Sa isang bayan sa probinsya ng Pangasinan ay may mayamang mag-asawa na may anak ng batang lalake na nasa walong taong gulang.
Sila sy sina mang Julio at aling Viring na may anak na isang batang lalake na si Carlo, ang nag-iisa nilang anak.
Ang mag-asawa ay parehong negosyante kaya kadalasan ang tumitingin kay Carlo ay mga katulong. At isa sa mga katulong na pinagtiwalaang tumingin kay Carlo ay si aling Gloria.
Maganda ang bahay ng mag-asawang mang Julio at aling Viring. Malaki ito at dalawang palapag. Sa paligid ay natatamnan ng magagandang halaman. Dalawa ang kotse na kanilang ginagamit na pawang mga bago kaya kung sino ang uuri kina mang Julio at aling Viring kung sa pamumuhay din lamang ay masasabing nakaaangat sila sa karaniwan sa kanilang lugar.
Dahil nga mga negosyante ang mag-asawa ay kadalasan nawawalan sila ng panahon sa mahahalagang bagay sa kanilang buhay tulad na lang sa anak nilang si Carlo.
Si Carlo ay isang batang matalino at laging nangunguna sa test nila sa school. Subalit kahit magaqnda ang standing ni Carlo sa skwelahan ay hindi pa rin siya masaya dahil hinahanap pa rin niya ang attenTon ng kanyang mga magulang sa kanya.
"Inay Gloria nasaan po sina papa at mama?"ang tanong ni Carlo kay aling Gloria ng magising siya isang umaga.
"Tulog ka pa ng umalis silang dalawa papunta ng upisina dahil may meeting sila" ang tugon ni aling Gloria.
"Kasi po sinabi ko kay mama na may meeting ang mga magulang sa school namin ngayon po" ang malungkot na sabi ni Carlo kay aling Gloria.
"Ah oo sabi ng mama mo ako na raw ang sasama sa iyo sa school" ang tugon ni aling Gloria.
Nagdamdam si Carlo kasi ni minsan ay hindi pa niya nakasama ang mama niya sa school lalo na sa mga meeting ng mga magulang hindi tulad ng ibang kaklase niya na sinasamahan sila ng kanilang mga magulang.
"Inay Gloria mahal po ba ako nina papa at mama ko?" ang tanong ni Carlo na may halong hinanakit sa kanyang pananalita.
"Siyempre naman Carlo mahal ka nila at ang ginagawa nilang pagsisikap ay para din sa iyo"ang paliwanag ni aling Gloria.
"Eh bakit po wala silang panahon sa akin. Sa school nga po ay tinutukso nila ako na wala daw akong mama" ang sabi ni Carlo na punong puno ng hinanakit sa kanyang pagsasalita.
"Naku huwag mo silang pansinin ang mahalaga ay pagbutihin mo ang pag-aaral mo upang kung matataas ang grado mo matutuwa ang mga magulang mo sa iyo". ang tugon ni aling Gloria.
"Opo inay Gloria ako po ang nakakuha ng pinakamataas na grado sa test po namin" ang may pagyayabang ng natutuwang si Carlo.
"Ayan matutuwa ang mama at papa mo ang galing galing mo anak" ang natutuwang tugon ni aling Gloria.
Lumipas pa ang mga araw at habang nagbibihis ang mama ni Carlo ay nilapitan siya ng batang si Carlo upang ipakita ang mataas na grado na kanyang nakuha sa test sa school.
"Mama!! Mama!! may ipakikita po ako eto po oh mga grado ko sa test namin matataas po ang nakuha ko" ang natutuwang sabi ni Carlo habang iniaabot sa mama niya ang kanyang test paper.
"Ganoon ba anak sige mamaya ko na titingnan itago mo muna at nagmamadali kami ni papa mo" ang tugon ni aling Viring sa anak.
Ang kasabikan ng bata na sana sa ganoon man lang na bagay ay mapansin siya ng kanyang mama at papa niya ay nauwi sa kalungkutan. Umalis siya na masama ang loob at bumalik si Carlo sa kanyang kuwarto at umiyak ng umiyak.
Isang araw ng umaga habang nagbabasa ng dyaryo si mang Julio ay nilapitan siya ni Carlo.
"Papa wala po akong pasok bukas sa school namin mamasyal po tayo" ang sabi ni Carlo sa papa niya.
"Sige anak tutal Sabado naman bukas eh saan mo ba gustong tayong mamasyal?" ang tanong ni mang Julio sa anak.
"Sa SM po papa..sa SM" ang tuwang tuwang sagot ni Carlo.
"Sige mamasyal tayo at kakain at ibibili ka namin ng mama mo ng bagong damit" ang binitiwang pangako ni mang Julio.
Tuwang tuwa si Carlo kaya takbo siya kay aling Gloria.
"Yeheyyy!! inay Gloria mamamasyal po kami bukas sa SM sama ka po ha?" ang halos hindi maipaliwanag na katuwaan ng batang si Carlo sa pagbabalita kay aling Gloria.
"Anong sabi ko sa iyo Carlo hindi ba mahal ka ng papa at mama mo?" ang sabi ni aling Gloria kay Carlo.
"Opo nga po inay Gloria mahal ako ng papa at mama ko" sagot ni Carlo.
Maagang kumain si Carlo upang matulog siya ng maaga upang magising ng maaga sa kinabukasan.
Dumating sng bukas at maagang nagising si Carlo.
"Inay Gloria magbihis na po kayo at magbibihis na rin po ako pupunta tayo sa SM" ang masiglang sabi ni Carlo kay aling Gloria.
"Eh Carlo maagang umalis ang papa at mama mo tumawag kasi ang upisina nila at may problema daw sa isang customer na nagrereklamo sa idedeliver na mga produkto" ang malungkot na sabi ni aling Gloria kay Carlo.
Ang pananabik ni Carlo na makasama niyang mamasyal ang papa at mama niya ay muling nabigo. At ang bagay na ito ay malabis niyang dinamdam.
Isang araw nakita ni aling Gloria na malungkot si Carlo.
"Carlo bakit ka malungkot? Kung ang iniisip mo ay tungkol sa papa at mama mo ay huwag kang mag-alala at makikita mo isang araw ikaw na mismo ang yayayain nilang mamasyal" ang may malasakit na sabi ni aling Gloria kay Carlo ng makita niya itong nakadungaw sa bintana na parang may malalim na iniisip.
"Inay Gloria puwede nyo po ba akong samahan sa tindahan kasi po gusto ko kayong ibili ng chocolate" ang pakiusap ni Carlo.
"Naku huwag na, itong bata na ito oo" ang sabi ni aling Gloria na may pagtutol.
Dahil mapilit si Carlo ay naawa naman si aling Gloria at sinamahan niya ito.
Sa tindahan.
"Ang dami mo namang binili Carlo sa akin ba itong lahat"ang natutuwang sabi ni aling Gloria.
Pagkauwi sa bahay ay binalot ni Carlo ang mga binili niyang mga chocolate at pagkabalot ay nagpunta kay aling Gloria at kinausap ito.
"Inay Gloria ito pong isa ay sa inyo at itong isa po ay para kina papa at mama pakibigay na lang po pagdating nila kasi po baka tulog pa po ako kapag sila ay dumating" ang may halong lungkot sa mga salita ni Carlo na para bang nagpapaalam na ito.
Hindi gaanong pinansin ni aling Gloria ang ikinikilos ni Carlo at inisip na lamang niya na gustong bigyan ng chocolate ang papa at mama niya upang matuwa sila kay Carlo.
"Naku ang batang ito talagang napakabait matutuwa ang papa at mama mo dito" ang nasabi nalang ni aling Gloria na sa kanyang pagsasalita ay naroroon ang awa sa bata.
"Sige gagawin ko ang bilin mo at salamat dito sa chocolate ha?" ang nakangiting sabi ni aling Gloria.
"Inay Gloria gutom na po ako kain na tayo" ang sabi ni Carlo.
"Sige kain na tayo at ipinagluto kita ng paborito mong ulam at tiyak mabubusog ka" ang masiglang sagot ni aling Gloria.
Pagkakain.
"Ang sarap talaga ninyong magluto inay Gloria at salamat po kasi ang bait bait po ninyo sa akin" ang may papuring sabi ni Carlo kay aling Gloria.
"Ikaw bata ka binola mo na naman ako ha?"at natawa siya na natutuwa kay Carlo.
Dahil sa sinabi ni Carlo kay aling Gloria ay nilapitan niya ito at hinalikan sa ulo. At sa paghalik ni aling Gloria kay Carlo ay hindi niya naiwasan na tumulo ang kanyang luha dahil napamahal na sa kanya si Carlo lalo na nag-iisa na siya sa buhay at hindi naranasan ang magkaroon ng isang apo.
"Inay Gloria matutulog na po ako huwag po ninyong kalilimutan ang bilin ko po ho inay Gloria?" ang muling pagbibilin ni Carlo kay aling Gloria upang masiguro niya na makararating ang chocolate sa papa at mama niya.
"Oo na ang kulit kulit mo" ang nakatawang sabi ni aling Gloria.
At nagtungo na si Carlo sa kanyang kuwarto isinara ang pinto at nahiga na sa kanyang kama.
Mag-uumsga na ng dumating ang papa at mama ni Carlo na mukhang pagod na pagod
"Aling Gloria si Carlo po" tanong ni aling Viring.
"Natutulog pa po" ang sagot ni aling Gloria.
Naalala ni aling Gloria ang bilin ni Carlo at kinuha ang chocolate at ininigay sa amo niya.
"Misis ipinabibigay po ni Carlo sa inyo itong chocolate..binili niya po ito kanina sa tindahan" ang sabi ni aling Gloria.
"Sige ilapag mo na lang dyan sa mesa" ang sabi ni aling Gloria habang inaayos ang dalang mga gamit.
Dahil madilim dilim pa ay natulog muna ang mag-asawa.
Alas otso na ng umaga ay hindi pa lumalabas sa kuwarto si Carlo hindi tulad ng dati na maaga itong lumalabas ng kanyang kuwarto at hinahanap na ang kanyang mama at papa.
Pinuntahan ni aling Gloria ang batang si Carlo upang gisingin subalit ng gigisingin na niya ito ay napansin niyang bumubula ang bibig nito.
Nagsisigaw si aling Gloria na tumatakbo sa papa at mama ni Carlo at sinabi ang lagay ni Carlo kaya naisugod kaagad sa ospital subalit wala na itong buhay.
Lumabas sa resulta ng pagsusuri na may ininom si Carlo na lason na siyang ikinasawi nito.
Lungkot na lungkot ang papa at mama ni Carlo sa kanyang pagpanaw at ngayon sila nagsisisi sa hindi pagpansin sa kanilang anak. Kaya pala sila ibinili ng bata ng chocolate ay regalo niya dahil mawawala na siya.
Lumapit si aling Viring sa kabaong ng anak at umiyak ng umiyak habang nakayakap sa kabaong. Nilapitan siya ni mang Julio hinawakan sa balikat.
"Viring wala na tayong magagawa baka makaapekto sa kalusugan mo ang sobrang pagdadalamhati mo" ang sabi ni mang Julio habang pinapayapa ang asawa.
Matapos ang ilang gabing paglalamay ay maayos namang nailibing si Carlo at sa bahay ay dama ng lahat ang sobrang kalungkutan lalo na kay aling Gloria na hindi niya akalain na ang pagbibigay sa kanya ng chocolate ni Carlo ay isang pamamaalam na sa kanya.
Isang araw habang nililinis ni aling Gloria ang kuwarto ni Carlo ay may nakita itong nakatuping papel na may nakasulat sa ibabaw na 'Papa Mama' kaya dali daling ibinigay sa mag-asawa at ng mabasa ang sulat ni Carlo ay umantig sa puso at damdamin ng mag-asawa at napagtanto nila ang naging pagkukulang nila sa anak subalit wala na silang magagawa pa.
Ganito ang nilalaman ng sulat ni Carlo.....
"MAMA, MAHAL NA MAHAL KO PO KAYO NI PAPA..INGATAN PO NINYO ANG INYONG SARILI..HUWAG PO KAYONG MAGKAKASAKIT..ALAM MO MAMA KAPAG UMAALIS KAYO NI PAPA NA NAKASAKAY NA SA KOTSE AY TINATANAW KO PO KAYO AT SASABIHIN KO KAY LORD INGATAN KAYO NI PAPA..AT KAPAG NAKAUWI NA KAYO NI PAPA SA BAHAY NA MASAYANG DUMATING AY SASABIHIN KO PO KAY LORD SALAMAT ININGATAN MO PO SINA MAMA AT PAPA..
MAMA KUNG NASA HEAVEN NA PO BA AKO MAMIMIS NYO PO BA AKO NI PAPA?..IYON PONG CHOCOLATE NA BINILI KO PARA PO SA INYO NI PAPA SANA PO NAGUSTUHAN NYO PO..SALAMAT PO MAMA..SALAMAT PO PAPA..PAALAM NA PO INGAT PO KAYO LAGI...CARLO.".......END
Sana ang kuwentong ito ay nagbigay ng inspirasyon sa mga makababasa lalo na sa mga magulang na may mga anak na dapat bigyan ng pansin habang sila ay lumalaki.
Kailangan ang masusing pagsubaybay at pagpapakita ng attenti0n sa kanilang mga anak.
Thanks guys sa pagbasa sana nagustuhan ninyo.
Rio Alma
More short stories are coming. so enjoy reading.