App herunterladen
97.14% SHORT STORIES (PILIPINO VERSION) / Chapter 34: THE WITCH CEO IS SWEET

Kapitel 34: THE WITCH CEO IS SWEET

SYNOPSIS: CEO ng isang malaki at sikat na business establishment, si Julie, ang naaksidente at muling nabuhay sa katauhan ni Kathleen, isang pangkaraniwang housewife na may mabait na asawa, si William at may dalawang anak, si Erika isang high school student at si Ryan isang grade school student. Si Julie ay nabansagang WICTH dahil sa sobrang kasungitan at walang pakialam sa kabutihan ng kanyang mga tauhan, kaya galit sa kanya ang mga kawani sa kanyang tanggapan. Dahil sa sobrang talino niya ay iba ang tingin niya sa mga nag-uupisina sa tanggapan niya, mga katulong lang sa bahay ang trato niya.

Sa aksidenteng nangyari sa kanya ay naging comatose siya sa ospital at hindi pa alam ang mangyayari sa kanya kung hanggang kailan siya sa kalagayan niyang iyon. Ang kanyang kaluluwa ay umakyat at napunta sa SOUL STATION na dito ipa-process kung dapat ba siyang ibalik pa sa lupa o tuloy na siya sa heaven.

TAG: Fiction

PROLOGUE

Newspaper Headline "CEO COMATOSE AFTER CAR ACCIDENT"

CEO, miss Julie Chang, met a car accident and now in comatose condition at St. Peter Hospital. Police are still investigating the incident. The truck diver who bumped the car of miss Chang is in the police custody for further interrogation.

"Thanks, I'm alive. B-But where I am? Why I'm here? Why are so many people in a line-up? Sir, excuse me puwede pong malaman bakit may line-up ng mga tao sa inyo?", ang tanong ni Julie sa nakaupo sa harap ng isang table at isa-isang kinakausap ang mga taong lumalapit dito.

"Ano iyon?"

"Para saan po ba ang line-up na ito?"

"Hindi mo ba alam? Ang mga nakikita mo na mga nakapilang iyan ay under processing ang kanilang kaluluwa kung ibabalik sila sa lupa o itutuloy na sila sa heaven."

"Bakit po ba? Ano po ba ito?"

"Soul Station ito. Dito namin pina-process ang mga kaluluwa ng mga namatay bago desisyunan ang kanilang patutunguhan."

"Oh hindi, patay na pala ako."

"NEXT!, bigyan lang ng daan at ayusin ninyo ang inyong pila", ang sabi ng Soul Processor."

Lumapit ang assitant ni Soul Processor.

"Sir, may problema po tayo."

"Ano na naman iyon?"

"Ito pong si miss Julie Chang ay hindi pa po pala oras upang umakyat dito sa Soul Station, mali po ang date ng kanyang kamatayan ang naisulat ko sa aking death record."

"Na naman!, Ikaw lagi kang nagkakamali. Ano bang nangyayari sa iyo, ha? Palpak lagi ang gawa mo."

"Pasensiya na sir, hindi na po mauulit."

"Puro pasensiya, o sige ayusin mong trabaho mo."

"Opo, Salamat po."

Lumapit uli si Julie sa Soul Processor.

"Excuse me Sir, hindi pa po pala ako dapat mapunta dito sa inyong Soul Station eh baka puwede na po akong bumalik sa lupa."

"Puwede kaya lang isang buwan pa tatagal iyon dahil sa dami ng mga nag p-process ng kanilang status dito. At sa loob ng isang buwan ay dadaan ka muna sa isang pagsubok."

"Ano pong pagsubok iyon?"

"Ibabalik muna kita sa lupa pangsamantala lamang at ikaw ay mapupunta sa katauhan ng isang malapit ng mamatay at kailangan mong maging mabait sa kanila dahil kung hindi baka ma-dissapprove ang iyong processing."

"Opo Opo gagawin ko po ang lahat basta mabuhay po uli ako at makabalik sa lupa."

"Mabuti naman at nauunawaan mo."

Tinawag ng Soul Processor ang assistant at may iniutos dito.

"Bakit po, Sir?"

"Humanap ka sa record mo ng isang babae na mamamatay ng 30 days mula ngayon."

"Opo"

"Sir, eto po."

"Miss Julie Chang, sige balik ka na sa lupa."

"Salamat po Salamat po."

*******

Sa Office ni Julie

"Cora, I want you to prepare accounts receivable with analysis and submit to me immediately, understood!"

"Yes, ma'am."

"Eh ma'am puwede po ba akong humingi ng bakasyon kasi po may sakit ang anak ko at gusto ko po ako ang nagbabantay at nag-aasikaso dahil inihahabilin ko lang po sa aming kapitbahay kaya nag-aalala po ako."

"Hindi puwede, mayroon pa akong ipagagawa sa iyo", ang matigas na sabi ni Julie.

"Hoy kayo diyan, bakit kayo nakatunganga? Magtrabaho kayo hindi kayo sinusuwelduhan ng upisina para lang magdaldalan", ang mataas na boses na sabi ni Julie.

"Bakit ganyan ang boss natin? Napakasungit at walang pakialam kung may problema tayo sa pamilya o wala."

"Oo nga sana maaksidente siya."

"Hoy, huwag nga kayong ganyan masama iyon."

"Eh kasi nabubuwisit ako dyan sa Boss natin parang walang damdamin eh."

"Pasensya na tayo kasi may edad na siya at isa pa hangga ngayon wala pang boyfriend."

"Sino bang magkakagusto sa kanya? Tingnan mo nga ang ayos at parang bruhilda, takot ang mga lalaki na lumapit. At kung may magtangkang lumigaw, paglapit pa lang ay tiyak busted na kaagad."

"Hi Hi HI Oo nga ano?"

"Girls, you know our boss Julie is always torturing us in some abnormal ways."

"Yeah, that's right."

"Yes, I agree that."

"Ay, salamat at uwian na tayo."

"Bakit ba Cora gusto mo na kaagad makauwi? Sama ka muna sa amin at mag ha-happy happy muna tayo."

"Hindi ako puwedeng sumama sa inyo kasi nga may sakit ang anak ko at inihabilin ko lang sa aming kapitbahay. Kanina pa nga ako nag-aalala eh."

"Bakit? Wala ka bang kamag-anak na puwedeng tumingin sa anak mo?"

"Iyon nga ang mahirap sa akin, lahat ng kamag-anak ko nakatira sa probinsya at ang mister ko naman ay nakadestino sa Cagayan."

"Oo nga pala, sundalo ang asawa mo. Kawawa ka naman."

"Ang hirap naman ng kalagayan mo."

"Kung kukuha naman ako ng katulong ay baka hindi rin namin kayanin ang pasuweldo, maliit lang naman ang kinikita namin."

"Mmm, O sige tayo na at Cora sana gumaling na ang anak mo."

"Salamat"

*****

Sa pagbabalik ni Julie sa lupa ay sumanib siya sa katauhan ni Kathleen, na isang plain housewife. Si William ang asawa nito at sina Erika at Ryan ang mga anak. Si William ay CEO sa isang kumpanyang pinapasukan.

"Honey,huli na ako sa office bakit wala pang agahan?"

"Mama, gutom na ako at mahuhuli na ako sa klase namin."

"Ate Erika, ginawa mo ba ang assignment ko?"

"Oo inilagay ko na sa bag mo."

"Teka sino kayo?", tanong ni Julie sa mag-aama.

"Honey ano na naman ba ang nangyayari sa iyo at parang wala ka naman sa iyong sarili?"

"Honey? Bakit sino ka ba?"

"Ano ka ba? Asawa mo ako at itong dalawa ay anak natin."

"Asawa? Anak? Ibig mong sabihin may asawa ako at dalawang anak?"

"Hayyy, walang mangyayari nito, makaalis na nga", at umalis si William na nagkakamot sa ulo.

"Mama, aalis na ako pahinging twenty pesos baon ko at sa school na lang ako kakain."

"Twenty pesos?"

"Si mama naman eh huli na po ako."

Dumukot sa bulsa si Julie o Katleen at may nakuhang twenty pesos na ibinigay kay Erika.

"O eto."

"Alis na po ako."

"Mama, ako naman ihatid mo na ako sa sakayan. Darating na po ang school bus namin. Hindi ba lagi mo po akong inihahatid doon?"

"Doon? Ah, sige tayo na."

Sa hintayan ng school bus ay parang walang kakilala si Julie o Kathleen.

"Mareng Kathleen kanina ka pa dito ay parang hindi mo kami kakilala."

"Kayo? Kakilala?"

"Oo ay naku ano bang nangyayari sa iyo?"

"Ah eh pasensya na kayo, mayroon lang akong iniisip."

"AYAN NA ANG SCHOOL BUS!", sigawan ng mga bata.

"O mga bata huwag kayong magtulakan. Dahan dahan lang ang pag-akyat", sabi ng bus driver.

Sa Bahay, pag-uwi ni Julie o Kathleen at habang nag-iisip siya sa nangyayari sa kanya ay biglang lumitaw si Soul Processor.

"Ay naku!", at nagulat si Julie.

"Kayo pala Sir."

"Kumusta ka na?"

"Bakit po ako nagkaroon ng asawa at dalawang anak eh dalaga pa po ako", ang tanong ni Julie na hindi pa lubos na maintindihan ang nangyayari sa kanya.

"Ang nasaniban mo kasi batay sa record ng aking assistant ay may asawa at dalawang anak at nakatakda na siyang mamamatay pagkaraan ng 30 days."

Pagkasabi ni Soul Processor ay naglaho na ito.

"Ano ba itong nasuutan ko? Kasalanan ko ito hindi kasi ako nag-iingat sa aking pagmamaneho. Ito pala ang picture ng mag-anak at sa likod ng picture ay nakasulat ang mga pangalan. Si Kathleen ay ako at si William ang asawa niya. Guwapo pala si William at ang dalawang ito ang anak nila, si Erika at Ryan.

Sa bahaging ito ay biglang nangarap si Julie na sana magkaroon din siya ng pamilya, isang masayang pamilya.

Nasa ganitong sitwasyon si Julie ng biglang lumitaw muli si Soul Processor.

"Ay naku Sir nagulat naman po ako sa inyo."

"O ano Julie, okay ka ba dito?"

"Medyo naiintindihan ko na po."

"Pag-aralan mo na ang mga dapat mong gawin dito para mapadali ang processo ng status mo."

"Sir, isa akong CEO at matalino, bakit ngayon ay para akong katulong lang dito. Tagaluto at tagapag-alaga ng mga bata."

"Ayaw mo ba?"

"Hindi po Sir, hindi po."

At nawala uli si Soul Processor.

"Terrible talaga ano ba itooo?"

Bigla uling lumitaw si Soul Processor.

"Ay Naku, nagulat naman ako Sir, bakit po?"

"May nalimutan akong ibilin."

"Ano po iyon?"

"Dapat kang maging mabait sa asawa mo at mga anak bilang si Kathleen. Maging palabati ka sa mga kababaihan dito sa lugar ninyo."

Pagkasabi ay bigla na namang nawala si soul processor.

Kinagabihan sa Bahay.

"Mama, ang sarap ng niluto mo nabusog ako."

"Oo nga Mama, tiyak matutuwa si Papa sa sarap ng ulam natin."

"Narito na ako", wika ni William ng dumating.

"Papa kumain ka na po dahil masarap ang niluto ni Mama."

"Talaga? Sige at ako'y gutom na gutom na. Honey, ang ganda talaga ng misis ko walang katulad."

"Huwag mo nga akong bolahin, buti pa kumain ka na."

Oras na upang matulog.

"Honey, tulog na ang mga bata", ang bulong ni William sa asawa.

"Teka teka ayokong katabi ka."

"Ha? Bakit?"

"Basta ayoko, akina nga itong kumot at unan sa sala ako matutulog."

"Ano bang nangyayari sa iyo Honey? Bakit bigla ka yatang nagbago? Ah bahala ka na nga nawalan na ako ng gana."

Kinabukasan, maagang nagising si Julie o Kathleen at nakapagluto na rin siya ng agahan saka tinawag ang mga bata.

"Bangon na kayo, breakfast is ready."

"Mama pahingi naman ng dagdag na allowance ngayon dahil may pupuntahan kami ng mga kaklase ko."

"Ikaw Erika, may boyfriend ka na ba? ayaw, ko na makikipag boyfriend ka, bata ka pa."

"Si Mama naman, humingi lang ako ng dagdag na baon ay kung ano na iniisip sa akin."

"O sige kapag nalaman ko na nakikipag-boyfriend ka ay wala akong ibibigay sa iyo na allowance."

Sa pinapasukan ni William.

"Pare naninibago ako sa ikinikilos ng asawa ko. Ayaw niya akong katabi sa pagtulog."

"Pare obserbahan mo ang asawa mo at baka may iba na siya."

"Ewan ko nga ba."

"Bigyan mo kaya ng divorce paper at kapag tinanggap niya tiyak mayroon siyang ibang lalaki."

"Ganoon ba iyon?"

"Oo pare subukan mo lang."

Sa Bahay habang naglilinis si Julie o Kathleen ay biglang sumulpot si soul processor.

"Ay Naku!"

"Julie, nagagawa mo ba ang mga bilin ko sa iyo? Dahil kung hindi baka matagalan ang processo ng status mo."

"Opo sir, nagagawa ko po", at bigla uling nawala si soul processor."

Sa school ni Erika

"Hello Erika bakit ang ganda ganda mo yata ngayon?", ang bati ng classmate niyang si Ethan.

Matagal ng may crush si Erika kay Ethan kaya natuwa siya ng mapansin siya nito.

"Hindi naman, kumusta pala ang team ninyo sa basketball, panalo ba?"

"Hindi eh, kasi walang inspiration siguro kung naroon ka baka panalo kami."

Dahil sa madalas na batian nilang dalawa ay naging mag-boyfriend sila.

"Erika sumama ka sa amin pagkatapos ng ating klase."

"Ha? Bakit ano bang meron?"

"Wala naman gusto lang kitang ipakilala sa parents ko."

"Eh baka pagalitan ako ng Mama ko kapag hindi ako nakauwi sa oras."

"Akong bahala ihahatid kita."

Sa Bahay ni Ethan

"Ethan bakit parang walang tao, nasaan ang parents mo/"

"Ah hindi ko nga pala nabanggit sa iyo na biglaan ang pag-alis nila kanina papuntang Baguio para sa isang business seminar. Anong gusto mong kainin o inumin?"

"Wala, okay lang ako."

Tinabihan ni Ethan si Erika at tinangkang akbayan ito subali't umiwas siya. Umusod si Erika ng upo. Tumabi uli si Ethan.

"Teka ang bilis mo naman eh bago pa lang tayong mag-boyfriend."

"Magpapakipot ka pa ba eh gusto mo naman ako, hindi ba?"

"Oo pero ayoko ng ganito."

"Anong ganito?"

At biglang niyakap ni Ethan si Erika kaya nagpumiglas ito hanggang sipain siya ni Erika sa masamang bahagi ng katawan nito kaya nakatakbong papalayo si Erika at nakatakas. Hinabol siya ni Ethan subali't hindi niya ito inabutan.

Pagdating ni Erika sa bahay ay tuloy tuloy ito sa kanyang kuwarto at umiyak ng umiyak. Napansin siya ni Julie o Kathleen at siya'y sinundan.

"Bakit ka umiiyak? Anong nangyari sa iyo?"

"Wala po Mama."

"Ang sabi ko bakit ka umiiyak", ang matigas na pagtatanong ni Julie o Kathleen sa anak.

Nagtapat si Erika sa ginawa ni Ethan na tangkang panghahalay sa kanya.

"Ayusin mo ang sarili mo at pupunta tayo sa himpilan ng pulisya. Hindi ko palalagpasin ang ginawa niya sa iyo."

"Huwag na Mama tutal wala naman pong masamang nangyari sa akin at isa pa po mayaman sila at wala tayong pera kung magrereklamo pa tayo."

"Anak, ito ang tandaan mo hindi lang ang pera ang mahalaga sa pakikipaglaban kundi ang prinsipyo ang dapat manaig. Karapatan nating ipaglaban ang kaapihang ginawa niya sa iyo. Mayroon tayong dangal na hindi basta puwedeng yurakan ng sinoman."

Sa himpilan ng pulisya

"Mrs. padating na po ang taong gumawa ng hindi maganda sa inyong anak."

"Salamat po."

"Mrs. ako po ang abogado ni Ethan. Narito po kami upang makipag-areglo. Babayaran ng kliyente ko ang anumang perwisyo na ginawa niya."

"Ah ganoon, puwes hindi kami nagpapabayad, nagkasala ang kliyente mo kaya dapat lang siyang magbayad sa ginawa niya sa anak ko.

"Huminahon po kayo Mrs. at pumayag na kayo dahil wala din namang mangyayari kung magdedemanda pa kayo. Iyon po ang ibig kong sabihin at kapag pumayag po kayo ay magkakaroon pa kayo ng pera."

Hinarap ni Julie o Kathleen si Ethan.

"Ikaw ba si Ethan? Alam mo ba kung ano ang ikakaso ko sa iyo? Attempted rape, at tiyak makukulong ka at kapag nakulong ka magkakaroon ka ng masamang record at makakaapekto iyon sa kinabukasan mo, naiintindihan mo ba iyon?"

"Ano pong attempted rape ang sinasabi ninyo eh iyang anak ninyo ang sumama sa akin kasi malandi siya."

Nilapitan ni Julie o Kathleen si Ethan.

"Anong sinabi mo? Ulitin mo nga."

Umatras si Ethan ng lalapitan siya ni Julie o Kathleen.

"Totoo naman po eh siya ang lumapit sa akin at sabi niya gusto raw niya ako."

"PAK!"

Sinampal ni Julie o Kathleen si Ethan at pinilipit ang braso nito.

"Humingi ka ng dispensa sa sinabi mo sa anak ko at kung hindi ay babaliin ko ang kamay mo."

"Aray ko aray ko sorry na Erika, nabigla lang ako", at saka lang binitiwan ni Julie o Kathleen ang braso ni Ethan.

Umuwi na ang mag-ina at sa paglalakad nila ay nakakita sila ng upuan at naupo muna sila at nag-usap habang nakakapit sa bisig ni Julie o Kathleen si Erika.

"Mama ngayon ko lang lubos na naramdaman na Mama nga kita at mahal mo ako."

"Bakit?"

"Kasi nitong nakaraang araw ay parang ibang iba ka. Hindi mo kami kilala at umiiwas ka kay Papa na tumabi sa kanya sa pagtulog. Bakit? Galit ka ba sa kanya?"

"Erika, mahal ko kayo ng Papa mo tandaan mo iyan at kahit mawala ako sa inyo at mapunta sa ibang lugar, hindi kayo mawawala sa puso ko."

"Mama, ang bait bait mo po, salamat po."

Pagdating ng mag-ina sa bahay

"Honey, kanina ko pa kayo hinihintay", ang bungad ni William kay Julie o Kathleen pagpasok sa Bahay.

"Bakit?", ang nagtatakang tanong ni Julie o Kathleen sa asawa.

"Kasi itong si Ryan ay bigla na lamang nahilo at nabuwal."

"Ha? Eh anong ginawa mo bakit hindi mo kaagad dinala sa ospital baka kung ano na iyan. Honey dalhin na natin si Ryan sa ospital bilisan natin."

Sa Ospital

"Dok, bakit po nahilo ang anak namin?"

"Mrs. huminahon po kayo, ang sakit ng anak ninyo ay hyperopia na isang uri ng sakit na panglalabo ng paningin at kung hindi maooperahan ay baka mauwi sa pagkabulag."

"Ho? Papaano po iyon nangyari sa anak ko?"

"Ang sakit na iyon ay namamana sa magulang."

"Namana po niya ang sakit na iyon sa amin? Kanino?"

Habang nag-iisip si Julie o Kathleen ay biglang lumitaw si Soul Processor, at si Julie lang ang nakakakita dito at kinausap siya.

"Sa ina namana ni Ryan ang sakit niya."

"Sa akin? Pero wala naman akong natatandaan na nagkaroon ako ng sakit na hyperopia."

"Hindi sa iyo kundi kay Kathleen na ina niya nalimutan mo na ba na si Julie ka?", at pagkasabing iyon ni Soul Processor ay naglaho na ito.

Nahapis si Julie o Kathleen sa sinapit ni Ryan at labis siyang nalungkot.

"Hindi maaari ito, Honey gumawa ka ng paraan, kailangang maoperahan ang anak natin.".

"Oo Honey, gagawa ako ng paraan, ipanatag mo ang iyong sarili at baka makasama pa sa kalusugan mo ang sobrang pag-iisip."

Dahil sa sakit ni Ryan ay masyadong nag-alala si Julie dahil napamahal na sa kanya ang bata. Nasa ganoon siyang kalagayan ng muling magpakita si Soul Processor.

"Ano Julie matatapos na ang 30 araw mo dito sa lupa sa katauhan ni Kathleen dahil malapit na siyang mamatay."

"Sir papaano ang mga bata wala ng titingin sa kanila kawawa naman sila."

"Bakit? Gusto mo bang mamalaging si Kathleen para sa mga bata? Sa ikalawang araw ay mamamatay na si Kathleen at aalis ka na sa kanyang katawan."

"Puwede po bang maoperahan muna si Ryan bago ako umalis?"

"Hindi maaari, kaya sa nalalabing oras mo dito sa lupa ay gawin mo na ang dapat mong gawin, ipakita mo sa kanila ang pagmamahal ng isang ina sa katauhan ni Kathleen", at pagkasabing iyon ni Soul Processor ay muli itong naglaho.

Muling nalungkot si Julie, ngayon niya nadama kung papaano magmahal, kung papaano malungkot kapag may sakit ang isang mahal sa buhay.

At dumating na ang ikalawang araw at oras na upang umalis na si Julie sa katawan ni Kathleen, subali't nasa ospital pa rin si Ryan, naghihintay sa gagawing operation sa kanya na hindi na malalaman ni Julie ang magiging resulta ng operation kaya dahil doon ay labis siyang nalulungkot.

Lumabas siya ng silid at naupo sa labas. Nakayuko siya at naiiyak sa lungkot. Lumabas din si Williamat nilapitan siya at hinawakan sa ulo at hinagod ito.

"Honey, huwag kang malungkot, may awa ang Diyos, gagaling ang anak natin, hindi siya mabubulag."

"William, honey, huwag mong pababayaan ang mga bata, si Erika, si Ryan, alagaan mo silang mabuti, ipangako mo yan sa akin."

"Ano ka ba bakit ganyan kang magsalita, para bang mamamatay ka na at nagpapaalam na?", at natawa si William.

Muling nilapitan ni Julie si Ryan.

"Ryan mahal ka ni Mama at lagi kang magbabait ha? Lagi kang kakain at huwag kang matatakot sa gagawin ng mga doktor sa iyo ha?"

"Opo Mama pero bakit ganyan ka magsalita? May sakit ka po?"

"Wala anak ko may iniisip lang ako."

Erika, anak, ingatan mo na ang sarili mo ha? At pagbutihin mo ang iyong pag-aaral upang maging isa kang mahusay na abogado ha?"

"Siyempre Mama at kapag nagtagumpay ako para sa inyo iyon ni Papa."

"Ryan malapit ka ng dalhin sa operating room ng mga doktor huwag kang matatakot ha?"

"Opo Mama basta huwag kang aalis sa tabi ko ha Mama?"

Dahil nagsisikip ang dibdib ni Julie ay muli itong lumabas ng kuwarto at naupo sa labas ng bigla uling lumitaw si Soul Processor.

"Nagawa mo na bang magpaalam sa kanila Julie?"

"Opo kaya lang po masakit sa kalooban ko ang mawalay sa kanila."

"Talagang ganoon upang maranasan mo kung papaano mabuhay sa mundo na may pagmamahalan at hindi puro galit at poot sa kapuwa. Kailangang ilagay ng isang tao ang kanyang sarili sa kalagayan ng iba na nangangailangan ng tulong at pang-unawa."

At biglang naglaho si Soul Processor.

"Honey nandiyan ka lang pala sa labas."

"Honey, yakapin mo ako ng mahigpit",ang sabi ni Julie na lubhang ipinagtaka ni William.

"Ano ka ba? Naninibago ako sa iyo a."

"Basta yakapin mo ako", ang pilit na sabi ni Julie.

"Sige na nga o yakap na kita."

"Mahigpit mo akong yakapin William", sa sinabing ito ni Julie ay nakadama si William na mahal siya ng asawa at mamalagi ito sa kanyang puso kahit kailan.

"Honey paalam na", at pagkasabi ni Julie na nasa katauhan ni Kathleen ay nalagutan na ito ng hininga habang yakap ni William.

Sa St. Peter Hospital

"Dok nagkamalay na po ang pasyente."

"Dali kabitan kaagad ng aparato at bantayang mabuti."

"Opo Dok."

At muling nabuhay si Julie mula sa halos isang buwang nakaratay. Lumabas na siya ng ospital at nagpalakas na lang sa bahay.

Pagkaraang lubusang gumaling, si Julie ay bumalik na sa kanyang trabaho bilang CEO ng kanilang upisina.

"Ma'am kumusta na po kayo? Mabuti po gumaling na kayo", ang bati ng mga tauhan ni Julie.

"Kumusta kayo?"

"Mabuti po ma'am at lagi po namin kayong nami-miss."

"Ikaw Cora, kumusta na ang anak mong maysakit?"

"Medyo magaling na po kaya lang po kailangan pang bantayang mabuti. Iniiwanan ko nga lang po sa aming kapitbahay kaya nag-aalala pa rin po ako sa kalagayan ng anak ko."

"Sige gamitin mo ang vacation leave mo at alagaan mo munang mabuti ang anak mo."

"Ano po? Totoo po ma'am?"

"Oo ano ka ba sige i-file mo na ang vacation leave mo at pipirmahan ko."

"Naku salamat po ma'am ang bait po ninyo."

"At next week ay magkakaroon tayo ng gets together kasama ng pamilya ninyo, tayong lahat para masaya."

"Hoy Cora ang bait ng boss natin binigyan ka ng vacation leave para alagaan mo ang anak mo."

"Oo nga nakapaninibago, pero masaya ako ngayon dahil matitingnan ko ng mabuti ang anak ko hanggang sa gumaling."

"At higit sa lahat magiging masaya na tayo habang nagtatrabaho wala na tayong tense dito sa office."

"Kaya lahat tayo ay higit nating paghusayan ang ating trabaho", ang sabi ng maraqmi.

Dumating ang gets together at dito in-announce ni Julie ang gusto niyang mangyari.

"Makinig kayong lahat. Magbabakasyon muna ako sa probinsya namin at ikaw Cora ang pansamantalang papalit sa puwesto ko at paghusayan mo ang pagtatrabaho. Isa pa o makinig kayong lahat, lahat kayo ay tinaasan ko ng suweldo kaya pagbutihin ninyo."

Sa ipinahayag ni Julie ay tuwang tuwa ang mga tauhan niya at lahat sila ay nagpahayag ng pasasalamat at pagmamahal dito, kaya ang dating WITCH CEO ngayon ay SWEET na

Nakauwi na sa bahay si Julie ay iniisip pa rin niya si Erika, si Ryan na totoong napamahal na sa kanya at nagbigay ang mga ito sa kanya ng inspiration upang mabago ang kanyang ugali at pagtrato sa mga kawani sa kanyang upisina.

At dahil alam naman ni Julie ang bahay nila ay pinuntahan niya ang mga ito kahit malayo subali't pagdating doon ay laking lungkot niya dahil iba na ang nakatira at walang nakakaalam sa kanila kung saan lumipat ang mga ito.

Natuloy ang balak ni Julie na dumalaw sa kanilang probinsya at sa Train Station, sa loob ng tren habang inilalagay niya ang kanyang bagahe sa itaas ay may gumulong na bola sa kanyang paanan at ng damputin niya upang ibigay sa bata ay laking gulat niya.

"Ryan nakakakita ka na?"

"Bakit po ninyo ako kilala?"

"Malinaw na ang iyong mga mata?"

"Siyempre po kaya nahabol ko po itong bola ko."

"Pero sino po ba kayo talaga?"

"Ate kilala ako ng ale na ito."

"Erika kumusta ka na?"

"Kilala nyo rin po ako?"

"Oo kaibigan ako ng Mama ninyo, si Kathleen."

"Papa kaibigan ni Mama."

"Pasensya na miss sa kakulitan ng mga anak ko."

"Okay, lang William."

"Ha? Kilala mo ako?"

"Siyempre magkakilala kami ng asawa mo at nabanggit na niya sa akin minsan ang pangalan mo."

"Ah, ganoon ba?"

"Saan ang punta ninyong mag-ama?"

"Sa lola ng mga batang ito dahil matagal na rin naming hindi nakadadalaw sa kanila."

"Pero bakit kayo lang, nasaan si Kathleen?"

"Wala na ang Mama namin nasa heaven na", ang sabi ni Ryan.

"Pasensya ka na dito sa isang ito at sobrang madaldal ha ha ha."

Bagama't alam naman ni Julie ang naging kasaysayan ng pamilya ni William ay nagkunwari itong walang alam at sa damdamin niya at sa kaibuturan ng kanyang puso ay masayang masaya ito dahil ligtas na si Ryan sa ginawang operation sa mata at si Erika isang malusog at magandang bata.

Subali't ang hindi alam ni Julie ay siya ang totoong papalit sa katauhan ni Kathleen upang tuluyang maging totoong ina nina Erika at Ryan. Dahil hindi niya napapansin si William na panay ang sulyap sa kanya, sulyap ng paghanga sa kagandahan nito.


AUTORENGEDANKEN
Almario_Aguirre_7837 Almario_Aguirre_7837

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Like it? Add to library!

And I promise to publish another short inspiring story, so enjoy reading. Thanks.

Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C34
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen