matapos nga iyon ay agad na naglibot libot sila anghel at zandro. " oo nga pala bakit gerente ang tawag nila sayo" tanong ni anghel. "gerente o ang ibigsabihin ay tagapangasiwa iyon kase ang tungkulin ko sa kanila" sagot ni zandro. "tyaka anu yang mga lumilipad sa kalangitan.. ano uri ng mga nilalang yan.. alam mo ba na madalas ko yang mapanaginpan" tanong ni anghel. " yang mga iyan ay galing sa malilikhang isip ng mga tao dito sa altaendra. dito kase kahit anong isipin mo ay maaring magkatotoo.. depende sa kakayahan mo" wika ni zandro bago muling binuksan ang kamay at bumalik silang muli sa mundo ng mga normal. " oh bakit tayo bumalik dito sa mundo namin" wika ni anghel. " nakikita mo ng mga batang iyon( tinuro mga batang nag ra rugby) "oo.. araw araw ko silang nakikita dyan.. dahil sa rugby para na silang nababaliw...lumilipad daw sila..may kapangyarihan at kung anu anu pa" wika ni anghel bago muling isara ni zandro ang kanyang kamay
at mula doon ay nagulat si anghel ng nakita nya ang mga batang iyon na nasa mundo rin ng altaerndra. doon nakita nya ni anghel ang mga batang iyon na masaya habang naglalaro... ang iba at tila mga ibon na may pakpak habang lumilipad.. ang iba naman ay may mga lumalabas na kapangyarihan sa kanilang mga kamay. habang ang iba ay tila mga hari at reyna sa kanilang mga kasuutan. " totoo ba tong nakikita ko ..ang buong akala ko ay mga sabog lamang yang mga yan sa rugby.. kaya nila ginagawa ang mga yan.. ibigsabihin totoo pala lahat ng nakikita at ginagawa nila" pagtataka ni anghel. " tama ka uli katulad ng kay ligaya hindi nyo rin nakikita ang mga nakikita nila.. kaya iniisip ng lahat na sila ay mga nasisiraan ng ulo" paliwanag ni zandro bago tawagin ang mga kabataan" mga bata.. lumapit nga muna kayo dito" wika ni zandro. " mahal na garente.. bakit nyo po kami ipinatawag" wika ng isang bata.
" kilala nyo ba sya" wika ni zandro. " parang namumukaan ko po sya.. ikaw ba ung apo ni aling esma" wika ng isa lalaki. " ako nga" sagot ni anghel. "himala nadirito po kayo..!!papaano mo natutun ang lugar na ito" tanong ng isang lalaki. " bakit ganyang ang mga itsura ninyo dito sa altaendra.. muka kayong mga mayayaman .. mukang makikisig.. at maaliwalas ang inyong mga mukha..lahat ng ito ay kabaliktaran ng nakikita ko sa mundo namin... kahit si ligaya.. kakaiba ang kanyang ganda.. ng makita ko sya dito" wika ni anghel. " kaya nga mas gusto namin dito sa altaendra.. dito kami masaya.. dito lahat nag gusto namin ay nakukuha namin..lahat ng gusto naming gawin ay nagagawa namin" wika ng mga batang iyon.