App herunterladen
8.33% Just Hold Onto Destiny's Grasp / Chapter 5: Boyfriend

Kapitel 5: Boyfriend

TUNAY na lalaki naman ako, nagkagirlfriend pa nga ako, diba? Pero literal akong napatayo ng tuwid at hindi makahinga ng magdikit ang mga katawan namin.

Oo, aaminin ko ang bango niya. Babaeng-babae ang amoy niya.

Ngunit hindi ako katulad ng ibang lalaki na parang asong ulol kapag ganito ang eksena, ako kasi ang tipo ng lalaki na conservative pero itong nasa harap ko, hindi yata iyon uso sa kanya.

Hingang malalim, Damien.

Nanlaki ang mata ko.

Dumikit ang 'ano' niya sa akin!

"Hoy!" nagbalik ako sa katawang lupa ko ng sapakin ako ng malakas ni Abram.

"Ang sakit non, ah. Bakit ka ba nanapak?!"inis na sigaw ko sa kanya habang himas himas ang mukha ko.

"Kanina ka pa kasi nakatulala diyan, Ano ba kasing nangyari? Pumunta ka lang sa book store, naging lutang kana" usal ni Abram sabay subo ng strawberry cake.

Nandito kami ngayon sa isang coffee shop ng mall.

"Tsk ang daldal mo, kumain ka nalang" sabay inom ko ng inorder kong hot chocolate.

"Damien..."

Napataas ang tingin ko ng marinig ang pamilyar na boses na iyon.

"Heizelle," pormal na bati ko sa kanya.

Hindi ko alam kung ngingiti ba ako o tatawa o tatalon o lalapitan siya, ngunit sa dulo ang tanging nagawa ko lang ay pormal na ngumiti sa kanya.

Mahahalata sa boses ko na hindi na ako nagulat sa pagkikita namin, baka dahil nakita ko na siya nong minsan. Nasa iisang lugar na kami kaya hindi malabong magkasalubong ang landas namin.

Nagtaka ako ng makita ko ang lungkot sa mga mata niya, mabilis lang yon at pinalitan niya ng isang magandang ngiti na nagpahulog sa damdamin ko sa kanya noon.

"Comeback is real na ba? Maganda 'to papanoorin ko ang katangahan ng kaibigan ko habang nagkakape. Letche."mahinang sabi ni Abram at seryosong nakatingin sa kape na nasa harap niya.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at niyaya siyang umupo sa puwesto namin.

"M-May kasama kasi ako, Damien"nahihiya niyang sabi sa akin.

"Kaibigan mo? Ayos lang, umupo na kayo rito" nakangiti kong anyaya sa kanya, four seaters naman kasi ang napili namin na table.

"Hindi ko—"

"Babe! Nakahanap ka na ba ng table natin? Dito ba ang gusto mo?"tanong ng isang lalaki kay Heizelle, saksi ang mga mata ko kung paano gumalaw ang kamay ng lalaki at pinalupot ito sa bewang ni Heizelle.

Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko.

Noon, ako lang ang tanging lalaki na may karapatan na hawakan siya ngunit ngayon may iba ng pumalit sa puwesto ko. Hindi na ako ang Boyfriend niya. Isang nalang ako sa mga ex-boyfriend niya.

Napaiwas tuloy ang tingin ko sa kanila at sumakto naman ito kay Abram, may hawak siyang kutsara saka tinapat sa bibig niya.

"Napakasakit, Kuya Eddie~" at nakuha niya pang kumanta. "Masakit ba pare? Sige pa, kulang pa iyan" mahinang sambit niya sa akin at umirap.

"O-Oh babe, hmm ano... Wala pa akong nahanap na table" sinulyupan niya ang lalaki at halos magkadikit na ang mukha nila sa paglingon niya. Domoble ang hapdi sa dibdib ko. Hindi kinakaya ng mata ko, ang nakikita niya sa harapan niya.

"Babe, si ano nga pala... Si D-Damien" pagpapakilala niya sa akin at doon palang lumingon sa akin ang lalaki. Binigyan niya ako ng magaan na ngiti at ngumiti rin ako pabalik. "Damien, si Teajay , boyfriend ko"

Boyfriend, huh?

Kahit alam ko ng boyfriend niya ang kasama niya ay hindi ko parin matanggap, hindi matanggap ng sistema ko ang pangyayari. Hindi ako sanay na may babangitin siyang boyfriend niya na hindi pangalan ko ang kasunod. Ang hirap-hirap masanay sa bagay na hindi pangmatagalan.

"Babe, siya yong kinukuwento ko sayo na kaibigan ko na photographer"

Kaibigan na photographer? Okay. Kaibigan kasi. Pangit naman kasing ipakilala niya akong , Ex-boyfriend niyang photographer, diba?

"Hello bro, nice meeting you. Lagi kang nakukuwento sa akin ng girlfriend ko" nakipagkamay siya kaya malugod ko naman itong tinanggap at nakipagkamay sa kanya.

"Ah, talaga?" sabay sulyap ko kay Heizelle at balik ang tingin kay Teajay na boyfriend niya.

"Oo, dahil nga do'n gusto kong makilala ka. Nong minsan pa nga, sinabi ko pa sa kanyang ikaw na lang sana ang wedding photographer namin sa kasal namin" halos mapunit ang labi niya sa sobrang ngiti at tumingin pa siya kay Heizelle na binigyan siya ng isang tipid na ngiti.

Sa pagkakaalam ko, Landscape photographer ako at hindi Wedding photographer. Hindi sa bitter ako, okay? Gusto sana isagot iyan kaso ang pangit naman pakinggan. Dapat 'yong maayos naman.

"P-Pwede naman. Pero ano kasi, Landscape photographer ako at hindi Wedding photographer" napakamot ako sa gilid ng noo ko at alangan na tumawa. "Pero kung gusto nyo, may kilala akong Wedding photographer, sasabihin ko ito sa kanya"

"Teajay, anong kasal ang sinasabi mo riyan?" may halong inis sa boses ni Heizelle "Nasaan na ang Cappuccino ko at Toffee Pecan Caramel Pound cake ko? Nagugutom na ako"

Lumambot naman ang ekspresyon ng lalaki at hinalikan ang ulo ni Heizelle, napako ako sa kinatatayuan ko dahil do'n.

"Sorry na babe, nagbibiro lang naman ako at isa pa hindi naman ako nagmamadali dahil naniniwala ako na kahit ano pa man panahon iyan, alam kong ikaw ang babaeng ikakasal sa akin"

"Oo na, oo na" sambit niya at inalis ang pagkakahawak ng lalaki sa bewang niya. "Damien, pwede bang maki-table sa inyo?" tanong niya sa akin kaya naging alerto ako.

"Hindi pwede ang mapanakit dito" bulong ni Abram kaya naman ngumiti ako at inapakan ang paa niya sa ilalim ng lamesa, napa-aray naman siya.

"Oo naman, pwedeng pwede" nakangiting sagot ko at ngumiti rin sila sa akin.

Nagtaka ako nong lumapit sa akin si Heizelle at umupo sa tabi ko. Magkaharap kasi kami ni Abram kaya malaya siyang nakaupo sa tabi ko. Naramdaman ko ang kabog sa dibdib ko, ngayon lang kasi ulit naging ganito kalapit ang katawan namin sa isa't isa.

"H-Hoy Abram, lumipat ka rito. Diyan si Heizelle" pagpapaalis at pagpapalipat ko sa kaibigang pinsan ko.

"No, huwag na. Ayos na ako rito. Diyan ka nalang Abram" lumingon ako kay Heizelle ng sabihin niya iyon ngunit ang paningin niya ay nasa boyfriend niya "Babe, dito ka nalang sa harap ko" nakangiting sabi niya.

Sumilay ang hilaw na ngiti ko, Ako ang katabi niya at ang lapit ng katawan niya sa akin ngunit ang atensyon niya ay nasa iba. Ang mga mata niya ay nakatuon sa lalaking nasa harap niya.

"MAHAL mo pa siya 'no?" tanong ni Abram sa akin at napatingin naman ako sa kanya. Nasa bahay kami ngayon. Nakatingin lang ako sa labas at nag-iisip isip.

Napabuntong hininga naman ako at napasandal sa upuan.

Nong minsan na tinanong niya ako tungkol dito, nasagot ko ang tanong niya at malakas pa ang loob ko ngunit ngayon, para akong napipi. Hindi ko na alam kung anong isasagot ko.

Totoo nga yata na nagbabago ang sagot ng tao sa pangalawang pagkakataon dahil sa pangalawang pagkakataon, doon mo napapag isipan at doon ka may natutuklasan na nagiging dahilan kung bakit napapaisip ka kung tama ba ang naging sagot mo nong una.

"Mahal mo pa nga" tango tango na sabi niya. "Para tuloy akong tanga, tinatanong ko ang isang bagay na napaka-obvious naman ang sagot" iling iling na sabi niya at tumawa ng mahina.

"Naka move on na ako" sagot ko sa kanya na nasa malayo ang tingin.

"Kaya pala nong nakita mo siyang may kasamang ibang lalaki, iniwas mo ang tingin mo? Kaya pala mukha kang ninakawan kung makasimangot ka habang sweet sila sa harap mo? Tama, naka move on kana. Napakagaling mo, Cadenza" seryoso ngunit may asar sa tono ni Abram at nakakainis ang tono na iyon.

Matalim ko siyang tiningnan bago inalis sa kanya ang paningin ko.

Naiinis ako. Naiinis ako kasi lahat ng sinabi niya ay totoo at tama. Walang labis at walang kulang. Sapul na sapol ako.

"Anong gusto mong sabihin sa akin? Na mahal ko pa siya? Na hindi pa ako nakaka-move on?" napailing ako at tiningnan siya ng seryoso. "Pare, two years na kaming break at syempre naka-move on na ako. Ang tagal tagal na no'n. Isa pa, hindi lang naman siya ang babae sa mundo, marami pa riyan"

Tumahimik siya sa sandali at tiningnan lang ako. Nakakunot ang noo niya at lumiit ang mga mata niya na parang pinag-aaralan ako.

"Alam mo, Damien pansin ko na iba ang sinasabi ng bibig mo sa pinapakita ng mga mata mo" seryosong sambit niya sa akin at natigilan ako. "Sinasabi ng bibig mo na naka-move on ka na...pero ang mga mata mo...iba, e" kinagat niya ang labi niya at lalong nangunot ang noo na parang lalim ng iniisip. "Halo halo ang nakikita ko...may lungkot,sakit at panghihinayang"

Napayuko tuloy ako. Ayaw ko talagang nagseseryoso si Abram dahil once na nagseryoso siya, tumitiklop na ako.

"Kaibigan at pinsan mo ako, Damien. Hindi mo naman kailangan maging malakas sa harap ko, kung ano talaga ang nararamdaman mo , iyon ang ipakita mo sa akin" tinapik niya sa balikat ko at nong inaangat ko ang tingin ko sa kanya, pinakita ko ang totoong nararamdaman ko. Tiningnan ko siya sa nanghihinang mga mata.

"Nasasaktan ako, Abram"pag amin ko sa kanya. "Mukhang tama ka nga, hindi pa talaga ako naka-move on" nakagat ko ang labi ko at pinasadahan ng kamay ang buhok ko. "Ang sakit lang makita na ang taong ako lang ang nagpapasaya dati ay may iba nang nagpapasaya ngayon" malungkot na sabi ko at gumuhit ang muli ang kirot na naramdaman ko kahapon.

"Hindi naman porket ikaw ang nagpasaya sa kanya, ikaw na ang magiging kaligayahan niya...May mga bagay talaga na kahit noon ikaw ang nagpapasaya ngunit sa dulo hindi ikaw ang magiging kaligayahan niya" pinagkrus niya ang braso niya at tiningnan ako.

Tumagos ang sinabi niya diretso sa puso ko, wala man lang pasintabi.

"Baka nga...baka nga ako lang ang taong nagpasaya ngunit hindi ako kaligayahan niya...at hinding hindi magiging dahilan ng kaligayahan niya" pag sang ayon ko ngunit habang lumalabas sa bibig ko ang mga salitang iyon ay may kung anong napupunit sa loob ng dibdib ko. Ang sakit. Ang hapdi.

Sa buhay talaga natin, may isa talagang tao na kahit matagal na taon ang lumipas, may parte pa rin sa puso natin at dahilan ng sakit na nararamdaman natin.

Kailan ba ito matatapos? Kailan ba mawawala ang bwiset na pakiramdam na ito? Kailan ba mapapagod ang puso ko na mahalin siya? Nakakasawa na. Nakakasawa na ang sakit at pait na nararamdaman ko.

"Nakakabakla man pakinggan pero gusto kong sabihin na..." hinawakan niya ako sa balikat ko at binigyan ako ng magaan na ngiti. "Naniniwala ako na may darating din sa tao buhay mo na ikaw ang magiging kaligayahan niya at siya rin ang magiging dahilan ng kaligayahan mo...At ako ang pinakamasaya kapag natagpuan mo na ang taong iyon" sinsero at nakangiting sabi niya at kumislap ang mga mata niya.

May humaplos sa puso ko sa sanabi niya at sa oras na ito ay gustong tumulo ng mga luha ko ngunit pinigilan ko. Ang saya ko dahil meron akong loko lokong pinsan at kaibigan na tulad niya.

"Ang drama naman ng usapan natin. Hindi natin bagay!" sabi ko nalang para mawala ang mabigat na pakiramdam.

Tumawa naman si Abram at binatukan ako. Tinapos namin ang araw na iyon sa tawanan at uminom ng Delmonte four seasons.


Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C5
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen