App herunterladen
14.28% SHORT STORIES (PILIPINO VERSION) / Chapter 5: MAY IBA NA AKONG MAHAL

Kapitel 5: MAY IBA NA AKONG MAHAL

Gaano ba kasakit sa damdamin ng isang tao ang marinig sa mahal niya ang mga katagang "I'm sorry may mahal na akong iba". Kung ikaw ito anong puwede mong gawin?.

Ito ang naging kasaysayan ng isang umibig na ang minahal pala niya ay magkaroon ng ibang mahal. Sobrang sakit ito subalit ano ang magagawa pa kundi ang magparaya.

Ganito ang naging kasaysayan ni Arianne na matapos siyang magmahal ng labis ay kasawian lang pala ng puso niya ang magiging kapalit.

Sa isang birthday party ng kaibigan niyang si Bernadette ay nakilala niya si Cris. Mula ng sila ay magkakilala ay hindi na mawala sa isip niya si Cris. Si Cris ay isang seaman kaya madalas na matagal pa ang inilalagi niya sa barko kaysa sa kati. Si Arianne naman ay isang kawani sa isang kilalang kumpanya at kapag wala siyang pasok sa upisina ay si Bernadette ang lagi niyang kasama.

Minsan namasyal silang magkaibigan ni Bernadette at sa isang mall sa Maynila ay nakita nila si Cris. Siyempre lumakas ang tibok ng puso ni Arianne.

"Hoy! Cris saan ka pupunta?" ang bati ni Bernadette.

"Ah kayo pala, eto may binili lang ako" ang sagot ni Cris.

"Bakit hindi mo kasama ang girlfriend mo?" pabirong sabi ni Bernadette.

"Girlfiend? wala pa akong girlfriend ayaw sa akin ng mga chicks" ang nakatawang sabi ni Cris.

"Bolero, ikaw pa pati nga mga ibon may crush sa iyo eh" ang nakatawang sabi ni Bernadette.

Sa usapan ng dalawa ay nakamasid lang at tahimik na nakikinig si Arianne. Nakangiti lang siya sa dalawa habang nagbabatian.

Tumingin si Cris kay Arianne at binati ito.

"Hi Arianne! kumusta ka na?" ang nakangiting bati ni Cris.

"Ikaw Cris ha bakit si Arianne lang ang kinukumusta mo at ako ay hindi?" ang puna ni Bernadette kay Cris at sinundan ng tawa.

"Eto maganda pa rin" ang pabirong sagot ni Arianne kay Cris na nakangiti.

Naging masaya si Arianne sa pangyayaring iyon dahil una nalaman niya na wala pang gf si Cris at pangalawa kinumusta siya nito na lalong nagbigay sa kanya ng pag-asa at pag-asam na sana ligawan siya ni Cris.

Mukhang umaayon kay Arianne ang gusto niyang mangyari at isang araw tinawagan nga siya ni Bernadette at sinabi nito na nagtatanong si Cris tungkol sa kanya kung may bf na siya.

Dahil dito lalong lumakas ang pag-asa ni Arianne dahil sa totoo lang mula ng magkakilala sila ni Cris ay kung bakit may mga gabi na si Cris ang laman ng utak niya.

"Talaga?" ang medyo kinikilig na sagot ni Arianne sa kaibigan.

"Uyyy!! mukhang tama ang suspetsa ko sa iyo a" ang nakatawang sabi ni Bernadette.

"O, e ano ang sabi mo?" ang may kilig to the bones na tanong ni Arianne.

"Sabi ko may bf ka na" tumawa si Bernadette at nagpatuloy "hindi, sinabi ko joke lang iyon at ni minsan ay hindi ka pa nagkakaroon ng bf at alam mo hindi siya makapaniwala kasi daw sa pagkaganda ganda mong iyan ay wala ka pang bf".

Sa nalamang iyon ni Arianne siyempre sobrang kilig ng puso niya kaya gabi gabi si Cris ang laman ng isip niya at kahit sa panaginip si Cris pa rin.

Lalong tumindi ang nararamdaman ni Arianne para kay Cris.

Sa madaling salita ay niligawan nga ni Cris si Arianne at naging mag syota nga sila.

Muling sumakay ng barko si Cris at ng makabalik ay hindi nawawala ang communication nilang dalawa sa isa't isa.

Dumaan pa ang isang taon o higit pa sa relasyon nila Arianne at Cris ay dumalang na ang pagkikita nila. Dito na nag-isip si Arianne at siyempre panay ang pagaalala niya.

Minsan tinawagan ni Arianne si Cris.

"Cris, tinatanong na dito sa bahay namin kung bakit hindi ka na madalas pumupunta hindi tulad ng dati" ang may paghihinakit na sabi ni Arianne.

"Anong sabi mo?" ang matamlay na sagot ni Cris.

"Siyempre sinabi ko busy ka sa work mo" ang pagkakailang tugon ni Arianne.

Laging ganoon ang takbo ng relasyon nilang dalawa hanggang isang araw ay tumawag si Cris kay Arianne.

"Arianne,puwede ba tayong magkita ngayon?" ang sabi ni Cris na halatang may problema.

"Ngayon kaagad?" ang may pagtatakang sagot ni Arianne.

"Oo sana Arianne kung pwede lang" huminto sa pagsasalita si Cris at saka nagpatuloy "kasi may mahalaga lang tayong pag-uusapan" ang pakiusap ni Cris.

Atubiling nagbihis si Arianne dahil para siyang kinakabahan..bakit ganoon kasigasig si Cris na magkausap sila.

At nagkita sila ni Cris sa isang mall. Nagtuloy sila sa isang fast food chain na madalas nilang puntahang dalawa. Halata kay Cris ang pagiging seryoso hindi tulad noon na kapag magkasama sila ni Arianne ay sobrang saya nito at laging nagpapatawa habang sila ay naglalakad subalit ngayon ay biglang nagbago si Cris..halos wala silang kibuan..parang nakikiramdam sa isa't isa.

Nang nakaupo na sila, si Arianne ang unang nagsalita.

"Bakit mukha ka yatang seryoso ngayon, may problema ba?" ang tanong ni Arianne na sa dibdib niya ay may kaba subalit hindi siya nagpapahalata kay Cris kasi hindi siya sanay sa nakikita niyang ikinikilos ni Cris.. naninibago siya.

Hindi kaagad sumagot si Cris sa biglang tanong ni Arianne. Iniisip pa niya kung papaano siya magsisimula sa kanyang sasabihin. Mahal pa rin niya si Arianne at ayaw niya itong masaktan sa ipagtatapat niya..subalit papaano niya masasabi kay Arianne ang kanyang malaking problema.

Magsasalita na sana si Cris ng magsalitang muli si Arianne.

"Hoy! Cris, bakit para kang natutulala diyan?" ang tanong ni Arianne kay Cris na hindi pa tiyak sa sarili kung iyon ang tamang panahon na ipagtapat kay Arianne ang bumabagabag sa kanyang kalooban.

Parang nagising si Cris sa sinabi ni Arianne at tuloy nakapagsalita siya ng may kaba sa kanyang dibdib.

"Arianne, hindi ko alam kung papaano ko ito sasabihin sa iyo" huminto muna si Cris sa pagsasalita at nagpatuloy "Arianne mayroon na akong ibang mahal".

Katahimikan ang namagitan sa kanilang dalawa. Para kay Arianne ay hindi ito isang biro.

Sa narinig na iyon ni Arianne ay parang gumuho ang mundo sa kanya. Minahal niya ng labis si Cris at ngayon maririnig niya ang mga katagang iyon.

"Ah siguro nagbibiro lang si Cris sa sinabi niya hindi nya magagawa iyon" ang pilit na isinisiksik ni Arianne sa isip niya ito "hindi totoo ang narinig ko" ang sabi sa sarili.

Naging malumanay pa rin si Arianne sa kanyang narinig.

"Bakit?" ang naitanong na lang ni Arianne na sa gilid ng mga mata niya ay halatang may luha na nagpipilit pumatak subalit pinipigilan niya. Nais niyang patunayan kay Cris na hindi siya masyadong naapektuhan kahit ang pakiramdam niya ay para siyang sasabog.

Gayunman ang tanong ni Arianne ay naghahanap pa rin ng tiyak na kasagutan sa tanong niyang 'bakit'.

Tumingin muna si Cris ng diretso sa mga mata ni Arianne.

"Patawarin mo ako Arianne..mahal kita subalit wala akong magawa..gusto ko mang tumakas sa kalagayan ko ngayon ay malabong mangyari" tumigil muna sa pagsasalita at saka nagpatuloy "natukso ako ng ibang babae at siya ay nagdadalangtao na..isang bagay na hindi ko na matatalikuran pa" ang paliwanag ni Cris na sa sarili niya ay halatang may pagsisisi sa kanyang nagawa.

Naging mahinahon pa rin si Arianne sa kabila ng ipinagtapat ni Cris sa kanya. Wala sa kanya ni bahid ng pagkamuhi sa lalaking minahal niya ng labis kundi pang unawa ang kanyang naramdaman dito.

Subalit papaano niya uunawain si Cris ngayong labis siyang nasaktan at sa puso at damdamin niya ay hindi pa rin niya matanggap ang katotohanang ito.

Kaunting katahimikan ang namagitan sa kanila. Nakayuko si Cris. Tumayo si Arianne at wala kahit isang salita na lumabas sa bibig niya. Naramdaman ni Cris na umalis si Arianne. Hinabol niya ito ng tingin na para bang sinasabi na huwag muna siyang umalis subalit tuloy tuloy si Arianne hanggang nakalayo na ito.

Lumakad ng lumakad si Arianne na walang direksyon..basta makalayo lang sa lugar na iyon..hindi alam kung saan papunta. At naramdaman niya parang hindi na siya makalakad..parang may nakakabit na kadena sa paa niya.

Huminto muna siya at tumabi sa isang lugar at hindi na napigilan ang sarili..isinubsob ang mukha sa dalawang palad at umiyak ng umiyak.

Nasa ganoon siyang sitwasyon ng marinig niya ang kantang "MAHAL MO BA'Y DI NA AKO" na lalong nagpabigat sa kanyang nararamdam.

"HINDI MO NA BA NAAALALA ANG KATULAD KO

WALA NA BANG GANAP SA PUSO AT DAMDAMIN MO

TULUYAN BANG NILIMOT ANG LAHAT

WALA MAN LAMANG KAHIT NA BAKAS

AT ANG PAG-IBIG NATIN BA'Y TALAGA NG MAGWAWAKAS

HINDI KA BA NANGHIHINAYANG, NANGYARI BA'Y GANOON NA LAMANG"

Sa kabilang dako ng mga sandali ring iyon sa bahay nina Arianne.

"Nanay Flora asan po si Arianne?" ang tawag ni Bernadette sa ina ni Arianne.

"Kanina pa nga umalis at magkikita daw sila ni Cris, e hangga ngayon wala pa ito. Nagaalala na nga ako e" ang tugon ng ina ni Arianne.

"Sige po tawagan ko po siya" ang tugon ni Bernadette kay aling Flora na lubhang nagaalala sa anak.

Tinawagan nga ni Bernadette ang kaibigan subalit hindi niya ito makontak.

"Hindi bale puntahan ko na lang si Arianne alam ko naman ang madalas na puntahan ng dalawa" ang nasabi na lang ni Bernadette sa sarili.

At pinuntahan nga ni Bernadette ang madalas na puntahan ng dalawa subalit wala sila doon.

Nawalan na ng pagasa na makita niya si Arianne ng hindi inaasahan ay nakasalubong niya si Arianne na pabalik dahil maling direksyon ang kanyang nilakaran dahil sa gulo ng kanyang isip at sama ng loob.

"Arianne bakit ganyan ang ayos mo namumugto ang mga mata mo?" ang tanong ni Bernadette sa kaibigan na may halong awa dito.

Nang magkalapit ang dalawa ay yumakap na lang si Arianne sa kaibigan at sa balikat ni Bernadette ay umiyak uli ito. At ng mahimasmasan ay ikinuwento ang lahat ng pinag-usapan nila ni Cris.

"Ganoon ba?..talagang yang Cris na yan lagot siya sa akin kapag nagkita kami" ang bantang sinabi ni Bernadette dahil sa awang nadama kay Arianne.

"Bayaan mo na lang siya kung doon siya maligaya ay wala akong magagawa" ang may pagdaramdam na sabi ni Arianne.

Lumipas ang tatlong buwan na wala ng balita si Arianne kay Cris ng isang araw humahangos na pinuntahan siya ni Bernadette at may ipinakita na dyaryo. Nasa picture si Cris kasama ang babaing pakakasalan.

"Arianne tingnan mo itong balita sa dyaryo ikakasal na pala si Cris at ang babae tingnan mo parang ate na niya pero mukhang mayaman ang babae ipinadyaryo pa ang kasal nila" ang nanggagalaiting sabi ni Bernadette.

Hindi tiningnan ni Arianne ang dyaryo dahil hindi siya interesado sa balita tungkol kay Cris. Subalit halata kay Arianne ang dalang lungkot ng balita. At sa kanyang sarili tuluyan ng mawawala si Cris sa buhay niya..

Iniwan ni Arianne si Bernadette at umakyak ng bahay at doon muli na naman siyang umiyak dahil hangga ngayon mahal na mahal pa rin niya si Cris.

Sa kabilang dako sumapit ang araw ng kasal ni Cris at sa Chapel handa na rin ang lahat. Hinihintay na lang ang babaing pakakasalan ni Cris.

At pagdating ng babae na mukhang maganda sa damit na pangkasal ay sinimulan na ang seremonya.

Tahimik na ang lahat at habang tinatanong ng magkakasal ang dalawa ay isang lasing na lalaki ang biglang pumasok.

"Itigil ang kasalang iyan dahil ako ang ama ng dinadala ng babaing ikakasal" ang sigaw nito na nagpagulat sa mga bisitang naroon.

Anupat nagulo ang kasalan hanggang hindi na ito natuloy.

Sa pangyayaring iyon tuwang tuwa si Cris dahil para siyang nabunutan ng malaking tinik sa dibdib niya at bigla niyang naalala si Arianne..ang babaing tunay niyang mahal.

Ngayon papaano ang gagawin niya para humingi ng tawad kay Arianne? Papaano siya lalapit dito upang sabihin na masaya siya dahil hindi siya nakasal sa babaing hindi niya gusto at siya ay natukso lamang. Papaano niya muling liligawan si Arianne at sasabihin dito na si Arianne pa rin ang nasa puso niya. Paniwalaan kaya siya nito sa kabila ng nagawa niyang pagtataksil kung ito nga ay matatawag na isang kataksilan?.

Pinalipas pa muna ni Cris ang pangyayaring iyon ng dalawang buwan.

Ang una niyang ginawa ay tawagan si Bernadette at sabihin dito ang lahat ng pangyayari upang tulungan siya ni Bernadette na makiusap kay Arianne.

Ganoon nga ang ginawa ni Cris kinausap niya si Bernadette at sinabi ang buong pangyayari at nakiusap siya dito na sabihin ang lahat kay Arianne.

Tinawagan nga ni Bernadette si Arianne upang sabihin ang ipinasasabi ni Cris.

"Arianne tumawag si Cris at sinabi niya na sabihin sa iyo na hindi siya natuloy sa babaing pakakasalan" at ikinuwento ni Bernadette ang buong pangyayari "at sabi pa ni Cris mahal na mahal ka daw niya" ang dugtong ni Bernadette.

Siyempre nagkunwang galit si Arianne kay Cris ng ibalita dito ni Bernadette ang nangyari at lalo ng madinig sa kaibigan ang ipinasasabi ni Cris sa kanya na mahal na mahal siya nito.

"Huwag siyang makapunta punta dito sa amin baliw siya" ang nasabi ni Arianne sa kaibigan.

Subalit sa nabalitaang iyon ni Arianne ay lihim siyang natutuwa dahil kapag nagbalik si Cris sa kanya ay siguradong patatawarin niya dahil hangga ngayon mahal pa rin niya si Cris kahit nagkaroon pa ng bahid ang kanilang pagmamahalan.

"Cris" tinawagan ni Bernadette si Cris "galit pa si Arianne e pero pakiramdam ko naggagalit galitan lang si Arianne. Siguro mas maganda puntahan mo na lang at kausapin at humingi ka ng tawad" ang payo ni Bernadette.

"Salamat Bernadette ha, talagang maaasahan kita" ang medyo may pambobolang sabi ni Cris kay Bernadette.

"Huwag mo nga akong bolahin at kapag inulit mo pa iyan kay Arianne ay pupugutan kita ng ulo" ang nakatawang sabi ni Bernadette kay Cris.

At ganoon nga ang ginawa ni Cris. Pinuntahan si Arianne at humingi dito ng tawad. Pinatawad naman siya ni Arianne dahil hindi maikakaila na mahal pa rin niya si Cris.

Ikinasal sina Arianne at Cris at makalipas ng tatlong taon ay nabiyayaan sila ng dalawang anak...END


AUTORENGEDANKEN
Almario_Aguirre_7837 Almario_Aguirre_7837

Totoong napakasakit ang mabigo sa isang minamahal subalit kapag nangibabaw ang pang unawa sa naging kalagayan ng isang minamahal at dahil sa pang unawang iyon ay nagbubunga rin ito ng kaligayahan.

Sana nagbigay ito ng inspiration sa mga nagmamahalan. Please give your comments. Thanks.

Rio Alma

More short love stories are coming..enjoy reading.

Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C5
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen