pa ako sa haba ng suot ko kaya sinubukan niya akong tulungan pero tinabig ko ulit ang kamay niya para hindi niya ako mahawakan.

Alam kong nagtataka siya kung bakit ako nagkakaganito pero wala akong pakialam katulad ng pagkawala ng pakialam niya kagabi nang i-reject niya nang walang pakundangan ang confession ko.

Nang makatayo na ako ay naglakad kaagad ako paalis dahil ayokong makita niya kung gaano kasakit sa'kin 'yung ginawa niya.

Sabi niya, magpanggap kami na parang hindi nangyari 'yung gabi na 'yon at ang galing-galing niya nga eh. Sa galing niya, nagduda pa ako na baka hindi talaga siya 'yon.

Palibhasa, hindi siya ang nakakaramdam nang ganitong sakit kaya napakadali sa kaniyang sabihin at gawin 'yon.

Hinding-hindi na talaga ako aasa sa'yo Gani.

Hinding hindi na.

Hintayin mo lang din na makauwi na ako sa mundo namin... makakalimutan din kita.

Ipagpapatuloy...


Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C12
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen