App herunterladen
25.71% SHORT STORIES (PILIPINO VERSION) / Chapter 9: DESTINY

Kapitel 9: DESTINY

Bawat tao na isinilang ay mayroon ng tinatawag na sariling kapalaran o destiny sa buhay na kung ano ang ating kapalaran ay ang lumikha lamang ang siyang makapangyarihang makaalam.

Tunghayan natin ang naging buhay at pag-ibig ni Ramon sa kuwentong ito.

Lumaki si Ramon sa kahirapan at bata pa lang ay naranasan na niya ang iba't ibang trabaho mabuhay lamang. At sa kanyang pagbibinata ay napasama sa masamang barkada. Nasasangkot siyang lagi sa gulo kasama ng barkada niya. Lagi silang naglalasing at pagkatapos ay manggugulo.

Anupat iniiwasan siya sa lugar nila dahil nga sa isa siyang basagulero.

Subalit may puso din naman siyang maawain. Kapag mayroon siya ay nagbibigay siya sa mga pulubi at tumutulong lalo na sa mga batang nakikita niyang nasa lansangan at nanghihingi ng pagkain sa mga nagdaraan.

Si Ramon ay ulila na sa magulang at lumaki siya sa pangangalaga ng lolo niya na ng namatay na ang lolo niya ay kung saan saan na siya naglagi hanggang magkaroon siya masamang barkada.

Isang balak ang nabuo ng kanyang mga kasama. Lolooban nila ang isang kilalang bangko.

At natuloy ang kanilang masamang balak. katanghaliang tapat isinagawa ang kanilang planong hold-up at nagtagumpay naman sila.

"Mga bata hiwahiwalay na muna tayo hanggat mainit pa ang mga pulis sa atin" ang sabi ng pinaka leader ng grupo.

Ganoon nga ang nangyari naging matagumpay ang ginawa nilang pangloloob sa isang bangko subalit may nakakilala kay Ramon at siya ay hinuli ng mga pulis.

Sa ginawa ng grupo ni Ramon na pangloloob ay hindi niya isinangkot ang kanyang mga kasamahan.

"Sabihin mo nasaan ang mga kasama mo?" ang tanong ng mga pulis.

Sa mga pilit na pagtatanong ng mga pulis ay wala silang nakuhang sagot kay Ramon kaya ikinulong siya at sinampahan siya ng kasong pagnanakaw sa bangko.

Sa hukuman ay napatunayan na nagkasala siya kaya nasentensyahan siya at namalagi sa kulungan..

Sa loob ng bilibid ay iba't ibang pahirap din ang dinanas ni Ramon sa kapwa niyang mga preso. At dahil dito unti unti ay nakararamdam na siya ng panghihina ng loob..unti unti na siyang nakadarama ng pagsisisi..nagising na siya sa katotohanan na kanyang nasuutan sa buhay niya.

Maraming dumadalaw sa kulungan at siya lang ang walang dalaw.

"Ako lang ang walang dalaw kasi wala akong kamag-anak..walang mga kaibigan na nagmamahal" ang himutok ni Ramon sa sarili niya.

Minsan may isang babae na dumalaw sa ama nito na matagal na rin sa kulungan. Maganda ang babae at type ni Ramon. Kaya tuwing dalaw inaabangan na niya ang babaing maganda at lagi niya itong pinagmamasdan. Hindi niya pinalalagpas ang pagkakataon na masilayan ang magandang babae.

Ang ginawa ni Ramon upang mapalapit sa magandang babae ay nakipagkaibigan siya sa ama nito na si mang Rufo. Matanda na si mang Rufo. Sa kulungan na siya tumanda.

Dahil sa ginawa ni Ramon na pakikipagkaibigan kay mang Rufo ay nagkaroon na siya ng pagkakataon na makilala ang anak ni mang Rufo na si Bella.

Si Bella ay kasing edad ni Ramon. Nagkakilala nga sila ni Bella at naging magkaibigan.

Wala namang tutol si mang Rufo na makipagkaibigan ang anak kay Ramon dahil mabait naman si Ramon.

Lumipas pa ang mga araw sa buhay ni Ramon sa kulungan. Si mang Rufo ang laging kausap ni Ramon at sa tagal ay itinuring na niya itong parang kanyang ama , hindi dahil sa may gusto siya sa anak nitong si Bella kundi sa kulungan niya nadama ang magkaroon ng isang ama na puwedeng pagsumbungan ng mga problema sa buhay at makarinig ng mga pagpapayo na hindi niya naranasan sa buhay niya.

"Mang Rufo ang suwerte po ninyo mayroon kayong anak na mabait na at maganda pa" ang papuri ni Ramon kay Bella.

"Oo siya ang dahilan kung bakit ako nakulong" ang sabi ni mang Rufo.

"Bakit po mang Rufo?" ang medyo nahihiyang tanong ni Ramon.

Sa pagkakataong iyon ay si Bella na ang sumagot.

"Ang itay ko ang sumingil sa lalaking lumapastangan sa akin, pinatay niya ito" ang walang kagatol gatol na sabi ni Bella na sa salita niya ay naroroon pa rin ang poot sa dibdib niya.

"Ganoon din ang gagawin ko Bella tulad ng ginawa ng itay mo hindi ko rin siya paliligtasin" ang sabi ni Ramon upang palubagin ang damdamin ni Bella.

"Itay uuwi na ako ingat po kayo diyan" ang paalam ni Bella.

"Bayaan mo Bella hindi ko pababayaan ang itay mo" ang pangakong sinabi ni Ramon kay Bella.

Tumagal din ang ganitong sitwasyon hanggang magkapalagayang loob si Ramon at Bella.

At ng lumaon ay nagtapat ng pag-ibig si Ramon kay Bella na tinanggap naman ni Bella.

Ipinagtapat ni Bella kay Ramon na siya ay dalagang ina may anak na tatlong taong gulang na naging bunga ng ginawa sa kanya ng lalaking napatay ng kanyang ama.

Ang ipinagtapat ni Bella ay hindi naging hadlang kay Ramon bagkos ay lalo niyang nagustuhan si Bella sa kanyang katapangan sa pagharap sa naging pagsubok sa kanyang buhay.

Dumating ang araw ng paglaya ni Ramon..maiiwan si mang Rufo kaya ibinilin na lang kay Ramon ang anak na si Bella.

"Ramon itinitiwala ko sa iyo ang aking anak" ang bilin ni mang Rufo.

Nangako naman si Ramon na hindi niya ito pababayaan pati na ang anak nito.

"Opo mang Rufo mahal ko ang anak ninyo at nangangako po ako na hindi ko siya pababayaan" ang binitiwang pangako ni Ramon kay mang Rufo.

"Bella sana maging maligaya kayo ni Ramon" ang sabi ni mang Rufo sa anak.

"Opo itay at dadalawin namin kayo ng madalas" ang tugon ni Bella.

Taong 1995, Pebrero 14 ay ikinasal sina Ramon at Bella sa kasalang bayan na ang nagkasal ay ang mayor ng lungsod.

Naging masaya naman ang kanilang pagsasama sa piling ng anak ni Bella na itinuring na rin na anak na tunay ni Ramon.

"Alam mo Bella masasabi ko na napakasuwerte ko at ikaw ang napangasawa ko" ang sabi ni Ramon.

"Ako din Ramon at mamahalin kita habang ako ay nabubuhay" ang pangako ni Bella.

Lumapit ang anak ni Bella na si Rico na ngayon ay pitong taong gulang na at may hiniling kay Ramon.

"Tito pasyal naman tayo ni inay ko bukas wala po akong pasok bukas" ang sabi ni Rico kay Ramon.

"Oo Rico mamamasyal tayo" ang nakatawang tugon ni Ramon.

Naging mabait naman si Ramon sa kanyang pamilya. Labis niyang minahal si Bella. Ginampanan ni Ramon ang pagiging mabuting ama ng pamilya niya at mabuting kabiyak ni Bella.

Isang gabi tulog na si Rico ng maisipan ng mag-asawa na magpahangin sa labas ng bahay. Naupo sila sa gilid at pinanood ang mga nagkikislapang bituin.

"Bella tingnan mo ang langit napakagandang tingnan..hindi ba? Maraming bituin" ang sabi ni Ramon kay Bella habang nakatingin sa kagandahan ng langit.

"Oo Ramon mga nagkikislapang bituin na parang buhay natin..dumanas tayo ng mga kasawian sa buhay subalit darating din ang pagkakataon na parang bituin na kikislap din upang lumigaya" ang sabi ni Bella na nakayakap sa asawa.

"Totoo ang sinabi mo..naranasan ko ang iba't ibang pagsubok sa buhay ko..maliit pa lang ako..na akala ko hindi na mababago ang takbo ng buhay ko..na hindi na magkakaroon ng ligaya sa buhay subalit dumating ka sa buhay ko na nagbigay sa akin ng lubos na kaligayahan at pag-asa" ang madamdaming sabi ni Ramon kay Bella.

May sasabihin pa sana si Ramon ng mula sa madilim na bahagi na hindi kalayuan sa kanila ay nakarinig sila ng putok ng baril na tumama kay Ramon.

Binaril si Ramon ng isang nakaaway niya noon na namukhaan siya at ito ay naghiganti.

Nabigla si Bella sa pangyayaring iyon.

"Tulong mga kapitbahay tulungan ninyo kami" ang sigaw ni Bella na humihingi ng tulong.

Nagdatingan ang mga kapitbahay dahil sa pangyayari at tutulungan sana si Bella na madala sa ospital si Ramon subalit sinansala na ni Ramon ang mga tutulong sana.

Alam ni Ramon na hindi na siya magtatagal at nais niya na sa huling oras niya ay makapiling ang asawa. Nais niya na kahit kaunting sandali ay makapiling niya ang asawa.

Kalong ni Bella ang asawa at habang siya ay patuloy na umiiyak ay dinig na dinig niya ang pautal utal na pagsasalita ni Ramon.

"Bella ito na ang aking tadhana..sayang at hindi magtatagal ang ating pagsasama..tandaan mo mahal na mahal kita..tingnan mo ang mga bituin..ganyan din ang buhay natin..masaya sila sa gabi..nagkikislapan..at pagdating ng umaga ay isa isa na silang nawawala..ingatan mo ang iyong sarili..alagaan mo si Rico..paalam at...."

May sasabihin pa sana si Ramon subalit hindi na niya nasabi dahil nalagot na ang kanyang hininga.habang si Bella naman ay patuloy sa pag-iyak habang kalong ang asawa.

Nakalulungkot isipin na kung kailan pa tuluyang mababago ang takbo ng buhay ni Ramon sa piling ni Bella ay doon naman siya binawian ng buhay.

Ito kaya ang tinatawag na 'destiny' sa buhay ni Ramon???.....END


AUTORENGEDANKEN
Almario_Aguirre_7837 Almario_Aguirre_7837

Sa buhay natin ay iba't ibang pagsubok ang ating masasagupa at kailangan lamang ay tatag ng loob na harapin ito.

Sana nakapagbigay ang kuwentong ito ng inspirtion lalo na sa mga kabataan na naliligaw ng landas upang walang pagsisihan sa huli.

Thanks for reading guys..pls your comment and rating.

More stories are coming so enjoy reading.

Rio Alma

Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C9
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen