App herunterladen

Kapitel 2: Bagong Buhay

Hawak-hawak ko sa aking kamay ang pugot na ulo nang lolo ko habang naglalakad pababa nang bundok. Sumusunod pa rin sa akin ang kanyang alagang sigbin na duguan at may malaking sugat sa ulo. Napakabigat nang aking pakiramdam sa panahon na iyon, isa akong talunan. Bigo akong mabawi si Sally mula sa kamay ni Dave, ginawa ko na ang lahat, natalo ko na si Dave pero mas pinili parin ni Sally ang tumira sa mundo ng mga engkanto, sa piling ni Dave. Napatay ko pa si lolo sa sarili ko mismong mga kamay.

Hindi ko na alam kung saan ako patungo, patuloy lang ako sa paglalakad, nakalutang ang isip ko habang iniisip ang mga nangyari. Sumabay pa ang ulan sa aking kalungkutan, pero pasalamat narin ako at umulan upang anurin nang tubig ulan ang mga luha sa aking mata. Tila nagustuhan din nang sigbin ang ulan, mawala ang dugo sa ulo nito at tila mabilis naghilom ang mga sugat nya. Nagbagong anyo ito at naging isang maliit na ibon at sumampa sa aking balikat.

Bumalik na rin ako sa pagiging tao, bagamat puno parin ako nang mga sugat, pasa at galos. Huminto ako sa isang abandonadong kubo para magpasilong at magpahinga. Sa panahong iyon ay nilalamig na ako, naghanap ako nang tuyong tela para ipamunas pero wala akong nakita. Naisip ko nalang kung nandito lang sana si Sally may kayakap sana ako ngayon at hindi masyadong giniginaw. Hindi talaga mawala sa isip ko si Sally, kahit sa mga sinabi nya'y hindi parin nag babago ang damdamin ko sa kanya. Oo, umiibig ako sa babaeng may mahal nang iba, masakit, hindi ko kaya to, mas pipiliin ko pang masaksak nang patalim kesa masaktan nang ganito. Ayaw ko nang mabuhay, wala nang silbi ang buhay kong ito, nawala na ang lahat sa akin, Si Sally, si lolo, ang normal na buhay ko, lahat!!

Dumaan ang isang buwan.

Nasa Dumaguete ako ngayon, Probinsya nang Negros Oriental, pinili kong magtagal rito dahil tahimik dito at maraming magagandang mga tanawin. Palangiti ang mga tao, kahit konti ay nababawasan ang kalungkutan ko kapag nakakakita ang mga nakaibigan ko dito na ngumingiti. Pinipilit kong mag umpisa muli, nakahanap ako nang trabaho sa isang coffee shop. Mabait ang amo ko, pinatira nya ako sa rooftop nang building nang coffee shop namin. Mabuti na rin ito, nakakalimutan ko ang kalungkutan kapag abala ako sa trabaho.

Kasama ko pa rin sa tinutuluyan ko ang sigbin ni lolo, pinangalanan ko itong Bruno, kahit di ko alam kung lalake ba ito o babaye o kung may kasari-an ba talaga ang mga sigbin. Pinapakain ko ito nang uling, sunog na laman nang niyog, at paburito nito ang talbos nang kalabasa. Kapag nagtatrabaho ako'y anyong itim na pusa ito at nakamasid lang sa mga taong pumapasok sa coffee shop. Gustong-gusto siya nang mga babaeng customers namin sa shop.

May katanungan parin sa isip ko, sa ngayon kasi pakiramdam ko malakas, mabilis, at matalas parin ang pakiramdam ko. Mukhang namana ko na talaga ang mutya ni Talagbusaw, pero paano ko mailalabas ang tunay na kapangyarihan nito? Makokontrol ko kaya kung sakaling gamitin ko uli ang buong lakas ko at magbago ako nang anyo? Kailangan ko ba uling kumain nang buhangin na may langis? Sa dami nang katanungan ko, minsan ayoko nang mag-isip tungkol dito.

Araw nang linggo, naka duty ako nang night shift. May pa konti-konting dumarating para mag-usap sa shop namin, umoorder nang pinakamurang kape at maguusap nang hanggang dalawang oras. Pero wala akong problema sa kanila, mas gusto ko rin na may tao sa shop. 11:30PM, may pumasok na lalake naka tuxedo ito at naka headphone. Umorder ito nang Caramel Macchiato at umupo sa bar, habang ginagawa ko ang order nya ay nakikipag usap ito sa akin.

"Anong ginagawa mo sa lugar na ganito?" Umpisa nya.

"Nagtatrabaho lang boss para may pangkain" Sagot ko.

Ngumisi ito at nilapitan si Bruno, sabay kuha dito at haplos sa kanyang ulo.

"Amoy na amoy kita mula sa malayo tol, ang alam ko'y hindi ka tao pero hindi ko lang alam kung ano ka. Ngayon lang ako nakatagpo nang kalahi mo."

Agad akong humarap sa kanya at naging alerto, kung alam nyang hindi ako normal na tao, malamang hindi rin sya normal na tao.

"Anong kailangan mo?" Tanong ko.

"Kalma tol, hindi ako nandito para makipag-away. Na curious lang ako sa amoy mo, gusto ko lang malaman kung anong lahi ka." Sagot nya.

Nag aalinlangan akong sumagot pero nagbakasakali ako na baka masagot rin nya ang mga katanungan ko.

"Isa akong anak ni Talagbusaw, Talagbusaoan kung kami ay tawagin."

Nanlaki ang mata nang lalaki at mabilis na lumapit sakin.

"Talag...busa....wan.... hindi ako makapaniwalang makakatagpo ako nang isang Talagbusaoan! Sampo lang kayong gumagala dito sa daigdig, pero hindi ko alam kung buhay pa ang iba sa inyo. Ako nga pala si Rico, isang Lobo, yung wolf ha, hindi balloon." Sabay abot nang kanyang kamay sakin.

"Albert." Ngayon nyo lang pala nalaman ang pangalan ko haha.

Nagpatuloy na ako sa aking trabaho habang si Rico naman ay abala sa pakikipag-usap sa mga babae sa shop. Malakas ang Charisma ni Rico, parang talo pa yata ang hypnotismo nang isang bampira.

Sumapit ang alas dos nang madaling araw naghanda na ako para mag end nang shift, may papalit kasi sa akin sa alas tres. Napansin kong nandun parin sa shop si Rico naka upo nalang at tila hinihintay akong matapos.

"May hinihintay ka ba? Tanong ko.

Tumango lang ito at sumenyas na tumingin daw ako sa labas. Pag tingin ko ay may mga kalalakihan na nakatayo sa labas at nakatingin sa akin. Parang mga balisa ang mga ito na palakad-lakad habang nakatitig sa akin. May isa na nakatayo lang at nakadiin ang mukha sa glass at patuloy na nakatitig.

"Mga fans mo?" tanong ni Rico sabay tawa.

Lumapit si Rico sa akin at bumulong.

"Mga Tiktik ang mga yan, mukhang gusto yatang kunin ang mutya mo."

Hindi na mapakali si Bruno, nakatitig ito sa mga lalaki sa labas habang nakalabas ang mga pangil. Aaminin ko natakot ako sa mga oras na iyon, dali-dali akong umakyat sa kwarto ko at kinuha ang dalawang punyal na bigay sa akin ni Reyna Carolina. Nagtaka nga ako nito kasi natatandaan ko basag-basag ang mga punyal na ito sa laban namin ni Dave, hindi ko na nga yan pinulot pero bigla itong sumulpot uli sa bag ko. Gawa ang mga punyal na ito sa material na parang kristal, hindi ito ganun ka tibay pero mas mabuti na ito keysa sa wala.

Bumaba ako sa shop, nasa loob na ngayon ang mga lalaki at naka upo silang lima malapit sa entrance, si Rico naman ay nakaupo sa bar. Napansin ko na abot tenga ang ngisi ni Rico habang tinititigan ang ngayo'y matatalim na niyang kuko.

"Handa ka na ba?" Tanong ni Rico sakin.

Pinatong ko sa mesa ang punyal at hinubad ko ang aking uniporme.

"Nariyan na sila eh, pagbibigyan ko nalang para di masayang ang kanilang paghihintay." Sa mga oras na iyon ay nawawala na ang takot ko, napalitan ito nang kagustohang pumaslang nang kalaban, ang tumikim sa dugo nang kalaban. Nararamdaman ko nanaman ang dugo ni Talagbusaw na dumadaloy sa aking mga ugat.

"Sana di maulit ang nangyari dati, pipilitin kong kontrolin ang sarili ngayon." Bulong ko sa aking sarili.

Pinulot ko ang mga punyal at naglakad papalapit sa mga lalaki. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa dalawang punyal, napansin kong nagliwanag ang mga punyal. Napalingon ang mga lalaki at kitang kita ko ang kanilang mga maiitim na mata. Tumayo ang tatlo at sinalubong nila ako, nagsilabasan ang kanilang mga pangil at humaba ang mga kuko. Sinugod nila ako nang sabay, ang isa ay tumalon, habang ang dalawa ay tumakbo sa kanan at kaliwa ko. Sabay sila sa pag atake kaya walang paraan para masangga ko ang mga atake nila kaya akoy tumalon paatras. Sumunod naman ang tatlo at umatake muli sa akin, sa oras na iyon ay bahagyang nauna ang isa sa kanila kaya siya ang una kong hinarap. Umatake ito gamit ang kanyang mahahabang kuko, yumuko ako para makailag sabay hiwa paitaas sa kanyang nakausling kamay. Nagulat ako nang naputol ko ang kanyang kamay na parang itoy isang papel lamang. Hindi ko akalain na ganun pala katalas ang punyal na iyon, yun ang unang pagkakataon na nakatama sa kalaban ang punyal. Sa laban namin ni Dave ay tanging kalasag nya lang ang tinamaan ko at pinangsangga ko lang sa kanyang mga atake ang mga punyal na ito kaya nabasag. Dali-dali akong humakbang paatras upang makaiwas sa atake nang dalawa pang tiktik. Naunang umatake ang nasa kanan ko, akma akong sasakmalin sa leeg kaya muli akong napahakbang sa likod na sya namang pag atake nang nasa kaliwa ko. Kalmot mula sa baba ang atake nya, hindi ko na ito maiwasan at tinamaan ako sa tagiliran. Umagos ang dugo mula sa aking tagiliran, mukhang nabali pa yata ang isang tadyang ko. Napasigaw ako sa sakit ngunit agad natigil dahil nakita ko ang isang tiktik na muling umaatake. Sinunggaban nito ang aking balikat at lumubog ang matatalas nitong psngil. Sunod-sunod ang kanilang pag atake, hindi ko na ito maiwasan. Nagkasugat-sugat ako sa iba't-ibang bahagi nang aking katawan, halos mawalan ako nang malay sa sobrang sakit. Puno na nang dugo ko ang sahig, napasandal ako sa may counter habang patuloy na pinagkakalmot at pinag kakagat nang dalawang tiktik.

Sinunggaban naman ni Bruno ang isang tiktik at kinagat ito sa leeg, nakahandusay ito sa sahig habang patuloy na kinakagat ni Bruno. Ang isang tiktik ay patuloy sa pag atake sakin hanggang sa nakakita ako nang pagkakataon at naitarak ko sa kanyang dibdib ang punyal. Agad natumba ang tiktik at nangisay. Tutulungan ko sana si Bruno nang biglang kinagat ako sa leeg nang tiktik na pinutulan ko nang kamay kanina. Baon na baon ang mga pangil nito sa leeg ko, nahihirapan akong huminga hanggang sa dumilim ang aking paningin. Pero bago ako nawalan nang malay ay nakita kong tumagos mula sa dibdib at likod nang tiktik ang buong braso ni Rico habang nasa kamay nito ang tumitibok pang puso nang tiktik.

Napaluhod ako habang nawawalan nang malay, nararamdaman ko ang umaagos na dugo mula sa mga sugat ko, nawawalan ako nang lakas at giniginaw. Nauubusan na yata ako nang dugo, tuluyan akong napahiga habang pinagmamasdan si Rico na naglalakad papunta sa dalawa pang tiktik na nasa mesa. Ilang sandali pa'y nawalan na ako nang ulirat.

Nagising ako sa ingay ni Bruno, pagmulat ko'y nasa tabi ito nang higaan ko at anyong aso naman ito. Napansin kong naka dextrose na ako at puno nang bendahe ang aking katawan. Langya, wala akong laban sa tatlong tiktik na yun buti nalang nandyan si Bruno at Rico para tumulong, kung wala sila'y patay na siguro ako.

Pinilit kong bumangon para hanapin ang aking dalawang punyal ngunit wala ang mga ito. Pag silip ko sa ilalim may itim na bag sa ilalim nang higaan kaya gumapang ako para makuha ang bag. Habang nasa ilalim ako nang higaan, akma namang may pumasok sa kwarto, isang babae, naka blue na dress, hindi ko makita ang kanyang mukha dahil nga nasa ilalim ako nang kama, hanggang dibdib lang ang nakikita ko. Amoy na amoy ko ang kanyang pabango parang sampong libong rosas na piniga para maging perfume. Agad naman itong lumabas nang mapansing wala ako sa higaan. Tinawag ko sya ngunit nakalabas na ito sa kwarto, hindi ko man lang nakita ang kanyang mukha. Dali-dali akong lumabas mula sa ilalim nang higaan at hinabol ang babae, nasa hallway pa ito habang naglalakad.

"Miss naka blue!! andito ako, anong kailangan mo?" Sigaw ko.

Lumingon ito at nagulat ako nang makilala ko kung sino, si Tanya pala ito, kapatid ni Sally.

"Anong ginagawa nito dito? anong kailangan nya sakin?" Tanong ko sa aking sarili.

Tumakbo pabalik si Tanya habang naka ngiti.

"Nako!! ang ngiti nya, parehong-pareho sa ngiti ni Sally, magkapatid talaga sila.... naalala ko tuloy si Sally." Nakangiti rin ako habang tinitingnan ko syang papalapit sakin.

"Albert, kamusta? balita ko'y hinanap mo daw si Sally? Natagpuan mo ba sya?! Ramdam kong buhay pa ang aking kapatid." Derektang tanong ni Tanya sakin.

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko, di ko alam kung maniniwala sya pag sinabi ko ang totoo. Napangiti nalang ako na parang tanga habang nakatitig sa kanya.

"Wala na sa mundong ito si Sally, masaya na sya ngayon sa kinaruroonan nya." Sagot ni Rico habang papasok sa kwarto.

Nalungkot si Tanya sa sagot ni Rico, tumamlay ang kilos nito at napaupo sa may pinto. Gusto ko sanang sabihin sa kanya na buhay si Sally pero baka magpumilit itong pumunta sa Biringan. Ayoko nang bumalik sa lugar na iyon, malungkot akong pumasok doon, mas naging malungkot ako nang lumabas.

"Gusto lang sana namin ni ina na makita man lang ang bangkay ni Sally para mailibing namin ito." Naluluhang sabi ni Tanya.

Pinahid ni Rico ang mga luhang nag-uumpisa nang tumulo mula sa mata ni Tanya. Inayos nito ang buhok nang babae at pinatong ang daliri sa ilong nito.

"Wag kang malungkot ganda, tutulong ako sa paghahanap sa kapatid mo." Diskarte ni Rico sabay halik sa noo ni Tanya.

Iba talaga ang charisma ni Rico, bagay na bagay ang pangalan nya, Rico Swabe!!

Pagkaalis ni Tanya ay nagbago bigla ang aura ni Rico.

"Simula sa araw na ito dapat lumayo ka na sa mga taong mahalaga sa iyo, madadamay lang sila."

Napakunot ang noo ko, madadamay saan? Ano ba ang nangyayari? Alam kong hindi na magiging normal ang buhay ko simula nang tanggapin ko ang mutya ni Talagbusao pero hindi ko alam na ganito pala ka "Hindi Normal" ang mangyayari.

"Ano ang ibig mong sabihin?" Tanong ko kay Rico.

"Maraming naghahabol sa mutya ni Talagbusao dahil lubhang makapangyarihan ito. Kapangyarihan nang isang Anito ang nakapaloob dyan, hindi lang basta Anito, Anito nang digmaan at pagpaslang." Seryosong sagot nito.

"Kung talagang gusto nila ito, ibibigay ko ito sa kanila, hindi ko naman ito kailangan."

"Ikamamatay mo pag binigay mo sa iba o sapilitang kunin sa iyo ang mutya." Sabi ni Rico habang naglalakad palabas nang pinto.

"Mag-ingat ka dyan, sasamahan ko muna si Tanya pauwi para masigurado akong ligtas syang makakarating sa bahay nila." Dagdag pa ni Rico habang nakangiti na parang may masamang balak.

"Umayos ka dyan Rico! pag may masamang nangyari kay Tanya malalagot ka sakin!" Pagbabanta ko.

"Asus! sa lagay mong yan hinding-hindi mo ako matatalo, magpalakas ka muna boy! bwahahaha at wag kang mag-alala mga kriminal lang ang binibiktima ko, hindi naman siguro kriminal si Tanya diba?" Nakangisi pa si Rico habang naglalakad palayo.

Kinagabihan ay nanumbalik na ang aking lakas, naghilom na lahat nang aking sugat. Tumakas ako mula sa ospital at naghanap nang makakain, sa dami nang nawalang dugo sa akin kailangan kong kumain nang marami. Sa karinderya ni aling Susan ako nagpunta, dalawang serve nang adobong baboy at apat na order nang kanin ang naubos ko ngunit gutom pa rin ako. Parang may hinahanap ang panlasa ko pero hindi ko ma wari kung ano. Kumakalam rin ang aking sikmura kahit sobrang dami na nang nakain ko. Parang ibang pagkain ang hinahanap ko.... eto na yata ang kinatatakutan ko.

Sumikat na ang araw, nakahiga ako sa aking kama habang pinipigilan ang gutom. Kailangan ko nang bumangon, kailangan ko nang umalis sa coffee shop, madadamay ang mga kasama ko sa trabaho, pati ang may-ari. Ayokong madamay sila sa gulong napasukan ko.

Nag impake na ako nang aking gamit at pababa na nang hagdan nang makasalubong ko ang may-ari nang coffee shop. Seryoso itong nakatingin sa akin at sumenyas ito na sumunod ako sa kanya. Sa loob nang kanyang opisina ay pinaupo nya ako habang siya nama'y nakatayo habang nakaharap sa bintana na tanaw ang buong syudad.

"Nakita ko sa CCTV ang nangyari." Maikli pero malaman na pagkakasabi ni Mr. Sanchez.

Wala akong maisip na sagot, hindi ko rin kailangang sumagot kasi hindi naman siya nagtatanong kaya nanahimik lang ako. Kinuha nya ang remote sabay pakita nang CCTV footage, kitang-kita ang pagbabagong anyo nang mga Tiktik, pati kung paano sila nilapa ni Rico na naging taong-lobo.

"May tiwala ako sayo Albert, kaya sana naman ay pagkatiwalaan mo rin ako tungkol sa secreto mo. Matagal na akong nagsasaliksik tungkol sa mga kagaya nyong.....hindi...tao.. Ang asawa at anak ko'y pinatay nang manananggal, kitang-kita nang sarili kong mga mata ngunit walang naniwala sa akin, bagkus ako pa ang naging prime suspect. Kaya simula noon ay nag umpisa akong mag saliksik ngunit maraming mga nagkukunwaring may impormasyon tungkol sa inyo pero pera lang ang habol nila. Pero ngayon na may ebidensya na ako ay mas gusto ko pang malaman ang mga bagay-bagay tungkol sa inyo. Wag kang mag-alala wala na ang galit ko, napalitan ito nang kuryosidad, kaya sana ay wag mong ipagkait ang impormasyon tungkol sa inyo."

Hindi agad ako nakapagsalita, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko, kung saan ako magsisimula.

"Ah...ano po ang gusto mong malaman boss?"

Tumitig sa aking mga mata si Mr. Sanchez at umupo sa kanyang upuan.

"Anong klaseng nilalang ka?" Tanong nya.

"Nako po, ako po'y isang tao. Maging ang nakita mo sa CCTV ay mga tao lang po.." Sagot ko sa kanya.

"Tao?! Hindi tao ang nakikita ko Albert! Halimaw sila, nagbagong ayo sila at naging halimaw!! Hindi mo ako mapapaniwalang mga tao sila!" Tumaas na ang boses ni Mr. Sanchez.

"Totoo po ang sinasabi ko, mga tao po sila...pero...sabihin na nating may...kakaiba silang kakayahan... hindi ko maipaliwanag sayo nang husto..basta sila po ay ipinanganak na tao, nabuhay bilang tao, pero may nagbago sa kanila, maaring ginusto nila o napilitan sila kaya nagkaroon sila nang mga kakayahang wala ang normal na tao. Pero sila ay tao parin, maihahalintulad ko sila sa mga taong may kapansanan, hindi sila normal na tao pero tao parin sila, may mga bagay na hindi nila nagagawa tulad nang normal na tao pero may mga bagay rin na kaya nilang gawin na hindi kaya nang normal na tao. Paulit-ulit nalang po itong sinasabi ko, pasensya na po sana po ay naintindihan nyo ang ibig kong sabihin."

Napaisip si Mr. Sanchez, ilang sandali pa'y muli itong nagtanong.

"Sabihin na nating tao sila, pero may tawag sa kanila base sa kakayahan na kaya nilang gawin diba? Tiktik, Aswang, Manananggal, Kapre, Engkanto, at kung anu-ano pa. Ang gusto kong malaman ay kung anong uri ang mga taong nasa video."

"Ang Tiktik, Aswang, at Mananaggal, mga tao po sila. Kapre at Engkanto naman po ay hindi tao. Mahabang usapan po yan pag pinaliwanag ko sayo yan isa-isa aabutan tayo nang ilang buwan. Ang mga nakita mo sa CCTV ay mga tiktik, sigbin at taong lobo. Inatake ako nang mga tiktik para makuha ang pamana sa akin nang lolo ko, mabuti nalang at nandyan si Rico ang taong lobo na tumulong sa akin." Sagot ko sa kanya.

"Sigbin? wala akong nakitang sigbin" Tanong ni Mr. Sanchez.

"Opo, may sigbin dyan kaso di mo makikita kasi hindi lumilitaw sa mga larawan ang mga sigbin." Sagot ko.

"Ah, si Bruno!! yung pusa mo!! kaya pala minsan may customer na nagtanong sakin kung bakit raw hindi lumilitaw sa picture nila si Bruno nung minsa'y kinuhanan nila ito nang picture. Sa isip ko'y mga lasing lang sila, pero totoo pala ang mga pinagsasabi nila hahaha." Sambit ni Mr. Sanchez sabay tawa.

Habang nag-uusap kami ni Mr. Sanchez ay may pumasok sa pinto, hindi ito napansin ni Mr. Sanchez hindi madaling mapansin nang normal na tao ang presensya nito. Tumalon bigla sa mesa si Bruno at humiga habang nakatingin kay Mr. Sanchez. Laking gulat ni Mr. Sanchez nang nakita si Bruno sa mesa.

"Anak nang!!! Pano nakapasok yang pusang yan dito?! Sarado ang pinto diba? Ay oo nga, sigbin nga pala yan." Nabiglang sabi ni Mr. Sanchez na umaatras palayo kay bruno.

"Mr. Sanchez, salamat po sa tulong at tiwala mo sakin, pero ako po'y may kinakaharap na problema ngayon at ayokong madamay kayo rito. Pamilya na rin po ang turing ko sa inyo at maaaring gamitin yan nang mga kalaban ko laban sakin. Kaya kailangan ko na agad umalis dito bago pa mahuli ang lahat." Kinuha ko ang aking bag at lumabas na nang pinto, hindi naman ako pinigilan ni Mr. Sanchez naintindihan nya kung bakit ko kailangang umalis agad doon.

"Teka lang Albert, may kilala akong makakatulong sa iyo. Habang akoy nag-iimbistiga sa mga aswang ay nagpatulong ako sa aking pamangkin na detective, kaso masyadong malihim ang pamangkin ko na yun, siguro'y may mga impormasyon sya tungkol sa mga kalaban mo. Hanapin mo sya, Agent Mary Ann B. Sanchez nang Paranormal Crimes Agency (PCA) isa rin syang private detective." Pahabol ni Mr. Sanchez bago ako nakalabas nang shop.

"Maraming salamat po, pero mas mabuting harapin ko nalang to mag-isa ayoko nang mandamay pa nang ibang tao." At ako'y umalis na.

March 25, 2020

Kasagsagan nang Corona Virus, naka Community Quarantine ang buong probinsya nang Negros Oriental. Pero natatawa ako sa mga tao dito parang walang kumakalat na virus, normal parin ang kanilang mga ginagawa taliwas sa utos nang gobyerno para makaiwas sa sakit. Tuwing gabi may curfew naman, madalas nga akong masita nang mga tanod at kapulisan pero nangangatwiran lang ako na galing ako sa trabaho at agad naman silang naniniwala at pinababayaan ako.

May ilan-ilan din akong nakakasalubong na mga aswang sa gabi ngunit hindi naman nila ako inaatake, malamang wala silang interest sa mutya ko, o baka hindi lang talaga nila alam. Patuloy naman akong tinutulungan ni Rico sa pangangalap nang impormasyon tungkol sa mga tiktik na umatake sa akin at sa ibang mga Talagbusaoan na sinasabi nilang sampu lang ang bilang sa buong mundo at kabilang na ako dun.

Napadaan ako sa coffee shop na pinagtatrabahoan ko dati, sarado ito dahil sa quarantine. Nasa loob si Mr. Sanchez at may kausap na babae at mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila kaya hindi ko na tinawag ang kanyang pansin. Naglakad ako papalayo nang may tumawag sa akin.

"Pogi!" Lumingon naman ako agad.

Napahiya ako, hindi pala ako ang tinawag kaya nagpatuloy ako sa paglalakad nang may babaeng sumigaw.

"Albert!!"

Siguro naman ako na talaga ang tinatawag nito, pangalan ko na yan eh, paglingon ko'y isa itong magandang babae, nakangiti itong lumapit sa akin at inaabot ang kanyang kamay, makikipagkamay yata.

"No hand shaking please, lets practice social distancing." Mabilis kong tugon sa babaeng papalapit.

"Ay, sorry nakalimutan kong under quarantine pala tayo ngayon...pero andito ka't palakad-lakad lang, diba dapat nasa bahay ka lang?" Nakakatunaw ang mga ngiti nang babae habang nagsasalita.

At dahil madalas akong masita ay alam ko na agad ang isasagot sa mga ganyang katanungan.

"Ah eh, galing kasi ako sa trabaho pauwi na nga ako." Pagsisinungaling ko.

"Ahhh so may trabaho ka na pala ngayon? Akala ko ayaw mong mandamay nang ibang tao sa problema mo kaya't umalis ka sa coffee shop na pinagtatrabahoan mo dati, eh ba't nagtatrabaho ka na uli?" Tanong nang babae.

May alam ang babae tungkol sakin, kung paano nya ito nalaman ay hindi ko alam at hindi ko rin alam kung kalaban ba ito oh hindi kaya agad akong umalerto, naghanda para sa isang laban. Pumorma na ako para makigpaglaban nang natawa lang ang babae.

"Hoy ano yan?! Hindi ako kalaban kolokoy! Ako si Mary, pamangkin nang dati mong boss sa coffee shop ahahahaha! Kolokoy!!!" Nakakaasar ang babaeng to ah.

Hindi agad ako naniwala, hindi ako agad-agad naniniwala lalo na sa mga magagandang mga babae kasi palagi nila akong sinasaktan..(BOOM). Tinitigan ko lang siya at hinintay na gumalaw.

"Ayaw mo maniwala?! Para malaman mo, kung kalaban mo ako hindi ko na sana tinawag ang pangalan mo at agad na sana kitang sinugod. Pero kahit alam mo pang susugurin kita, wala ka ring magagawa sa bilis ko kolokoy!!"

Sa isang iglap ay nabatukan nya ako at nang madadapa na sana ako ay sinalubong naman ang mukha ko nang tuhod nya, sa lakas nang pagkakatama ay kusang umangat ang katawan ko at napatayo ako nang tuwid. Pinahid ko ang dugo sa ilong at ang konting luha na mata ko. (Hindi ako umiyak, napuwing lang ako nun).

"Pasalamat ka hindi ako pumapatol sa mga babae" Seryoso ang aking pagkakasabi.

"Mabuti, kasi ayaw na ayaw ko ang mga lalake na nananakit nang mga babae." Seryoso rin ang babae.

Mula sa likod ko'y may umakbay sa akin, si Rico na nakangisi habang inaabot ang kamay ni Mary.

"Hi babe, mine's Rico, what's yours?" Sinabayan pa ito nang kindat.

Hindi umimik si Mary, hilaw na ngumiti ito at tinitigan lang si Rico ng ilang sigundo at binaling ang tingin sa akin.

"Oh, akala ko ba social distancing, bat magka akbay kayo?" Pangiting sabi ni Mary.

Agad kong tinanggal ang kamay ni Rico sa balikat ko, at humakbang palayo sa kanya. Napataas ang kilay ni Rico habang nakatingin sakin. Sinabi nitong hindi kami dapat matakot sa virus kasi natural na malakas ang resistensya namin pero hindi ko ihinahalintulad ang sarili ko sa kanya, para sa akin ay tao pa rin ako. Kahit may kakayahan akong magbagong anyo eh ramdam ko sa sarili ko na tao ako.

"Hahahaha Over Acting! Hindi ka nga tatablan nang virus na yan! Ano ka ba?!" Sabi ni Rico sabay tapik sa aking braso.

"Hhhmmmmppp!!! Amo'y aso rito!" Si Mary na nagtakip nang ilong.

Nawala ang ngiti sa mukha ni Rico at napatitig ito kay Mary. Ngumiti naman si Mary at tiningnan nang masama si Rico. Ramdam kong nagbago bigla ang aura ni Rico, tila isa na itong mabangis na hayop. Si Mary naman ay humakbang paatras habang may hinuhugot mula sa kanyang likuran. May kakaiba akong naramdaman nang naghanda nang lumaban si Mary, parang may pamilyar na enerhiya mula sa kanyang katawan.

"Matuto ka kung kelan mo pwedeng ilabas ang pangil mo aso!" Seryoso na si Mary.

Humaba ang mga pangil at kuko ni Rico, nanlisik ang mga mata sabay sugod sa babae. Gamit ang kuko nya'y hihiwain sana nya si Mary ngunit sa bilis nito'y naunahan sya at muntik nang maputol ang kanyang kamay. Nagulantang si Rico sa bilis nang pag atake ni Mary, hindi ito makapaniwala na ang isang taong gaya nya ay makakagalaw nang ganun ka bilis. Maging ako ay nagulat sa aking nakita dahil ang sandatang gamit ni Mary ay dalawang kristal na punyal... tulad ng punyal na bigay sa akin ni Reyna Carolina nang Biringan, mas maliit ito kesa sa punyal ko.

Muling sumugod si Rico kay Mary, pinagkakalmot niya ito ngunit hindi nya ito matamaan. Parang sinasayawan lang ni Mary ang mga atake ni Rico, nahahapo na ang lalake at unti-unting nawawalan nang kontrol sa sarili. Nagbabago na ang anyo nito, dahan-dahang nagiging isang taong lobo.

Dumadami ang mga nakikiusyosong mga tao mabuti at may quarantine kung hindi ay marami na sana ang nakakita sa kaguluhan. Hindi pwedeng makita nang mga tao ang anyo ni Rico kaya sinunggaban ko ito at pilit na binuhat papasok sa busaling underconstruction at swerte nalang at walang nagtatrabaho sa mga oras na iyon.

Tuluyan nang nag anyong taong lobo si Rico, talagang nakakatakot at nakakamangha ang itsura nito. Sinipa ako nito at tumilapon sa tabi, sa sikmura pa talaga ako tinamaan kaya muntik na akong masuka.

"Okay ka lang ba Albert? Dyan ka lang muna at tatapusin ko lang ang isang ito."

Umalolong si Rico, nakakapanindig bahahibo ang alolong nito ngunit nabilaokan ito nang biglang sumulpot sa harap nito si Mary at sinuntok ito sa leeg. Natatawa habang tumalon palayo si Mary sa nabilaukang taong lobo.

"Uuuggggrrkkkk!! Bwesit ka!!! Moment ko yun hindi mo pa ako pinagbigyan!!" Sigaw ni Rico.

"Hahahaha kolokoy ka rin ano? Inisip mo bang hihintayin kong matapos ang pag alolong mo? Hindi ito pelikula aso!!" Si Mary na handa nang muling umatake.

Kinahig ni Rico ang lupa papunta kay Mary, napapikit ang babae nang napuwing ito at agad na sinakmal ito ni Rico. Nasangga nang braso ni Mary ang sakmal ni Rico na sa leeg sana ang target. Iniwasiwas nang taong lobo si Mary sa ere na parang bandera. Pero habang iniwawasiwas si Mary nang taong lobo'y pinagsasaksak din pala nya ito sa leeg, ulo at balikat. Tumilapon si Mary may pader habang napaluhod naman si Rico dahil sa mga sugat na natamo nito.

"Langya.... akala ko'y matatalo na kita, pinagsasaksak mo pala ako... matapang kang babae ka.." Pagkatapos sabihin ni Rico ang katagang ito'y bumagsak siya sa lupa.

Tumayo si Mary at paika-ikang naglakad papunta sakin, duguan ang ulo nito. Bumalik sa pagiging tao ang anyo ni Rico at unti-unting naghihilom ang mga sugat habang wala itong malay. Umupo si Mary sa tabi ko at dahil siguro sa pagod at panghihina'y sumandal ito sa akin at tuluyang nawalan nang malay. Binuhat ko si Mary at dinala sa "Kapelandia" ang coffee shop na pinagtatrabahoan ko noon. Nagulat si Mr. Sanchez nang makita ang lagay ni Mary,pinahiga namin ito at binigyan nang pangunang lunas ang sugat nito sa ulo. Binalikan ko si Rico sa gusali at nakitang nakatayo na ito at halos naghilom na lahat nang mga sugat nito. Nakangiti ito habang ipinapagpag ang alikabok sa kanyang punit-punit na damit.

"Matagal na rin nung may nakalaban akong ganun ka galing, mabilis at mabangis gumalaw. Jowa mo?" Nakangising tanong ni nang ungas.

"Hali ka nga't magpapakilala tayo sa kanila nang maayos, puro kasi init nang ulo pinapairal mo." Sagot ko.

Tuwang tuwa si Mr. Sanchez nang makita si Rico, nakilala nya ito sa CCTV footage na naging isang taong lobo at nakipaglaban sa mga tiktik. Tinungo namin si Mary na sa mga oras na yun ay nakaupo na.

"Ang bilis talagang maghilom nang mga sugat ng mga aso noh?" Si Mary habang masama ang tingin kay Rico.

"Gusto mo round two?" Si Rico habang pinapakita ang humahaba nitong mga kuko.

"Tumigil nga kayo! Mag usap muna tayo pwede ba? marami akong tanong sayo Mary." Naiinis ako sa dalawang to.

Parang mga aso at pusa ang dalawa, si Mary ay nag oorasyon habang hawak-hawak ang dalawang kristal na punyal. Si Rico naman ay nakalabas nanaman ang pangil at mga kuko.

"Hindi na kita pag-bibigyan ngayon aso, isang maling galaw mo lang, kaya kitang patayin agad." Banta ni MAry.

"Pinagbigyan lang kita dahil babae ka at kakilala mo ang kaibigan ko. Pero pag sineryoso kita walang magagawa ang bilis mo sakin." Sagot ni Rico.

"Hindi ba talaga kayo titigil?!" Napasigaw nalang ako.

May kakaiba akong nararamdaman tuwing naghahanda sa laban si Mary, kanina ko pa ito nararamdaman, pamilyar ngunit di ko alam kung ano. Parang nag re-react ang enerhiya ko sa kanya, parang may nagigising na nilalang mula sa loob ko. Napupuno ako nang emosyon, iba-ibang emosyon ang nararamdaman ko, galit, tuwa, pagkasabik.....kagustuhang pumaslang....pagkauhaw sa dugo nang kalaban!

Nawala ako sa pag-iisip, pilit kong hindi mawalan nang malay ngunit nagdilim na ang paningin ko at nang nagkamalay ako'y muli kong naranasan ang kinatatakutan ko. Hindi ko na makontrol ang katawan ko, kusa nanaman itong gumagalaw, parang isang mabangis na hayop naghahanap nang makakalaban, sabik na pumaslang.

Gulat na gulat sina Rico at Mary nang unti-unti akong nagbago nang anyo, lumaki ang katawan, nagsilabasan ang mga pangil, humaba ang kuko, matatalas at nanlilisik na mga mata. Si Rico ang nagkataong pinakamalapit sa posisyon ko, sinakmal ko sya at muntik nang maabutan mabuti nalang at mabilis itong napalundag palayo. Mababakas sa mukha ni Mary ang pagkabigla at pagkalito sa nangyayari, sumugod ito at gamit ang kanyang mga punyal ay nahiwa nya ang aking braso. Napakabilis nang pag-atake na yun, ni hindi ko nakita kung paano nya ako nahiwa nang punyal nya. Kitang-kita ko ang dugo na umaagos mula sa sugat ko, masakit ito ngunit....nagustuhan ko ang pakiramdam nito. Pinahid ko ang dugo gamit ang aking daliri at isinubo sa aking bibig, napakasarap talaga nang lasa nang dugo, pero mas masarap ang lasa nang dugo kung ito'y galing sa kalaban. Hindi lang si Mary ang mabilis gumalaw, sa katunayan nga mas mabilis ako kapag nag seryoso sa laban. Umatake ako kay Mary, sing bilis nang kidlat na hindi man lang napansin nito na tinamaan na xa sa tagiliran nang mahahaba kong kuko. Sa lakas nang pag-atake koy tumilapon ang babae at tumama sa may bar nang shop. Mula sa likod biglang sumulpot si Rico na nag-anyong taong lobo na at gamit ang mahahaba at matatalas nitong kuko ay kinalmot ako. Napunit ang likod ko, tagos sa laman ang pagkakahiwa nang mga kuko nito. Napatingala ako sa naramdaman na sakit ngunit....masarap na pakiramdam. Hindi pa tumigil ang taong lobo at sinakmal ako sa leeg, bumaon ang mga pangil nito sa laman. Pilit akong binubuhat ni Rico habang kagat-kagat ang aking leeg, gusto nya akong iwasiwas kagaya nang ginawa nya kay Mary ngunit hindi nya ako kayang i-angat. Napangisi lang ako habang dinakma ko ang ulo nito at tinanggal mula sa pagkakakagat sa aking leeg, dahil bumaon ang mga ngipin nito'y natanggal ang ilang balat at laman mula sa aking leeg. Hawak-hawak ang kanyang ulo inangat ko ang taong lobo at tiningnan habang ito'y nakabitin. Ginawa ni Rico ang lahat para makawala mula sa pagkakahawak ko, sinipa, at kinalmot nya ako ngunit hindi ako natitinag sa mga atake nya. Napakasarap pala sa pakiramdam habang nakikitang nahihirapan ang kalaban, hinigpitan ko ang aking pagkakahawak sa ulo nito at ito'y napahiyaw sa sakit. Napansin ko si Mary na sumusugod mula sa likod kaya itinapon ko ang taong lobo sa kanyang dereksyon. Tumama ang katawan nang taong lobo sa pasugod na si Mary, tumilapon ang dalawa at humandusay sa sahig.

Humakbang ako papalapit kina Rico at Mary na nahihirapan nang tumayo dahil sa mga pinsalang natamo. Tama na ang laro, gusto ko nang uminom nang dugo nang kalaban! Nang nakatayo na ako sa harap mismo nang dalawang talunang kalaban ay binuka ko nang malaki ang aking bibig at nagsilabasan ang mga matatalas na pangil. Pinulot ko si Mary, itinaas, itinutok sa aking bibig, at akmang isusubo na nang may sumunggab sa akin. Nabitawan ko si Mary at ako'y natumba sa sahig. Nang tingnan ko ang sumunggab sa akin nakita ko ang isang malaking aso na puno nang mahahaba at matatalas na pangil ang bibig, Si Bruno na alaga kong sigbin pala ang sumunggab sakin, nakalabas ang mga pangil habang dahan-dahang umaatras palayo. Inilalayo nya ako kina Mary at Rico. Sinundan ko nang tingin ang sigbin habang ako'y tumatayo, at nang makatayo na'y nilusob ko ito agad gamit ang malakidlat kong bilis. Mabilis pa sa kisapmatang tinamaan ko ang sigbin at ito'y nagpagulong-gulong dahil sa lakas nang pagkakasipa rito.

Mabilis na nakatayo si Bruno, umangil na parang liyon habang unti-unting umaatras. Pinabayaan ko si Bruno at bumalik ang atensyon ko kina Mary at Rico, muli akong lumapit sa kanila nang sinunggaban nanaman ako ni Bruno ngunit sa pagkakataong yun ay hindi na nya ako nagawang mapatumba. Mabilis na nakalundag papalayo ang sigbin upang makaiwas sa atake ko, tiningnan ko nalang ito at nagpatuloy sa paglapit sa nakahandusay na si Mary at Rico. Pinilit ni Rico na tumayo, nangangatog ang tuhod nito at halatang nanghihina. Dinakma ko ang leeg ni Rico at inangat ang buong katawan nito, mula sa likod ay muling sumunggab si Bruno ngunit sinalo ito nang isang kamay ko at ngayo'y hawak ko na sa leeg si Rico at Bruno. Walang magawa ang dalawa sa lakas ko, pinagmasdan ko silang tumitirik ang mga mata at bumubula ang mga bibig. Unti-unting bumabalik sa pagiging anyong tao si Rico at nawawalan na nang malay.

Pilit kong binabalik sa kontrol ko ang katawan ko ngunit kagawa nung dati'y hindi ko ito magawa. Nasasaktan ko nanaman ang mga kaibigan ko, bumabalik sa alaala ko ang bangungot nang nakaraan. Naalala ko kung paano ko nasaktan ang babae minahal ko, at kung paano ko napatay sa sarili kong mga kamay ang aking lolo. Umiiyak ako sa loob habang hindi ko magawang kontrolin ang katawan ko.

Kahit nahihirapan ay tumayo si Mary, hawak-hawak ang malaking sugat sa kanyang tagiliran napasandal ito sa pader. Napansin nya na may tumutulong luha mula sa mata ko, agad naunawaan ni Mary ang nangyayari sakin at ito'y nag orasyon.

Tuluyan nang nawalan nang malay si Rico at Bruno, una kong isinubo ang sigbin na si Bruno sa bibig ko. Ninguya ko ang katawan nito at ito'y nagkamalay muli dahil sa sakit ngunit wala na itong nagawa, wasak na ang kalahati nang katawan nito at patuloy kong ningunguya ang katawan nya. Napa ungol nalang si Bruno habang lumalabas sa bibig at mata nito ang dugo, tumalsik ang mata nito nang mapisa ang kanyang ulo at ito'y tumahimik na at tuluyan ko nang nilunok.

Mula sa hagdan ay napasigaw si Mr. Sanchez.

"Gumising ka na Albert! kinain mo ang tapat mong alaga!!!"

Napatay ko ang tanging nilalang na naging tapat sa akin, ang nilalang na hindi ako iniwan at ilang beses nang sinalba ang aking buhay. Kitang-kita nang mga mata ko kung paano ito naghirap sa mismong kamay ko, kung paano ito karumaldumal na namatay. Nanlumo ako sa nangyari, galit na galit ako sa sarili ko kung bakit hindi ko magawang kontrolin ang kapangyarihan ni Talagbusao na dumadaloy sa aking dugo. Mula sa loob ay napasigaw ako sa galit, napasigaw rin ang katawan ko na parang sumunod ito sa ginagawa ko sa loob. Akala ko'y nasa kontrol na ako nang katawan ko ngunit muli itong gumalaw nang di ayon sa kagustuhan ko. Isusubo ko na rin si Rico, napakasarap nang lasa nang dugo nito nang ito'y tumulo sa aking dila. Ang sarap talaga kapag dugo nang kalaban, lalo na kung malakas na kalaban ito.

Akmang isusubo ko na si Rico nang biglang nagdilim ang paningin ko, para akong nahihilo at nabitawan ko si Rico. Nang magbalik ang paningin ko'y nagagalaw ko na ang katawan ko ayun sa kagustuhan ko ngunit nanghihina ako. Napaluhod ang isang tuhod ko at nakababa sa sahig ang isang kamay para di ako matumba. Pagtingala ko'y nakatayo sa harap ko si Mary habang hawak-hawak ang kanyang kristal na punyal.

"Totoo ngang isa kang Talagbusawan, at kagaya nang iba ikaw ay mapanganib. Hindi ka dapat mabuhay!!" Sigaw ni Mary.

"Totoo, mapanganib ako at hindi ako dapat mabuhay kaya nagmamakaawa ako sayo, habang nakokontrol ko pa ang katawang to'y patayin mo na ako.... Ito lang ang magagawa ko para hindi na ako muling makapanakit."

Itinaas ni Mary ang kanyang punyal, niyuko ko ang aking ulo at pumikit, naghihintay na itarak ni Mary ang kanyang punyal sa aking ulo.

"T...Teka lang..." Si Rico na nagkamalay ngunit hinang-hina.

"P..Pagmasdan mo ang paligid.." Pagpapatuloy nito.

Paglingon ni Mary sa labas ay madilim na pala at nakita nya ang iba't ibang uri nang aswang, nakamasid ang mga ito at naghihintay lang sa kung ano ang mangyayari.

"H...Hinihintay lang...nilang patayin mo ang....T..Talagbusawan at p..pag nangyari yun, mag-aagawan...s...sila sa mutya na.....n...nasa katawan niya." Paliwanag ni Rico kahit na nahihirapan itong huminga.

Natigilan si Mary at binaba ang punyal, nilapitan nito si Rico at inorasyonan nang orasyon sa pagpapagaling. Ngayon ko lang napansin na tumigil na pala sa pagdurugo ang sugat ni Mary sa tagiliran at mabilis itong naghihilom. Ilang sandali pa'y nagagawa na ni Rico na tumayo ngunit halatang nanghihina pa rin ito.

"Hoy aso, alam mo palang isang Talagbusawan tong kaibigan mo bakit hindi ka pa lumayo sa kanya? Kamatayan lang nag hatid nang mga kauri nya." Tanong ni Mary.

"Kakaiba ang isang to, baguhan lang ito at hindi pa kayang kontrolin ang kanyang kapangyarihan. Hindi talaga sya masama, nakilala mo rin sya bago lumabas ang kanyang pagiging Talagbusawan diba?" Sagot ni Rico.

"Hindi ko pinaniwalaan si Tito nang sabihin nyang may kilala syang isang Talagbusawan pagkat sampu lang silang nabubuhay dito sa mundo at lahat sila'y walang alam gawin kundi ang makipaglaban at pumaslang. Kahit sila mismo ay nagpapatayan." Masama ang tingin ni Mary sakin.

Nilapitan ako ni Rico at inangat ang aking ulo.

"Kailangan mong kontrolin ang kapangyarihan na yan para maiwasan mong masaktan o di kaya'y mapaslang ang mga importanteng tao o nilalang sa paligid mo."

"Tumayo ka dyan at wag kang magpahalatang nanghihina ka. Maraming nag-aabang sa labas, naghihintay nang pagkakataong mapaslang ka at makuha ang mutya mo. Sa lagay namin ni Rico'y hindi namin kakayaning labanan ang ganyan karaming aswang. Hangga't iniisip nila na mapanganib ka pa hindi sila aatake." Bulong ni Mary sakin.

Nang mapansin ni Mary na tumutulo ang luha ko habang nakikipag laban naisip nyang hindi ko kagustuhan ang ginagawa ko, at dahil may alam ito orasyon tungkol sa mga Talagbusawan ay binigkas nya ang orasyon na magpapahina sa mga ito. Bagamat umiipekto lang ito nang ilang minuto, sapat na ito para mabalik sa kontrol ko ang aking katawan. Ang problema lang ay kapag nakokontrol ko na ang katawan ko'y nawawala naman ang lakas ni Talagbusao, nananatili ang anyo ko bilang isang Talagbusawan ngunit wala itong silbi kasi wala akong lakas.

May ibang aswang na nag uumpisa nang pumasok sa shop, pinilit kong tumayo at nag astang aatake sa mga aswang kaya mabilis na umatras ang mga ito at lumabas.

"Mga duwag talaga ang mga to." Sambit ni Rico.

Ala Una nang madaling araw, nag umpisa nang bumalik ang anyo ko bilang tao. Napansin agad ito nang mga aswang at dali-daling nagunahan na pumasok sa shop. Nanghihina pa sila Mary at Rico pero naghanda na ito na lumaban. Naisip ko na kung buhay pa sana si Bruno'y poprotektahan ako nito nang kanyang buhay. Naluha nalang ako nang maalala ko kung paano ito umungol habang nginunguya ko. Kahit kailan ay pahamak talaga ang kapangyarihang ito. Minsan naiisip ko nalang na ibigay nalang ito sa mga aswang.

1:26AM

May aswang na sumugod, mabilis itong napugutan nang ulo ni Mary gamit ang kanyang punyal at mabilis na pag-atake. Bahagyang napaatras ang mga aswang ngunit agad naman bumalik sa pag atake. Nasa likod ako nina Rico at Mary at hawak ko ang aking kristal na punyal, na ikinagulat ni Mary nang makita pagkat ganito rin ang kanyang sandata.

Ilang aswang na rin ang napapatay namin ngunit patuloy ang pagdami nila, nanghihina na kami at punong-puno na nang mga sugat. Napaatras kami sa sulok, sa isip ko'y yun na ang katapusan namin. Wala na kaming mapupuntahan, halos hindi na kami makagalaw sa pagod at sa mga pinsala na natanggap namin.

"Mukhang natatalo yata tayo ah." Pabirong sabi ni Rico.

"Ay, ngayon mo lang napansin aso?" Sagot ni Mary.

Nagtawanan ang dalawa, at aaminin kong sa mga oras na iyon ay takot na takot na ako. Ngunit napangiti ako dahil nakilala ko kahit sandaling panahon ang dalawang to.

"Bago tayo mapatay, padamihan muna tayo nang mapapatay sa kanila." Hamon ni Rico.

"Sige ba!!" Sabay na sagot namin ni Mary.

Sa huling patak nang lakas ni Mary umatake ito na parang kidlat, sabay na gumulong ang ulo nang tatlong aswang.

"Kaya nyo yun?" Huling salita ni Mary bago ito hinimatay at natumba sa sahig.

Agad hinila nang mga aswang si Mary at pagpipyestahan na sana nang may sumabog mula sa likuran nang mga aswang.

"Magsilayas kayo mga tampalasan!!"

Pamilyar ang boses nang lalake na yun, si Dave.

"Ayun sila mahal!!"

Isang boses nang babae na hindi ko malilimutan sa buong buhay ko...

"SALLY!!" Sigaw ko.

Sa likod nang mga nagkukumpulang mga aswang ay ang mukha nang babaeng noon ay handa akong isakripisyo lahat maging masaya lang sya ngunit hindi kayang suklian ang pag-ibig ko sa kanya. At ngayong inaakala kong katapusan ko na'y magpapakita ito para ako'y iligtas? Mapaglaro talaga ang tadhana, ang hirap makalimutan ng sakit na naidulot sa akin nang babaeng yan, at ngayon na akala ko'y nakapag move on na ako'y magpapakita itong muli?

Walang laban ang mga aswang sa lakas ni Dave na isang Tamawo. Isang hampas lang nang kanyang dambuhalang espada'y nagsiliparan ang mga kawawang aswang, ang iba'y nagkalasog-lasog ang

katawan sa lakas nang impact nang atake ni Dave. Sa takot ay nag unahan sa pagtakas ang mga aswang, naiwan sa gitna ang nakahandusay na si Mary. Si Rico naman ay napasubsob na rin sa sahig, habang ako nama'y nakasandal sa pader habang nakatulala sa ganda ni Sally...at sa lakas narin na pinakita ni Dave.

Nang wala na ang mga aswang, ginamot agad kami nang mga kasama ni Dave. Kilala rin ang mga Tamawo sa kanilang kakayahang magpagaling, kaya buhay parin si Dave kahit hilabhan ko ang mukha nito noon nagharap kami para sa pag-ibig ni Sally, na kahit ako ang nanalo'y pinili parin ni Sally si Dave!!! Kahit na ako'y pinagpalit pero di yun masakit, alam ko sa sarili ko na ako mas higit!!! Bwesit di ko mapigilang mabadtrip pag naalala ko na mas pinili ni Sally si Dave. Pero kung hindi dahil sa kanila malamang patay na kami kaya nagpasalamat ako kay Sally at sa mga Tamawo.

"Paano nyo nalaman na inaatake kami nang mga aswang?" Tanong ko kay Sally.

"Alam kong may magkakainteres na kunin mula sayo ang mutya ni Talagbusao kaya pinabantayan kita sa mga tao ko. Pero inutusan ko silang tawagin lang ako kung lumabas uli ang tunay na anyo mo bilang isang Talagbusawan. Alam ko hindi mo pa kayang kontrolin ang kapangyarihan na yan. At nandito ako para tulungan kang makontrol yan sa kahilingan na rin aking asawa." Si Dave ang sumagot, hindi naman sya ang tinatanong ko.....epal talaga! Pwee!!

"Para man lang makabawi ako sa mga sinakripisyo mo para sakin, patawarin mo ako kung hindi ko kayang ibigay ang hinihingi mo noon, mahal ko si Dave, mahal na mahal. Dagdag ni Sally na inulit-ulit pa na mahal nya si Dave. Alam ko na yun besh! No need na para ulit-ulitin mo pa! Baklang Twuuh!!

Inimbitahan ako ni Dave na magsanay sa kanilang dimensyon dahil mas mabagal ang takbo nang oras dun, kahit wala akong tiwala sa kanya'y pumayag na rin ako sa pagpupumilit ni Sally pero isasama ko sa loob sina Mary at Rico kung gusto nilang sumama, pumayag naman si Dave sa kondisyon ko.

April 6, 2020

11:02PM

Naghanda na kaming pumasok sa lagusan sa kabilang dimensyon, sa mundo nang mga Engkanto. Ang lagusan ay nasa gitna mismo nang daan papasok ng Unibersidad nang Silliman, sa pagitan nang dalawang haligi sa magkabilang bahagi nang daan. Akala ko sa Biringan kami papasok, naalala kong hindi pala magkabati ang kaharian ni Reyna Carolina at ang kaharian nila Dave.

Hintayin nyo ang pagbabalik ko, ikukwento ko sa inyo ang mga pinag gagawa namin doon sa loob. Abangan nyo po ang pagbabalik ko.

Paalam!!

11:34PM

Ahahahah!! Hindi pala pwedeng pumasok si Rico sa mundo nang mga Engkanto kasi isa rin itong uri nang aswang. Excited pa naman si Rico na pumasok, nakapikit pa ito habang naglakad papasok nang biglang may pwersang tumulak dito palabas, tumilapon ito at tumama sa puno. Naalala ko, sinabi nga pala sakin ni lolo na hindi nakakapasok ang mga aswang sa mundo nang mga engkanto. Isa rin palang uri nang aswang ang mga taong lobo. Tanga din naman kasi tong si Dave, naturingang Tamawo pero di alam kung ano-anong nilalang ang pwede at hindi pwedeng pumasok sa dimensyon nila.

Maluha-luha ang mata ni Rico nang iniwan namin ito sa labas nang lagusan. Napagpasyahan nalang nyang bisitahin ang kanyang mga ka uri at duon magsanay.

---WAKAS---


Load failed, please RETRY

Bald kommt ein neues Kapitel Schreiben Sie eine Rezension

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C2
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen