App herunterladen
51.42% SHORT STORIES (PILIPINO VERSION) / Chapter 18: ITAY LARO TAYO

Kapitel 18: ITAY LARO TAYO

"BOCHOK!! BOCHOK!!" dumating na ang itay mo" ang sigawa ng kalaro ni Bochok.

Tumakbo si Bochok upang salubungin ang itay niya.

"Itay...itay...gutom na ako" ang sabi ni Bochok sa ama ng dumating galing sa trabaho.

Si mang Pedro, ang ama ni Bochok, mula ng iwanan ng kanyang asawa na si aling Inday ay lalong naging bugnutin. Hindi nakayanan ni aling Inday ang ginagawang pagtrato sa kanya at sa anak nilang si Botchok. Ito ang dahilan ng kanyang pag-alis, subalit sa kanyang pag-alis ay iniwan niya si Botchok sa ama nito.

Mula ng lumayas si aling Inday ay naging malungkutin na si Bochok...laging hinahanap ang ina...laging umiiyak.

Sa unang isang taon ng pagsasama nila mang Pedro at aling Inday ay naging maligaya naman sila,, subalit habang tumatagal ay naging bugnutin na si mang Pedro.

Sa loob ng isang taon nilang pagsasama ay nagkaroon sila ng isang malusog na bata. Binigyan nila ito ng pangalang Bochok.

"INDAY!! ang sigaw ni mang Pedro sa asawa, "patahanin mo nga ang bata sa pag-iyak at ako ay nabubuwisit", ang mariing sabi ni mang Pedro.

Walang kibo na tumalima si aling Inday. Hindi na siya sumagot, dahil kapag sumagot pa siya ay mag-aaway na naman sila.

Ngayon ay malaki na si Bochok, limang taong gulang na...siya ay kababakasan ng talino bukod sa pagiging masayahing bata. Subalit sino ang mag-aakala na sa edad niyang limang taon pa lamang ay matitiis siyang iwanan ng kanyang ina.

"Itay nasaan po si inay? Bakit hangga ngayon ay hindi pa siya dumarating?", ang naiiyak na tanong ni Bochok sa ama.

"Tumabi tabi ka nga diyan...huwag ako ang iyong tanungin sa sirang ulo mong nanay", ang galit na sagot ni mang Pedro kay Bochok.

Walong nagawa ang kaawaawang bata kundi pumunta ng kuwarto at umiyak ng umiyak.

Isang umaga na paalis si mang Pedro upang pumasok sa trabaho ay binilinan si Bochok.

"Bochok, aalis na ako at mamaya na ang dating ko...may pagkain diyan...inihanda ko na...at ayoko na kung saan saan ka maglalaro...naiintindihan mo?", ang bilin ni mang Pedro.

"Opo, itay", ang sagot ni Bochok sa ama.

Nang medyo malayo na si mang Pedro ay sumigaw si Bochok sa ama.

"ITAY, INGAT PO KAYO!!"

Napahinto si mang Pedro sa paglakad...nilingon ang anak...at sa pagkakataong iyon ay naantig ang matigas na damdamin ng ama...subalit hindi pinansin ang anak at tumuloy na sa paglakad papalayo.

Nang mawala na sa paningin ni Bochok ang ama ay nagtungo siya sa mesa at hinanap ang pagkaing iniwanan ni mang Pedro.

Tahimilk na kumakain si Bochok ng maalaala ang kanyang ina at hindi napigilan ang kanyang sarili at siya ay naluha.

Ang mga luha ni Bochok habang kumakain ay tumutulo sa kanyang kinakain kaya sa bawat pagsubo niya ay kasamang nakakain ang tumulong luha..

Kaunti lamang ang kinain ni Bochok...tinakpan ang natirang pagkain at nagpunta sa kuwarto at pahikbi hikbing naupo sa isang sulok ng silid, hanggang sa siya ay makatulog doon.

Tangkali na ng dumating si mang Pedro. Kaagad niyang hinanap si Bochok.

Nakita niya ito na nasa isang sulok at natutulog. Lalapitan sana niya ang bata ng ito ay nagising.

Nang makita ni Bochok ang ama ay patakbo itong lumapit at yumakap dito.

"Itay, laro po tayo", ang sabi ni Bochok sa ama.

"Tumabi tabi ka nga diyan, at ako ay napapagod", ang hindi magandang sagot ni mang Pedro sa bata.

Walang nagawa si Bochok sa paglalambing sa ama, kaya tumakbo siya sa labas ng bahay at naglarong mag-isa.

Kinagabihan, napansin ni mang Pedro na walang kibo si Bochok...nilapitan niya ito at ng hawakan niya ay mainit ang katawan. May lagnat ang bata, kaya pinunasan ito ni mang Pedro ng maligamgam na tubig at natulog na siya.

Kinabukasan ay nilalagnat pa rin si Bochok...sinubuan muna ng pagkain ang bata ni mang Pedro at bago siya umalis ay inihabilin sa kapitbahay ang bata.

Naawa ang kapitbahay kay Bochok kaya dinala ito sa center at pinainom ng gamot at pagkatapos ay pinauwi na sila.

Nakalipas pa ang isang araw ay hindi pa nawawala ang lagnat ni Bochok kaya dinala na ito ni mang Pedro sa ospital.

Dalawang araw na si Bochok sa ospital, subalit hindi pa rin nawawala ang lagnat nito kahit patuloy ito sa pag-inom ng mga gamot na ibinibigay ng ospital.

Under observation pa rin sa ospital si Bochok. At habang patuloy siyang sinusuri ay may napansin sila sa ikinikilos ng bata. Takot si Bochok sa tubig at sikat ng araw. Naninigas ang kanang paa niya...hindi siya makalakad.

Kaagad siyang masusing sinuri ng mga doktor at lumabas sa resulta na nag positibo si Bochok sa sakit na 'rabies' na isa ito sa tinatawag na 'end stage disease' at bihira ang nakaliligtas dito.

Ang sakit ni Bochok ay nakuha niya sa pakikipaglaro sa kanilang pusa...nakalmot siya ng pusa na hindi sinabi sa kanyang ama.

Nang ipaliwanag ng mga doktor kay mang Pedro ang sakit ng kanyang anak ay nabigla ito. Nangibabawa ngayon sa kanya ang pagiging ama. Awa ang nadama sa anak, subalit wala na, huli na ang lahat.

At habang pinagmamasdan ni mang Pedro ang bata na tuwid na tuwid na nakahiga sa kama ay hindi niya napigilan ang lumuha. Ang matigas niyang damdamin, ngayon ay unti unting nalulusaw.

At naalala ang asawa niya na si aling Viring. Ngayon niya nadama ang kakulangan ng isang ina sa kanyang si Bochok.

"Viring, kung saan ka man naroroon bumalik ka na, tulungan mo ako kay Bochok...may sakit siya", ang nasabi ni mang Pedro sa mahinang boses.

Lumapit si mang Pedro sa anak. Nakita ni Bochok ang ama, nagpapahid ng luha.

"Itay, bakit ka umiiyak", ang sa mahinang tinig ay tanong ni Bochok sa ama.

"Wala anak, naaalala ko lang ang inay mo" ang sagot na paiwas ni mang Pedro upang itago kay Bochok ang sakit ng kalooban na kanyang taglay ngayon dahil mawawala na ang anak.

"Talaga po itay, mahal mo na si inay?" ang mahina pa ring boses ni Bochok.

"Oo anak, mahal ko kayo ng inay mo...mahal na mahal at hahanapin natin siya" ang umiiyak na tugon ni mang Pedro.

Kahit naghihina na si Bochok ay naipakita pa rin sa ama ang tuwa nito, dahil makikita na niya ang inay niya na matagal din niyang hinahanap.

"Itay, paglabas natin dito ay laro po tayo", ang sa mahinang boses ay ang pagnanais pa rin ni Bochok na makalaro ang itay niya.

"Oo Bochok...oo Bochok!", ang naitugon na lang ni mang Pedro sa anak. Ngayon niya naaalala ang madalas sabihin sa kanya ng anak..."Itay, laro tayo...itay, laro laro"...na paulit ulit niyang naririnig sa anak, subalit huli na.

"Itay, bakit lumalabo na ang paningin ko, halos hindi na kita makita", ang sabi ni Bochok sa ama.

Sa tanong ni Bochok sa ama ay umiyak na ng malakas si mang Pedro. Iyak ng pagsisisi...subalit huli na ang lahat...hindi na sila makapglalaro ni Bochok kahit kailan.

Namatay si Bochok na hindi man lang nakita ang inay niya.

Sa burol ni Bochok ay dumating si aling Viring. Nagn makita ang anak na nasa kabaong ay walang tigil ang pag-iyak niya...na halos magsisigaw siya sa sinapit ng kanyang anak.

Sa galit ni aling Viring ay hinarap ang asawa na nakaupo sa isang tabi na nakayuko ang ulo.

"Ikaw...ikaw ang may kagagawan nito kung hindi dahil sa pagmamalupit mo sa amin ng anak mo ay hindi ko maiisipan ang lumayas", ang mariing sabi ni aling Viring kay mang Pedro na hindi kumikilos sa pagkakaupo.

Ang dating matigas na si mang Pedro noon, ngayon ay parang isang aso na nabahag ang buntot.

Maayos na nailibing si Bochok. Marami ang nakiramay... nagdalamhati sa pagkawala ni Bochok.

Si aling Viring naman ay hindi muna umalis...nagpalipas muna ng isang linggo.

Inaayos na ni aling Viring ang mga dadalhin upang umalis ng makita siya ni mang Pedro.

Lakas loob na lumapit si mang Pedro.

"Viring, alam ko malaki ang galit mo sa akin, subalit nagsisisi na ako...hindi mo na ba ako puwedeng patawarin?", ang pagsusumamo ni mang Pedro.

Hindi kumikibo si aling Viring patuloy ito sa pag-aayos ng kanyang mga dadalhin. Muling nakiusap si mang Pedro at dito inihinto ni aling Viring ang inaayos na mga damit at hinarap si mang Pedro.

At sa mahinang boses ay sinabi ni aling Viring na..."Bakit Pedro, sa akala mo ba magiging masaya pa ang ating pagsasama...wala na si Bochok ko...wala na siya", at napaiyak na si aling Viring.

Niyakap ni mang Pedro ang asawa upang kalamayin sa tindi ng sama ng loob nito.

"Viring, magiging maligaya pa rin tayo...gagawin ko ang lahat para tayo lumigaya", ang sabi ni mang Pedro na bakas ang lubos nitong pagsisisi.

Dahil mahal ni aling Viring ang asawa ay pinatawad niya ito. Muli silang nagsama upang bumuong muli ng maligayang pamilya.

Lumipas pa ang dalawang taon na pagsasama ng mag-asawa at hindi sila nabigo na magiging maligaya ang kanilang pagsasama, dahil muli silang nagkaroon ng anak, at Bochok ang ipinangalan nila dito.

"Viring, pagmasdan mo ang anak natin, kamukhang kamukha ni Bochok...hindi ba?",ang tuwang tuwang sabi ni mang Pedro.

Muling nagbalik ang saya sa pagsasama ng mag-asawa...nilubos ng pangalawa nilang anak.

Lumipas ang limang taon sa muli nilang pagsasama...malaki na rin si Bochok...limang taong gulang na ito at walang pinag-iba sa namatay nilang unang anak na Bochok din ang pangalan.

"itay, laro tayo", ang sabi ni Bochok kay mang Pedro.

Muli naalala ni mang Pedro ang namatay nilang unang anak... at ngayon hindi niya bibiguin ang hiling ng bunso nila...maglalaro sila ng maglalaro...END


AUTORENGEDANKEN
Almario_Aguirre_7837 Almario_Aguirre_7837

Kung minsan nasisira ang pagsasama ng mag-asawa kapag nagkakaroon ng misunderstanding na kung hindi malulutas ay nauuwi sa paghihiwalay.

Sa panig naman nina mang Pedro at aling Viring ay masasabi na kahit dumating sa buhay nila ang pagsubok sa kanilang pagsasama ay muli itong nabuo dahil sa pagpapatawad...ito ang susi.

Guys thank you for reading.

Rio Alma

Another short inspiring story is coming, so enjoy reading. Thanks.

Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C18
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen