Nakarating kami sa Buenavista nang hindi na ulit pumunta sa pwesto namin si Nico. Panay ang tingin ko sa kanya at palagay ko nakaupo lang siya doon sa upuang pang-kundoktor sa unahan ng bus. Maging noong pababa na kami ng bus ay hindi ko siya nahuling tumitingin sa akin. Hindi ko alam kung bakit ako naiinis. At dahil nga medyo kaonti na lang ang pasahero ay may naupuan na siyang upuan sa bandang unahang row ng bus.
Samantalang si Marcus naman e, panay ang hawak sa siko ko habang tinatahak namin ang daan pababa. Sinubukan kong lingunin si Nico noong pababa ako kaso biglang sumingit sa paningin ko si Marcus.
"Via, wait up!" aniya noong malapit na kami sa pintuan pababa.
Kumunot ang noo ko dahil bigla siyang nagmadali para mas maunang makababa kaysa sa akin. Iyon pala e, iooffer niya ang kamay niya para alalayan ako pababa.
Marami tuloy ang nag-react. Hindi ko maiwasang mapairap.
"Shocks! Ang sweet ni Kuyaaaaa!" narinig kong komento ng mga tao sa paligid.
"Bagay na bagay sila!"
"Relationship goalsss!"
Para hindi na magtagal pa ay tinanggap ko na lang ang kamay niya. "The hell with your show, Marcus." I said.
"That's not a show. That's what I truly wanted to do." sagot niya.
"Whatever." I crossed my arms saka muling humarap doon sa bus. May mga nagbababaan pa ring mga pasahero.
"Ano pang hinihintay natin?" tanong ni Marcus na nagpagising sa akin.
Napatingin tuloy ako kay Nico na naka-cross arms at kunot ang noo nang umiwas siya ng tingin sa akin. Doon na rin nagsara ang pinto.
Biglang tumibok ng tatlong beses ang puso ko saka ito biglang huminto. Alam niyo 'yong tibok na may impact?
Did I just waited for Nico to went down and say "Ingat" to me?
What the hell, Via?!
"Hey, Via... May problema ba?" tanong ni Marcus.
Napakurap ako at napansing nakaalis na 'yong bus.
"Oo... I mean, wala... Tara na."
Buong daan pauwi ay hindi ko na naintindi pa si Marcus. Namalayan ko na lang na nasa tapat na kami ng bahay ko.
"Dito na lang ako, you don't need to meet my mom." masungit na sabi ko sa kanya pero ngumisi lang siya.
"It's alright. I can wait 'til that day happens, Via." sagot niya na ishrinug-off ko lang.
"Paano ka uuwi? Commute ulit?" tanong ko.
"Wow, and now you're concern..." pangaasar niya kaya umirap ulit ako. Lakas rin makaassume nito e.
"Edi I won't ask you. Tss."
"'To naman, hindi mabiro." aniya saka inilabas ang cellphone niya. "No... I already book a car."
Oo nga pala't mayaman 'to, muntik ko nang makalimutan.
Tumango ako. "Sige. Ingat." simpleng sabi ko lang saka napatingin sa kalsada dahil may paparating na sasakyan. "Ayan na ba 'yon?"
Napatingin siya sa phone niya upang i-check.
"Yeah." aniya. "Okay, I will take care of myself, Via. For you. Haha." sabay kindat.
What? Umirap na lang ako noong talikuran ko siya.
Buong araw kong inisip kung bakit parang naiinis na naman sa akin si Nico. 'Yong mukha niya n'ong time na 'yon, parang katulad ng mukha niya n'ong una kaming magkita at mag-agawan ng bus sa Buenavista.
Nitong mga nakaraang araw, napapansin ko na madalas na kaming magtagpo ni Nico. Tuwing umuuwi ako, palagi kong nasasaktuhang siya ang kundoktor. Mga anong oras kaya 'yon? N'ong last time 4pm, noong nakaraan ay 5pm... anong oras kaya talaga ang duty niya?
5pm noong napagpasyahan kong umuwi na. As usual hindi ko naman kasabay umuwi si Geraldine, nagsabay lang kaming lumabas ng university. At mabuti na lang rin hindi ko nasaktuhan ang uwian nila Marcus, malamang ay pinilit na naman akong sumakay n'on sa kotse niya.
I'd rather preferred the bus. Mas ligtas, mas... ahm, ayun mas ligtas. Ano pa nga ba?
"Nico!"
Agad na tumibok ng mabilis ang puso ko nang biglang may sumigaw ng pangalan na 'yon. Agad akong napalingon sa direkyon ng tumawag mula sa likuran ko at nakita ko ang isang lalaking kundoktor rin yata base sa suot niya.
Nakangisi siya habang nakatingin sa harapan namin. Noong napansin niyang nakatingin ako sa kanya ay ngumiti siya. "Ay, hello po. Hehehe." saka siya tumakbo upang lampasan ako.
Sinundan ko siya ng tingin at doon ko na nakita ang kundoktor na si Nico.
Niconduktor.
I bit my lower lip habang patuloy na naglalakad patungo sa pila. Seriously, I don't know why my heart is pounding so fast. Lalo na noong... as usual, ay nakasakay na ako ng bus at tumuntong na bilang kundoktor ni Nico.
So tama nga ang timing ko? Tuwing ganitong oras siya nagduduty?
Agad akong tumingin sa bintana pagkasampa niya. Sa first row ng upuan kasi ako nakaupo kaya naman nagtama agad ang mata naming dalawa kahit nasa pintuan pa lang siya ng bus. Tingin ko mas inuna niyang singilin yung iba pang mga pasaherong nasa likuran dahil ang tagal bago siya lumapit sa akin para bigyan ako ng ticket at singilin ng pamasahe. Ni hindi na nga niya ako tinanong kung saan ang baba ko o kung ano pa man, Mabuti na lang rin at barya ang pera ko kaya naman hindi niya na kailangang magtagal pa sa harapan ko.
Huwag na dahil... abnormal na 'tong dibdib ko e.
Huminga ako ng malalim at saka ko nakita mula sa peripheral vision ko na umupo si Nico sa upuan na kahanay ko sa kabilang column nitong bus. Kumbaga nasa magkabilang dulo kami at parehong tabi ng bintana.
Noong lumingon ako sa kanya ay lumingon rin siya sa akin.
~
I had a feeling that you're holding my heart
and i know that it is true
you wouldn't let it be broken apart
'cause it's much too dear to you
~
Mas lalo tuloy akong napatingin sa bintana para iwasan ang tingin ni Nico. Pakiramdam ko biglang uminit kahit hindi naman siksikan sa bus at may aircon. Ano ba namang driver 'yan? bakit gan'ong timing pa magpapatugtog ng gan'ong klaseng kanta?
(now playing: Smile In Your Heart)
~
forever we'll be together
no one can break us apart
for our love will truly be
a wonderful smile in your
heart
~
Patapos na 'yong kanta noong sandaling tumigil 'yong bus para may isakay na senior citizen. Agad namang tumayo si Nico upang alalayan ito paupo sa pinakaunahang row ng upuan, sa dating inuupuan niya...
The next thing I knew... isang upuan na lang ang pagitan naming dalawa.
~
you brighten my day
you're showing me my direction
you're coming to me and giving me inspiration
how could I ask for more from you my dear
maybe just a smile in your heart
~
Napakurap ako sa gulat dahil sa pag-upo niya malapit sa akin.
"Paupo ah," aniya. "May nakaupo na d'on sa inupuan ko e."
"It's not like I owned this bus." binilisan ko ang pagsasalita para tarayan siya, pero narinig ko lang ang mahina niyang pagtawa.
"Sungit." aniya.
I shrugged it off saka hindi na siya kinausap. Sa bintana lang ako nakatingin buong oras para hindi ko siya mapansin.
"Sorry." out of the blue na sinambit niya kaya naman napalingon na ako. Nakumpirma ko lang na ako nga 'yong kausap niya nang tignan niya rin ako. Ayan na naman ang mga hindi ko maintindihang kaba sa puso ko. "Kasi... nainis ka ba?" dugtong niya pa. "N'ong nakasagutan ko 'yong boyfriend mo?"
Napakunot naman ang noo ko. Boyfriend? Oh, okay. He's talking about Marcus.
"Hindi no." sagot ko lang habang nakatingin ulit sa bintana.
"Hindi?" tanong niya. Napalingon ulit ako at napansin ko ang marahang pagtaas ng isang gilid ng labi niya habang nakatingin ng diretso sa akin. "Hindi ka nainis? O... hindi mo siya boyfriend?"
Hindi ko alam kung ba't napangiti ako sa tanong niya. Tumingin na lang ako sa bintana para itago iyon saka straight na sinabing...
"Both."
Naramdaman ko ang pagtangu-tango niya. "Buti naman."
Nilingon ko ulit siya at doon ko na mas lalong pinuri ang features ng mukha niya. Lalo na 'yong kilay niyang perpekto, na bumabagay sa mata niyang expressive. "A-anong buti naman?"
Napaubo ako ng kaonti upang ayusin ang sarili ko. Am I stuttering?
"Buti... hindi ka nainis sa akin." nakangising sagot niya. Tumayo na siya saka nagkibit balikat. "At buti... hindi mo siya boyfriend."
Saka na siya tumalikod.
Bumagabag ang lipon ng paru-paro sa tiyan ko tuwing nagpeplay sa utak ko ang mga sinabi niya. What the hell with those words? Inisip ko iyon buong oras ng natitira kong byahe, hanggang sa mamalayan ko na lang na Buenavista na pala.
Hindi ko alam kung bakit nainis ako dahil doon niya lang ako ulit pinansin pagkatapos niya sabihin sa akin 'yong mga sinabi niya kanina. Siguro dahil naging busy na ulit siya sa paniningil sa mga bagong sakay, at bukod pa r'on ay may iba na ring tumabi sa inuupuan ko kanina.
Nakababa na siya ng bus bago pa man ako makatayo noong sinabi niyang nasa Buenavista na. Nasa harapan ko 'yong senior citizen kaya naman inalalayan at hinawakan niya ito pababa ng bus. The next thing I knew, sa akin na naka-offer ang kamay niya.
Unlike Marcus, I didn't react anything dahil pinakiramdaman ko lang ang napakalakas na tibok ng puso ko lalo na noong umangat ang labi niya para bigyan ako ng isang ngiti. Tinanggap ko ang kamay niya kaya naman may mga mahihinang komentong umalingawngaw sa buong paligid.
"Shocks, ang sweet ni kuyang pogiii."
"Kyaaaaa, sayang hindi pa ako bababa. Sana alalayan rin niya tayo."
"Gosh, ganda rin ni ate!"
"Ingat ka, Via." aniya matapos kong makababa. Napakamot siya sa kanyang batok saka marahang ngumiti na para bang nahihiya. Saka na siya umakyat ng bus.
Napakagat ako sa labi saka marahang bumuntong hininga.
I think... I am in a trouble.