Taong 1945 ng ikasal sina Marlon at Luisa na pagkatapos ng kasal at papunta na sa kanilang honeymoon ay nagkaroon ng aksidente.
Wasak ang bridal car ng bagong kasal ng banggain ito ng rumaragasang trailer truck.
On the spot patay ang bagong kasal na sina Marlon at Luisa. Halos hindi makilala ang kanilang mga bangkay.
Sa lamay ng dalawang namatay na bagong kasal.
"Kawawa naman sila ano? Ang babait pa naman at alam ng maraming tagarito ang matamis nilang pagmamahalan bilang magkasintahan" ang maririnig na pinag-uusapan ng mga naglalamay.
"Ang balita ko doon sila ililibing sa may paanan ng bundok" ang sabi ng isa sa naglalamay.
Matapos nga ang isang linggong paglalamay ay dinala ang kanilang bangkay sa may paanan ng malakng bundok sa burol at inilibing sa tabi ng malaking bato na kanilang naging saksi sa kanilang pagmamahalan noong sila ay nabubuhay pa. Katunayan nga inukit nila sa malaking bato ang kanilang pangalan na nakapaloob sa inukit na korteng puso.
Kaya ang pangalanng MARLON LUISA na nakaukit sa malaking bato ay isa na ngayong kasaysayan sa tagaroon na madalas pag-usapan.
Pagkalipas ng limampung taon ay muli silang nabuhay sa katauhan nina Herardo at Raquel.
Bago ang aksidente noong taon na iyon ay masaya ang magkasintahan. Punong puno sila ng mga pangarap sa buhay, kung ilan ang gusto nilang anak na pupuno ng isang masayang pamilya.
"Luisa bukas pumunta tayo sa burol sa paanan ng malaking bundok. Magdala tayo ng mga pagkain" ang sabi ni Marlon kay Luisa.
"Sige Marlon para makasagap na rin ako ng sariwang hangin" ang masayang tugon ni Luisa.
Kinabukasan, maaga pa lang ay nagsimula na silang maglakad papunta sa burol sa paanan ng malaking bundok.
"Hayyy! ang sarap ng simoy ng hangin dito ano Marlon?"
"Ah oo at marami tayong mga naririnig na iba't ibang huni ng ibon" ang tugo niya.
"Tingnan mo Marlon ang mga paligid maraming Puno na nagbibigay ng lilim"
"Oo at kapag tumingin ka naman sa kapatagan makikita mo ang mga nagtatanim ng palay"
"At sa malayong dako ng kapatagan ay ang malawak na karagatan" ang sabi ni Luisa.
Anupat ang bayan nina Marlon at Luisa ay masasabing napakaganda kung ihahambing sa ibang bayan na karatig nila.
"Luisa iukit natin ang ating mga pangalan sa malaking bato na ito bilang saksi ng ating pagmamahalan" ang sabi ni Marlon.
"Sige at umukit din tayo ng malaking korteng puso na nakapaloob ang ating mga pangalan" ang mungkahi ni Luisa.
"Maganda ang naisip mo, sige gawin natin" ang sabi ni Marlon.
Matapos iukit ng dalawa ang kanilang mga pangalan ay nagsumpaan sila.
"Luisa ang lugar na ito ang magiging saksi sa ating pagmamahalan kahit papaghiwalayin tayo ng kamatayan"ang sabi ni Marlon na sa bawat pagsasalita niya ay tagos sa kanilang mga puso.
"Oo Marlon at dito rin sa lugar na ito tayo magkikita kahit patay na tayo" ang madamdaming sagot ni Luisa.
Anupat nabuo ang sumpaan nila sa isa't isa.
Lumipas pa ang mga araw at nagpasya sila Marlon at Luisa na magpakasal. At taong 1945 April 15 ay ikinasal ang dalawa.
Ang kasalang iyon ang pinakamasayang nangyari sa baryong iyon. Maraming dumalo halos buong baryo at nasabi ng ilan na parang piyesta ng bayan sa tuwa at kasiyahan ang lahat.
Natapos ang pagdiriwang ng kasal. Nakahanda na ang bridal car na magdadala sa kanila sa pagdarausan ng kanilang honeymoon.
Binabagtas na ng kanilang sasakyan ang kahabaan ng hi-way ng bigla.
"Skrithcccccc!! BLAG!! BLAG!!" ang malakas na tunog ng dalawang nagbangaang sasakyan.
Nagpagulong gulong ang sinasakyan ng bagong kasal at halos nawasak na mabuti.
Maraming nagdatingan at ng tingnan nila ang dalawang sakay na sina Marlon at Luisa ay wala ng mga buhay at halos hindi na makilala..
Nakalulunos ang sinapit ng bagong kasal na sina Marlon at Luisa noon.
Ang pangyayaring iyon ay halos nalimot na ng mga tagaroon dahil sa tagal na rin ng panahon. At iilan na lamang sa tagaroon ang nakakaalam dahil wala na ang mga nabubuhay noon na nakasaksi sa malagim na kasaysayan nila Marlon at Luisa.
Lumipas ang limampung taon mula noon.
Sa isang lugar sa Maynila ay may mga kalalakihan na nagiinuman at nagkakasayahan.
Isa sa mga kalalakihan doon ay si Herardo.
"Ano Herardo inom pa ang hina mo naman eh" ang sabi ng kainuman ni Herardo.
"Mga pare lasing na ako, hindi ko na kaya uuwi na ako. Happy Birthday na lang pare" pagkasabi ni Herardo ay nagpaalam na siya.
"Ikaw talaga iiwanan mo na naman kami sige ingat ka na lang at baka makasalubong ka ng maligno" at nagtawanan ang grupo.
Lumakad nga si Herardo na medyo umiikot pa ang paningin ng bigla isang kotse ang rumaragasang tumatakbo.
"Skritccccc!!
Sa pagkabigla ni Herardo ay natumba ito.
May bumaba sa tumigil na kotse,isang magandang babae.
"Hoy! Ikaw ha kung gusto mong magpakamatay ay huwag mo akong idamay" ang sumbat ng babaing maganda.
"Pa..pa..sensya na magandang miss dapat sa susunod na magmaneho ka dahan dahan ka lang magpatakbo pwede ba?" ang sagot ng lasing na si Herardo.
"Ah ganoon ikaw pa ang may ganang manermon eh ikaw ang kung lumakad ay pasuray suray" ang halos pagalit na wika ni Raquel.
Sa buwisit ni Raquel ay umalis na lang ito ayaw niyang makipag usap sa isang lasing.
Ng nakaalis na si Raquel at mahinang pinatatakbo niya ang kotse ay nagtataka sa sarili kung bakit parang pamilyar sa kanya ang lalaking muntik na niyang mabangga.
"Sino kaya siya at parang nagkatagpo na kami hindi ko lang matandaan kung saan" ang nasa isip ni Raquel habang nasa harap ng manibela.
"Sayang maganda pa naman kaya lang suplada hindi man lang nag sorry sa akin" ang bulong sa sarili ng lasing na si Herardo.
Subalit kahit lasing si Herardo ay malinaw pa rin ang kanyang pag-iisip.
"Saan ko kaya siya nakilala at pamilyar sa akin ang mukha niya..saan nga kaya?.
Kinabukasan ng mahimasmasan si Herardo ay ang magandang babae ang laman pa rin ng kanyang pag-iisip. Kung sino siya at saan sila nagkakilala nito. "Hayyy!! masisira ang utak ko kapag siya ang iisipin ko sa buong maghapon at hindi ako magpapakaloko sa kanya..ano ako baliw sa kaiisip kung sino siya".
Inalis na rin ni Herardo sa utak at isipan ang magandang babaing driver ng kotse. Subalit, hindi niya maloko ang kanyang sarili na paminsan minsan ay sumasagi pa rin sa kanyang isip ang magandang babae na muntik ng sumagasa sa kanya.
"Hernando sama ka sa akin sa Linggo sa probinsya dadalaw ako sa lola ko" ang yaya ng kaibigan niyang si Mauro.
"Mabuti pa nga at mabawasan ang laman ng utak ko sa kaiisip. Gusto kong mag relax paminsan minsan" ang masayang pagsang-ayon ni Herardo.
"Good, sa linggo maaga tayong magbibiyahe para maaga tayong makarating sa probinsya namin" ang natutuwang tugon ni Mauro.
"At tiyak kang mag-eenjoy dahil magaganda ang mga tanawin doon.;.maliligo pati tayo sa dagat..mamamasyal tayo sa mga lugar na may kasaysayan sa baryo namin" ang sabi ni Mauro na sa pagsasalita niya ay totoong napakanganda ng lugar nila.
Kinalingguhan maagang umalis ang magkaibigan.
Sumakay sila ng bus patungo sa probinsiya ni Mauro. Habang tumatakbo ang bus ay nakatulog si Mauro subalit si Herardo ay gising na gising dahil nasa isip niya ang magandang babae.
"Bakit ako nagkakaganito sino ba siya at bakit kung saan ako magpunta ay siya ang aking iniisip" ang bulong ni Herardo sa sarili.
Nasa ganoon siyang sitwasyon ng pag-iisip sa babaing muntik ng sumagasa sa kanya ay nakatulog si Herardo.
Malalim ang pagkatulog ni Herardo hanggang nanaginip siya at lumitaw sa kanyang panaginip ang isang pangyayaring nakasakay daw siya sa kotse ng biglang mabangga ang kotseng kanyang sinasakyan at siya ay napasigaw ng malakas.
"AHHHH!! AHHHHHHH!!" ang biglang sigaw ni Herardo na nakagulat sa mga pasahero.
"Herardo ano ka ba bakit ka sumigaw" tanong ni Mauro ng magising.
Humingi si Mauro ng paumanhin sa mga pasero para kay Herardo.
"Pasensya na..pasensya na po nanaginip lang ang akng kasama" ang sabi ni Mauro sa mga nakasakay sa bus.
Hawak ni Herardo ng dalawa niyang kamay ang kanyang ulo parang nakadama siya ng isang uri ng sakit sa ulo niya. Hindi niya alam pero ang napanagnipan niya na pagbangga sa kotse na kanyang sinasakiyan sa panaginip ay nagkaroon ng malakas na impact sa utak niya.
Hindi pa makausap ng maayos si Herardo ni Mauro dahil parang wala pa ito sa huwisyo.
"Ano Herardo ayos ka na? Malapit na tayong dumating sa probinsiya namin mga isang oras na lang" ang sabi ni Mauro sa kaibigan na unti unti ng nagkakamalay kung baga sa pagkakabagok ng ulo.
"Pare pasensya na nakaistorbo ako sa mga pasehero" ang paghingi ng paumanhin ni Herardo.
"Ano ba ang napanaginipan mo?"
"Hindi ko pa rin masabi pero parang totoo ang panaginip na iyon at may kasama ako sa kotse hindi ko alam kung sino siya" ang paliwanag ni Herardo.
May isang oras pa sila bago makarating kaya ikinuwento ni Herardo ang nangyari sa kanya ng babaing muntik ng bumundol sa kanya noong isang gabi na siya ay papauwi sa kanila na lasing.
"Naku ha Herardo Baka na in love at first sight ka" ang pabirong wika ni Mauro.
"Hindi pare parang ng makita ko siya ay parang matagal ko na siyang kakilala" ang tugon ni Herardo.
"Pare lasing ka lang noon mabuti pa huwag mo na siyang isipin" ang sabi ni Mauro na nakatawa.
Dumating na ang bus sa terminal.
"Paki check ang mga dala ninyo baka may makalimutan kayo" ang sabi ng kundoktor sa malakas na boses.
""Eto na tayoooo!" sabi ni Mauro pagkababa ng bus "wow ang sarap talaga ng hangin sa probinsya hindi tulad sa Maynila ano Herardo?" ang patuloy na sabi ni Mauro.
"Oo nga mukhang mag eenjoy ako dito" sagot ni Herardo "at baka mawala sa utak ko iyong supladang magandang babae na iyon na muntik ng pumatay sa akin" ang patuloy ni Herardo.
Sumakay ang dalawa ng tricycle at habang daan ay kitang kita ni Herardo ang kagandahan ng paligid. Maraming puno..malamig ang simoy ng hangin..at sa palayan ay tanaw ang mga nagtatanim ng palay. At dahil sa ganda ng mga nakikita ni Herardo ay saglit niyang nalimutan ang magandang babae na si Raquel.
"LOLA!! LOLA!! ANDITO NA KAMI!!" ang sigaw ni Mauro habang papalapit sila.
"Magandang hapon po lola" ang magalang na pagbati ni Herardo sabay kuha ng kanang kamay at nagmano ito.
"Sige na mga iho at pagkakain ay magpahinga na kayo" ang tugon ng lola ni Mauro.
"Opo lola" sagot ng dalawa.
"Ipapasyal kita pare bukas sa magagandang tanawin dito sa aming lugar hanggang doon sa burol sa paanan ng malaking bundok..magdadala tayo ng beer para masarap magpahangin doon habang umiinom..ilang bote lang naman para hindi tayo malasing" ang sabi ni Mauro.
"Okey yan maganda yan sige tiyak akong mag eenjoy ng husto bago tayo bumalik sa Maynila"ang nakatawang tugon ni Herardo.
Kinabukasan maagang gumising ang magkaibigan at matapos mag almusal ay inihanda ang mga dadalhin nila.
Habang naglalakad ang dalawa ay totoong namangha si Herardo sa mga nakikita niya sa dinaraanan nila.
"Tama ka Mauro ngayon lang ako nasiyahan mabuti niyaya mo ako dito sa inyo" ang sabi ni Herardo
"O ano ang sabi ko sa iyo hindi ba maganda dito sa aming lugar" ang masayang sabi ni Mauro.
Dumating sila sa burol sa paanan ng malaking bundok at ng naroroon na sila ay may napansin si Herardo.
"Mauro punta tayo sa banda roon sa malaking bato" ang yaya ni Herardo kay Mauro.
Nang malapit na sila ay nagtataka si Herardo bakit parang pamilyar sa kanya ang lugar na iyon samantalang ngayon lang siya nakarating dito sa bayan nina Mauro.
At ang malaking bato na nakikita niya parang nakita na niya ito pero bakit ito ang pumapsok sa kaniyang utak. Parang may nagsasabi sa kanya na dito ang naging sumpaan nila ni Luisa.
"Sinong Luisa iyon na nasa aking isip? Sino siya? Ah ako ay nahihiwagaan" ang bulong ni Herardo sa sarili.
"Hoy!! Herardo ano ka ba bakit parang wala ka sa sarili mo? Halika na nga at uminon na tayo para makondisyon ang sarli mo" ang sabi ni Mauro.
At naupo sila sa tabi ng malaking bato at nakita ni Herardo ang dalawang pangalan na nakaukit sa malaking bato "MARLON LUISA" na nasa loob ng malaking korteng puso.
"Marlon Luisa..ano ito Mauro? Bakit may nakaukit dito na mga pangalan?" ang sabi ni Herardo habang sinasalat ng palad niya ang nakasulat na dalawang pangalan.
Sa pagsalat ni Herardo ng palad niya ay parang nakaramdam siya ng pasok ng kuryente sa kabuuan ng kanyang katawan na hindi niya gaanong pinansin. Inisip na lang niya na dala siguro ng malamig na simoy ng hangin sa paligid.
"Ahh! Iyan ba? Sa pagkakaalam ko ay may mahabang istorya ang dalawang pangalang nakaukit diyan kaya lang hindi pa ako ipinanganganak noon at Isa pa matagal ng patay ang mga iyan. Ang lola ko siguro alam niya ang istorya ng nakasulat na dalawang pangalan na iyan" ang sabi ni Mauro.
"O sige na nga kain na tayo at uminom" ang sabi ni Herardo.
Habang kumakain at umiinom ang dalawa.
"Mauro bakit parang pamilyar sa akin ang lugar na ito..iyang malaking bundok..iyang malawak na palayan at ang burol na ito at itong malaking bato na ito parang nasa likod ng subconsious mind ko" ang sabi ni Herardo kay Mauro.
Matapos silang kumain.
"Hayyyy!! sarap talaga dito..ang simoy ng hangin totoong nakagiginhawa sa pakiramdam" ang sabi ni Mauro pagkatapos silang kumain.
"Dito ka ba ipinanganak Mauro?" tanong ni Herardo".
"Hindi dito, kasi ng mapunta ang tatay ko sa Maynila doon na siya nakapag asawa natural sa Maynila ako ipinanganak" ang nakatawang sabi ni Mauro "eh bakit ba?" tanong ni Mauro.
Hindi na sumagot si Herardo dahil hindi din naman maiintindihan ni Mauro ang kanyang sasabihin dahil siya man ay hindi niya alam ang nangyayari sa kanya.
Dumidilim na kaya naghanda na sila sa pag uwi at malayo layo din ang kanilang lalakarin pauwi kina Mauro.
Hanggang sa pag-uwi ay naguguluhan pa rin ang isipan Herardo sa mga nakita niiya sa burol sa paanan ng malaking Bundok na para bang nakita na niya noon pa.
Dahil gusto ni Herardo na malaman ang istorya na bumabalot sa lugar na may malaking bato ay tinanong niya ang lola ni Mauro.
"Lola mawalang galang na po mayroon lang po akoing itatanong kung maaari lang po" ang sabi ni Herardo sa lola ni Mauro.
"Sige nga po lola ikuwento ninyo ang kasaysayan ng lugar sa may paanan ng malaking bundok dahil ako ang tinatanong ni Herardo ay wala naman akong alam.
"Eh iho ano ba ang itatanong mo at kanina ka pa parang balisa dyan?" ang sabi ni lola.
"Lola tungkol po dito sa lugar ninyo at sa malaking bato na nasa burol sa paanan ng malaking bundok" ang sabi ni Herardo.
"Ah iyon ba iyong tungkol sa malaking bato na may nakaukit na pangalang MARLON LUISA?" sabi ni lola.
"Opo...opo lola" ang sagot ni Herardo na parang nabuhayan ng loob sa mga bagay bagay na gusto niyang malaman.
"Naku mahabang kuwento iho ang sasabihin ko na lang ay matagal ng panahon iyon siguro may limampung taon ang nakalilipas. Tungkol kina Marlon at Luisa na pagkatapos ng kanilang kasal ay naaksidente ng papunta na sila sa kanilang honeymoon. Nabangga ang kotse na kanilang sinasakyan at sabay silang namatay" ang kuwento ni lola kay Herardo.
"Lola ngayon ko lang nalaman yan ah" ang sabat ni Mauro.
"At alam mo Herardo sa lugar doon sila nagsumpaan na kahit sila ay mamatay ay muli silang magkikita sa lugar na iyon" ang dugtong ng lola ni Mauro.
Nagpatuloy ang lola ni Mauro sa pagsasalaysay at ng matapos ay hindi maipaliwanag pa rin sa sarili ni Herardo na parang alam na alam na niya ang lahat ng mga ikinuwento ng lola ni Mauro subalit hindi pa rin niya ganap na maunawaan kung bakit alam niya ang lahat ng iyon gayung ngayon lang siya napunta sa lugar na ito.
Nakabalik na ang dalawa sa Maynila at sa bahay nila Herardo pagkauwi.
""Buwisit bakit ako nagkakaganito ano ang ibig sabihin ng lahat ng iyon..ng mga nakita ng mga mata niya..ng mga nalaman ko sa buhay nina Marlon at Luisa? Ano ang kaugnayan ko sa kanilaa?" ang sabi ng nalilitong si Herardo.
Sa kabilang dako ay gayundin si Raquel .
Tulad ni Herardo ay laging iniisip kung saan niya nakita ang lalaking muntik na niyang mabangga na si Herardo habang siya ay pauwi noon.
Si Raquel ay nagtatrabaho bilang isang department head sa isang malaking kumpanya.
"Ma'am eto na po ang report na ipinagawa nyo po" ang sabi ng kanyang tauhan.
Nakatalikod si Raquel na nakaharap sa bintanang salamin sa likod niya at malalim ang iniisip kaya halos hindi narinig ang boses ng kanyang tauhan at ng muling nagsalita ito at inulit ang sinabi ay saka lang inikot ni Raquel ang kanyang swerving chair.
"Ah okey thank you" at kinuha ang report na ipinagawa niya.
Tumalikod na ang kanyang tauhan upang umalis ng pigilan siya ni Raquel.
"Sandali lang, iyong isa pang report..iyong 'Accounts Payable' tapos na ba?" tanong ni Raquel.
"Ma'am malapit na po for verification pa po iyong ledger ng isang customer" ang tugon ng tauhan niya.
"Ah, sige kapag natapos isubmit mo sa akin kaagad" ang utos ni Raquel.
"Opo ma'am"
Sa bahay ni Raquel kapag nakauwi na ito at nagpapahinga na sa kanyang kwarto ay laging nag-iisip. Kaya napapansin na siya ng kanyang ina.
"Raquel kain na kanina ka pa parang wala sa sarili" ang bati ng ina nito.
"Kayo pala inay, sige po lalabas na po ako" ang sagot niya sa ina ng pumasok ito sa kuwarto niya.
Matapos kumain at iayos ang sarili ay muling bumalik si Raquel sa kanyang kuwarto upang matulog na.
Subalit hindi siya dalawin ng antok.
"Bakit kaya ako nagkakaganito? Bakit mayroon akong gustong malaman subalit hindi ko maipaliwanag? Sino ang lalaking iyon na hindi ko malimutan kahit pilitin ko ang aking sarili? Sino siya? Grrrrrrr!!" ang parang naiinis na bulong sa sarili ni Raquel.
Talaga yatang pinagtitiyap ng pagkakataon sina Herardo at Raquel.
Habang naglalakad si Herardo pauwi galing sa isang mall ay hindi ito nakatingin sa nilalakaran kaya nabangga niya sa balikat si Raquel at sa lakas ng pagkabangga ay nalaglag ang mga dala ni Raquel.
Bigla namang dinampot ni Herardo ang mga nalaglag at matapos mag 'sorry' ay iniabot kay Raquel.
"Ikaw na naman" ang medyo pagalit na sabi ni Raquel.
"Coincidence talaga ang magandang miss na muntik na akong banggain ng kotse niya" ang medyo pabirong sabi ni Herardo.
"Oo kaya lang nabaligtad ako ngayon ang totoong nabangga mo" ang malamig na sabi ni Raquel na kung noon ay galit siya sa lalaking kaharap niya ngayon dahil sa pinangaralan siya na dahan dahan sa pagmamaneho, pero ngayong kaharap na niya uli ito ay parang biglang nawala ang lahat ng iyon dahil mayroon siyang dapat malaman.
Bagamat parehong nabigla ang dalawa sa pagkikita nilang ito ay parang may nag-uutos sa kanilang isipan na alamin ang mga hiwagang bumabalot sa kanilang sarili sa hindi maipaliwanag na mga pangyayari.
Inulit ni Herardo ang paghingi ng paumanhin.
"Pasensya na miss hindi ko sinasadya"
Mahinahong sumagot si Raquel "Ah okey lang medyo nakatingin din ako sa iba at hindi ko napansin na may kasalubong ako".
At tumalikod na si Raquel at umalis na ng habulin siya ni Herardo.
"Miss sandali lang puwede ka bang makilala? Pleaseeee?" ang masidhing pakiusap ni Herardo.
Bagamat naguguluhan din si Raquel at hindi siya makapagtanong kung sino ang lalaking kaharap niya ngayon na parang pamilyar sa kanya kung saan niya ito nakita o nakausap man lang ay pumayag siyang makipagkilala.
Tumigil si Raquel upang makipagkilala.
"Miss ako si Herardo ang lalaking babanggain mo sana" ang pabirong sabi ni Herardo na nakapagpangiti kay Raquel.
Inabot ni Herardo ang kamay niya at nakipagkamay si Raquel.
"Ako si Raquel ang nakatanggap ng sermon mula sa iyo" ang ganti ni Raquel.
At naging maayos naman ang pagkikilala ng dalawa dahil sa mga biruan nila.
Hindi malaman ng dalawa ngayong nagkakilala na sila kung anong meron sa pagkatao nila at kung bakit parang matagal na silang magkakilala gayong pangalawang beses pa lang nila itong pagkikita at nagkakilala pa sila.
Sa madaling sabi naging magkapalagayang loob sila at hindi mahirap para sa kanila dahil nga sa kakaibang nararamdaman nila sa kanilang sarili na hangga ngayon ay nahihiwagaan pa rin sila.
Nangligaw nga si Herardo kay Raquel.
Hindi naman naging mahirap kay Raquel na tugunin din ng kapwa pag-ibig ang iniluluhog ni Herardo at sila ay naging magkasintahan na.
Nagtataka si Raquel sa sarili niya dahil marami ang nangliligaw sa kanya na lahat sila ay binigo niya subalit kay Herardo bakit magaan kaagad ang loob niya at nakuha kaagad nito ang puso niya.
Naging masaya ang dalawa..namamasyal..nanonood ng sine..anupat hindi nila maipaliwanag sa kanilang sarili ang kaligayahang nadarama dahil ang kaligayahan na kanilang taglay ngayon ay parang karugtong ng kahapon na hiindi pa rin nila maipaliwanag. Parang ganito sila noon masayang masaya kapag magkasama parang walang kamatayan.
Nakapagtataka subalit totoo hindi lang alam ng dalawa.
Hindi naglaon at ikinasal sina Herardo at Raquel.
Lumipas pa ang mga araw sa bagong kasal na punong puno ng pagmamahalan.
Pagkatapos ng kanilang honeymoon ay nagyaya si Herardo sa probinsya ni Mauro. Naibalita na ni Herardo ang kagandahan ng lugar nila Mauro at tinitiyak niya kay Raquel na masisiyahan siya doon.
Ang balak nila Herardo at Raquel na pumunta sa probinsya nila Mauro ay natuloy.
Kasama si Mauro ay muling pinuntahan nila ang magagandang lugar hanggang sa paanan ng malaking bundok sa may burol.
Nagandahan si Raquel sa kagandahan ng paligid at siya man tulad ni Herardo noon ay nagtataka sa sarili dahil ang lugar na iyon ay pamilyar na sa kanya.
Nang sabihin niya ito kay Herardo ay nagulat siya bakit pareho sila ng naramdaman sa hiwaga na hindi nila maipaliwaqnag sa kanilang sarili.
"Herardo hindi kaya naging bahagi ng ating kaluluwa ang lugar na ito?" ang nagtatakang tanong ni Raquel kay Herardo.
"Hindi ako makapaniwala" ang naisagot na lamang ni Herardo.
Nagpunta sila sa malaking bato na may nakasulat na MARLON LUISA.
"Tingnan mo Herardo ang batong ito pakiramdam ko nanggaling na ako dito" ang nagtatakang sabi
ni Raquel.
At upang malubos ang hiwaga ng paligid sa kasaysayan ng lugar na iyon ay nagkasundo sina Herardo at Raquel na iukit ang kanilang mga pangalan sa malaking bato katabi sa nakasulat na MARLON LUISA.
Ganoon nga ang ginawa nila at sila man sina Herardo at Raquel ay naagsumpaan na magmamahalan silang wagas hanggang sa kanilang kamatayan na doon din sa lugar na iyon sila magkikita kung pareho na silang wala sa mundong ito...END
"
Pinatunayan lang nina Marlon at Luisa na ang wagas nilang pag-ibig sa isa't isa ay hindi kayang hadlangan kahit pa ng kamatayan.
Thank you guys for reading.
More short stories are coming so enjoy reading.
Rio Alma