App herunterladen
100% SHORT STORIES (PILIPINO VERSION) / Chapter 35: LOVE HURTS

Kapitel 35: LOVE HURTS

Why do people fall in love and then end up crying? Bakit and ibang umiibig ay hindi makontento sa isang pagibig lamang? Bakit kung sino pa ang totoo mong mahal ay mayroon din siyang ibang minamahal? Why does loving sometimes never stay long?

*****

CLANG! CLANG! CLANG! (sounds of church bell)

Ang kalembang ng kampana na naghuhudyat na tapos na ang pag-iisang dibdib nina Adeline at Andrew.

MABUHAY! MABUHAY ANG BAGONG KASAL! Ang sigawan ng marami habang nagbabagsakan ang mga inihagis na bulaklak paglabas ng dalawa sa pinto ng simbahan.

"Papatayin kita Andrew," ang nagngangalit na banta ni Steve na bulong niya sa sarili habang nakahanda ang patalim na gagamitin niya sa balak niyang pagpatay kay Andrew sa sandaling mapadaan ang bagong kasal sa kinatatayuan niya.

Si Steve ang kasintahan ni Adeline na inagaw ni Andrew sa kanya. Kaya mula noon nagbalak si Steve na maghiganti. At ito na ang magandang pagkakataon na kanyang hinihintay upang matupad ang kanyang balak.

******

Bago ikasal si Adeline kay Andrew ay masaya ang magkasintahang Adeline at Steve. Punong puno ang kanilang mga puso ng mga magagandang pangarap sa buhay.

"Adeline bukas punta tayo sa tabing dagat, doon sa lugar na madalas nating puntahan."

"Sige Steve gusto ko yan, nais kong makalanghap ng sariwang hangin."

Maagang dumating ang dalawa sa tabing dagat at naupo sa dating lugar na madalas nilang tagpuan.

"Steve, sana huwag kang magbabago sa akin."

"Siyempre naman at pangako sa iyo ikaw lamang ang aking mamahalin. Ikaw lamang ang nasa puso ko. Ikaw ang nakaukit dito sa puso ko."

"Totoo ba yan? Baka kapag nakakita ka na ng iba ay makalimutan mo ako."

"Ikaw nga Adeline kapag kausap mo si Andrew nagseselos ako eh."

"Huwag mong pansinin iyon, mga magulang ko lang ang may gusto sa kanya. Pinagbibigyan ko lang ang aking mga magulang kasi ayaw ko silang magalit sa akin. Mahal ko kasi ang mga magulang ko. Hindi dahil sa mayaman ang pamilya niya ay magugustuhan ko na siya."

"Iyon nga eh, parang dehado ako sa laban."

"Uy galit na siya nagseselos na. Maiba ako Steve, hindi ba may laro ang basketball team ninyo sa Linggo?"

"Oo Panay nga ang practice ko eh. Punta ka, para ganahan naman akong maglaro."

"Sige pupunta ako gusto kong makita kung papaano kayo matalo ha ha ha."

"Adeline, dalawang buwan na lamang at graduate na tayo."

"Oo nga. Ikaw Steve ano ang balak mo pagka-graduate natin?"

"Balak ko? Maghahanap ako kaagad ng magandang trabaho o kaya ay mangingibang bansa ako para doon magtrabaho."

"Ano? Iiwanan mo ako?"

"Huwag kang mag-alala, para rin naman sa atin iyon kung sakali, hindi ba?"

"Natatakot ako Steve, kapag nagkalayo tayo ay baka hindi na tayo magkita o kaya ay magkaroon ka ng ibang mamahalin sa ibang bansa."

"Huwag kang magalala hindi mangyayari yon. Tandaan mo kung mawalay man ako sa tabi mo ng kahit matagal na panahon, dito sa lugar na ito dito kita hahanapin."

Madaling lumipas ang dalawang buwan at dumating na ang kanilang pagtatapos sa kolehiyo.

"Adeline!" tawag ni Steve.

"Steve"

"Adeline congratulations. Flowers for you."

"Thank you, Steve. By the way, Steve punta ka sa amin sa linggo, may inihanda sina mommy na party para sa pagtatapos ko."

"Sige darating ako, kaya lang ayaw sa akin ng mga magulang mo. Paano yon? Puwede ba akong pumunta?"

"Oo naman at pati mga kaklase natin ay inimbita ko."

Dumating ang araw ng Linggo. Handang handa na ang gagawing party kina Adeline. Marami sa mga kaklase niya ang sunod sunod ng nagdatingan, kaya naumpisahan na kaagad ang celebration para sa pagtatapos ni Adeline.

The roar of music was banging loud and bouncing on the walls, as the neon lights spun everywhere around. The DJ was playing an upbeat song and guests were starting to lose their inhibitions on the dance floor.

"Adeline, let's dance!", said Andrew in a loud voice because the music was so loud

May kaya sa buhay ang pamilya ni Adeline kaya nasusunod nila ang magkaroon ng marangyang pagdiriwang. At natapat pa na ang pagdaraos ng kasayahan ay kaarawan pa ni Adeline.

Masayang masaya ang lahat ng mga dumalo at dahil sa tindi ng lakas ng music halos pasigaw kung sila'y nag-uusap para lang magkaintindihan.

Patapos na halos ang party ng dumating si Steve na may dalang Regalo para sa kaarawan ni Adeline.

Pinahinto muna ng ama ni Adeline and sayawan upang pakinggan ng lahat ang kanyang sasabihin.

"Nagagalak kami sa pagdalo ninyo at sasamantalahin na naming mag-asawa na ipahayag ang nalalapit na pag-iisang dibdib ng aming anak na si Adeline kay Andrew. Ang kasalan ay gaganapin sa ikalawang buwan kaya inaasahan namin ang inyong pagdalo."

Matapos ang pahayag na iyon ay itinuloy na ang kasayahan.

Nabigla si Adeline sa pahayag ng kanyang ama at wala siyang nagawa upang tumutol. Ayaw niyang biguin ang mga magulang niya dahil sa pagmamahal niya sa mga ito. Ang pamilya ni Andrew ay kinikilala sa bayan nila dahil sa mga negosyo na kanilang naipundar at masasabi rin na isa ang pamilya nila sa mayayaman sa kanilang bayan.

Bagama't hindi inaasahan ni Adeline ang pahayag ng kanyang ama ay hindi siya nagpahalata.

Dinig na dinig ni Steve ang sinabi ng ama ni Adeline kaya mabilis siyang tumalilis, subali't nakita siya ni Adeline at siya'y hinabol nito.

"Steve!, sandali lang!" ang pasigaw na tawag ni Adeline.

Huminto si Steve at hinarap si Adeline.

"Kaya pala inimbita mo ako sa party mo ay upang madinig ko ang nalalapit na kasal ninyo ni Andrew."

"Maniwala ka Steve hindi ko alam ang plano ng mga magulang ko, paniwalaan mo ako", ang naiiyak na sabi ni Adeline.

"Maniniwala ako na wala kang alam sa plano ng mga magulang mo kung sasama ka ngayon sa akin. Magtatanan tayo."

"Hindi Steve huwag tayong magpadalos dalos magagalit sa atin ang mga magulang ko, intindihin mo muna ako. Saka na tayo gumawa ng paraan."

Hindi na hinintay ni Steve ang iba pang paliwanag ni Adeline at siya'y mabilis ng umalis dahil sa sama ng loob. Naghihimagsik ang kanyang kalooban.

Mula noon ay hindi na nagkita ang dalawa. Wala na silang communication sa isa't isa kahit text message man lang.

Dahil sa hindi na nagpakita si Steve kay Ade;line ay pumayag na itong magpakasal kay Andrew. Kaya itinakda ng mga magulang ni Adeline ang kanilang kasal.

At sa araw ng kasal, ay lihim na pinanood ni Steve ang pag-iisang bibdib ng dalawa at sa pagkakataonng ito isasagawa ni Steve ang paghihiganti.

Hihintayin niya na mapadaan ang dalawa sa tapat niya at saka siya aatake. Papatayin niya si Andrew, ang lalaking humadlang sa kanyang kaligayahan.

At ganoon nga ang nangyari ng mapadaan ang bagong kasal sa tapat ni Steve ay nagbunot na ito ng patalim.

"Mamatay ka Andrew!," ang malakas na sigaw ni Steve. Itinaas nito ang kamay na may hawak na patalim subali't naging maagap ang dalawang bodyguard ni Andrew kaya napigilan ang balak ni Steve na mapatay niya si Andrew.

Anupa't nagkaroon ng kaguluhan dahil sa pagtatangka ni Steve. Dinala si Steve sa police station at ikinulong.

Dumating ang ina ni Steve sa presinto at umiiyak na kinausap ang anak na parang wala pa sa kanyang sarili, nakatingin lang siya sa isang sulok ng kulungan na para bang may malalim na iniisip.

"Anak, bakit mo ginawa ang bagay na iyon? Hindi ka na ba nag-isip kung ano ang mangyayari sa iyo kung napatay mo si Andrew?" ang sabi ng umiiyak na ina.

"Inay, kung napatay ko siya ay wala akong pagsisisihan."

"Paano naman ako anak? Hindi mo na ba ako naisip na higit kitang kailangan ngayon na matanda na ako? Sino ang titingin sa akin?" ang patuloy sa pag-iyak na sinabi ng kanyang ina.

Sa sinabi ng ina niya ay para itong binusan ng malamig na tubig at bigla siyang nagising sa katotohanang mali ang ginawa niya kung sakaling napatay niya si Andrew.

Hindi na nagsampa ng demanda si Andrew dahil wala namang nangyaring masama sa kanya at ito'y dahil na rin sa pakiusap ni Adeline.

"Hoy! bata pasalamat ka walang demanda laban sa iyo, bukas makalalabas ka na, kung nagkataon mabubulok ka sa piitan", ang sabi ng isa sa mga pulis na mahigpit na nagbabantay sa kanya.

Lumabas na nga ng kulungan si Steve at kinumbinsi ang ina nito na lumayo na sila sa kanilang lugar at manirahan sa malayo upang kalimutan ang ano mang mga bagay na magpapaalala sa kanya tungkol kay Adeline.

Pumayag naman ang ina nito dahil gusto na rin niya ang lumayo dahil baka makagawa pa si Steve ng isang bagay na pagsisisihan nito.

Mula noon hindi na nagkita o nagkaroon man ng balita si Adeline kay Steve.

"Adeline alam kong si Steve ang mahal mo subali't gagawin ko ang lahat ng magagawa ko mapalapit lang o maipasok mo ako sa puso ko", ang madamdaming sinabi ni Andrew kay Adeline.

"Andrew, salamat ha dahil hindi ka na nagsampa ng demanda laban kay Steve."

"Para sa iyo yon Adeline, ayaw ko na madagdagan pa ang dinadala mo sa dibdib mo."

"Salamat Andrew at sisikapin ko na ilapit ka sa puso ko dahil asawa na kita alang alang sa ating magiging pamilya."

Lumipas pa ang tatlong taon at sa loob ng tatlong taong ito ay nagkaroon sila ng dalawang anak na naging dahilan upang mabago ang takbo ng buhay ni Adeline sa piling ni Andrew. Naging masaya silang pamilya.

"Papa, pasyal tayo bukas, sige na papa", ang paglalambing ng dalawang anak nila.

"Oo, mamamasyal tayo bukas", ang nakatawang sagot sa mga anak.

Bagama't lumayo na sina Steve sa lugar nila at nanirahan sa malayong dako ay hindi pa rin nawawala sa isipan niya si Adeline. Kapag iniisip niya si Adeline ay naroroon pa rin sa puso niya ang kirot na nararamdaman.

Hindi rin mapigil ni Steve ang sarili na hindi pumunta sa lugar na naging tagpuan nila ni Adeline. Kaya mula sa malayong lugar ay bumabalik balik siya upang kahit papaano ay masariwa sa gunita at damdamin niya ang masasayang sandali nilang dalawa na totoong nagbibigay ng saya sa kanya. Kapag nasa ganoon siyang kalagayan ay mararamdaman na lang niya na tumutulo na ang kanyang luha.

Ilang beses ding binabalikan ni Steve ang naging saksi ng kanilang pagiibigan ni Adeline, hanggang magtrabaho siya sa ibang bansa.

Naging matagumpay si Steve sa trabaho niya sa ibang bansa. Nakapag-ipon siya ng sapat na halaga para sa binabalak niyang pagtatayo ng isang negosyo pag-uwi niya sa bansa.

Subali't hindi na siguro matutuloy ang balak ni Steve na makapagtayo ng negosyo dahil sa isang aksidente na nangyari sa kanya. Habang nagsasagawa siya ng ocular inspection sa site ay hindi sinasadyang natapunan siya ng semento mula sa ikalawang palapag ng itinatayong gusali na naging dahilan ng kanyang pagkabulag. Malaki ang pinsala na idinulot ng pangyayaring yon sa kanyang mga mata. At batay sa pagsusuri ng mga manggagamot ay posibleng hindi na siya makakakita pa.

Umuwi sa bansa si Steve na isa ng bulag. Kahit nangyari sa kanya ang aksidenteng iyon ay namamalagi pa rin sa puso't damdamin niya si Adeline.

"Adeline, sana lagi kang maligaya sa piling ng pamilya mo. Hindi kita kalilimutan at ikaw ang iibigin ko hanggang sa aking kamatayan.", ang madamdaming sinabi ni Steve sa kanyang sarili.

"Anak, bakit nangyari ito sa iyo", ang umiiyak na sinabi ng ina ni Steve.

"Inay puwede po ba ninyo akong samahan sa dati nating lugar? Gusto kong pumunta sa naging tagpuan namin ni Adeline."

At sa lugar na naging saksi sa pagmamahalan nina Adeline at Steve ay dalawang oras ding nakaupo si Steve na tila nakatingin sa malayo na wala namang nakikita kundi ang gunita ng nakaraan sa kanilang dalawa ni Adeline, na kahit papaano ay nagbibigay sa kanya ng ibayong kaligayahan.

Nasa ganoon siyang pagmumuni-muni ng marinig niya ang isang boses na kilalang kilala niya.

"Mga anak huwag kayong lalayo at malapit na tayong umuwi!."

Ang narinig na boses na iyon ay kay Adeline at hindi siya maaaring magkamali.

Nakiramdam na lamang si Steve. Gustuhin man niyang sabihin kay Adeline na naroroon siya at kamustahin ito ay hindi niya magawa. Nguni't ngayon ay tiyak na siyang maligaya dahil nakatitiyak na siya na maligaya na si Adeline sa piling ni Andrew.

Ang tawanan ng mga anak ni Adeline at ang boses ni Adeline ay unti-unting nawawala sa kanyang pandinig hanggang tuluyan ng nawala ang mga ingay ng mga bata at boses ni Adeline.

Hindi na rin nakayanan ni Steve ang kabiguan niya sa buhay at ang pangyayaring isa siyang bulag kaya nakita na lamang siya ng kanyang ina na nagbigti ito.

Kahit papaano ay nakarating kay Adeline ang balitang pagpapakamatay ni Steve kaya hindi niya naiwasan ang mapaluha sa sinapit ng dating kasintahan.


AUTORENGEDANKEN
Almario_Aguirre_7837 Almario_Aguirre_7837

Have some ideas about my story? Comment it and let me know.

Thanks, guys for reading.

Another inspiring short story is coming, so enjoy reading.

Load failed, please RETRY

Bald kommt ein neues Kapitel Schreiben Sie eine Rezension

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C35
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen