App herunterladen
100% Journey to a Different World : My Cat Prince  / Chapter 3: CHAPTER II : The Party

Kapitel 3: CHAPTER II : The Party

        "Myldred, pahiram ako ng necklace ha?" pa-sweet na bungad ni Erika nang pagbuksan niya ang mga ito.

                "Ako naman pahiram nung dress mo. Di mo naman ginagamit eh." Singit naman ni Fiona.

                "Wala ba kayong mga damit, at yung sa'kin ang pinagdidiskitahan nyo?" Iritadong bulyaw niya sa dalawa. " Sa iba nalang kayo manghiram!"

                "Eh kasi hindi mo naman ginagamit noh…" halatang na-offend si Erika.

            "Hoy, Erika, hindi naman hiram ang ginagagawa mo eh. Kasi hindi mo naman binabalik!"

                "Ang yabang mo! 'di 'wag! Isaksak mo sa baga mo! Halika na Fiona."

                "Tingnan natin kung maka-attend ka ng year-end party!" makahulugang sabi naman ni Fiona.

                "Grabe! Nakakapikon na talaga ang dalawang yun. Binantaan pa ako, sila na nga lang itong may kailangan! Hmmp, makapaghanda na nga lang, last day na to e…"

                Napag-isipan  ni Myldred na suotin ang dress at pares na jewelry na binigay ng kaniyang mama noong birthday niya. "Bagay ba sa'kin Felidis?" nakangiting nagpaikot-ikot pa siya. Nahiga siya sa kama at nangarap na kasayaw niya ang kaniyang Prince Charming at naroon sila sa malawak na hardin.

                "Let me take you to this world. Let me love you. Let me hold you forever in my arms."

                "Oh… my dear Prince you can!" kinuha niya ang unan at pinaghahalikan habang si Felidis ay nakatingin lang sa kanya. "My Prince…" tumatawang naghanda na siya, pero habang nasa loob siya ng shower ay may masamang balak pala ang dalawa niyang pinsan.

                "Dalian mo na!"

                "Ano ka ba, 'wag ka namang maingay mam'ya marinig tayo ni Myldred." mahinang sabi ni Fiona.

                "Lock na ba?"

                "Oo, tara na!" nagmamadaling lumabas ang dalawa.

                "Felidis, ikaw ba yan?"

                "Baliw talaga yun no? kausap na naman ang pusa niya." Tumatawang sambit ni Fiona habang palabas ng pintuan. we

                Nang matapos si Myldred mag-shower ay sinubukan niyang buksan ang pinto, pero naka-lock ito sa labas.

                "Fiona? Erika? Hindi ito nakakatawa! Buksan niya ang pinto."

                "Fiona!!! Erika!!!"

                "Meow…"

                "Felidis? Girl please open the door." May mga narinig siyang kaluskos, si Felidis yun, sinusubukang buksan ang pinto. "What am I doing? I'm talking to my cat."

                "Tita!" Malapit na siyang mawalan ng pag-asa dahil hindi naman siya maririnig ng kanyang tita. Hanggang sa biglang bumukas ang pinto.

                "Felidis? Good girl, Thank you." Hinalikan niya ito at mabilis nagbihis ng kaniyang damit.

                "Ang dalawang iyon! Malilintikan talaga sakin yun! Pati ang mga susuotin ko tinangay!" Habang abala siya sa pag-aayos ay hindi niya naman namalayan na pumasok na pala si Felidis sa bag niya.Pagkatapos niyang magbihis ay nagmamadaling bumaba na siya. Nagulat pa ang kanyang tita nang makita siya. " Oh… kala ko ba hindi ka pupunta?"

                "Huh?" maang na tanong niya.

                "E sabi nila Fiona, 'wag ka na daw gisingin dahil di ka pupunta."

                "Ah… ganun ho ba? Nagbago po ang isip ko eh.." Nagmamadaling lumabas na siya ng bahay habang nagkukut-kot ang kanyang kalooban sa lahat ng mga kasinungalingan ng dalawa nyang pinsan.

               Pagdating niya sa party ay agad hinagilap ng kanyang mga mata ang dalawa niyang pinsan at si Erika ang una nyang nakita. Halatang abala ito sa pakikipag-sosyalan sa mga kaibigan na hangang-hanga naman sa mga suot nito.

                "Erika! Bakit mo ginawa yun?"

                "Ang alin cat woman?" sarkastikong sabi nito.

                "Ni-lock nyo ako sa bathroom"

                "Pwede ba sa bahay na tayo mag-usap. May kausap pa ako." Pabulong na sabi nito.

                "Ah… yun ba? Buti nalang pala bagay sayo ang dress na kinuha mo no?" Mas malakas kaysa sa normal niyang boses na sabi niya.

                "Myldred, ano ba?"

              "Ay… sorry napalakas, eh… yung earings bakit 'di mo suot? Terno yun diba? Yung necklace dapat sinuot mo rin para naman magandang tingnan diba? Terno kase yun dapat kinuha mo na rin."

                "Hoy, Erika akala ko ba bigay yan sayo nig Mommy mo?" singit ng kausap ni Erika

                "Oo nga! Yun pala kinuha mo lang yan sa pinsan mo. Totoo ba yun?" sabi pa ng isa.

                Nag-umpisang magbulong-bulungan ang mga tao sa paligid, nagtatawanan na rin ang mga kasama ni Erika. At hiyang-hiya na talaga ang dalaga. "Tama na, please?"

                "Alam mo? bagay lang yan sayo!" matapang niyang sabi.

                "Myldred ano to?!" hinila siya ni Fiona sa braso. "Bakit umiiyak si Erika?"

              "Aba malay ko, basta ang sabi ko bagay na bagay ang damit ko sa kanya. Masama ba yun?" Hinila niya ang kanyang braso at tangkang aalis na.

                "Bruha ka!!!" akmang sasabunutan siya ni Fiona pero bago pa mahawakan nito ang buhok niya ay biglang tumalon mula sa kaniyang bag si Felidis at pinagkakalmot ang damit nito. Nagsisigaw ito habang siya ay kinuha ang alaga.

"Felidis, tama na yan. Hayaan mo na sila." Sumama naman ito at lahat ng tao na madaraanan nila ay tumabi na para bang "She's MYLDRED THE GREAT AND POWERFUL."

Tatayo pa sana si Fiona para habulin siya. Humawak ito sa mantel ng lamesa, ngunit isa pala iyong pagkakamali dahil bago pa ito makatayo ay isa-isa nang bumagsak ang lahat ng nakalagay sa lamesa. Nagmukha tuloy itong basang sisiw dahil sa juice at mga pagkain.

                Nagtawanan ang lahat ng tao sa paligid habang siya ay nakangiting nilisan ang party.

                "Alam mo Felidis, nagulat ako sa ginawa mo, pero thank you kase pinagtanggol mo ako. Feeling ko tuloy witch talaga ako at ikaw ang familiar ko." Mataman lang siyang pinagmasdan ng kaniyang pusa habang nakaupo sa kandungan niya.

                "Sana Makita ko na ang prince charming ko no?"Nakangiti niyang pinagmasdan ang kalangitan. Hindi muna kase sila umuwi. Nagpalipas muna sila ng oras sa parke na nadaanan niya. Tumunog ang kaniyang cellphone.

                "Hello, ma?"

                "Hello, honey. How was the party?"

                "Ok lang , masaya."

                "Good. Buti nalang sa number mo na ako tumawag. Honey, I'm so sorry… I was so selfish. Kaya siguro hanggang ngayon ay ayaw mo parin akong kausapin. Ang Daddy mo tumawag na ba?"

                "Ok lang po yun naiintndihan ko naman." Bumuntong hininga siya. "Bakit nyo po ba naitanong kung tumawag na si Daddy?"

                "E kasi magpapadala na ulit siya. Na-delay lang kasi ang sahod niya kaya hindi niya naipadala agad sayo."

                Nagtaka siya sa narinig. "Ulit? Bakit kelan po ba siya nagpadala?"

                "Ha? Monthly nagpapadala ang Daddy mo sa account mo diba?"

                "Anong account? Wala akong account."

                "Teka sabi ng tita mo natatanggap mo raw."

                "Ano? Tsaka ngayon ka lang naman tumawag sakin ah."

                "Palagi akong tumatawag sa landline kase sabi ng tita mo. Sira daw ang cellphone mo. Mabuti nga at na-contact na kita."

                "Ma… wala silang sinasabi sakin. Ang alam ko nga kinalimutan mo na ako, kayo ni Daddy."

                "Baby that will never happen. Sige pupunta ako dyan bukas na bukas din. Kailangan ko silang makausap."

                "Ok ma, I Love you."

                "Love you too…"

                Galit na galit siya. Sobrang galit. Kaya kinarga niya si Felidis at nagmartsa pauwi. Hindi pa siya kumakatok ay biglang bumukas ang pinto.

                "Mom! Nandito na siya!" sigaw ni Fiona, namumugto ang mga mata dahil sa kakaiyak.

                "Myldred, bakit mo nagawa sa mga pinsan mo iyon?" galit na salubong ng kaniyang tita.

                "Itanong nyo po kung bakit dyan sa mga anak nyo!" tingnan niya si Fiona." Bakit nga ba Fiona?"

                "Inggit ka lang kase!"

                "Aba, ako pa ang inggit ha? Sino ba ang laging nanghihiram ng mga gamit ko ng walang balikan?" tumingin siya ng deretso dito. "Hiyang-hiya naman ako sayo."

                "Dapat ikaw lang talaga ang mahiya Myldred, ilang taon ka na kayang nakatira dito diba? Kinupkop kita at inalagaan na parang tunay na anak!"

                "Wow, kailangan pa po ba kitang pasalamatan? Sabitan ng medalya? O baka gusto nyo na patayuan ko pa po kayo ng pedestal?"

                "Hoy, babae! Mommy ko 'yang binabastos mo!" akmang sasampalin siya nito pero biglang lumabas si Felidis kaya napaatras ulit si Fiona.

                "Mommy, ayan na naman ang pusa…"

                "Myldred, wala ka na ba talagang utang na loob? Ha?"

                "Kayo? Wala ba kayong lahat mga utang na loob?" Hindi ba kayo nasusuka sa mga sinasabi nyo? Hindi ba't ang daddy ko ay monthly na napapadala? Tapos hindi niyo manlang sinabi sa akin? Ang Mommy, lagi din daw tumatawag pero hindi nyo sakin sinasabi."

                Hindi na nakapag salita ang tatlo.

                "Ano?! Cat got your tongue?" Tumatakbong umakyat siya sa kwarto at agad siyang nag-empake ng lahat ng gamit niya.Sa wakas makaka-alis na siya sa impyernong buhay na ito.

                Kinaumagahan ay tinwagan niya ang kaniyang mama para alamin kung anong oras siya nito susunduin. Ibinaba niya ang lahat ng kaniyang gamit at naghintay sa pagdating nito.

                "Aalis ka?" gulat na tanong ng kaniyang tita.

                " Opo"

                "Saan ka naman pupunta? Wala ka namang ibang kamag-anak na pwedeng tirhan maliban sa amin diba?"

                "Yun po ang akala ninyo" agad niyang sabi nang marinig ang busina ng sasakyan ng mommy niya.

                Nagtatakang dumako ang tingin ng kaniyang tita sa pintuan. Habang tumatakbong binuksan niya ang pinto. "Mama!"

                "Tulungan na kitang mag-load para mabilis tayo." binalingan nito ang kaniyang tita. "Hello ate… kukunin ko na ang anak ko ha? Salamat."

                "Myldred hindi mo naman kailangang umalis e.. pagsasabihan ko nalang ang dalawa mong pinsan."

                "Buo na po ang desisyon ko."

                "Baka naman pwede natin 'tong pag-usapan?"

                "Mom! Bakit po ba kailangan niyo siyang pigilan? Hayaan niyo na siya, tutal pabigat lang naman siya satin diba?" Mataray na sigaw ni Fiona.

                "Fiona! Hindi ka kinakausap kaya 'wag kang makisali sa usapan!"

                "Pero ma, tama naman si Fiona di ba? Sila na nga itong tinulungan e, sila pa itong may ganang magalit at manumbat!"

                "Ano? Hanggang ngayon ba wala parin silang alam? Ha, Ate?" halatang galit ang kaniyang Mommy.

                Biglang namutla ang mukha ng kaniyang tita. "Alice… ahm, 'wag mo nalang sabihin, nakikiusap ako."

                "Anong 'wag? Hahayaan kong pagsalitaan ng ganiyan ang aking anak dahil sa kasinungalingan mo?"

                "Alice, patawarin mo na ako."

                "Hindi!" nilingon ng kaniyang mama ang magkapatid na Erika at Fiona "At kayong dalawa dapat kayong mahiya sa mga pinaggagawa ninyo! Lahat ng perang ginagasta nyo mula sa pambili nyo ng kaartihan nyo hanggang sa tuition fee sa inyong eskwelahan, lahat yan galing sa pera ko at sa pera ng daddy ni Myldred. Lahat yan pinapadala namin para kay Myldred! Kaya kung may pabigat dito kayo yun, hindi ang anak ko!"

                Tiklop na yumuko ang dalawa sa isang tabi.

                "Alice…Myldred" Umiiyak na tawag ng kaniyang tita.

                "Ito na ba lahat anak?"

                "Opo ma."

                "Mom… paano na tayo? Hindi na kami makakapag-college."reklamo ni Fiona

                "Wala na rin akong gagamitin sa mga date namin ng boyfriend ko." Dugtong ni Erika.

                "Tumigil nga kayo! Mula ngayon umpisahan nyo na ang maghanap ng trabaho."

                "Mom!"

                "Tahimik!"

                "Ehem." Putol niya sa pagtatalo ng tatlo "may regalo nga pala ako kay Erika bago ako umalis."

                "Talaga?" agad na lumapit sa kanya si Erika.

                "Ako, wala?" tanong naman ni Fiona.

                "Ahm… siguro para sa inyo nalang dalawa yan." Nakangiting tinalikuran niya ang dalawa.

                Agad naman itong binuksan ng dalawa. "Wow! Pictures . suvinirs ata---" biglang namutla si Fiona.

                "Walang hiya ka! Boyfriend ko to ah…" walang pasabing hinila ni Erika ang buhok ni Fiona.

                "Erika, sa-sandali magpapaliwanag a-ako!"

                "Hayup kayong dalawa! Bitch! Flirt!. Walang hiya ka talaga, malandi"

                "Tumigil na kayong dalawa." Sita ng kanilang ina.

                Tawa ng tawa si Myldred habang naglalakad siya. "Hay… all swell that ends well. Ika nga music to my ears ang naririnig ko ngayon."

                "So? Are you ready to go darling?"

                "Yes mom, I'm more than ready. I'm excited!"

                "Good, Because I know your Lolo too…"

                Nang magsimulang tumakbo ang kanilang sasakyan, alam niya na ang lahat ng mga nangyari ay parte nan g kaniyang nakaraan at hindi niya na ito babalikan pang muli.

                "Yan na bas i Felidis?'

                "Yes mom, ang ganda niya di ba?"

                "Manang-mana sa master niya."

                "Tama ka dyan mom!" nagtawanan silang dalawa.

                Wala silang ibang ginawa kundi ang magkwentuhan at magkulitan sa kanilang buong byahe. Ikinwento niya ang lahat ng mga pangyayari sa kaniyang buhay.

                "Tapos na ang lahat ng paghihirap mo, anak."

                "Oo mom, pero simula na ng napakaganda kong adventure." At tama nga siya, dahil lahat ay magbabago sa bahay ng kanyang Lolo na kailan man ay hindi niya inaasahang mangyayari dahil na rin sa kaniyang pusa na si Felidis.


Load failed, please RETRY

Bald kommt ein neues Kapitel Schreiben Sie eine Rezension

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C3
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen