App herunterladen
17.14% SHORT STORIES (PILIPINO VERSION) / Chapter 6: TRAHEDYA

Kapitel 6: TRAHEDYA

Taong 1995 ika-20 ng Disyembre sa bayan ng San Agustin naganap ang isang trahedya sa buhay ng isang pamilya doon. Masaklap na pangyayari..nakalulunos..tandang tanda pa ng ama ng pamilya dahil siya lang ang nakaligtas.

Ganito ang umpisa ng kwentong ito.

Msy isang pamilya ang naninirahan sa bayang nabanggit at masasabing sila ay pinagpala..hindi sa material na bagay kundi sa pagmamahalan. Nakatira sila sa bukid..magsasaka ang ama..ang ina naman ay nagtitinda ng isda.

Masipag ang ama ng tahanan..sa araw gumagawa sa bukid at sa gabi kahit isa o dalawang oras ay nagpupunta sa tabing dagat at nanghuhuli ng tilapia.

Mayroon silang dalawang batang anak..boy and girl edad pito at limang taon. Ang pangalan ng ama ay si mang Bitoy at ang pangalan ng ina ay si aling Nena. Ang batang panganay ay si Marco at ang bunso ay si Lulu.

May alagang kalabaw si mang Bitoy na siyang katulong niya sa oagbubukid at pinangalanan niya itong si Damulag.

"Nena, pupunta na ako sa bukid..ang mga bata tingnan mo" ang bilin ni mang Bitoy sa asawa habang naghahanda sa pagpunta sa bukid.

"O bakit hindi ka muna mag-almusal malapit na akong makaluto" ang tugon ni aling Nena habang nagluluto ng agahan.

"Wag na uminom naman ako ng kape..mamaya na pagbalik ko at mataas na ang araw eh" ang tugon sa asawa.

Tinanghali si aling Nena ng pagluluto dahil hindi kaagad naubos ang tinda niyang isda.

Tinawag ni aling Nena ang mga bata upang kumain.

"Marco!..Lulu!..akyat na kayo at kakain na tayo" ang sigaw ni aling Nena.

Umakyat ang dalawang bata na umiiyak si Lulu.

"O bakit umiiyak ang kapatid mo Marco? ano na naman ang ginawa mo?" tanong ni aling Nena.

"Kasi po inihagis ko ang bola sa kanya at hinabol po niya at nadapa" sagot ni Marco sa ina.

"O sige..sige..maghugas na kayo ng kamay at kakain na tayo" ang utos ng ina.

Sa kanilang baryo bukod tanging ang pamilya lang ni mang Bitoy ang balita sa pagmamahalan. Walang bisyo ang ama. Kahit yayain ng mga kasama sa inuman ay laging tumatanggi. Mas gusto pa niyang makasama ang kanyang pamilya.

Makaraan ang tatlong oras ay dumating na si mang Bitoy na galing sa bukid. Nakasakay kay Damulag.

"Pareng Bitoy ang sigla ni Damulag mo ah!" ang bati ng dumaang kumpare.

"Oo pare kapag wala itong si Damulag hirap ako sa bukid" tugon sa kumpare niya.

Pagkatapos na maitali si Damulag ay umakyat na ng bahay si mang Bitoy. Sinalubong siya ni Marco.

"Papa!..Papa!, mamasyal naman tayo sa bukid..gusto naming maglaro doon ni Lulu" ang sabi ni Marco pagbungad ni mang Bitoy sa pintuan.

"Oo anak kapag natapos ko na ang pagtatanim ng binhi ng palay ay mamamasyal tayo ng inay mo" ang tugon ni mang Bitoy.

"Kailan po iyon papa" ang makulit na tanong ni Marco.

"Sa linggo ng umaga anak" ang sagot ng ama.

Tumakbong palapit kay Lulu si Marco "Yeheyyy! mamamasyal tayo at pagdating doon manghuhuli ako ng tutubi" ang sigaw ni Marco.

"Kuya ihuli mo rin ako ng tutubi ha?" ang sabi ng natutuwang si Lulu.

"Oo at dalhin natin ang bola laro tayo doon"

Sa kamusmusan ng dalawang bata ay mababakas ang kasiyahan lalo na mayroon silang tatay at nanay na mapagmahal.

Sabi nga ng matatanda sa kanilang baryo ay napakasuwerte ng mga anak nila mang Bitoy dahil sa kabaitan ng kanilang mga magulang.

Dumating ang araw ng linggo na kinasasabikan ng dalawang bata at siyempre maglalaro sila..mamasyal sila. Inihahanda na ni aling Nena ang mga dadalhin. Ang dalawang bata naman ay maingay at nagkakatuwaan dahil sa gagawin nilang pamamasyal sa bukid.

"Nakuuu!! itong mga anak ko oo" ang sabi ni aling nena na natutuwa naman sa saya ng mga anak.

"Nena!!..mga bata!!..tayo na sakay na kayo sa paragos at tatanghaliin na tayo" ang sigaw ni mang Bitoy sa mga bata na nasa itaas pa ng bahay.

Sa bukid, paragos ang tawag sa hinihila ng kalabaw na panghakot ng sako ng palay na inaani kapag panahon ng paggapas.

At Lumakad na nga sila.

"Pareng Bitoy mukhang may lakad kayo ah" ang bati ng kumpare niya ng dumaan sila na hawak ang manok na panabong habang binubugahan ng usok ng sigarilyo.

"Oo pare ipasyal namin itong mga bata sa bukid" ang sagot ni mang Bitoy.

"Sige pare ingat kayo" ang paalalang wika ng kumpare niya.

Nakarating na sila sa bukid at walang pagsidlan sa katuwaan ang mga bata. Sabik na silang manghuli ng tutubi at maghabulan at maglaro ng bola. Si aling Nena naman ay inihahanda ang kanilang kakainin. Si mang Bitoy naman matapos itali si Damulag ay nagpunta sa ilalim ng puno at humiga na may takip ng sombrero ang mukha.

Lumapit kay mang Bitoy si aling Nena.

"Ano ka ba naman Bitoy at tutulugan mo lang kami" pagkasabi ay inalis ang sombrero na nakatakip sa mukha ni mang Bitoy.

Kinuha uli ni mang Bitoy ang sombrero kay aling Nena.

"Naku itong misis ko oo gusto mo lang yata na katabi ako eh" at natawa si mang Bitoy.

"Oo na o tingnan mo ang mga bata ang sasaya nila ano?" ang sabi ni aling Nena habang pinagmamasdan nila ang mga bata habang naglalaro.

"Oo Nena, napakasuwerte natin hindi tayo pinababayaan ng Diyos" ang sabi ni mang Bitoy.."Sige na doon ka na sa mga bata at bantayan mo muna mamaya puntahan ko kayo. Iidlip lang ako sandali" ang pakiusap ni mang Bitoy kay aling Nena.

"Sige na nga matulog ka na nga..baka bangungutin ka" ang nakatawang biro ni aling Nena sa asawa at pinuntahan na ang mga bata.

Pinagmasdan muna ni mang Bitoy ang nagkakatuwaang mga bata at umidlip na siya hanggang makatulog.

Makaraan ang kalahating oras ay biglang nagising si mang Bitoy dahil sa lakas ng pagbaksak ng kung anong mabigat na bagay at kitang kita niya ang kanyang mag-iina na wala ng buhay dahil sa pagbaksak ng eroplano sa mismong lugar ng kanyang mag-ina.

Sa nakita niyang pangyayari sa kanyang mag-ina ay nagsisigaw siya ng nagsisigaw ng buong lakas.

"Ahhhh!! Ahhhh!!"

Maraming tao kaagad ang nagdatingan dahil sa lakas ng pagbaksak ng eroplano. Halos lahat ng tao sa buong baryo ay nagpunta at kitang kita nila si mang Bitoy iyak ng iyak at nagsisisigaw.

May mga lumapit kay mang Bitoy at inaalo siya.

Muling nagsisigaw si mang Bitoy.

"Mga anak kooooo!!..Nenaaaa!!!"

Nilapitan si mang Bitoy ng mga tao at hinawakan sa balikat.

"Pare kalamayin mo ang iyong loob wala na tayong magagawa pa nandyan na yan"

Dinig na dinig ni mang Bitoy ang usapan ng mga tao..ang iba ay umiiyak na at naaawa sa sinapit ng pamilya niya na sa isang saglit ay namatay lahat. Nakalulunos talaga at sobrang sakit sa isang ama na ang mga anak niya at asawa sa isang iglap ay biglang nawala.

Nasa ganoong sitwasyon si mang Bitoy na umiiyak at umuungol ng lapitan siya ni aling Nena.

"Hoy! Bitoy! Bitoy!" ang malakas na sabi ni aling Nena habang niyuyugyog ang asawa dahil binabangungot ito.

Nang magising si mang Bitoy at ng makita ang asawa na buhay ay niyakap ito ng mahigpit.

"Salamat..salamat buhay kayo!!" at tumawa ng tumawa si mang Bitoy..malakas dahil sa sobrang tuwa at isa lang palang panaginip ang trahedyang nangyari sa kanila.

"Bakit ba? Umuungol ka kanina at ngayon naman ay tumatawa ka..ano ba ang napanaginipan mo at para kang mababaliw?" ang natatawang tanong ni aling Nena.

Naglapitan ang mga bata dahil sa narinig na pagsigaw ni mang Bitoy. At ng nakalapit na ang mga bata ay niyakap sila ni mang Bitoy ng mahigpit.

"Salamat..salamat buhay kayo..buhay kayo!!" ang masayang sabi ni mang Bitoy.

"Papa..Papa bakit ka sumisigaw at tumatawa kanina?" tanong ng dalawang paslit.

"E ano ba talaga ang napanaginipan mo at hangga ngayon ay nanginginig ka pa dyan?" ang masusing pagtatanong ni aling Nena.

Hinarap ni mang Bitoy ang mga bata.

"Alam nyo ba mga anak ko kung ano ang napanaginipan ko? May dumapo daw sa ulo ko na malaking ibon at yakiii!! iniputan ako sa mukha".

Iyon ang sinabi ni mang Bitoy sa mga bata upang itago ang totoong napanaginipan niya kaya nagtawanan ang mga bata. Nakitawa na rin si aling Nena at sila ay masayang nagtawanan. Sa ginawa nilang pamamasyal sa araw na iyon ay wala silang pagsidlan sa katuwaan.

At ang petsang December 20, 1995 ay petsang hinding hindi malilimutan ni mang Bitoy na pangyayaring trahedya sa panaginip niya...END


AUTORENGEDANKEN
Almario_Aguirre_7837 Almario_Aguirre_7837

Kung sa totoong pangyayari at hindi isang panaginip ay totoong nakalulunos na sa isang iglap ay mawala ang mga mahal mo sa buhay.

Subalit isipin natin sa pangyayaring ito na kahit ito ay isang nakatatawang kuwento ay kapupulutan ng aral na dapat makita sa isang pamilya ang pagmamahalan.

"More short stories are coming so enjoy reading and please give your comment and rating..thanks"

Rio Alma

Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C6
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen