App herunterladen
22.85% SHORT STORIES (PILIPINO VERSION) / Chapter 8: YOU'LL NEVER KNOW

Kapitel 8: YOU'LL NEVER KNOW

How many among us still remember the song 'You'll Never Know' sung by Michael Buble and if I've not mistaken this song was very popular in 1944.

This lovely and romantic song was the favorite of my in-laws. I also love this song and every time I hear it there's a feeling inside me that inspires me to write a love story, so here I am.

Ang kuwento kong ito ay tungkol sa pag-ibig at kabiguan ng isang lover na lalake na dahil sa kanyang pag-ibig na hindi naipagtapat sa babaing lahat lahat sa puso niya ay nagbigay sa kanya ng ibayong kalungkutan.

Marami ang nagtatanong, ang pag-ibig ba ay kakambal ng kabiguan? Ang kayamanan ba ay hadlang sa pag-ibig?

Mahirap sagutin subalit nagkakatotoo kung minsan sa buhay natin.

Ganito ang naging kasaysayan ng buhay at pag-ibig ni Roberto. Siya ay isang mahirap lamang subalit nagkagusto at umibig ng lihim sa isang mayamang dilag na si Corazon.

Ang ama at ina ni Corazon ay mga matapobre at sila rin ang pumipili ng mapapangasawa ng kanilang nag-iisang anak na si Corazon.

Si Roberto naman ay sa kanila nagtatrabaho bilang driver. Mabait si Roberto at mapagtitiwalaan. Dalawa ang driver nina Corazon, ang isang driver ay sa mag-asawa nagsisilbi at si Roberto ay sa bahay nakatoka dahil kapag may lakad si Corazon ay siya ang nagsisilbing driver dito.

"Roberto,pakihanda ang kotse at may pupuntahan ako" ang utos ni Corazon kay Roberto.

"Opo ma'am" ang tugon ni Roberto habang nililinis ang sasakyan.

"Roberto ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na kapag tayo lang dalawa ang magkausap ay huwag mo akong tatawagin ng 'ma'am' kasi naiilang ako" ang sabi kay Roberto ni Corazon na medyo naiinis.

"Opo ma'am" ang muling sagot ni Roberto na parang hindi makatanda sa bilin ni Corazon.

"O anong sabi ko sa iyo" muling ipinaalala ni Corazon ang bilin niya kay Roberto.

"Ay sori po ma'am..e Cora po pala" ang pamali maling sagot ni Roberto.

"At ayoko na namumupo ka sa akin, bakit matanda na ba ako?" ang dagdag na bilin kay Roberto ni Corazon.

Si Corazon ay hindi katulad ng mga magulang niya na matapobre. Si Corazon ay maganda na mabait pa na siyang nakikita ni Roberto kaya hindi niya mapigilan ang sarili na humanga kay Corazaon at lihim niya itong mahalin at ibigin.

Sa tuwing ihahatid ni Roberto si Corazon at kapag nasa kotse ay madalas din silang nag-uusap na para bang hindi sila ibang tao.

Si Corazon kapag may sama ng loob ay kay Roberto niya nasasabi at ang turing niya kay Roberto ay isang kaibigan at hindi katulong. Kahit sa ibang mga katulong ay mabait si Corazon.

"Ang bait ni ma'am Corazon ano? Hindi tulad ng kanyang mga magulang na matapobre" ang sabi ng isa sa mga katulong sa bahay.

"Oo kaya kung mawawala ako dito ay lagi ko siyang maiisip" ang sagot naman ng isa sa mga katulong.

Lumakad na sina Roberto at ng medyo malayo na ang kanilang kotse ay nagbago ang isip ni Corazon.

"Roberto, hindi na ako pupunta ng mall dalhin mo na lang ako sa lugar na mahangin at maganda ang paligid gusto ko munang mag relax at malimutan kahit kaunti ang mga problema ko" ang sabi kay Roberto na nakatanaw sa labas ng kotse.

Laging iniisip ni Corazon ang gagawing pagpapakasal sa lalaking gusto ng mga magulang niya para sa kanya at nagbibigay ito sa kanya ng labis na kalungkutan. Papaano niya pakakasalan ang lalaking hindi naman niya gusto.

Dinala ni Roberto ang kotse sa Roxas Blvd. Naghanap sila ng magandang tanawin at doon tumigil. Hindi na sila bumaba ng kotse. Binuksan ang salamin sa gilid ng kotse upang langhapin ang simoy ng hangin na nanggagaling sa dagat.

"Alam mo Roberto..teka bakit ba ang haba ng pangalan mo? Berto na lang ang itatawag ko sa iyo kahit hindi magandang pakinggan" at medyo natawa si Corazon.

Muling kinausap si Roberto at muling inihinga ang sama ng kanyang loob sa kanyang mga magulang.

"Bakit ganoon sina Papa at Mama ko? Sila ang nasusunod sa takbo ng buhay ko maging sa pagpili ng mapapangasawa ko?" ang sinabi ni Corazon kay Roberto na punong puno ng hinanakit sa buhay.

"Cora dapat mong igalang ang pasya ng mga magulang mo. Iyon ay para rin sa iyo" ang payo ni Roberto na alam niya na talagang mahirap mag-asawa sa hindi mo naman gusto.

"Sana naging mahirap na lang kami at baka sakali pang mabago ang takbo ng buhay ko" ang dugtong ni Corazon sa sinasabi niya.

"Mahirap talaga ang pino-problema mo pero dapat mo silang sundin" ang sabi ni Roberto.

"Oo pero wala na ba akong karapatang lumigaya? Salapi na lang ba ang batayan ng pag-ibig? Papaano naman ako..ang puso ko..ang karapatan kong pumili ng mamahalin?" ang sabi ni Corazon na sobra ang himutok sa buhay niya at hindi niya namalayan na tumulo ang luha niya.

Nakita ito ni Roberto..gusto niya yakapin si Corazon..gusto niyang dalhin sa kanyang mga balikat ang luhaan nitong mukha upang sa balikat niya ibuhos ang sama ng loob na kanyang nararamdaman..subalit wala siyang karapatan.

Dama ni Roberto sa puso niya ang lahat ng sinasabi ni Corazon dahil siya rin ay nasasaktan sa dinaranas ng babaing lihim niyang minamahal. Gusto man niyang magtapat kay Corazon ng nararamdaman niya ay hindi niya magawa dahil hadlang ang kanyang pagiging mahirap sa katayuan sa buhay. Wala siyang yamang material kundi ang busilak niyang puso na handang magpakasakit alang alang sa minamahal.

Makisig si Roberto at mabait at masasabi na mga katangiang hinahanap ng isang babae sa isang lalake.

At kapag nakauwi na sa kanilang bahay si Roberto ay pakiramdam niya maligaya na siya dahil sa maghapong trabaho niya ay napagsilbihan niya si Corazon, ang babae sa puso niya.

Laging ganoon ang takbo ng buhay ni Roberto maging ng kay Corazon.

Hanggang dumating na ang sandali na hindi na mapagsisilbihan ni Roberto si Corazon dahil ikakasal na ito sa lalaking nagustuhan ng kanyang mga magulang para sa kanya.

Alam ni Roberto hindi na niya makikitang nakangiti si Corazon. Hindi na rin sila makapag-uusap at magpalitan ng opinion tungkol sa iba't ibang bagay na nangyayari sa kanila.

"Hangad ko ang kaligayahan mo, gusto man kita at sabihin sa iyo na iniibig kita ay hindi kailan man iyon mangyayari" ang nasabi na lang ni Roberto sa sarili na sa puso niya ay naroroon ang panghihinayang na hindi man lang niya naiparamdam kay Corazon ang saloobin niya dito..

Sobrang lungkot ni Roberto at dahil hindi niya matatagalang makita si Corazon sa piling ng iba ay minabuti na niyang magbitiw bilang driver sa trabaho niya kina Corazon.

At sa tuwing maiisip niya si Corazon ay hindi nawawala ang panghihinayang na sana nasabi niya dito ang laman ng kanyang puso na kahit alam niyang walang patutunguhan ay ang mahalaga ay nasabi niya kay Corazon ang pag-ibig niya..pero hindi nangyari.

Pagkaraan ng isang buwan ay nabalitaan na nga ni Roberto na ikinasal na si Corazon.

Nagkulong sa kanyang kuwarto si Roberto at habang nag-iisip ay pinatugtog niya ang lagi niyang pinatutugtog kapag iniisip niya si Corazaon, ang awiting "YOU'LL NEVER KNOW" na sa kalagayan niya ngayon na tuluyang nabigo sa kanyang pag-ibig na hindi niya nasabi.

At sa bawat letra ng awiting iyon ay parang isa isang tumutusok sa puso niya at pakiramdam niya ay unti unti siyang nawawalan ng hininga.

Lalaki man si Roberto ay hindi niya napigilan ang umiyak habang iniisip niya si Corazon na nasa piling na ng iba.

"YOU'LL NEVER KNOW JUST HOW MUCH I LOVE YOU

YOU'LL NEVER KNOW JUST HOW MUCH I CARE

AND IF I TRIED, I STILL COULDN'T HIDE MY LOVE FOR YOU

YOU OUGHT TO KNOW, FOR HAVEN'T I TOLD YOU SO

A MILLION OR MORE TIMES

YOU WENT AWAY AND MY HEART WENT WITH YOU

I SPEAK YOUR NAME IN MY EVERY PRAYER.

Kung nagtapat lang sana si Roberto ng pag-ibig niya kay Corazon ay nalaman sana niya na may pagtingin sa kanya si Corazon at hinihintay lang niya na magtapat si Roberto.

At kahit alam ni Corazon na wala ring mangyayari kahit magtapat si Roberto sa kanya ay ang mahalaga ay kahit sa maikling panahon ay nagmahalan sila at naranasan nila ang tunay na pag-ibig...END


AUTORENGEDANKEN
Almario_Aguirre_7837 Almario_Aguirre_7837

Totoo kung minsan sa buhay at pag-ibig ng isang tao ay nangyayari ang kuwentong ito lalo na kung may mga hadlang na nakapipigil.

Subalit dahilan kaya ang hadlang upang hindi ipaglaban ang totoong damdamin?

"Hope nag enjoy kayo sa pagbasa ng kuwentong ito at sana nakapagbigay ng inspiration sa mga lovers.

Thank you for your comments n rating."

More short stories are coming so enjoy reading.

.....Rio Alma

Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C8
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen