Ang ganda pala ng opisinang 'to. Mukhang museum lang pala yung peg! Haha. Yung floor ay wooden..yung wall ay glass style..'tas may mga vases na nakalagay sa gilid. Tss, pero mukhang tig-isang daan lang yan sa divisoria eh. Marami kaya kami sa bahay niyan.
"By the way, I'm sorry about a while ago. He's just my stupid brother and just forget about him."
Napasulyap ako ng tingin kay Roxie ng sambitin niya iyon ng nakangiti.
Kung gayon, magkapatid pala sila? Bakit hindi ko kagad napansin 'yon? Sabagay mukhang halimaw kasi si L-angaw ba pangalan nun? Longanisa? Lo...basta lo yung una nun eh..Loga? Ayy, ewan!
"Okay lang po 'yon. Saka, ang ganda po pala ng office na 'to. Pwede po bang maglibot dito?" Excited kong tanong with matching puppy face at nakita kong natawa lang ng marahan si Roxie.
"Sure. But, just be careful."
"Yehey! Salamat po!". Tuwang-tuwa kong sabi. Napa-uwang ang kanyang bibig at mukhang may sasabihin pa ata siya pero hindi ko na pinakinggan dahil sinimulan ko nang libutin ang loob.
Grabe! nalilibang talaga ako sa kakatanaw at kaka-tingin sa kabuuan nito. Ngayon ko lang napagtanto na ang lawak pala nito. Parang bahay ko na nga 'to eh. Hindi ko alam kung ilang lapad o haba 'to pero, ganito rin kasi kalaki yung bahay namin.
Parang nasa museum talaga ako. Kaso lang hindi ko nakita yung mga historical object o kaya mga scientific artistic at madami pa eh. Tsaka kulang-kulang. Napagdiskitahan ko na tuloy 'to na parang museum. Sabagay, bagay naman dito si Loga ba yun? Ah basta, bagay silang pagtabihin ni T-rex na dinosaur. Whahaha! Isang halimaw at isang reptile. Haha! Bagay!
"Marsha! Can we abcdefghijk.."
Narinig kong tinawag ni Roxie yung pangalan ko pero hindi ko na masyadong narinig yung sumunod niyang sinabi dahil nakatuon kasi ang atensyon ko sa paglilibot at pagtingin sa mga posters at kung ano ano pang mga nakapaskil at naka-display dito. Ang ganda nga talaga eh, simple lang yung office at maaliwas at malinis pang tingnan. Buti nalang at hindi nag-wawala yung halimaw na 'yon dito, sayang kasi yung ganda ng office niya kapag ganun ang nangyari eh. Smirk ngiti. Pag ako naging secretary niya talaga, mag rereverse kami ng posisyon. Ipapatanggal ko yung ibang panirang naka-display dito at tatadtarin ko ng mga nakaw na litrato sakin ni Suzanne at mga magaganda kong pictures at ididikit ko sa lahat ng pader dito. Haha!! Pag-paplanuhan ko iyon ng mabuti.
"Mars--"
Hindi na natuloy yung sasambitin sana ni Roxie ng bigla kong nakabig yung vase na nasa likuran ko at nahulog sa sahig at nabasag ito.
Napa-baling ako ng tingin dun sa pintuan ng bigla namang bumukas ito at iniluwal si Loga. Hays. Ano ba kasing pangalan niya ulit? Naiiistress ako na naaaning. Sige, halimaw nalang para maganda na kasing ganda ko. Ngiti ngiti ngiti. Syempre! Dapat happy lang!
Sige happy lang. Nabasag mo na nga yung vase happy lang?...Eh, ano naman? Tsaka mukhang cheap naman yang vase na yan eh. Magkano ba 'yan? Isang daan lang ata yan eh. Tignan niyo, tama ako ng presyo niyan. Learn and watch.
Nakita kong napabaling siya ng tingin sa pwesto ko at nanlaki ang mga mata niya ng makita niya siguro yung vase na nabasag. Napansin kong bigla na namang nagbago yung aura niya at naging halimaw na naman yung ekspresyon niya na anumang oras siguro ay lalamon na siya ng tao.
"WHAT THE--WHAT DID YOU DO IN MY VASE! DON'T YOU KNOW HOW IT COST?!!" galit na galit niyang sabi, sabay napasabunot pa siya sa buhok niya.
Natatawa lang ako sa itsura niya ngayon. Hindi nga ako kinakabahan sa halimaw niyang mukha eh, natutuwa pa nga ako. Haha. Kaya sabi nga ng iba; smiles are contagious. Happy lang kasi.
"Hindi po? Bakit, magkano po ba 'yan? Tsaka, sa palagay ko. One hundres pesos lang naman 'yan sa divisoria eh. Papalitan ko nalang po ng bago. Tsaka yung moder--"
"SHUT YOUR FVCKING MOUTH OR I'LL KILL YOU KNOW! UGH! HINDI MO BA ALAM NA MAHAL YANG ANTIQUE NA YAN? UGH! IT'S MORE EXPENSIVE THAN YOUR FVCKING LIFE!"
Wow. Mahal pa pala yan sa buhay ko? Ibig sabihin kahit anong ganda ko higit pa yang vase na yan? Naku! Kinakalaban niya yung beauty ko huh. Inaano ba siya?
"Ahh, ganun po ba--."
Napakamot nalang ako sa ulo ng putulin niya yung sasabihin ko.
"GET OUT NOW BEFORE I CAN LOSE MY TEMPER AT BAKA KUNG ANO PANG MAGAWA KO SAYO. "
P-inapaalis na niya ako? Sige. Hindi ko na rin mapapalitan yung antique niya daw na vase. Mas maganda pa kaya yung vases sa divisoria. Ang ga-ganda pa ng designs. Bibili nga ako nun 'pag may pera ako.
"Marsha. I'm sorry for his bad attitude. Just don't mind him and stay there." Sambit ni Roxie sakin pagka-lapit niya sa pwesto ko.
Bakit ba ang bait bait niya sakin? Tsaka, parang close na siya sakin kagad kahit na hindi pa naman kami magkakilala talaga. Pero sige, stay daw kaya, susundin ko nalang.
"Stupid. I said get o-"
"And I don't agree. I hired him as your secretary so she wouldn't leave. Kung gusto mo, ikaw nalang umalis at ako nalang ang mag-iinterview sa kanya para sayo". Matapang na sabi ni Roxie habang naka-cross arms pa siya at nakatingin ng masama kay Lo--loga. Basta loga. Ayokong halimaw, nag-bago na isip ko e. Tsaka, sounds good. Haha!
"Roxie! What the hell are you talking about?" Sa halip na pakinggan pa siya ni Roxie ay pina-upo ako ni Roxie sa harap ng table ni Loga ata at saka nakita kong lumapit siya kay Loga.
"Abcdefghijklmno.."
Ano kaya pinag-uusapan nila?
Napansin kong nagiging halimaw pa lalo yung ekspresyon ng mukha ni Loga at sinusungitan lang siya ni Roxie pero mukhang hindi siya makapalag sa kapatid niya.
Bumuntong-hininga si Loga at napawi naman kagad yung halimaw na ekspresyon sa mukha niya at saka tumungo siya sa swivel chair niya sa harapan ko.
Binalingan ko ng tingin si Roxie na naka-cross arms pa rin at ang lapad ng ngiti niya. Bakit kaya? Tsaka, ano bang pinag-usapan nila ni Loga? Hays.
Narinig ko ang pag-ubo ni Loga kaya napalingon ako sa kanya. "So, where is your application letter?" Kalmadong sabi ni Loga.
Ang gwapo pala niya pag-malapitan. Hindi halatang lucifer siya sa harap ko ngayon dahil mukha siyang nag-dudrugs. Ang gulo kasi ng buhok niya at mukhang half adik yung mukha niya. Ilan kaya ang nasinghot niya? Naku! Sayang yung gwapo niya kapag nag-dudrugs siya.
Napansin kong seryoso siya sa pagbasa ng application letter ko at hindi niya napansin na nakapanga-lumbaba lang ako sa harapan niya habang pinag-mamasdan lang siya.
Tinignan ko pa lalo yung lahat ng angulo sa mukha niya at pak na pak ang gwapo at tinitigan ko pa ito ng mabuti. Bigla na namang bumilis yung pintig ng puso ko. Bakit ganun? Nag-kakasakit na ba ako? Mamamatay na ba talaga ako?
Napa-hawak nalang ako sa dibdib ko dahil mas lalo pang bumibilis yung pintig nito. Naalala ko tuloy yung nabasa ko sa libro. "Overthinking will lead to sadness"
Erase. Hindi ako malulungkot noh! Tsaka, wala namang dapat akong ikalungkot? Alam kong hindi pa ako mamamatay. Naku! Mag-papacheck up nga ako kapag may pera na talaga ako.
Tinitigan ko nalang ulit si Loga at hindi pa rin siya matapos sa kababasa ng application letter ko. Pansin ko pa nga na parang mapapamura na siya na ewan sa reaksyon niya ngayon. Nagiging halimaw na naman kasi e.
"Ehem."
Muntikan nang masalubsob yung mukha ko sa table ng marinig kong bigla namang napa-ubo si Roxie na nasa likuran ko lang hindi kalayuan sa pwesto ko at nakita kong nakangiti lang siyang nakatingin rin sakin.
"I'll just go outside. I feel I'm out of place here of both stupid lovers here inside."
Ano yung sinabi niya sa huli? Humina kasi yung boses niya sa bandang dulo e. Na-iintriga ang beauty ko sa sinabi niya huh. Tch. Malalaman ko rin 'yon. Magkasing ganda naman kami ni Roxie e. Pero mas malaki nga yung standards ng beauty ko.
Binaling ko nalang kagad yung tingin ko kay Loga ng makalabas na si Roxie. Sabay nangalum-baba ulit ako at tinitigan ko siya ulit.
"Tch." Rinig kong sinambit ni Loga. Sabay nakita kong binaling niya ulit ng tingin yung application letter ko.
"Tch. Are you done checking me out?"
Umayos ako ng upo at saka ngumiti ako.
"Opo sir. Kayo po? Tapos niyo na po bang basahin ang application letter ko o hindi pa?"
"Pft. Stupid!"
"Alam niyo po sir halimaw este, Loga ay est--"
"Such of stupid! I'm Logan Figueroa and don't you insult my name. Tch"
"Ahh..hehe..sorry po sir L-logan."
Oo nga pala. Logan pala ang pangalan niya. Wala talaga akong pictographic view. Pero maganda naman.
Napansin kong tapos na siyang basahin iyon ng isinira na niya yung folder. Kaya, umayos na ako sa pag-upo at nakangiting hinarap ko siya ng maayos.
"Well, I d--"
Pinutol ko yung sasabihin niya sana ng ma-excite akong tanungin siya.
"Ano sir? Hired na po ba ako? Kung ganun dapat, sinabi niyo na kagad! Hindi yung nambibitin pa kayo! Naku sir h---"
"No"
Napabagsak ang balikat ko ng sambitin niya iyon.
"Pero..n-nagkukunwari lang po kayo diba s-sir? *sob* *sabay kurot sa siko ko (paraan ko para umiyak haha!)* K-ailangang-kailangan ko pong magtrabaho *sob* B-baka, wala kaming makain ng kap--"
Naawat naman yung iyakan drama ko ng magsalita siya.
"Tsk! Don't you dare show your dramatic ugly face in front of me. It's not suits you".
"Haha. Joke lang po 'yon syempre sir! Okay lang po 'yon." Sabay tumayo na ako at kinuha ko na yung mga gamit ko. Pero hindi pa man ako nakaka-alis, lumingon ulit ako sa kanya at nakita kong blanko lang ang ekspresyon niya.
"Ayy, oo nga po pala sir. Babayaran ko nalang po yung naba--"
"Then pay for it. Its Php 500,000.00 thousand. I don't like cheque, I want cash."
Napa-nganga ako ng banggitin niya yung halaga ng perang 'yon. Grabe, kaya pala mas mahal pa yung vase na yun sa buhay ko ng sambitin niya kanina. Pero paano naman naging mas mahalaga 'yon kesa sakin? Bakit maganda ba yung vase na yun kesa sakin?Tch. San banda? Tsaka, Cheap nga lang 'yon eh..sa divisoria lang. Hihi.
"Eh. Wala po akong ganung kalaking pera. Papalitan ko nalang po? Pwede ba?".
"Tch. I know. Fine. You'll replace it better yet than this vase if I hired you."
H-hired? Ano daw? Hired na daw ako?
Nabitawan ko yung mga bitbit kong gamit at saka napa-palakpak naman ako na parang bata sa tuwa. Sabay sinasabayan ko ng sayaw at nag-kinanta ko yung O, mamimiss kita tutal sound proof naman 'to eh, kaya walang makakarinig sa labas at ipagpapatuloy ko na rin ang naudlot kong concert nun sa bahay.
"Did I said that you're hired?"
Napatigil ako sa ginagawa ko ng sambitin 'yon ni Logan. Syempre, hindi ko na nakalimutan yung pangalan niya. Tatandaan ko palagi yung pangalan niya para hindi ko na makalimutan.
"H-hindi pa ba sir? Naku! Wag na kasong magpaligoy-ligoy pa. Alam ko naman na hired na kong talaga". Kinanta ko pa yan huh habang sinasambit ko. Pwede na rin pala akong mag-compose ng kanta. Haha!
"Tsk. I want you to be here tomorrow at EXACTLY 6 o' clock in the morning. Don't be late or I'll immediately fired you."
Nakatingin lang ako sa kanya habang sinasambit niya iyon at hindi pa rin nag-sisink in sa utak ko hanggang ngayon yung sinabi niya.
"Tch. You may leave. Were your formal attire tomorrow."
Kung gayon...Hired na talaga ako? Ahhh!!!!! Ngiti ngiti ngiti.
"W-hat thie--wats arl yo doweng?"
Pinisil ko kasi 'yong pisngi niya dahil ang saya-saya ko. Ganito kasi ako kapag nasisiyahan ako e.
"Shtop eat orl I'lm pie yo?".
"Haha. Sorry sir. Natutuwa lang ako. Pero, bagay lang pala yung ngongo sa inyo no? Haha."
Tinigil ko na ang pagpisil sa pisngi niya at inayos ko naman ang sarili ko habang nakatayo ako ngayon sa harapan niya.
"Salamat po sa pag-hired sakin huh. Hayaan niyo po bukas, gusto niyo 5 o clock nandito na po ako? Ano sa palagay niyo sir?."
"Tsk." tipid niyang sabi. Sabay nag-salute nalang ako sa kanya at madali kong tinungo yung pintuan at saka ko pinihit ito. Pero hindi pa man ako nakakalabas ay lumingon ulit ako sa kanya at napansin kong nakangisi siya.
Bagay rin pala sa kanya ang ngumisi, ang gwapong halimaw niya talaga.
Tignan mo 'tong puso ko, tumitibok na naman. Hays. Kailangan ko na talagang magpa-check up.
"Um..sir Logan..salamat po ulit". At sabay malakas kong sinarado ang pinto. Narinig ko pa nga yung paborito niyang line na 'what the' pagkasara ko. Haha! Ang gwapong halimaw talaga niya. Ang sarap pa niyang pikunin. Haha!
keep reading guys!!! Luvlots!!!