App herunterladen
57.14% SHORT STORIES (PILIPINO VERSION) / Chapter 20: SANA MAPANSIN MO AKO

Kapitel 20: SANA MAPANSIN MO AKO

"ARMAN!!", ang malakas na tawag ni Mar ng makita si Arman na naglalakad sa kabilang kalsada.

"IKAW PALA PARE!!", ang malakas din na sigaw ni Arman sa kaibigan.

Lumipat si Arman sa kabilang kalsada upang maayos silang makapag-usap ng kaibigan.

"Pare, kumusta na, long time no see ah", sabi ni Mar sa kaibigan.

"Oo pare, nag abroad ako mula ng iniwan ako ng girlfriend ko at ipagpalit sa iba", sagot ni Arman.

"Oo pare ,nabalitan ko nga ang break-up ninyo... pero kumusta naman, naka move-on ka na ba?", tanong ni Mar.

"Mahirap Mar, hindi ko pa rin siya makalimutan sa kabila ng ginawa niya sa akin na kataksilan", ang sagot ni Arman na mababakas ang kalungkutan sa kanyang sinasabi.

"Teka, mas maganda siguro pare ay magkita tayo mamaya after office hour...inom tayo, ako ang taya", ang sabi ni Mar.

"Sige mas maganda pa nga, gusto ko rin na may makausap para kahit papaano ay masabi ko ang sama ng loob ko", sagot ni Arman.

"Kunin ko nga pala ang number mo at tatawagan kita kung saan tayo magkikita", sabi ni Mar.

Limang taon na ang lumipas ng mabigo si Arman sa unang pag-ibig niya ng ipagpalit siya ng kanyang naging girlfriend sa ibang lalake. At sa tagal ng panahong iyon ay wala pa rin siyang nakikitang liligawan...bagamat limot na niya ang dating girlfriend.

Si Arman ay isang accounting manager sa isang kumpanya na kanyang pinapasukan. Siya ay thirty years old at nagnanais ng mag-asawa...subalit hanggang ngayon ay wala pa siyang makita na babaing puwede niyang mahalin.

"Romy mayroon na bang sumagot sa advertisement natin sa dyaryo?", ang tanong sa kanyang tauhan na si Romy.

"Boss meron na pinababalik ko ng alas nueve ngayon para sa interview", ang tugon ni Romy.

"Sige ibigay mo sa akin ang kanyang resume".

"Boss eto ang bio-data ng applicant, Ana ang pangalan".

Binasa ni Arman ang Bio-Data na may kasamang 'resume of working experience'".

"Hmmmm! Sige pagdating papuntahin mo sa akin", ang sabi ni Arman.

Bago mag alas nueve ay dumating ang applicant na si Anna.

Pagkatapos ng interview kay Anna ay namangha si Arman sa mga sagot sa kanya ni Anna.

"Maganda ang resume mo...bumalik ka next week at puwede ka ng mag-umpisa", sabi ni Arman.

Dati si Arman masyadong seryoso lalo na sa pakikipag-usap sa kanyang mga tauhan, subalit sa ginawa niyang interview sa bagong applicant na si Anna ay nagkaroon sa kanya ng pagbabago.

"Naku Sir...thank you po...thank you", ang natutuwang si Anna dahil natanggap siya sa position na kanyang papasukan.

Sa department ni Arman ay apat ang mga accounting clerk, si Romy, senior accountant, at Sina Emma, Shiela, at Rosalyn, na pawang mga accounting clerk.

Lumipas ang isang linggo at maagang dumating si Anna sa ofice nina Arman. Nauna lang siya ng sampung minuto kay Romy. Si Romy ang nagbubukas ng upisina dahil siya ang pinagtiwalaan ni Arman.

Bago pa lang dumating ang ibang mga empliyado ay marami ng napag-usapan sina Anna at Romy. Nalaman ni Romy na wala pang boyfriend si Anna.

Alas nueve na dumating si Arman sa office at kinausap niya si Anna, pagkatapos kausapin ay ipinakilala si Anna sa mga tauhan niya.

Lumipas pa ang mga buwan at mula ng mapasok si Anna sa tanggapan ni Arman ay naging masaya ang grupo, hindi katulad noon na parang malungkot.

'Romy, kailangan ko ng report ng Accounts Receivable at ng Accouns Payable para sa nakaraang buwan", ang sabi ni Arman kay Romy.

"Anna i-enter mo ang mga data na ito sa computer at igawa mo ng report", sabi ni Arman kay Anna matapos ibigay ang mga data.

"Alam mo Anna mula ng mapasok ka dito sa amin, si boss Arman, ay lagi ng masaya at nakikihalubilo na sa amin", ang sabi ni Emma.

"Napansin ko rin iyon", sabi ni Shiela "may crush nga ako sa kanya eh kaya lang malabo na mapansin niya ako", dugtong ni Shiela.

"Huwag nga kayong ganyan at baka malaman ni sir Arman eh pagalitan tayo", ang sabat ni Rosalyn.

"Bakit ba si sir ang pinag-uusapan ninyo eh nandito naman ako", ang sabi ni Romy na may halong pagmamayabang sa sarili kaya nagtawanan ang grupo..

Narinig ni Arman ang tawanan ng mga tauhan kaya lumabas ng kuwarto niya tiyempo naman na may lakad siya.

"Mukhang nagkakatuwaan kayo ah", bati ni Arman at tuloy tuloy na lumabas upangl makipagkita kay Mar sa katapat na coffee shop.

"Wala ba kayong napansin? Hindi tayo pinagalitan ni sir at nakangiti pa siya ng batiin tayo", sabi ni Romy.

"Bakit? Dati dati ba ano?", sabat ni Anna.

"Balita namin kay sir mula ng maghiwalay sila ng girlfriend niya may limang taon na ang nakararaan ay naging masungit at suplado lalo na kapag may mali sa report mo", sabi naman ni Emma.

"Oo nga!..Teka magtrabaho na nga tayo at baka dumating na si sir ay hindi pa tayo tapos",ang sabi ni Shiela.

Sa coffee shop nagpunta si Arman upang makipagkita kay Mar na katapat lang ng office niya.

"Pasensya na pare sa paghihintay", sabi ni Arman pagkakita kay Mar na nakaupo sa isang table.

Nag-order sila ng makakain.

"Ano pare nakapag move-on ka na ba?",tanong ni Mar habang hinihintay ang kanilang order.

"Hindi pa pare. Kaya hangga ngayon wala pa siyang kapalit sa puso ko. Masyado ko siyang minahal ng sobra sobra", tugon ni Arman na bakas sa mukha niya ang kalungkutan habang nagsasalita.

"Ang masasabi ko lang pare sa iyo ay kalimutan mo na siya. Marami naman diyan na higit pa ang mga katangian sa nagtaksil mong girlfriend. At isa pa pare baka may pamilya na siya at ang isipin mo pa siya ay kalabisan na sa iyo", ang payo ni Mar sa kaibigan.

"Salamat pare sa mga payo mo at kung hindi lang sa mga payo mo baka nakagawa na ako ng hindi mabuti sa kanila", ang mahinahong tugon ni Arman.

Pagkatapos ng ilan pang pag-uusap nila ni Mar ay bumalik na si Arman sa office.

Nang nakarating na si Arman sa office ay nag-iba na ang kanyang pakiramdan kaya naging dahilan upang masiyahan siya sa kayang mga tauhan na subsob sa pagtatrabaho.

Isang araw dumalaw si Mar sa office ni Arman.

"Pare, ikaw pala halika maupo ka. Tamang tama ang dating mo may itatanong ako sa iyo", sabi ni Arman.

"Teka muna pare, ako muna ang may sasabihin sa iyo", sabi ni Mar.

"Sige pare ano ba ang sasabihin at mukhang mahalaga", ang nakatawang sabi ni Arman.

"Napansin ko iyong bago mong tauhan sa may dulo katabi ng table ni Romy", sabi ni Mar.

"Bakit? Anong napansin mo?" sabi ni Arman na mukhang alam na niya ang sasabihin ng kaibigan.

"Maganda siya ah, bakit hindi mo diskartehan malay mo siya na ang babaing hinahanap mo ngayon",sabi ni Mar na may halong panunulsol sa kaibigan.

"Ikaw talaga pare huwag mo nga akong ibuyo at hindi mangyayari iyon dahil tauhan ko siya", tugon ni Arman.

"Maiba ako pare may lakad ka ba sa linggo?",tanong ni Mar.

"Wala naman nasa bahay lang ako, bakit?", sagot ni Arman.

"Kasi may pupuntahan tayo at may ipakikilala ako sa iyo na tiyak mong magugustuhan dahil bukod sa maganda na ay super bait pa. Kaya lang pare may edad sa iyo ng limang taon sa tingin ko. O ano sa linggo ha?" ang paniniyak ni Mar para sa lakad nila.

Hindi natuloy ang lakad nila ni Mar dahil nagkayayaan ang mga tauhan ni Arman na mag videoke at niyaya siya na hindi naman niya napahindian dahil kay Anna...ang nasa isip niya kaya hindi siya nakatanggi.

Dumating nga ang araw ng linggo, ang binalak na lakad ng mga tauhan ni Arman upang mag videoke

Anupat masayang nagkantahan ang grupo.

"Sir Arman ikaw naman ang kumanta oh!", ang anyaya ng mga tauhan niya.

Si Arman ay may boses din sa pagkanta. Pinili niya ang kanta ni Faith Cuneta na may pamagat na "DI KO NA KAYA" na bagamat pang babae ang kantang iyon ay nakanta naman ni Arman ng maayos.

Tuwang tuwa ang kanyang mga tauhan at pinalakpakan namn siya. Sa totoo lang mula ng maging tauhan ni Arman si Anna ay nagkaroon ng pagbabago sa mga ikinikilos nito hindi tulad ng dati na hindi siya sumasama sa ganoong lakaran.

Ilang beses ding naulit ang pangyayaring iyon at unti unti nagkakaroon na si Arman ng pagtingin kay Anna. Subalit papaano niya iyon masasabi kay Anna...tauhan niya si Anna at kapag ginawa niyang magtapat ng pag-ibig dito ay magiging mahalay para sa kanya.

Madalas maitanong ni Arman sa sarili "Bakit ako nagkakaganito totoo na kayang si Anna ang itinitibok ng puso ko? Subalit ano ang gagawin ko?"

Ang pag-asa na lamang ni Arman ay mapansin siya ni Anna o kaya magkagusto sa kanya upang magkaoon siya ng lakas ng loob na magtapat dito kahit hindi dapat.

Lumipas pa ang mga araw.

Minsan nagkaroon ng outing ang upisina ni Arman. At sa dakong pinuntahan nila habang nagsasaya ang lahat, ang iba ay nagkakatanhan, ang iba ay nagbabasketball, nag ba-voleyball ay hindi pansin ng lahat na si Arman ay laging nakatingin kay Anna.

Kapag nakatingin siya kay Anna ay lumalakas ang tibok ng kanyang puso. At tiyak na siya, iniibig niya si Anna. Kaya nabuo ang balak niya na magtapat ng pag-ibig dito sabihin na kung ano ang sasabihin nila.

Tuluyan na ngang nahulog ang damdamin ni Arman kay Anna at nakalimutan na niya ang dating girlfriend na pinagtaksilan siya. Wala na siya ni katiting na pagmamahal doon.

"Anna hindi ko na mahihintay pa na mapansin mo ako magtatapat ako ng pag-ibig sa iyo ano man ang mangyari basta ang mahalaga ay nasabi ko ang pag-ibig ko sa iyo", ang nasabi na lang ni Arman sa sarili.

Subalit talaga yatang kakambal na ni Arman ang mabigo sa pag-ibig. Isang araw may sumundo kay Anna, ang boyfriend niya. Ipinakilala ni Anna ang boyfriend sa mga ka-upisina niya at maging kay Arman.

Habang nagkakatuwaan ang mga tauhan niya para kay Anna na naririnig ni Arman ay parang pinupunit ang puso nya dahil damdam niya bigo na naman siya....END


AUTORENGEDANKEN
Almario_Aguirre_7837 Almario_Aguirre_7837

Kung minsan dumarating sa isang tao ang mabigo ng minsan o madalas man subalit hindi dapat mawalan ng pag-asa at darating din ang pag-ibig na para sa kanya.

Sa kaso ni Arman ay dapat nagtapat siya kaagad ng pag-ibig kay Anna kahit hindi niya alam ang magiging tugon nito. Basta ang mahalaga ay alam ni Anna ang kanyagn damdamin at bahala na sa mga susunod na hakbang.

Thanks, guys for reading. Please give your comment and rating for this inspiring love story.

Rio Alma

More short inspiring stories are coming, enjoy reading.

Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C20
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen