App herunterladen
68.57% SHORT STORIES (PILIPINO VERSION) / Chapter 24: BLIND DATE

Kapitel 24: BLIND DATE

1. FACEBOOK

"Sino kaya ang puwede kong mabola sa Facebook na kaya kong paibigin", ang sabi ni Hilda sa sarili habang ini-scan ang picture sa profile ng mga naka-post sa Facebook.

"Hilda malalim na ang gabi matulog ka na", ang sabi ng kanyang tatay na nasa kabilang silid.

"Opo itay may hinahanap lang po ako sa Laptop ko", sagot ni Hilda.

With almost a billion users worlwide, ang Facebook ay isa sa maraming gumagamit at ito ang paraan nila upang makipag-interact sa kanilang mga kaibigan, kamaganak, at iba pa tulad ng paghahanap ng puwede nilang maka-partner sa buhay.

Sa Facebook nabubuo ang isang tunay na pagmamahalan, sabihin na nating tunay na pag-iibigan.

"Wala akong mapili ah, hindi bale bukas na lang ako maghahanap", ang sabi ni Hilda.

"RINGGGGG!'

"Hilda, buti gising ka pa, sabi ng Boss natin na isang witch ay pumasok daw tayo ng maaga bukas at may rush tayong trabaho", sabi ng kaibigan at ka upisina niyang si Malou.

"HaHaHaHa ano ka ba, bakit mo namang tinawag na witch ang CEO natin?", ang tugon ni Hilda kay Malou.

"Ewan ko, kasi ba naman napagalitan na naman ako at sabi mabagal daw akong magtrabaho eh kita naman niya na subsob na ako sa aking computer sa pag-input ng mga data", ang reklamo ni Malou.

"Naku kung ako ikaw ay hindi ko papansinin kasi alam mo na kapag matandang dalaga ay masungit", sabi ni Hilda.

"Ah basta para sa akin ang CEO natin ay isang witch", ang sabi ni Malou.

"Bahala ka na nga sige bukas na lang at ako ay inaantok na", tugon ni Hilda.

Pagkatapos ng pag-uusap ni Hilda at Malou ay hindi pa rin makatulog itong huli. Binuksan uli ang laptop at in-open ang Facebook niya.

"Ah eto mukhang guwapo sa picture sana guwapo din sa personal", bulong sa sarili habang binabasa ang profile ng nakursunadahan niya.

Efren ang pangalan ng napili niyang paiibigin.

Nag message siya ng friendship kay Efren.

Walang reply mula kay Efren kaya isinara na ni Hilda ang laptop at natulog na.

2. SA OFFICE

"Malou ang sabi mo maaga tayo, eh bakit wala pa ang boss natin hangga ngayon tanghali na ah?", ang tanong ni Hilda.

"Ewan ko ba iyang boss natin palibhasa ay tumandang dalaga kaya napakasungit", ang tugon ni Malou.

"Alam mo Malou, hindi ako nakatulog kagabi kasi ba naman mayroon akong gustong maging friend sa Facebook, eh ayaw mag-reply hanggang abutin na ako ng antok", ang sabi ni Hilda.

"Hahaha! nakatagpo ka rin ng katapat mo ano? Palibhasa bobolahin mo lang at paiibigin, tapos iiwanan mo sa ere", ang sabi ni Malou na may halong pang-iinis.

"TOK!, TOK!, TOK!"

Ang tunog ng sapatos ng matandang CEO ng pumasok sa loob ng office nila Hilda.

"Dumating din ang bruha", ang bulong ni Malou.

"HiHiHi!", ang mahina na tawa ni Hilda.

"Hilda come here!", ang matigas na tinig ng CEO.

Lumapit si Hilda na kampante naman siya dahil kilala na niya ang ugali ng boss nila.

"Ma'am?", ang sabi ni Hilda paglapit sa boss nila, na sobra ang laki ng salamin sa mata kaya mapagkakamalan mo nga na isa itong witch, bukod sa hindi maganda ang ugali nito.

"Pumunta ka kay Attorney Chua sa address na ito at ibigay mo itong envelope, isama mo si Malou", ang utos ng CEO kay Hilda.

"Yes, ma'am", tugon ni Hilda.

"Malou tayo na samahan mo raw ako kay attorney Chua", ang sabi ni Hilda kay Malou na natutuwa, kasi lalabas sila ng office at makapaglalakwatsa sila.

3. FRIENDSHIP ACCEPTED

Si Efren ay isang lumpo at si Hilda naman ay sobrang ganda. Nagkakilala ang dalawa sa pamamagitan ng facebook at picture lang nila ang naka-post, kaya hindi malalaman kung ano ang tunay na physical appearances nila.

Noong isang linggo na mag-message si Hilda kay Efren ay wala kaagad reply. At makaraan nga ng isang linggo ay saka lang nabasa ni Efren ang message ni Hilda.

Si Efren dahil masyadong busy sa trabaho ay kadalasan ay bihirang mag-facebook kaya ang ibang message sa kanya ay hindi niya kaagad nakikita.

"Wow, sino kaya ito na gustong makipag friend sa akin? Maganda siya", ang sabi ni Efren ng buksan ang kanyang facebook at makita ang profile ni Hilda.

In-accept ni Efren ang friendship request ni Hilda kaya malaya na silang mag chat sa isa't isa.

"Hi! gud evening, puwede ba akong makipag chat sa iyo", message ni Hilda.

"Hi!, gud evening, puwede kaya lang bukas na lang kasi may rush na trabaho lang ako, kailangan lang ng client ko bukas itong ginagawa ko? Bukas ako ang mag pm sa iyo", reply ni Efren.

"Ok", ang reply ni Hilda na parang naiinis kaya nasabi niya sa sarili na suplado si Efren.

Si Efren ay isang architect at karamihan sa kanyang mga ginagawang plano ay sa bahay niya ginagawa.

Pumapasok si Efren noong hindi pa siya lumpo sa isang malaking kumpanya ng maaksidente siya habang papasok sa kanilang upisina. Sa pangyayaring iyon ay hindi naman siya pinabayaan ng kanyang employer kaya kahit sa bahay ay puwede niyang gawin ang mga architectural plans.

Kinabukasan ay hindi pa rin nakapg-chat ang dalawa dahil wala sa,mood si Efren.

Lumipas ang dalawang araw na wala namang rush na trabaho si Efren ay naisipan niyang mag-message kay Hilda.

"Hi Hilda!, pasensya ka na at ngayon lang ako nagkaroon ng time na, sorry ha?", message ni Efren kay Hilda na humihingi ng paumanhin sa tagal ng kanyang pm.

Nabasa ni Hilda ang message ni Efren subalit dahil naiinis pa siya sa pagtanggi ni Efren noon na makipag-chat ay kinabukasan na siya nag-reply.

Kinabukasan nga...

"Ah, okay lang, musta na?", reply ni Hilda.

"Eto okey naman walang masyadong trabaho. Dito kasi ako sa bahay kadalasan gumagawa ng architectural plans na ipinagagawa ng upisina, kaya nauubusan ako ng time na mag-facebook", paliwanag ni Efren.

"Ganoon ba...ako naman ay isang modelo...kung minsan may tawag at kung minsan naman ay wala kaya dito lang ako sa bahay pero masaya naman ako sa work ko, nag-eenjoy ako", reply ni Hilda.

Efren: "Ilan kayo sa pamilya ninyo?"

Hilda: "Kami? Ako,si lola at isang kapatid na anim na taong gulang...wala na kaming mga magulang dahil sa isang car accident"

Efren: "Sorry ha? Naitanong ko pa...nakakalungkot tuloy"

Hilda: "Ikaw...ilan kayo sa pamilya ninyo?"

Efren: "Ako...si ate ko...at mga magulang ko"

Hilda: "Wala ka pang asawa?"

Efren: "Wala pa...naghahanap nga ako ng isang iibig sa akin ng tapat... kasi hindi ako pogi, hahaha. Eh ikaw may asawa ka na?"

Hilda: "Ikaw ha...makulit ka...sinabi ko na wala eh"

Efren: "Ah oo nga pala...kasi masaya ako sa pakikipag-chat sa iyo...pasensya na"

Tumagal pa ang kanilang pagkikilala sa pamamagitan ng facebook at hindi malaman ni Efren sa sarili niya kung ano ang nararamdaman niya para kay Hilda. Noong una bale wala sa kanya na makipag-chat kay Hilda, subalit habang tumatagal ay hinahanap niya ang makipag-chat dito. Madalas sa pagtulog ni Efren ay naiisip niya si Hilda... subalit lagi naman niyang naiisip na hindi dapat mahulog ng tuluyan ang loob niya kay Hilda dahil isa siyang lumpo. Ang pagiging lumpo ni Efren ang malaking hadlang sa kanya kaya wala siyang karapatang makipag-relasyon sa kahit kaninong babae dahil kapag nakita siya na lumpo ay tiyak na lalayuan lamang siya.

Sa kabilang dako ay gayundin din pala ang nararamdaman ni Hilda para kay Efren. May mga gabi na hindi siya makatulog dahil iniisip niya si Efren. Ang balak niya na sana ay mangloko lang sa facebook noong una ay mukhang iniba ng damdamin niya ngayon para kay Efren. Hindi na siya makapgkakaila ng tumay niyang nararamdam dito...mahal niya si Efren.

4. LOVE THRU FACEBOOK

Dahil sa nararamdaman ni Efren na pag-ibig kay Hilda ay hindi na nito inisip na siya ay isang lumpo. Kaya nagtapat si Efren ng pag-ibig kay Hilda thru facebook.

Efren: "Hilda sa tagal ng ating pagkikilala sa facebook ay nararamdaman ng puso ko na gusto ko na lagi Kita na ka-chat. Kung minsan ay tinatanong ko ang aking sarili kung bakit Kita laging naaalala...naiisip. You are always in my subconscious mind...asking myself, why? Is it because I love you? is it because I need you in my life? Things that I do not know to myself"

Hindi nag-reply si Hilda. Inaarok niya ang tunay na damdamin niya para kay Efren. Totoo na sa una ay wala balak si Hilda na makipag-seryosohyan sa facebook, subalit bakit ngayon na nagpahiwatig si Efren ng damdamin niya dito ay para siya ngayon na nasa kalawakan...lumulutang sa hangin at dinadala kung saan.

Tumagal ng isang linggo na walang reply kay Hilda...tumagal pa ng isa pang linggo.

Efren: "Pasensya na Hilda kung nag-message ako sa iyo ng ganoong bagay. Kalimutan na natin iyon...puwede? Basta tulad pa rin tayo ng dati...masaya sa bawat isa kahit kahit dito lang tayo sa facebook nagkakausap...maligaya na ako sa ganoon"

Hilda: "Efren pasensya ka na nabigla kasi ako...hindi ko inaasahan na magpaparamdam ka sa akin ng iyong damdamin...pero sige friends uli tayo dito sa facebook"

Efren: "Salamat Hilda, pinaligaya mo ako"

Tumagal uli ang pagiging friends ng dalawa sa facebook.

Dahil sa pangyayaring nagparamdam si Efren ng saloobin kay Hilda ay parang nagkaroon sa pagitan nila ng hiya sa isa't isa. Hindi tulad noon na masaya sila at tumatagal sa pakikipag-chat.

Wala na sila halos panahon upang mag-chat. Para bang tinatabangan na sila sa isa't isa na sa totoo lang ay miss nila ang isa't isa...naghihintayan sila kung sino ang una sa kanila na makikipag-chat.

Totoong nalungkot si Hilda kasi may nararamdaman din siya kay Efren at sa palagay niya something went wrong.

Dahil ayaw ni Hilda na maputol na lang basta ang pagiging magkaibigan nila ni Efren ay siya na ang nauna na mag pm kay Efren.

Hilda: "Hi!"

Efren: "Hello!"

Hilda: "Kumusta ka na? Matagal din tayong hindi nag-chat ah"

Efren: "Oo nga...kahit gusto ko na makipag-chat sa iyo upang kumustahin ka ay pinipigilan ko ang aking sarili...kasi sa totoo lang pinipilit ko na rin ang sarili ko na unti unti ka ng kalimutan dahil sa nararamdaman ko sa iyo na alam ko na walang mangyayari...pasensya ka na uli Hilda pero iyon ang laman ng puso ko...iniibig kita. At siguro ito na ang huli kong pakikipag-chat sa iyo"

Hindi kaagad nakapag-reply si Hilda dahil iniisip niya kung ano ang sasabihin niya dahil sa totoo lang ay mahal na rin niya si Efren.

Hilda: "Ikaw...kung ayaw mo ng makipag-chat sa akin ay sige tumigil ka pero ako...hindi titigil"

Sa reply ni Hilda parang nabuhayan ng pag-asa si Efren.

Efren: "Hindi Hilda...hindi ganoon ang ibig kong sabihin kasi iniisip ko lang na baka naiistorbo lang kita"

Hilda: "O ano, eh di natauhan ka!"

Muling nagbalik ang dating masayang paqkikipag-chat ng dalawa, sina Efren at Hilda, hanggang muling inulit ni Efren ang salitang 'pag-ibig' na tinugon naman ni Hilda.

5. NAGKASUNDO NA MAGKITA SILANG DALAWA

Dahil sa marubdob na pagibig ni Efren kay Hilda ay binalak niyang magkita sila nito upang patunayan na rin niya sa sarili na kapag nakita siya nito na lumpo ay hindi siya iiwanan.

Efren: "Hilda puwede ba tayong magkita?"

Hilda: "Sige payag ako...sabihin mo kung saan?"

Efren: "Sa harap ng Quirino Grandstand"

Hilda: "Kailan?"

Efren: "Puwede ka ba sa Linggo?"

Hilda: "Sige darating ako ng umaga mga 9"

Efren: "Papaano kita nga pala makikilala? Anong kulay ng isusuot mo na damit?"

Hilda: "Kulay pula ang pang itaas ko para madali mo akong makita at nakapantalon ako ng maong...eh ikaw anong kulay ng damit ang isusuotmo?"

Efren: "Ikaw na lang ang hahanapin ko para hindi ka mapagod"

Hilda: "Okay"

Efren: "Okay magkita tayo sa Linggo...ingat ka"

Hilda: "Ingat ka rin"

Anupat nagkasundo ang dalawa na magkikita sila subalit kay Efren, naroroon pa rin ang pangamba sa sarili niya...takot sa kahihinatnan ng kanilang gagawing pagkikita. Baka siya mabigo at tuluyan ng mawala si Hilda na ngayon ay siyang lahat lahat sa buhay niya...na bawat sandali, na bawat oras ay siya ang mundo niya. Papaano kung sabihin niya na sinungaling siya dahil sa siya ay lumpo at hindi niya ito ipinagtapat.

Mga katanungan sa sarili ni Efren na nagbibigay sa kanya ng kaisipan na huwag na siyang magpakita kay Hilda kahit kailan...subalit hindi puwede...tutuloy siya...upang matapos na ang kanyang paghihirap sa kaiisip niya sa tunay na mangyayari sa kanila dalawa.

6. SA HARAP NG QUIRINO GRANDSTAND

Ang oras ng kanilang itinakda na magkikita sila ay alas 9 ng umaga...subalit ginawa ni Efren na pumunta ng mas maaga. Nagpatulong siya sa kanyang kaibigan na kaupisina niya na samahan siya sa Quirino Granstand.

Dumating si Efren sa lugar ng alas 7 ng umaga na nasa kangyang wheel chair.

Dahil malapit lang naman ang kanilang office doon ay iniwanan na siya ng kanyang kaibigan upang balikan na lang siya mamaya.

"Grrrrr!! malamig dito at ang simoy ng hangin nanunoot sa aking mga buto", ang nasabi ni Efren sa sarili.

Pinaandarn niya ng mahina ang kanyang wheel chair at nagmasid siya sa paligid ligid. Tinitingnan ang mga naglalakad sa tabing dagat. Mayroong mga nakaupo sa damuhan kasama ang mga batang nagtatakbuhan.

Pumuwesto si Efren sa gilid ng Grandstand na paharap sa dagat upang doon ay kitang kitang na niya si Hilda sa suot nitong pulang pang itaas. Hindi siya doon tiyak mapapnsin dahil medyo nakakubli siya.

Habang malapit na ang oras ng kanilang tipanan ay lumalakas naman ang kabog ng dibdib ni Efren.

Kalahating oras pa bago mag alas 9...wala pa siyang makitang nakapulang babae.

Ilang saglit pa ay may nakita siyang naglalakad na nakapulang damit na babae. Nagmasid muna siya kung ano ang gagawin at nakita niya na huminto ito sa gitna ng harapan ng Grandstand na parang may hinihintay.

Tingin ng tingin ang babae sa kanyang relo na parang naiinip.

Alas 9 na...naghintay pa si Efren...tiningnan niya ito at baka may ibang hinihintay...tumagal na ng kalahating oras...mukhang inip na inip na ang babae.

Ngayon tiyak na si Efren...siya ang hinihintay ng babae.

Pinagulong ni Efren ang wheelchair niya sa babae at tumigil ng ilang dipa upang pagmasdan si Hilda.

"Napakaganda pala niya at lalong pinatingkad ng pula niyang suot na damit", ang bulong sa sarili ni Efren.

Upang ganap na mapagmasdan si Hilda ay pinagulong niya ang wheelchair sa harapan ni Hilda subalit aktong lalakad si Hilda upang lumipat ng puwesto ng muntik ng magullungan ng wheelchair ang paa nito.

"Sorry miss hindi ko sinasadya", ang sabi ni Efren.

"Pasensya rin hindi kita napansin", tugon ni Hilda.

Hindi na nagpakilala si Efren kay Hilda...para siyang naduwag...parang aso na nabahag ang buntot dahil sa takot at pangamba sa kanyang sarili.

Umuwi na si Hilda at gayundin si Efren na walang nangyari.

Lumipas ang araw na iyon na kapwa bigo ang dalawa...hanggang maging dalawang araw.

7. SA BAHAY

Nag-usap ang dalawa sa facebook.

Hilda: "Ikaw ha...inindiyan mo ako"

Efren: "Pasensya na Hilda...nagpunta ako kaya lang hindi kita nakita"

Ganoon na lang ang naging palusot ni Efren..'.hindi nagkita'...kahit halos ay nasa harap na niya si Hilda ng nasa Grandstand ito.

Lumipas ang isang linggo na hindi mapalagay si Efren kaya nag message siya kay Hilda at nagtapat dito upang malaman niya kung ano ang sasabihin nito.

Efren: "Hilda patawarin mo ako...nagkita tayo sa Grandstand...ako iyong naka wheelchair na muntik ng magulungan ang iyong paa...pasensya ka na hindi na ako nagpakilala dahil naduwag ako...naduwag sa katotohanang hindi tayo bagay sa isa't isa...kahit ikaw pa ang babae sa puso ko...ngayong alam mo na kung sino ako ay hindi na ako aasa pa na ibigin mo...kaya ibinibigay ko na sa iyo ang kalayaan na siyang nararapat...ang isang lumpo na tulad ko ay wala talagang karapatang umibig...maaring ito na rin ang huli kong message sa iyo...salamat kahit sa facebook lang tayo nagmahalan ay pinaligaya mo ako ng sobra...sobrang sobra...paalam"

Walang reply mula kay Hilda na tumagal ng isang buwan...ngayon tiyak na si Efren...hindi siya mahal ni Hilda dahil sa siya ay isang lumpo.

Kaya ang kabiguang tinamo ni Efren kay Hilda ay nagbigay sa kanya ng labis na kalungkutan.

At dahil wala na naman siyang magagawa pa ay kalilimutan na niya si Hilda at ang pangyayari sa kanilang dalawa ay ituturing na lang niyang isang panaginip...at siya ay nagising na.

Sa kabilang dako naman ay labis na nagdamdam si Hilda kay Efren...hindi dahil sa physical na anyo ni Efren na lumpo...kundi minaliit niya ang pag-ibig nito sa kanya na nagbigay sa kanya ng kalungkutan.

"Anong palagay niya sa akin? Tumitingin lang ba ako sa itsura ng isang tao? Mali siya kaya hindi ko siya patatawarin", ang bulong sa sarili habang nasa higaan siya at ayaw dalawin ng antok.

8. UNANG SABADO NG SUMUNOD NA BUWAN, ALAS 7 NG GABI

Nagmessage si Hilda kay Efren na labis na ikinabigla ng huli.

Hilda: "Ngayon lang ako nag-reply kasi masamang masama ang loob ko sa iyo. Minaliit mo ang pagkatao ko...iniisip mo na tumitingin lang ako sa panglabas na kaanyuan ng isang tao...mali ka doon kaya hindi kita mapatatawad"

Efren: "Hilda masaya ako...masayang masaya dahil sa sinabi mo kaya kung kailangan ay liligawan kita uli...kahit magalit pa sa akin ang buong mundo...wala akong pakialam...dahil mahal na mahal kita at ikamamatay ko kapag hindi ikaw ang aking magiging kabiyak ng puso"

Nag reply si Hilda na kunwari ay galit pa kay Efren.

Hilda: "Bahala ka...e di gawin mo wala akong pakialam...grrrrr! nakaiinis ka"

Efren: "Salmat Hilda binigyan mo ako ng pag-asang mabuhay"

Hilda: "Nangbobola ka pa...basta galit ako sa iyo...akala mo ba nakatutuwa ang ginawa mo? Pinagmukha mo akog tanga na naghihintay sa Grandstand"

Efren: "Sige...,sige na patawarin mo na ako"

9. KASALAN

At dahil totoo naman na may pag-ibig ang dalawa sa isa't isa ay itinakda ang kanilang kasal.

Natapos ang kasalan...maraming mga bisita...maraming bumati higit kay Efren dahil nakatagpo siya ng isang maganda at maunawaing babae.

Habang nagkakasayahan sa reception ay nagpunta ang dalawa sa hardin at nag-usap ng sarilinan.

"Alam mo Efren talagang masamang masama ang loob ko sa iyo at gusto kitang patayin...alam mo ba iyon?",ang nakatawang sabi ni Hilda.

"Alam mo ba Hilda na timing ang reply mo sa akin sa facebook? Kasi parang mababaliw na ako sa lungkot...salamat ha?"

@#!%$%&&&

Maligayang wakas ng pag-iibigan nila Efren at Hilda.


AUTORENGEDANKEN
Almario_Aguirre_7837 Almario_Aguirre_7837

Thank you guys, for reading this story.

And another inspiring short story is coming, so enjoy reading and please, give comment plus your rating. Thank you!

Rio Alma

Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C24
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen