TAHIMIK lang na nagmamaneho si Bryan papunta sa Pangasinan kung saan nandoon ang t-in-ip na address ng detective na inupahan niya upang hanapin ang kanyang ama.
Sa loob-loob ay kabadong-kabado siya. Hindi kasi niya alam ang kahihinatnan ng paghaharap nila ng kanyang ama sakaling matagpuan man niya ito roon. Ganoon pa man, na-e-excite din siya sa isiping maaaring magkita na sila ngayon sa wakas pagkatapos ng labingpitong-taong lumipas.
Napilitan si Bryan na sumama sa kanyang ina sa Canada noon kahit pa mas nais niyang manatili sa Pilipinas kasama ang kanyang ama. Anang kanyang ama ay noon pa man pangarap na ng kanyang ina ang makapag-abroad. Kaya lang ay nabuntis ito ng kanyang ama kaya naunsiyami ang pangarap nitong iyon.
Akala ng kanyang ama ay magiging masaya na rin ito sa Pilipinas dahil may sarili na silang pamilya at maayos naman ang buhay nila. Maganda ang posisyon ng kanyang ama sa pinagtatrabahuang banko kaya malaki-laki ang kinikita nito. Ngunit dumating ang panahon na iniungot ulit ng kanyang ina sa kanyang ama ang kagustuhan nitong mag-abroad.
Dahil mahal na mahal ng kanyang ama ang kanyang ina ay pinagbigyan nito ang huli. At dahil naniniwala ang kanyang ama na mas mabuti kung ang ina ang kanyang kasama sa paglaki, doon na rin siya nito pinag-aral sa Canada.
Kinupkop sila ng kanyang tiyahin na kapatid ng kanyang ina. Sa una ay pinapadalhan sila ng pera ng kanyang ama lalo at hindi naman agad nakahanap ng trabaho ang kanyang ina roon. Hanggang sa dumalang iyon at hanggang sa natigil na.
Ang buong akala ni Bryan ay susunod ang kanyang ama sa kanila sa Canada dahil iyon ang ipinangako nito sa kanya. Pero grumadweyt na lang siya ng senior high ay hindi pa rin ito dumating.
Natigil din ang komunikasyon nila. Sa una ay wala na silang sulat na natatanggap mula sa kanyang ama hanggang sa dumating ang panahon na pati ang mga sulat na ipinapadala niya noon dito ay nagre-return to sender na rin. Hindi na rin makontak ang cellphone number nito. Sa madaling salita ay naglaho itong parang bula.
Bryan treated his father as his hero and best friend. Ito ang pinakamatinong tao para sa kanya noong bata pa siya. He always reminded him to do what's right even if no one is doing it. Kaya naman nang bigla na lang sila nitong iwan ay nawasak ang ilusyon niya rito. Nawasak pati ang kanyang mundo. He was only able to put himself back together when his mother met his Canadian stepfather.
Ito ang dahilan kung bakit siya nahilig sa tennis. Iyon kasi ang naging bonding nilang dalawa. Hanggang sa tuluyan na niyang nakalimutan ang kanyang tunay na ama.
Kung nakalimutan man o sadyang kinalimutan ng kanyang isipan, ay hindi na niya alam. Ang tanging alam ni Bryan, wala ito noong mga panahong kinailangan niya ito. It was his stepfather who was there during his graduation, his competitions, his wins and losses. Because his own father was nowhere in sight.
Kung hindi lang niya nakita ang isa sa mga kaibigan nito sa Canada at sinabi sa kanya kung gaano sinubaybayan ng kanyang ama ang lahat ng kanyang mga laro noon, hindi niya maiisipang hanapin ito. Maybe there's a valid reason for what he has done. He must have a valid reason…
"Okay ka lang?"
Naputol ang malalim na pag-iisip ni Bryan dahil sa pagpukaw ni Brenda sa kanyang atensiyon.
"Sorry, hindi kita naaasikaso. May iniisip lang. Ikaw ba, okay ka lang diyan? Hindi mo pa ba pinagsisisihan ang biglaan mong pagsama sa'kin? Napasubo ka tuloy sa long-drive." Nahihiyang aniya kay Brenda.
"I'm fine, and no."
"Ha?" Naguguluhang tanong ulit niya rito. Saglit niya itong tinapunan ng tingin mula sa pagmamaneho.
Ngumiti si Brenda. Her usual playful yet sweet smile. Dahil doon ay animo nabawasan ang bigat na nararamdaman ni Bryan dahil sa pagbabalik-tanaw sa kanyang nakaraan.
"Ibig kong sabihin do'n sa no eh hindi ko pinagsisisihan na napasubo ako sa long-drive. Matagal-tagal na rin simula no'ng huli akong nakapagbiyahe nang malayo eh. Teka, sa'n nga pala tayo papunta?"
Napakunot-noo si Bryan. "Hindi ko pa ba nasabi sa'yo kanina?"
Bahagyang natawa si Brenda, dahilan para lingunin niya ulit ito.
"For your information Sir Bryan, mag-iisang oras ka na pong nagmamaneho na walang kahit isang salitang lumalabas diyan sa bibig mo. Nakaka-amaze ka ngang panuorin eh. Sobrang seryoso ng facial expression mo habang nagmamaneho tapos parang nakalimutan mo pang may kasama ka sa sasakyan."
"Seriously?" Hindi makapaniwalang tanong ulit ni Bryan dito.
"Oo nga! Baliw!" Marahan siyang hinampas ni Brenda sa braso. "So, ang lagay eh nakalimutan mo ngang kasama mo'ko?" Namamanghang dugtong nito pagkaraan.
Napailing-iling siya. "I don't believe you. Ginu-good-time mo lang yata ako eh. I'm sure I told you where we're going. Kung hindi ay ba't sumama ka pa rin?"
"Hindi nga!" Nanlalaki ang mga mata at pahiyaw nitong tugon. "Hindi ko talaga alam kung sa'n tayo pupunta. Kaya nga kahit labag pa sa kalooban kong istorbohin ka sa pagmumuni-muni mo eh naglakas-loob na'kong magtanong kung okay ka lang kasi mag-iisang oras ka na ngang hindi nagsasalita. At medyo napapaisip na rin ako kung sa'n talaga tayo papunta dahil mukhang wala ka pa namang planong tumigil sa kung saan."
"So hinayaan mo lang akong mag-drive ng halos isang oras nang hindi mo man lang alam kung sa'n tayo papunta? Papa'no kung sa Baguio pala ang punta ko? Eh 'di napasubo kang sumama?"
"Hmm… Hindi na rin naman masama kung sa Baguio tayo pupunta dahil maganda do'n. Eh 'di mamamasyal na rin ako atsaka mag-u-ukay-ukay. Balita ko mura at magaganda raw ang mga bentang ukay-ukay do'n eh." Maloko nitong sabi.
Hindi pa rin nga talaga ito nagbabago. She's now back to her usual playful and childish self.
"You're impossible." Napapailing-iling na nakangiting aniya kapagkuwan.
"Ako pa talaga?" Eksaherada namang itinuro nito ang sarili. "Ikaw nga diyan ang imposible eh! Makalimutan mo ba namang may kasama ka sa loob ng sasakyan? Tsk! Tsk! Tsk!" Umiling-iling pa ito nang dahan-dahan na animo ipinaparating nito sa kanyang hindi talaga kapani-paniwala ang kanyang ginawa.
"Fine. I'm sorry, okay? We're going to Pangasinan by the way."
"Pangasinan?!" Pasigaw nitong turan pagkaraan. Napaayos din ito nang upo.
Bryan chuckled because of her reaction.
"That's like three to four hours drive depende sa traffic." Ani Brenda atsaka tiningnan ang suot na sports watch sa bisig nito. "Alas tres na ngayon. Makakauwi pa ba tayo niyan mamaya?"
Ngumisi si Bryan. Nakatanggap tuloy siya ng sapak mula kay Brenda.
"Aray!"
"Sagutin mo'ko, kurimaw ka!"
Hindi na napigilan pa ni Bryan ang pagtawa. This lady is really unbelievable. Kung hindi ay paano nito nagagawang patawanin siya ng ganoon samantalang kani-kanina lang ay nag-i-emo na siya dahil sa pag-alala sa kanyang ama?
"Akala ko ba okay lang sa'yo na sumama kahit pa sa Baguio? Eh 'di hamak naman na mas malayo iyon kesa sa Pangasinan, `no?"
"Siyempre dahil alam kong hindi ka seryoso pagkasabi mo no'n! Pero ibang usapan na `to! Ano? Makakauwi pa ba tayo niyan mamaya?" Biglang nagpalit ang ekspresiyon sa mukha nito. Mula sa pagiging anaconda papunta sa parang pusang may nagawang kasalanan kaya hindi mapakali.
Worry was evident on her face. And he must admit, he didn't like that sight of her. Parang gusto niya agad itong i-assure, and tell her that everything will be alright.
Hmm… She must've awakened the protective side of me, that's why. Pagdadahilan ni Bryan sa isip niya.
"I'll give it my best, okay? Para sa'n pa't sports car `tong nirentahan kong dala natin?"
"At nai-insert mo pa talaga `yang kayabangan mo eh, `no?" Paingos nitong sabi. Tila nawala na ang pag-aalala. At naghatid naman iyon ng kapanatagan sa puso ni Bryan.
"Do you wanna stop by at a gasoline station? Baka may madaanan tayo in a while."
"Nope! Hindi pa naman ako naiihi."
"Are you hungry perhaps? Pwede tayong tumigil sa isang restaurant o fast-food chain."
Umiling ito. "Hindi pa'ko gutom. What I'm interested about is the reason why we're going to Pangasinan."
Sandaling natahimik si Bryan. He was not fond of talking about his life. Kaya ayaw niya ng TV interviews ay dahil malaki ang posibilidad na tanungin siya tungkol sa buhay niya, tungkol sa kanyang tunay na ama. At wala siyang matinong maisasagot tungkol doon dahil hindi naging maganda ang istorya ng kanilang pamilya. Most of all, he's not ready to talk about his biological father.
But looking at Brenda's innocent eyes… He just can't help but open-up.
"I'm hoping to see my father."
"May hint ka na kung nasa'n si Uncle Brandon?"
Marahan siyang tumango bilang tugon.
"That's great news! Sa wakas ay nagbunga na rin ang paghahanap mo sa kanya. Hindi ba't iyon ang dahilan no'ng huling pag-uwi mo rito?"
Nagtatakang nilingon ni Bryan si Brenda. "Did I tell you about that?" Napaisip siya. "Parang hindi ko maalalang nabanggit ko iyan sa'yo kahit no'ng nag-vi-video call tayo…" Aniya nang masigurong wala talaga siyang nabanggit dito tungkol sa paghahanap niya sa kanyang ama. Well, maliban na lang noong naka-comatose pa ito.
LIHIM na kinagat ni Brenda ang kanyang dila. Kung bakit kasi ang taklesa niya.
"Ah eh, a-ano…" Napapakamot sa batok at nauutal niyang sabi. "N-nabanggit kasi sa'kin ni Ate noon. O-oo, ganoon nga!" Napapitik siya sa ere na akala mo ay nakaisip nang napakatalinong rason. "Sabi pa nga niya, ilang beses ka rin daw niyang sinamahan noon sa paghahanap."
Lie pa more, Brenda.
Ang totoo niyan ay hindi siya sinabihan ng kanyang Ate tungkol doon. Naalala lang talaga niyang binanggit iyon ni Bryan sa kanya noong binibisita siya nito sa ospital. Pero alangan namang aminin niya ritong narinig at naaalala pa niya ang mga pinagsasabi nito noon? Eh 'di para na rin niyang inaming alam niyang nagkagusto ito sa kanyang Ate? Pagkatapos ano, ma-o-awkward ito sa kanya?
No way! She's never gonna let that happen! Nothing's gonna get in between their flourishing relationship.
"Gano'n ba… I didn't expect na magkukuwento si Amanda. She's not the type. But anyway, magkapatid nga naman kayo. Kaya siguro hindi na niya inilihim sa'yo."
"Was it supposed to be a secret?" Kunot-noong tanong ni Brenda.
"Well… I didn't want the public to know about it. Alam mo naman ang social media ngayon. Give them anything and they can and will always be able to find a way to make it turn out against you, kung gugustuhin lang nila. And I don't want such complications. Hindi iyon makakatulong sa paghahanap ko kay Papa. Kaya iilan lang ang may alam tungkol dito. Only Amanda, Marissa, and my detective."
"Ah…" Marahang tumango-tango si Brenda.
She wanted to understand him, but she can't help feeling left out. So, kung hindi pa siya nagtanong ay malamang na hindi nito sasabihin sa kanya ang tungkol sa ama nito. Siguro kung hindi siya inudyukan ni Marissa na samahan ito ay hindi talaga niya malalaman ang tungkol doon. Because he wouldn't be forced to let her know.
"Hey… Are you okay?" Tanong nito sa kanya maya-maya.
"Hmm...hmm…" She murmured as her yes.
Ramdam ni Brenda na ilang sandali rin itong nakatingin sa kanya bago muling nagsalita.
"I didn't mean to keep it a secret from you forever, okay? Siyempre sasabihin at sasabihin ko talaga `yun sa'yo lalo pa't nagtatrabaho ka na ngayon para sa'kin—"
"Pero kung hindi ako nagtatrabaho para sa'yo, do you still think that you'd let me know?" Hindi na niya nagawa pang itago ang naramdamang tampo.
"Of course!" Mabilis nitong sagot, dahilan para mapabaling dito ang kanyang tingin.
"Really?" Parang batang aniya.
Saglit na bumitaw ang isang kamay ni Bryan sa manibela para guluhin ang kanyang buhok. "Do you really think na may maitatago ako sa'yo? Ikaw pa ba? Sa kulit mong iyan?" Biro pa nito.
Nagpapadyak naman si Brenda dahil doon. "Eee…" Tili pa niya. "So, kung hindi ako mangungulit, hindi mo nga talaga sasabihin sa'kin? Iba `yung nagsabi ka lang kasi kinulit ka kesa sa nagkusang-loob kang—"
"I swear I'd eventually tell you. Cross my heart." As if to prove what he's saying, he really formed a cross sign on his chest.
Kumalma rin sa wakas ang naghuhuramentadong puso ni Brenda.
"Brends, don't you ever think that you're just some ordinary person for me, okay? Mula't simula, espesyal ka na sa puso ko…"
Parang gustong mag-tumbling ni Brenda mula sa kinauupuan niya nang mga sandaling iyon sa hindi niya malamang dahilan.
Kaya lang ay tumikhim si Bryan atsaka idinugtong ang, "Kayo ni Amanda…"
Okay, back to reality… Nanlulumong ani Brenda sa sarili kapagkuwan.
"Dapat lang." Sabi na lang niya pagkaraan na ikinangiti ni Bryan.
Kung alam lang nito na nagtatampururot na naman siya. Kaso, hindi na dapat. Dahil wala naman siyang magandang rason para sa pagtatampururot niyang iyon. Ano ba kasi'ng ini-expect niya? Na siya lang ang espesyal para rito? O mas espesyal siya rito kesa sa Ate niya?
Nababaliw na ba siya? Eh 'di ba nga't inamin nito noon sa kanya na may gusto ito sa kanyang kapatid? Aba malamang mas katanggap-tanggap kung mas espesyal ang Ate niya para rito kesa sa kanya!
Logic, Brenda. Logic!
Hindi na rin siya umimik pang muli at nagkunwari na lang na natutulog nang sa ganoon ay hindi na muna siya kausapin ni Bryan. Kailangan munang ayusin ni Brenda ang itinatakbo ng kanyang isipan, higit-lalo na ng kanyang puso dahil mukhang nagma-malfunction iyon magmula nang makasama niya ito.
ALAS SAIS na ng gabi nang makarating sina Bryan sa Pangasinan. Napagod siya sa pagmamaneho pero hindi iyon nakabawas sa kabang nararamdaman niya.
Ngayon ay nasa labas na sila ng bahay na t-in-ip ng private detective sa kanya. Ilang sandali na rin silang nakatayo lang doon.
He clenched his fist trying to fill himself with courage, but he still can't seem to have the guts to knock on the low-fence gate.
"Tao po!"
Maang na napalingon si Bryan kay Brenda na siyang kumatok sa gate at sumigaw niyon. Samantala, kinindatan lang siya nito, as if telling him that she got his back. Bryan clenched his jaw, sincerely thanking her in his heart.
"Sino po sila?" Anang may-edad ng lalaking lumabas mula sa may kalakihang bahay.
Muntik nang umalpas mula sa kanyang rib cage ang puso ni Bryan nang lalaki ang lumabas mula roon para lang manlumo nang masilayan ang mukha nito. Kahit madilim na ay malinaw sa kanyang mga matang hindi iyon ang kanyang ama.
"Magandang gabi po sa inyo. Nagbabakasali lang po kami kung dito po nakatira si Brandon Martinez?" Ani Brenda rito.
"Aba'y oo! Dito nga siya umuupa dati. Pero wala na siya dito ngayon. Sino ba sila?"
Lalo pang nanlumo si Bryan sa sinabi nitong iyon.
"Ah eh, ako po si Brenda. Kaibigan po ako nitong si Bryan na anak naman ni Uncle Brandon."
"Gano'n ba? Hindi namin alam na may anak pala si Pareng Brandon. Wala naman kasing ibang bumibisita sa kanya. At mula nang nangupahan siya dito, kahit kailan ay hindi siya umalis ng ilang araw man lang para bumisita sa kung saan. Kaya akala namin ay mag-isa na lang siya sa buhay." Pahayag nito. "Kung gusto n'yo ay tumuloy muna kayo. Sa'n pa ba kayo nanggaling, ha ineng?" Tuluyan na nitong binuksan ang mababang gate.
"Sa Maynila pa po. Naku, baka makaabala lang po kami sa inyo. Maraming salamat na lang po." Nahihiyang turan ni Brenda.
Dahil sa sobrang panlulumo ay nawalan ng lakas si Bryan na makipaghuntahan sa may-ari ng bahay kaya ipinagpapasalamat niyang sinalo siya ni Brenda.
"Walang anuman, ineng. Tumuloy muna kayo't uminom kahit man lang malamig na tubig. Tingnan n'yo na rin ang kwartong dating inuukopa ni Pareng Brandon. Isang buwan pa lang naman magmula nang umalis siya. Wala pang pumalit sa kanya kaya hindi pa nababago ang itsura ng kwarto."
"Okay lang po?" Natutuwang ani Brenda rito.
"Aba't oo naman. Sa itsura nitong kasama mo eh mukhang makakatulong kahit papa'no sa dinadala niya ang makita man lang ang tinuluyan ng kanyang ama." Bahagyang nakangiting anang may-ari ng bahay saka marahan siyang tinapik sa balikat.
Pinapasok nga sila nito sa bahay atsaka iginiya patungo sa kwartong inukopa ng kanyang ama. Saglit itong umalis upang kumuha ng dalawang baso nang malamig na tubig. Pagkatapos iyong ihatid sa kanila ay tuluyan na sila nitong iniwan doon.