Ang pag-ibig sabi ng ilan ay hindi maintindihan...masaya...malungkot...nakababaliw. Subalit mayroon din namang tunay kahit ang kapalit ay buhay.
Isang araw na naglalakad si Benjie patawid sa tulay ng Jones Bridge ng makita niya ang isang babaing aktong tatalon sa tulay...umakyat ito..tumuntong sa gilid at tatalon.
Sumigaw si Benjie upang pigilan ang babae.
"MISS HUWAG KANG TUMALON!!" ang malakas na sigaw ni Benjie.
Subalit tumalon din ang babae kaya walang inaksayang panahon si Benjie at tumalon din siya upang sagipin ang babae. Nasagip naman ni Benjie kaya lang wala itong malay, hawak ni Benjie sa buhok ang babae at inilangoy niya ito hanggang sa tabi ng ilog.
Nang maiahon ni Benjie ang babae ay maraming tao ang nag-usyoso. May dumating din na mga pulis at ambulansya kaya naisugod ang babae sa ospital at siya ay nabuhay naman
Instant sikat si Benjie sa balita kaya naman proud siya sa sarili niya.
"I'm a hero" ang bilib niyang sabi sa sarili niya. Kaya lang ang hindi alam ni Benjie ay magkakaroon pala ang pangyayaring ito ng malaking bahagi sa buhay niya.
Hahayaan na lang sana ni Benjie na kalimutan ang ginawa niyang pagsagip sa babae, kaya lang hindi mawala sa kanyang isip ang babaing sinagip niya at parang interesado siyang malaman kiung bakit ito nagtangkang magpakamatay.
Kaya makaraan ng dalawang araw pinuntahan ni Benjie ang ospital na pinagdalhan sa babae subalit wala na ito sa ospital kaya kinuha na lamang niya ang address nito at nagawa naman niyang puntahan ang bahay ng babae.
Ang bahay ng babae ay sa lugar ng Tondo. Kumatok siya sa pinto at may lumabas na isang matandang babae. Nagpakilala si Benjie na siya ang sumagip sa babaing nakatira sa bahay na iyon. Pinapasok naman siya ng matandang babae saka tinawag ang babaing tinutukoy ni Benjie na anak pala ng matanda.
"Wendy may humahanap sa iyo, yun daw taong sumagip sa iyo sa ilog... Benjie ang pangalan"
Lumabas si Wendy sa silid at hinarap si Benjie.
"Ikaw pala iyong sumagip sa akin" huminto saglit si Wendy at saka nagpatuloy sa pagsasalita "salamat ha...sana hinayaan mo na lang akong malunod" ang malungkot na sinabi ni Wendy.
"Alam ko wala akong karapatang malaman ang dahilan kaya lang puwede ba akong makiusap sa iyo?" ang sabi ni Benjie.
"Ano iyon?" tanong ni Wendy.
"Kung walang magagalit puwede ba akong pumasyal dito sa inyo paminsan minsan?" ang pakiusap ni Benjie na tinatantiya pa kung ano ang isasagot ni Wendy.
"Puwede dahil ikaw ang nagligtas sa akin ay wala naman akong dahilan upang tumanggi sa iyo" ang tugon ni Wendy.
Nang sagipin ni Benjie si Wendy noon ay hindi niya napansin na maganda pala ito, kasi basang basa ito noon at nakasabog ang mahaba nitong buhok. Pero ngayong nakaharap na niya ito at nakaayos ang sarili ay napa 'wow' siya sa sarili...kaya lalo siyang naging interesado na malaman ang dahilan.
Makaraan ang ilang palitan ng salita ay nagpaalam na si Benjie.
"Paano Wendy, na istorbo na yata kita ng husto kaya magpapaalam na ako" ang sabi ni Benjie.
"Hindi naman, sige ingat na lang" ang tugon ni Wendy.
Pinalipas pa ni Benjie ang isang linggo at muli siyang bumalik kina Wendy.
"Ikaw pala Benjie halika tuloy ka" ang sabi kay Benjie ng buksan ni Wendy ang pinto.
"Salamat, heto nga pala kaunting pasalubong" ang wika ni Benjie habang iniaabot ang chocolate kay Wendy.
"Thank you ha, nag abala ka pa" ang tugon ni Wendy.
Hindi malaman ni Benjie kung papaano siya mag uumpisa sa kanyang sasabihin dahil hindi pa niya lubusang nakikilala si Wendy.
Katahimikan ang namagitan sa delawa. Tumingin muna si Benjie kay Wendy at ng magsalubong ang kanilang paningin ay ningitian niya si Wendy at ngumiti din si Wendy.
Si Benjie ang unang bumasag ng katahimikan.
"Alam mo Wendy, noong makita kita na tumalon sa ilog ay hindi na ako nag isip kung marunong nga ba akong lumangoy o hindi, basta sabi ko sa sarili ko ay bahala na...at nag ala superman ako" ang medyo pabirong sabi ni Benjie na nagpangiti naman kay Wendy ng sabihin nitong nag ala superman siya.
"Kung nagkataon pala Mr.Superman na hindi ka marunong lumangoy e di pareho na tayong patay at pinagpipiyestahan ng balita sa dyaryo at telebisyon" ang medyo pabiro ring tugon ni Wendy.
"Oo nga ano? Pero salamat sa iyo, dahil naging bida ako paminsan minsan" at natawa si Benjie.
"Sobra ka naman ginawa mo pa akong dahilan para maging bida ka ha" ang nakangiting tugon naman ni Wendy.
"Wendy puwede ko bang malaman ang dahilan ng iyong tangkang pagpapakamatay?" ang tanong ni Benjie na nag-aalangan sa sarili kung tama ba na alamin niya ang dahilan o hindi.
Biglang nalungkot si Wendy sa tanong ni Benjie, kaya hindi napigilan ni Wendy ang sarili at siya ay naluha.
"Sorry, Wendy...sorry kalimutan mo na ang itinatanong ko masyado akong naging presko" ang paghingi kaagad ng paumanhin ni Benjie.
"Huwag kang mag alala Benjie, sasabihin ko sa iyo ang dahilan tutal ikaw naman ang naging dahilan kung bakit nakaligtas ako sa gagawin ko sanang pagpapakamatay" ang pagsalong tugon ni Wendy sa paghingi ni Benjie ng paumanhin.
At sinabi ni Wendy ang t0toong dahilan na kaya tinangka niyang wakasan ang buhay niya ay dahil sa matinding pighati ng kanyang damdamin mula ng ipagpalit siya ng kanyang boyfriend sa ibang babae na nagkaroon ng malaking sugat sa kanyang puso.
Naging madalas na nga ang pagpunta ni Benjie kay Wendy hanggang sa magkapalagayang loob na sila.
Makalipas pa ang ilang buwan na pagbisita ni Benjie kay Wendy ay unti unting nakararamdam si Benjie na may gusto siya kay Wendy, at ito ang totoong nararamdaman niya, si Wendy ang itinitibok ng kanyang puso.
Kaya ng muling dumalaw si Benjie kay Wendy ay nagtapat ito ng pag-ibig na tinanggap naman ni Wendy.
At dahil sa ang dalawa ay naging magkasintahan na ay lagi na silang magkasamang namamasyal...sabay na kumakain...nanonood ng sine...anupat ang kaligayahan nilang nadarama ay walang pagsidlan sa saya.
Subalit ang hindi alam ni Benjie ay naaalala pa rin ni Wendy ang dating boyfriend nito na hindi niya sinasabi kay Benjie dahil umaasa siya na malilimutan niya ang nagtaksil na boyfriend niya.
Subalit isang araw hindi inaasahan ni Wendy ay biglang dumating ang dating boyfriend nito at nagmamakaawa na patawarin siya.
Dahil hindi pa nawawala ang damdamin nito sa dating boyfriend ay tinanggap niyang muli ito at sila ay nagkabalikan, na hindi naisip ni Wendy si Benjie na siyang boyfriend niya ngayon.
Kaya ng muling dumalaw si Benjie kay Wendy ay lumuluhang ipinagtapat kay Benjie na nagkabalikan sila ng dating boyfriend.
"Benjie patawarin mo ako" ang naiiyak na sabi ni Wendy.
Sa ipinagtapat ni Wendy kay Benjie ay naunawaan naman siya nito dahil sa buhay at pag-ibig niya at sa buhay at pag-ibig ni Wendy ay masasabing sabit lang naman siya sa pangyayari.
Lubhang nasaktan si Benjie sa break-up nila ni Wendy. Ngayon pa na si Wendy ang lahat lahat sa buhay niya subalit ano pa ang kanyang magagawa kundi ang magparaya para sa kaligayahan ni Wendy.
Habang papalayo si Benjie kina Wendy ay pabirong sinabi niya sa sarili "ano kaya kung ako naman ang tumalon sa ilog para magpakamatay, kaya lang marunong akong lumangoy at hindi ako malulunod at tiyak din na walang darating na superman para ako sagipin" at nangiti si Benjie para lang aliwin ang sarili sa kalungkutang nararamdaman.
Nang nakasakay na si Benjie sa jeep upang umuwi na ay tamang tama namang pinatugtog sa car stereo ng jeep ang kantang "SOMEONE'S ALWAYS SAYING GOODBYE" na umantig sa damdamin ni Benjie at ngayon niya nadama ang kirot sa puso niya kaya nasabi niya sa sarili "Bakit Wendy? Bakit pa kaya kita nakilala ngayon pa na minahal na kita ng labis, ngayon pa na nakaukit na ang pangalan mo sa puso ko. bakit? bakit?"
"WHY DO PEOPLE FALL IN LOVE ANG THEY END UP CRYING
WHY DO LOVERS WALK AWAY FROM THEMSELVES
WHEN THEIR HEARTS ARE BREAKING
WHY DOES LOVING SOMETIMES NEVER STAY LONG
WHY DOES KISSING THIS TIME MEAN YOU'LL BE GONE
WHY DOES GLADNESS BECOME SADNESS THINGS THAT I DON'T GET"
Nakauwi na nga si Benjie sa kanila. Kumain lang ng kaunti at pumunta na sa kuwarto upang matulog. Subalit hindi siya makatulog kahit nakapikit ang kanyaang mga mata. Pabaling baling siya sa higaan at hindi naiwasan ni Benjie na isubsob ang mukha sa unan at umiyak siya.
Masakait para kay Benjie ang pangyayaring nabigo siya kay Wendy, ang babaing buong puso niyang inibig subalit kasawian lang pala ng puso niya ang mangyayari.
Sa upisina na pinapasukan ni Benjie ay napapansin siya ng mga kasama niya na parang wala sa sarili. Tahimik lang siya na kung hindi siya kausapin ay malabong siya ang mag umpisang kumausap sa kanila.
"Benjie napapansin ko nitong nakaraang araw na parang matamlay ka bakit may sakit ka ba?" ang tanong ng kaupisina niya.
"Oo pare isang kabiguan sa buhay ko na hindi ko matanggap" ang tugon ni Benjie.
"Ganito na lang pare, mamaya paglabas natin ng upisina ay mag inom muna tayo kahit tig-isang beer lang para hindi tayo malasing" ang yaya ng kaupisina niya.
After office hour nagpunta nga sila sa isang videoke bar at nag order ng dalawang boteng beer.
"O pare uminom muna tayo at pag-usapan natin ang problema mo" ang sabi ng kasama ni Benjie.
Ikinuwento nga ni Benjie sa kasama niya ang pangyayari at ng nararamdaman na ni Benjie na nagsisikip ang kanyang dibdib dahil sa sama ng loob niya ay hindi na siya nakapagpatuloy.
"Talagang ganyan ang pag-ibig, bayaan mo makatatagpo ka rin ng higit pa sa kanya. Ang beer mo pare inumin mo na" ang sabi ng kasama niya.
Ibinigay ni Benjie sa kasama ang bote ng beer at sinabi niya na siya na lang ang uminom dahil masama ang pakiramdam niya.
Ang pinapasukang upisina ni Benjie ay malapit lang sa Jones Bridge, kaya kapag uwian na ay tinatawid lang niya ang tulay para makasakay ng jeep pauwi sa kanila.
Lumipas pa ang isang buwan at tuwing dumadaan si Benjie sa tulay ng Jones Bridge ay humihinto muna siya sa lugar na kung saan tumalon si Wendy upang gunitain ang mga nangyari.
"Wendy bakit pa kita nakilala, papaano ko magagawang limutin ang maliligayang sandali na kasama ka, papaano ko buburahin ang pangalan mo na nakaukit na sa puso ko, ikaw ang mundo ko sa bawat araw, sa bawat oras, sa bawat sandali. Gustuhin ko mang limutin ka subalit papaano?" ang punong puno ng paghihinakit na sinabi ni Benjie habang nakatingin sa tubig sa ibaba at parang kitang kita pa niya ang larawan ng mga pangyayari.
Sa kabilang dako, si Wendy at ang dating boyfriend ay laging namamasyal, sabay kumakain sa mga sikat na fast food chain, nanonood ng sine, subalit ang hindi niya maintindihan sa kanyang sarili kung bakit si Benjie ang iniisip pa rin niya. At sa kanyang pag-iisa ay hindi mawala si Benjie sa isip niya at naitatanong na lang niya sa sarili na "kumusta na kaya siya, bakit siya pa rin ang iniisip ko, mayroon na kaya siyang ibang katipan o kaya ay may asawa na siya?"
Tumagal din ng dalawang buwan ang ganitong kalagayan ni Wendy na si Benjie pa rin ang hinahanap niya kahit magkasama sila ng dating boyfriend na ngayon ay bumalik sa kanya.
At dahil sa nararamdaman ni Wendy ay hindi na niya kayang lokohin pa ang kanyang sarili, mahal niya si Benjie, kailangan niya si Benjie at ito ang totoo niyang nararamdama.
"Benjie kailangan kita sa buhay ko, subalit papaano kung hindi na kita puwedeng mahalin dahil mayroon ka ng iba" ang mga katanugan sa sarili ni Wendy na pumipigil dito upang hangarin pa niya na si Benjie pa rin sa buhay niya.
Dahil hindi na matagalang lokohin pa ni Wendy ang sarili ay nakipaghiwalay na siya sa boyfriend niya kahit alam niya na malabo na silang magkabalikan ni Benjie.
Nang makipaghiwalay si Wendy sa boyfriend niya ay wala siyang pinagsisisihan, dahil nawala na ang kanyang feeling dito, lalo na kapag naiisip pa niya na pinagtaksilan siya nito noon, tuluyan na ngang nawala ang damdamin niya dito.
Lumipas pa ang mga araw mula ng makipaghiwalay si Wendy sa boyfriend niya ay paminsan minsan tulad ng ginagawa ni Benjie, ay pumupunta siya sa tulay ng Jones Bridge upang kahit papaano ay gunitain ang pangyayari noon na naging dahilan upang makilala niya si Benjie.
Kahit ganito ang paminsan minsang ginagawa ni Wendy, ang pumunta sa tulay ng Jones Bridge ay hindi pa rin sila magkatagpo ni Benjie doon, maaaring hindi pa panahon.
Talagang hindi pa yata puwedeng pagtagpuin ang dalawang puso na ngayon ay labis na nagmamahal sa isang wala naman dahil kaalis lang ni Wendy sa tulay ay siya namang pagdating ni Benjie at tulad ng dating ginagawa ay hihinto sa lugar na kung saan tumalon si Wendy.
Isang araw ng uwian nila Benjie at habang tinatawid niya ang tulay ay may namataan siya na isang babae na nakatayo sa lugar na kung saan tumalon si Wendy.
Nakiramdam muna si Benjie, huminto siya sa paglakad at tinitingnan kung ano ang gagawin ng babae, baka tatalon ang nasa isip niya. Subalit ng matiyak niya na hindi ito tatalon ay nagpatuloy siya sa paglakad at ng mapalapit siya sa babae ay hindi siya maaring magkamali, si Wendy ang nakikita niya ngayon.
Mabilis na lumapit si Benjie kay Wendy na nakatingin sa malayo.
"WENDY!!" ang napalakas na tawag ni Benjie.
Nagulat si Wendy at ng lumingon ito ay si Benjie ang nakita niya. Hindi alam ni Wendy ang gagawin, nag atubili siya na tumakbo kay Benjie at yumakap dito, dahil iniisip niya na baka hindi na puwede dahil hindi na malaya si Benjie at mapahiya siya. Kaya pinigilan muna ni Wendy ang bugso ng kanyang damdamin.
"Wendy bakit ka narito sa lugar na ito" ang tanong ni Benjie kay Wendy na may halong pagtataka.
"Benjie lagi ako dito mula ng makipag'break'ako sa boyfriend ko. Pasensya ka na sa nangyari sa atin ha? Kumusta ka na may-asawa ka na ba?" ang tanong ni Wendy kay Benjie na parang naniniyak kung puwede pang mahalin si Benjie o hindi na.
Hindi kaagad nakasagot si Benjie sa tanong ni Wendy dahil kapag sinabi niyang 'wala pa' ay tiyak na kanyang kanya na si Wendy at hindi na niya ito pakakawalan kahit anong mangyari.
At ganoon nga ang nangyri, muli silang nagkabalikan at nagyakapan ng mahigpit na para bang hindi na magkakalas sa pagkakayakap kahit pinanonood sila ng maraming taong nagdaraan sa tulay....END
Mahiwaga talaga ang pag-ibig. Ganito ang nangyari kina Benjie at Wendy. Sinubok muna ng tadhana bago naging maligaya sila sa bagong pa-ibig.
Sana nagbigay ito ng inspirasyon sa mga nakabasa.
Salamat guys!
Rio Alma
More short stories are coming, so enjoy reading.