Si Myldred ay nasa last year na ng kanyang Senior High pero walang kaibigang maituturing maliban sa kaniyang pusa.
"Hay naku, Felidis. Buti nalang nandyan ka no?" lumapit ang pusa at umupo sa kaniyang kandungan. " Alam mo masarap siguro na iwan ang mundong ito, siguro magiging masaya ako." Walang sabing pumasok sa kan'yang kwarto si Erika.
"Well, well… well. Hindi ka naman si Cat Woman pero lagi mong kinakausap ang pusa mo. Sumasagot ba siya ng MEOW?" tumatawang lumapit nito sa closet niya.
Hmmp! Eto nanaman ang evil na babaeng si Erika. " Di ka manlang ba marunong kumatok? Ano ba nag kailangan mo?" mataray niyang sabi.
"I'm going to a party later. I need a pair of earings." Patuloy na pangangalikot nito.
"Eh… bakit dito sa akin? Wala ka bang hikaw?"
"I need kase yung bagay sa dress ko. Hmmm… eto nalang, this one is perfect!" kinuha nito ang isang pares ng pearl na hikaw niya.
" Teka, sinabi ko ba sayo na pwede kang manghiram?"
" Bakit? Di mo ako pahihiramin?"
" Hindi ka naman nagpaalam, so why should I?"
"Alam mo wala ka na namang magagawa suot ko na. Ibabalik ko naman bukas." Nakakaloko itong ngumiti at deretsong lumabas ng kaniyang kwarto.
Grrr… bwisit talaga ang babaeng yun! Knowing that girl, walang balak ibalik ang gamit ko nun! "Hay… matulog na nga tayo Felidis at pumunta sa ating mundo."
Habang busy si Myldred sa pagkukuskos ng sahig, ang dalawa niyang step sister ay busy rin sa paglalakad at pagdumi sa sahig na nililinisan niya.
"Ano ba? Ang bagal mo naman!" sita ni Erika.
"Ang dami mo pang gagawin. Yung kwarto ko pa!" sigaw naman ni Fiona. " Dalian mo!"
"Oo na" tumayo siya at dinala ang timba sa kusina. " paulit-ulit na eh."
"Anong sabi mo? Nagrereklamo k aba?" hinatak ni Fiona ang buhok niya at hinila siya palabas ng kusina.
"Aray ko! Ano ba, nasasaktan na ako."
"Dapat lang yan sayo dahil 'di ka marunong sumunod!" Itinulak siya ni Erika sa sahig at ibinuhos ang laman ng timbang dala niya." Alam mo lumugar ka kase, katulong ka lang namin diba?'
" Oo nga!" kinuha ni Fiona ang basahan at aktong ihahagis sa mukha niya nang isang makisig na lalake ang bumaba mula sa kabayo nito at walang anu-ano'y bigla siyang nilapitan.
" Huwag nyo siyang sasaktan!" lumapit ito sakanya at tinulungan s'yang makatayo " halika, sumama ka sa akin mahal kong prinsesa."
Tumayo siya at walang pasabing binuhat siya nito. Namangha siya sa kagwapuhan na taglay nito. Tinitigan nito ang kaniyang mga labi at unti-unting tinawid ang espasyo sa pagitan nila. It was the sweetest kiss ever, she felt infinite!
Biglang naudlot ng pantasya niya dahil sa isang malakas na tawa.Panaginip pala! At nang magmulat siya ay sina Erika at Fiona ang nakita niyang tumatawa habang si Felidis ay nasa kaniyang harapan.
"Masarap bang kahalikan ang pusa mo?"
"Ano ka ba Erika, bigyan natin sila ng privacy."tukso naman ni Fiona
"Paano kayo nakapasok dito?"
"Hello? Bahay namin ito remember?" maarteng sabi ni Fiona " pinapagising ka na ni Mommy." Nagmartsa na ito palabas habang si Erika ay naiwan sa loob ng kwarto ni Myldred.
"Ano pa ang kailangan mo?"
"Yung earings mo kase… ano eh… ahmm."
"Wag mo nang ituloy, alam ko na! pwede ba iwan mo na ako?"
"Hmmp!! Ang sungit mo naman! Bumaba ka na raw!"
Pag-alis ng dalawa ay muli niyang kinausap si Felidis. "Felidis darling, ikaw ba ang nag-kiss sa akin?" kinuha niya ang kaniyang pusa. "At least ikaw lagi ka namang naliligo at nagtu-tooth brush."
Eto ang buhay ni Myldred punung-puno ng kabwisitan. Punung-puno ng excitement at walang hanggang kaartehan. Nagbihis siya at bumaba. Tawag na raw siya ng kaniyang tita.
"Oh! my dear Myldred, gising ka na pala. Kumusta ang tulog mo?"
"Ok lang naman po tita. Bakit niyo po pala ako pinagising?"
"Well Saturday ngayon. Wala ka bang nakakalimutan?"
"Wala naman po----- OMG! Late na ako." Tumatakbong bumalik siya sa kwarto at nagbihis ng kaniyang damit." Pagbaba ng hagdan ay tinawag siyang muli ng kanyang tita.
"Breakfast mo, binalot ko na at meron ka na ring merienda dyan" hinalikan siya nito "Take care" nginitian niya ang kaniyang tita.
"Naku naman! Male-late na ako!" walking distance lang ang school na pinapasukan niya kaya naman madali lang ang makarating doon. Review kasi nila for the finals, kailangan niya iyon dahil graduating siya at kahit matalino siya ay dapat niyang maipasa ang final exam. She's top in class and candidate for Validictorian kaya sobrang pinahahalagahan niya ang mga ganitong pagkakataon. Masyado siyang focus sa pag-aaral kaya naman wala siyang time sa barkada at pag-ibig.
"Ms. Ludovice you are late!" lahat ng kaniyang mga kaklase ay nagtawanan. "Answer the problem on the board."
"Yes ma'am." Lumapit siya sa board at nagsolve.
"Well done Ms.Ludovice. You might be the student who never comes in time for your subject, but you are indeed the smartest student I have. Please sit-down."
"Thank you, ma'am." Wow naman... nilait at pinuri ako ni ma'am at the same time."
"Good one freak!" ani naman ni Gilbert ang meanest guy sa room.
"Mr. Buenavista solve this next problem." kakamot-kamot ito habang siya ay lihim na napangiti.
Si Mrs. Maranan ang paborito niyang teacher sa paborito niyang subject, super bait din nito pag nasa labas sila ng classroom.
"You don't know the answer?! eh… papano ka papasa sa final examination mo nyan? Sit-down Mr. Buenavista!" nagtawanan ulit ang lahat, pagkatapos ng kaniyang review ay dumeretso siya sa café kung saan siya nagpa-part time. Hindi naman siya inuubliga ng kaniyang tita na magtrabaho pero ginagawa niya ito ay para sa sariling kagustuhan na tumulong dahil alam naman niyang hindi na siya sinusuportahan ng kaniyang mga magulang. Sabi ng kaniyang tita matagal na raw yun kaya wag na niyang alalahanin, pero dahilan niya narin iyon para makatakas na rin sa dalawa niyang pinsan.
"Good afternoon,George!"
"Evening, Myldred! Order up!." Isa-isa nitong inilabas ang mga pagkain. "Table four"
"Okey…" Nag-serve siya ng 2 iced tea at crossini rolls. " Enjoy your order."
"Order at table five!"
"ay-eye captain!" banana muffins at coffee shake naman.
"Kumusta ang review?"
"Ok naman George."
"Good! Kailangan Validictorian ka huh? Pupunta ako sa graduation mo. Eh… yung dalawa mong pinsan?"
" Sila? Ayun masaya! Ako? Hindi!"
Tumawa ito ng malakas. " Hayaan mo malapit ka nanamang umalis doon diba?.."
"Oo nga, I can't wait!"
"Order from table One, two blackberry cupcake and 3 cappoccino."
"Order niyo po ma—Erika?Fiona?" she was surprised to see her cousins there. "Anong ginagawa niya dito?"
"Hindi ba obvious? To have some coffee."
"Talaga lang ha? Afford niyo?"
"Anong akala mo samin POOR?!" mataray na sabi ni Fiona. " ok, talk to you later. Erika he is here na!"
"How do I look?" nag-ayos pa si Erika ng sarili. "Do I look good?"
"Yes!"
Natatawa siya sa dalawa, mabuti nalang at busy ang dalawa sa pagtanghod sa kung sinong lalaki na dumating kung hindi baka mabulywan na naman siya. Hmm… nakatisod ng mayaman.
"Sige na, wala na kaming order 'wag ka nang tumunganga dyan!." Tumirik ang kanyang mata dahil sa sinabi nito.
"Sige po ma'am" palihim nyang pinagmasdan ang tatlo habang nag-uusap.
"So? I'll be your date sa year end party?"
"Syempre ikaw ang boyfriend ko diba?"
"Wait, we are not into a serious relationship. Alam mo yan!"
"What? I thought we are doing fine?" biglang sumama ang mukha ni Erika.
"Hey… we are doing fine as a company of each other but we are not totally in a relationship. I don't want commitment and I told you that at the beginning."
"Okey fine. Pero pupunta ka sa bahay para sunduin ako?"
"No, we will meet at the dance nalang."
"Hmmp! Ganyan ka naman."
"Alam mo sis, stop complaining baka mamaya mainis yan si Dave hindi ka nalang sunduin."
"Oo na sige. Sya nga pala pay for the bill nalang, I'm just going to the restroom." Pag-alis ni Erika ay agad na lumipat sa tabi ni Dave si Fiona.
"So? What time tayo magkikita sa party?"
"I think before the party nalang." Ngumisi pa ang loko at hinagkan pa ang noon i Fiona.
"Same place?"
"Yeah."
Dumating naman si Erika na walang kaakam-alam sa ginagawang lalokohan ng dalawa.
"Let's go?" Tumayo na ang lalaki at inakbayan si Erika.
"Bilib din naman sa dalawang iyon no? Grabe!"
Nagulat siya at pareho pala nilang pinagmamasdan ang mga pinsan niya. "Hayaan na natin ang dalawang yun." Siguro pagnalaman ni Erika ang mga nakita ko malamang na magsabunutan ang dalawang yun.
Pagkatapos ng shift niya ay dumeretso na siya sa bahay. Umakyat siya sa kaniyang kwarto at agad na lumapit sa kanya si Felidis pagpasok niya.
"Hello my dear, Felidis. How are you?" Pumaikot lang ito sa kanyang mga binti.
"I miss you too… Alam mo ba, nakita ko yung dalawang bruha sa café. Tapos si Fiona, she's flirting with Dave yung boyfriend ni Erika. Ay hindi pal! May relasyon na yung dalawa tapos si Erika mukhang tanga walang kaalam-alam. Nakakatawa sila no? Ano kaya kung sabihin k okay E---"
"You won't dare to tell Erika about me and Dave!" Gulat na nilingon niya ang nagsalita.
"F-Fiona?"
"Baliw ka ba? Subukan mong sabihin kay Erika, malilintikan ka sakin!"
"Takot ka siguro na malaman niya no?"
"Huh! Mas matakot ka pag sinabi mo. Bumaba ka na raw!" Padabog na isinara nito ang pinto.
"Hay naku Felidis, konting tiis nalang makaka-alis na tayo dito sa bahay na ito. Parang nakakaintindi naman ang pusa na lumapit uli ito sa kanya. "Pano? Kain na tayo?"
Kinabukasan pagpasok niya sa campus ay may kakaiba sa mga taong nakakasalubong niya. Ang iba ay todo ang ngiti, meron namang 'di na makahinga sa pagtawa at may mga nakakalokong tumingin. "Ano ba ang naging almusal ng mga tao ngayong umaga?"
"Hello cat woman. May pusa ako sa bahay baka pwede mo rin siyang halikan."
"Baka may lahi talaga siyang pusa at feeling niya ay prince charming niya ang pusa na iyon." Nagtawanan ang lahat ng taong nakarinig. Tapos may bumangga pa sa kanya.
"Meow… meow…" Iyon ang laging sinasabi ng mag taong nakakasalubong niya.
"Miss may nakadikit sa likod." Kinapa niya at nakita niyana may nakadikit nga sa likod niya. I'M THE QUEEN OF CATS PLEASE SAY "MEOW"
"Salamat." At least may nagmagandang-loob sa kaniya.
"Fiona." Agad niya itong nilaitan.
"Yes, Myldred?"
"Bakit alam ng buong campus ang nangyari?"
"Aba malay ko! Baka obvious na may pagka-cat material ka." Nagtawanan ang magkakaibigan.
"Tandaan mo Fiona, may alas din ako laban sayo." Namutla ito sa sinabi niya. "Sige mauna na ako." Nakangiting iniwan niya ang babae.
Simula ng araw na iyon lagi niya ng sinusundan si Fiona pag-alam niyang magkikita ang dalawa. Madaling malaman kung saan at kelan ang mga ito magkikita. Kapag hindi magkasama ang magkapatid malamang sa malamang ay magkasama si Fiona at si Dave. "Pagwala ang pusa… naglalaro ang mga daga". She always bring her camera with her whenever she follows Fiona. Marami siyang nakuhang pictures na tiyak na hindi ikatutuwa ni Erika.
"Felidis my darling, isang lingo nalang malapit na nating lisanin ang pamamahay na ito."
This is Myldred's life, full of annoyance and headache. Kumplikado man ang kaniyang sitwasyon ay masaya siya dahil alam niyang hindi siya nag-iisa at kasama niya palagi ang kaniyang mahal na pusa.