PROLOGUE
"BUM!"
Isang malakas na banggaan. Tumaob ang kotse ni Morin at tuloy tuloy na nahulog sa pababang gilid ng H-way. Tumilapon si Morin. Nakahandusay, wala ng buhay. Parang nayanig ang mga puno, nagbagsakan ang mga tuyong dahon na parang unti-unting tumatabon sa katawan ni Morin. Mga ibon na nagliparan dahil sa lakas ng banggaan. Tumakas ang nakabangga sa kotse niya. Hit and Run.
Dumating ang mga tao, nag-usyoso, awang awa sa babae, kay Morin, na duguang nakahandusay, malayo ng ilang dipa sa wasak na kotse na kanyang minamaneho.
Dumating si Peter sakay ng kotse niya na hinabol siya dahil bigla na lang umalis ito ng hindi nagpaalam sa kanya at kitang kita niya habang papalapit siya, ang nakatagilid na kotse ni Morin, wasak ang unahan, na sa tingin ay hindi mabubuhay ang driver nito.
Mabilis siyang huminto at pagkababa sa kotse ay mabilis na tinakbo si Morin, wala ng buhay, sinubukan niyang i-pump ang dibdib upang i-revive subali't walang nangyari.
"Morin bakit nangyari ito? Bakit?" ang hagulgol ni Peter.
Dumating ang ambulance at kaagad isinakay si Morin. Dinala sa pinakamalapit na ospital. Nagkagulo ang mga nurse at doktor. Kinabitan ito ng Defibrillator para bigyan ng electric shock.
"SHOCK!"
"SHOCK!"
"SHOCK!"
After three attempts of giving her electric shock, bigla gumalaw ang mga daliri ni Morin at unti-unti siyang dumilat.
"It's a miracle."
At muling naging abala ang mga nurse at attending physician.
Nang lumabas ang doktor ay kaagad itong kinausap ni Peter.
"Dok kumusta na po ang pasyente?" ang tanong ni Peter na nasa dibdib ang malaking kaba.
"Sir, huwag po kayong mag-alala nasa mabuti na po siyang kalagayan bagamat may kaunting galos sa kanyang paa at isang kamay, pero minor injuries lang. Pansamantala hindi pa po siya puwedeng kausapin. Puwede po siyang silipin sa salamin."
Pinuntahan niya si Morin, tinanaw sa bintanang salamin at ng makita niya ito ay awang awa siya dito.
"Morin, Mabuhay ka because I love you. You are the reason why I live, the reason why I exist in this world. I need you."
****
ISA PA! ISA PA!
Ang sigawan ng mga kalalakihang nanonood sa sayaw ni Morin na halos hubad na ang kanyang katawan na nagbibigay ng saya sa mga nagiinuman. Maskara lang ang tumatabing sa mukha ni Morin upang itago kung sino siya.
Pumasok si Morin sa dressing room at habang nagbibihis ay pumasok ang isang babae na siyang nag-aalaga sa mga nagsasayaw sa bar.
"Morin mayroong gustong i-table ka, ano gusto mo?"
"Madam alam mo naman hindi ako humaharap sa mga customer, hindi ba?"
"Oo subali't...."
"I'm sorry."
"Okey"
Tapos na si Morin sa kanyang part sa bar, kaya lumabas na siya, at paglabas niya ay may gustong makipagkilala sa kanya, si Peter.
"Hi"
Tiningnan lang ni Morin ang bumating lalake at ningitian lang niya ito.
"Puwede ba akong sumabay hanggang sa hintayan ng sasakyan?"
"Sure."
"By the way I'm Peter."
Hindi na nasabi ni Morin ang pangalan niya dahil huminto na ang taxi na pinara niya, at sumakay siya kaagad.
Sanay na si Morin sa ganitong eksena na may nakikipagkilala sa kanya, subali't hindi niya siniseryoso. Kaya hangga ngayon ay wala pa siyang boyfriend dahil minsan na siyang nagkaroon subali't iniwan lang siya.
Pagdating sa bahay ay hindi maiwasang tumingin sa salamin si Morin, tinitingnan ang mukha at saka hahaplusin ng kamay.
"Tumatanda na ako. Anong taon na ba ako, 30?"
Minsan dahil sa sobrang busy ni Morin sa trabaho ay iniisip niya na nakakalimutan na ang kanyang sarili. Maganda siya at maraming naghahangad na ligawan siya, subali't iisa lang ang alam niya na ang hangad lang ng mga lalake sa kanya ay ang kanyang katawan, ang kanyang kagandahan.
Si Morin, bukod sa pagsasayaw sa bar sa gabi ng isang oras ay may maliit siyang bookstore. Bukas ito mula eight ng umaga at magsasara ng five sa hapon, kaya may panahon pa siya sa kanyang ibang sideline, ang pagsasayaw.
Ganito ang laging takbo ng buhay ni Morin. Gusto niyang makaipon ng malaking halaga, para sa pamilya at sa kanyang sarili. Gusto niya na kung siya ay ikakasal ay titigil na siya sa pagsasayaw at haharapin na lamang ang kanyang tindahan ng mga libro.
"MAMA!", ang sigaw ng anak ni Morin ng makita siya nito.
"Anak huwag kang tumakbo at baka ka madapa."
Morin is a single parent to Buboy, fathered by his former boyfriend, who ran away during her pregnancy.
"Mommy kumain na po ba si Buboy?"
"Oo kanina pa at umiyak siya kanina dahil ng magising siya ay hinahanap ka."
"Anak mag-iingat ka na sa pagpili ng gusto mong makasama habang buhay. Huwag na sanang maulit ang nangyari pa sa iyo."
"Opo inay. May nagpakilala nga po sa akin kanina paglabas ko sa Bar. Siya daw si Peter. Magandang lalake at matangkad, pero hindi ko masyadong pinansin dahil kilala ko na ang mga iyan, puro sinungaling. Mabait sila kapag nangliligaw pero kapag nakuha ka na iiwanan ka na lang na parang basura. Kaya pakiramdam ko Mommy, isa na akong man-hater. Galit ako sa kanila, puro sila mangloloko."
"Morin, anak, wala akong karapatang saklawin kung ano ang nasa loob mo, subali't kailangan mo rin ang isang makakasama sa buhay. Papaano kung wala na ako, sino ang makakatulong mo sa pagpapalaki kay Buboy?"
"Naiisip ko rin nga po iyan, Mommy. Naaawa nga po ako sa anak ko, lalaki siyang walang nakikilalang ama."
Kinabukasan.
"Pupunta ka ba sa tindahan ngayon?"
"Opo, mag'shower lang po ako. Bahala na po kayo kay Buboy Mommy"
"Ma'am, good morning po."
"Naayos na ba ang mga bagong libro na dumating kahapon?"
"Opo nailagay ko na po sa shelves. Eh ma'am nagpunta po dito iyong ahente ng kotse na kausap ninyo, babalik na lang daw po siya mamaya."
"Okey"
"Kunin mo nga iyong three steps ladder at aayusin ko lang ang mga libro dito"
"Opo. Ma'am! may naghahanap po dito sa inyo, Peter daw po siya"
"Ano? Bakit?"..."Paano niya nalaman ito?", ang pagtatakang tanong ni Morin sa sarili.
"Hi!"
"Ikaw pala Peter papaano ka nakarating dito?"
"Natatandaan mo ng maghiwalay tayo sa pag-uwi mo galing sa club? Ako ang nag-request na maka'table' ka kaya lang nalaman ko sa kausap ko na hindi ka humaharap sa mga customer ninyo. Bumalik ako sa loob at nagtanong tungkol sa iyo. At nalaman ko na may tindahan ka ng mga libro. Kaya, heto ako ngayon. Pero huwag kang mag-alala naisip ko lang na dito bilhin ang librong kailangan ko kaysa sa iba pa ako bumili."
"Ahh. Ganoon ba, ano ba ang libro na hanap mo?"
"May kinalaman sa skulpture. Ito ang hilig ko kasi. Gusto kong maragdagan ang kaalaman ko sa visual arts."
"Kung gayon isa ka pa lang sculptor"
"Hindi naman. Actually hobby ko lang ito at kung makikita mo ang shop ko hahanga ka sa iba't ibang nagawa ko na"
"Teka kukunin ko iyong libro na hinahanap mo sandali lang."
Sumunod si Peter.
"Morin?"
"Ha! Papaano mo nalaman ang pangalan ko?"
"Sa pinapasukan mo, sa club."
"Talaga naman ang mga iyon, bilin ko sa kanila na huwag ibibigay ang pangalan ko"
"Ako na ang humihingi sa kanila sa iyo ng paumanhin Morin, kasi naging mapilit lang ako, pasensya ka na"
"Okey lang. O eto na iyong librong hinahanap mo"
"Thank you Morin, bayaran ko na lang sa kahera. Morin ...okey lang ba sa iyo na dito ako pumunta kapag gusto kitang makita o kaya makausap?"
"Bakit naman?", ang sagot ni Morin na umiiwas sa mga tingin ni Peter.
"Wala naman basta gusto lang kitang makita, iyon lang."
Hangga't maaari ayaw ni Morin na mag-entertain ng lalake sa buhay niya. Pero bakit kay Peter para siyang hindi makatanggi.
"Bakit dito? Bakit Hindi sa club?"
"Ayoko doon kasi ayaw kong makita kang nagsasayaw"
Sa sinabi ni Peter naantig ang kanyang damdamin kasi may paggalang ito sa kanya. Hindi tulad sa club may kabastusan ang mga lalake doon.
"Sige kaya lang kapag busy ako sa mga libro baka hindi kita maharap"
"Okey lang. Salamat ha?"
Mula ng magkausap sina Morin at Peter ay lagi ng naiisip ni Morin sa Peter. Kahit sa pagtulog napapanaginipan niya ito. Kaya naguguluhan siya ngayon. Tanong niya sa sarili "Si Peter kaya ang magpapabago sa takbo ng utak ko?"
Minsan naisipan ni Peter na sunduin sa club si Morin. Naghintay siya sa labas at ng pauwi na si Morin ay nakita ni Peter na may sumusunod na isang lalake dito. Nagmatyag ito kung ano ang gagawin kay Morin at hindi nagkabula ang hinala niya.
"Bakit ba ayaw mong magpa'table' ha?"
"Pare mukhang binabastos mo ang girlfriend ko ah"
Napalingon si Morin sa nagsalita, "Peter? Bakit nandito siya, ano ang ginagawa niya dito?" ang bulong sa sarili.
"Sino ka ba at bakit mo ako pinakikialaman ha!?"
"Pare, ayaw kong may nangbabastos sa girlfriend ko at lasing ka lang."
"Eh ano bang pakialam mo?", sabay upak kay Peter na hindi nito nailagan kaya bumagsak siya sa lupa.
"Gago ka ah", at pagkabangon ni Peter ay gumanti din siya at bumulagta iyong lalake at hindi na nakabangon dahil sa kalasingan.
"Tayo na Peter", at hinila niya si Peter na sisipain pa sana niya ang nakabulagtang lalake.
Sa loob ng taxi.
"Totoo ba iyong narinig ko kanina? Girlfriend?"
"Pasensya na, iyon lang ang naisip kong sabihin para takutin siya kaya lang naupakan kaagad ako eh, arayyy...masakit ang bagang ko"
Nangiti lang si Morin at itinapon ang paningin sa labas ng sasakyan.
"Mamang driver, sa Binondo po tayo"
"Halika Peter, pasok ka muna at lalagyan ko ng gamot ang sugat mo"
"Inay si Peter po customer namin sa club"
"Magandang Gabi po"
"E ano ba ang nangyari at may sugat ang mukha mo?"
"Inay ipinagtanggol po ako ni Peter sa isang gustong mangbastos sa akin"
"Ganoon ba e dito ka na maghapunan Peter."
"Salamat po"
"MAMA!" Hanap kita kanina. Ano ang pasalubong mo sa akin?"
"Anak mo?"
"Oo", ang walang kagatol gatol na sagot ni Morin.
Ganoon si Morin prangka, Hindi nagsisinungaling.
At ikinuwento ni Morin kay Peter ang naging buhay niya, ng walang preno, tutal, wala naman silang relasyon ni Peter at kahit malaman niya ang katotohanan tungkol sa kanya ay walang halaga iyon sa kanya kung malaman man niya o hindi.
****
Isang buwan ang nakalipas na hindi na nagkita ang dalawa mula ng manggaling si Peter kina Morin.
"Ano kaya ang nangyari sa kumag na iyon at hindi na nagpakita. Ahh, alam ko na dahil siguro na nalaman niya na may anak na ako" ang sabi ni Morin sa sarili.
Subali't, kahit bale wala kay Morin kung hindi na magpakita sa kanya si Peter ay okay lang kaya lang, bakit may pagkakataon na iniisip niya ito.
****
Isang magarbong party ang dinaluhan ni Morin at nakita niya ang kaibigan niyang si Lilibeth.
"Hi! Lilibeth kumusta na long time no see ah"
"Morin...ang ganda mo pa rin ah ano ba ang sekreto mo?"
"Ang sikreto ko? Huwag masyadong isipin ang aking nakaraan...ganoon lang"
"Eh, Ikaw kumusta na kayo ni Marco mo?"
Bigla natahimik si Lilibeth at nalungkot ng banggitin ni Morin si Marco. Napayuko ito at nagpahid ng luha.
"Ang walanghiyang iyon ipinagpalit ako sa iba"
Muli naisip din ni Morin ang kanyang nakaraan. Tulad ni Lilibeth, ganoon din ang nangyari sa kanya kaya lang mukhang iba siya kay Lilibeth kasi nakapag'move' on na siya at si Lilibeth ay mukhang hindi pa.
"Huwag na nga nating pag-usapan iyan, halika umupo tayo doon o bakante" ang yaya ni Morin.
Habang sila ay nagkukuwentuhan ay naroroon din pala si Peter at sila'y pinagmamasdan kanina pa. Nakita ni Lilibeth si Peter.
"Hoy, Morin may nakatingin dito sa atin...ayun o at gwapo na matangkad pa"
Sumulyap lang si Morin at kita niya si Peter, nakatingin sa kanya. Inalis niya ang paningin niya dito na parang bale wala lang. Lumapit si Peter sa kanila subali't biglang nag'ring' ang cellphone ni Morin kaya tumayo ito at sinagot ang tawag. Hindi na niya pinansin si Peter at naglakad palayo at basta na lang iniwan si Lilibeth.
"Mommy, bakit po?"
"E itong anak mo iyak ng iyak at hinahanap ka"
"Sige po sabihin na lang ninyo na parating na ako"
Hindi alam ni Morin na sinundan siya ni Peter at ng humarap ito ay si Peter ang nasa harapan niya.
"Morin, kumusta na hindi na ako nakapunta sa inyo kasi...."
Hindi natapos ni Peter ang sasabihin dahil iniwasan na siya ni Morin at nagbalik kay Lilibeth.
Sumunod si Peter.
"Morin, puwede ba tayong mag-usap ng sarilinan?"
"Morin, magkakilala kayo nitong guwapong ito?"
"Magkakilala lang pero wala kaming relasyon, kaibigan lang"
"Ganoon ba, eh sige iwanan ko kayo muna at pupuntahan ko lang si Beth"
"Si Beth?"
"Oo andito din siya ang kaibigan nating kalog,..o papano iwan ko na kayo"
Si Morin ngayong Nakita na niya si Peter ay Hindi niya malaman ang nangyayari sa sarili. Her heart skittered away and she took a deep breath to steady her heartbeat.
Tahimik lang si Morin habang iniinom ang baso ng 'wine' . Hinintay lang niya na si Peter ang unang magsalita.
"Morin, na miss Kita...."
"Aw"
"Totoo...Isang buwan ako sa Canada dahil sa isang Visual Arts Exhibition. Biglaan ang alis ko at hindi na kita nasabihan, tutal naman inisip ko na wala naman tayong relasyon, Hindi ba?"
Lumuwag ang paghinga ni Morin dahil nagkamali siya ng akala kay Peter. Hindi ito nagpakita sa kanya mula ng manggaling sa bahay nila at ng nalaman nito na may anak na siya.
"Bakit ganoon wala naman kaming relasyon pero hinahanap ko siya kapag hindi ko siya nakikita" ang bulong sa sarili.
"Kumusta naman ang pagpunta mo doon?"
"Okey naman marami akong nakilalang mga mahilig din sa visual arts at halos lahat sila ay hilig din lang dahil ang iba ay may mga sariling negosyo. Libangan lang nila, tulad ko"
"E di marami ka ring nakilalang magagandang babae doon"
"Hey, sa tono ng pagsasalita mo ay mukhang nagseselos ka ah"
"Ako? Magseselos? Hindi ah"
Pero sa totoo lang ng hindi niya nakikita si Peter ay kung ano-anong pumapasok sa utak niya kahit wala naman silang relasyong dalawa, ang madalas din niyang itinatanong sa sarili.
"Kumusta si Buboy, ang anak mo? Mayroon nga pala akong pasalubong sa kanya, ibibigay ko kung papayagan mo akong dalawin kita sa inyo...Payag ka ba?"
"Bakit ka naman pupunta sa amin...e puwede mo naman akong dalawin sa club o sa bookstore, tulad ng ginagawa mo"
"Hindi Morin, gusto ko sa bahay mo kita dalawin, dahil gusto kita at iyon ang alam kong proper place to say I love you"
Hindi nakakibo si Morin.Nabigla siya sa narinig kay Peter. At sa pagkakataong iyon parang gusto na niyang sabihin dito na mahal din niya ito, pero hindi, pinigilan niya ang sarili dahil hangga ngayon duda pa rin siya sa mga sinasabing 'mahal kita, i love you' ng mga lalake. Parang hindi totoo.
"Sige okey lang pumunta ka kung iyon ang gusto mo"
***
Lingid sa kaalaman ni Morin ay kinausap si Peter ng father nito na si mang Johnny na ayaw nito kay Morin ng malaman na may pagtingin kay Morin ang anak, dahil alam pala ng father niya kung anong uring babae si Morin, bukod sa mayroon na itong anak sa dating boyfriend nito. At ito ang gumugulo kay Peter. Hadlang ang father niya na makipagrelasyon siya kay Morin.
Nang dumalaw nga si Peter kay Morin ay nagkaunawaan ang dalawa. Tinanggap ni Morin ang pag-ibig ni Peter. Nagpatuloy sila sa kanilang relasyon, masaya sila sa isa't isa. Hanggang sa sila ay makalimot sa kanilang sarili ng magpunta sila sa isang lugar na malayo sa lungsod at nanatili sila sa isang Hotel.
"Peter saan ka nagpunta ng dalawang araw? Siguro magkasama kayo ni Morin, ano?"
"Daddy mahal ko si Morin. Siya ang itinitibok ng puso ko"
"Hindi na uso ngayon ang tibok tibok ng puso. Reputation ng family natin ang mahalaga. Tandaan mo yan"
"Dad ng mahalin mo si Mommy, inalam mo ba kung anong pamilya siya meron? Hindi naman Dad a, at naging masaya kayo ni Mommy at lalo kayong naging masaya ng ipanganak ako, Hindi ba Dad? Pero bakit ngayon, ayaw ninyong intindihin ang damdamin ko, Bakit Dad"
"Wala ng pero pero basta ayaw ko sa babaing iyan, naiintindihan mo?", ang matigas na sabi ng Daddy ni Peter.
Dahil sa sama ng loob ay umalis si Peter at nagpunta sa kaibigan niyang si Vincent. Naghanap sila ng Bar na puwede silang maglasing upang makalimot sa problema.
Lasing na ang dalawa subali't hindi pa rin humihinto si Peter gusto niyang mag inom ng mag-inom.
"Peter tama na lasing na lasing ka na, hatid na kita sa inyo"
"V-Vincent m-mabuti nariyan ka nauunawaan m-mo ako, p-pero si D-Daddy k-ko bakit g-ganoon siya? Mas importante ang buwisit na reputation kaysa sa kaligayahan ko...b-buwisit talaga...gusto ko ng mamatay"
Dahil sa kalasingan ay hindi nakontrol ni Peter ang sarili at naghagis siya ng bote na tumama sa mesa ng tatlong nag-iinuman,
"Tarantado ka ah"
Lumapit ang isa at sinapak si Peter. Gumanti si Vincent at sinapak din ang nanapak kay Peter hanggang sa magkagulo na at maraming nabasag na mga gamit.
Naawat naman kaagad ng mga bouncer ng bar at lahat sila'y dinala sa presinto ng pulis.
Dumating ang Daddy ni Peter at inareglo ang na-damage ng anak at ni Vincent.
"Vincent ano ba ang nangyari sa inyo at napasabak kayo sa gulo?"
"Pasensya na Daddy hindi po nakontrol ni Peter ang sarili, gusto na nga daw niyang magpakamatay"
"Matigas talaga ag ulo ng batang iyan, sige Vincent salamat sa iyo at sinamahan mo si Peter"
"Okey lang po Daddy para na rin kapatid ang turing ko kay Peter...paano po aalis na po ako"
Matagal ng nakaalis si Vincent ay pinagmamasdan pa rin ni mang Johnny ang anak. Naaawa siya dito kaya naisip na lang niya na magkunwari siya na payag siya sa relasyon nilang dalawa at gagawa na lang siya ng paraan kung papaano niya papaghihiwalayin ang mga ito.
At ganoon nga ang nangyari, kinabukasan ay kinausap niya si Peter.
"Anak, Peter, huwag ka lang masangkot sa mga kaguluhan at makapag'concentrate' ka sa trabaho mo ay pumapayag na akong makipagrelasyon ka kay Morin"
Walang reaksyon kay Peter, dahil hindi siya makapaniwala sa Dad niya na madaling pumayag ito sa gusto niya.
"Hello! Morin, paglabas mo ng Club magkita tayo sa corner ng Juan Luna St. ipakikilala kita sa Daddy ko. Dala mo ba ang kotse mo?"
"Oo dala ko mga alas-sais naroon na ako"
"Sige kapag malapit ka na tawag ka lang at kapag nakita mo ang kotse ko sundan mo na lang ako"
"Okey"
"Mommy gagabihin ako ng uwi magkikita kami ni Peter ikaw na lang ang bahala kay Buboy"
"Kailan ko ba pinabayaan ang apo ko? Mag-ingat ka sa pagmamaneho mo"
"Opo...Bye Mommy"
"Hello Peter, malapit na ako saan ka nakaparada?...Sige nakita na kita sundan na lang kita"
"Sige sumunod ka lang, ingat...I love you...Happy Valentine's Day"
"Happy Valentine's Day"
Halos magkapanabay na dumating ang dalawa sa bahay nila Peter.
"Daddy, si Morin po"
"Magandang Gabi po"
"Tuloy kayo at magpapahanda ako ng makakain ninyo"
"Huwag na Daddy, lalabas po uli kami ni Morin at mag'celebrate' po kami ng Velentine's Day"
"Ganoon ba"
"Morin dito ka muna at mag'shower' lang ako"
Paglabas ni Peter sa bathroom ay hindi niya nakita si Morin.
"Daddy, nasaan po si Morin?"
"Umalis na"
"Bakit Daddy? Ano ang sinabi mo kay Morin?", ang nagtatakang tanong ni Peter? Nasaan ang susi ng kotse ko hahabulin ko siya"
Pinanonood lang ni mang Johnny si Peter sa paghahanap ng susi.
"Peter, Talaga bang mahal mo si Morin?"
"Opo Daddy at ikamamatay ko kapag may nangyari sa kanya"
Nang matiyak ni mang Johnny na talagang mahal ni Peter si Morin ay inihagis dito ang susi na hinahanap kanina pa ni Peter.
Pagkakuha ng susi ay mabilis ng umalis si Peter, hinabol si Morin.
Tinatawagan ni Peter si Morin sa cellphone subalit hindi ito sumasagot. Pinatay ni Morin ang cellphone niya ayaw niyang kausapin si Peter dahil sa sama ng loob niya sa mga narinig sa Daddy nito.
Malayo na ang natakbo ni Morin. Huminto siya sa isang tabi. Nag-isip siya matagal, umiiyak, nakasubsob ang ulo sa manibela. Ilang saglit pa ay para siyang nagising...babalikan niya si Peter, ipaglalaban niya ang pag-ibig nilang dalawa.
Muling pinaandar ang kanyang kotse at nag'maneuver'. Subali't isang mabilis na Truck ang padating na hindi namalayan ni Morin at ito'y nabangga at siya'y tumilapon sa labas ng kotse habang ang kanyang sasakyan ay wasak ang unahan na nakatagilid sa tabi ng daan.
****
Sa hospital.
"Morin salamat at maayos ka na alam mo ng makita kitang nakahandusay at walang buhay ay ginawa ko ang lahat ng magagawa ko para ibalik ang buhay mo subali't walang nangyari at dito ka na nagkamalay...dito ka na uli bumalik ang hininga mo.
"Peter bumalik ako dahil naisip ko hindi ako mabubuhay ng wala ka kaya lang pag-atras ko pabalik nabundol ang kotse ko...iyon lang ang huli kong naalala."
"Happy Valentine sweetheart"
"Happy Valentine Peter"
At muli naglapat ang kanilang mga labi upang ipadama ang pag-ibig nila sa isa't isa.
"Anak ano ang nangyari sa iyo?" ang naiiyak sa sabi ng ina ni Morin pagdating sa hospital.
"Mommy okey na po ako, huwag na kayong mag-alala"
"Mama ano ang masakit sa iyo?" ang tanong ng walang kamalay malay na si Buboy.
Niyakap ni Morin ang anak na hindi niya alam ay muntik ng hindi niya ito makitang muli.
Thank you Guys, sa pagbasa ng kuwentong ito.
Another short story is coming, so enjoy reading.