Chapter 21:
Sunod
Mary's Point of View
"Wait lang Carmina, may tumatawag sa phone kong mamahalin hihi"
Biglang nagsalita si ate Jaye habang hawak-hawak ang kaniyang phone. Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa pinto ng kuwarto.
"S-sige po"
Tumango ako sa kaniya habang ngumiti nang mapait.
Nakapahinga ang aking ulo sa dulkng bahagi ng kama na kung saan mahimbing na nakapikit ang mga mata ni ate Freya sa aking tabi.
Tanging naririnig mo lamang ang tunog ng machine na ginagamit sa ospital at ang mga busina ng mga sasakyan sa labas ng sasakyan.
Nakahinto ang aking mga tingin sa mga benda na nakapalibot sa kaniyang mga katawan na dahilan para maluha ako.
Anong nangyari sa kaniya? Isa ba siya sa mga naging biktima dito sa Mastoniaz? Sa aking pag-iisip, nagtaka ako kung alam ba ng mga manggagamot sa bayan ang mga nangyayari dito sa ospital?
Bigla akong nagulat at napatayo sa upuan nang marinig ko ang sabay-sabay na pagbusina ng mga kotse at trak sa labas ng ospital. Dahil sa inis, tiningnan ko ang mga ito sa bintana. Bakit puro busina sila?
Nang aking tingnan sa bintana ay nakita ko ang matinding trapik sa tapat ng ospital. Ramdam mo ang inis ng bawat tsuper sa loob ng mga sasakyan at ang mga pasaherong nauubos na rin ang oras at pasyensya.
Inilibot ko ang aking mata kung ano ang dahilan ng trapik. Hindi ko inaasahang makikita ang isang lalaking nakahiga sa daan. Bumigat ang aking damdamin habang tinitingnan ang bawat tao sa labas na mukhang mga nagulat sa insidente.
Isang pasyente ang lalaking ito kung titignan ang surgical dress nito. Nakakalungkot at nakakapagtaka ang nangyari sa biktima. Pinagmasdan ko lamang ang mga paramedics na dalhin muli ito sa loob ng ospital.
Sa aking pagkurap at muling pagdilat, nagulat ako nang biglang dumilim ang loob ng kuwarto. Nakarinig din ako ng pagpindot sa lightswitch. Dahan-dahan akong lumingon sa aking likuran at nagulat nang makita ko si ate Freya na nakatayo sa harap ng pader.
"Ahh, magandang hapon"
Pagbati ko sa kaniya. Hindi siya lumingon sa akin bakus ay tumawa nang malakas habang pinaglalaruan ang lightswitch. Kasabay ng pagpatay-sindi ng ilaw ay nagsisitayuan ang aking mga balahibo dahil sa tawa niya. Hinding-hindi siya ito.
"Bakit napakatagal mo? Ilang dekada na akong naghihintay!"
Sa kaniyang napakalamig na boses ay lumingon siya sa akin habang sinasabunutan ang sariling buhok. Dekada? Anong dekada? Ako? Napakatagal ko?
"A-anong pinagsasabi mo? Anong dekada? Umayos ka nga!"
Halata sa aking boses na mahina ang aking loob habang kinakaharap ang kung sino o ano man ito. Bigla siyang naglakad papalapit sa akin. Tumatalon nang mabilis ang aking dibdib habang pinagmamasdan si ate Freya na nakangisi sa akin. Hindi ko alam ang aking gagawin at nanatiling nakatayo sa takot.
Agad niya akong nilapitan at tumawa muli nang malakas.
"Sino ka?! Anong kailangan mo?! Anong ginawa mo kay ate Freya?! Kilala mo ako?"
Paulit-ulit kong tanong sa harap niya. Ngunit bigla akong hinawakan nang mahigpit sa aking leeg. Ramdam ko ang malamig na palad niya habang sumisikip ang aking paghinga.
"Ahk! Ha!"
Pilit kong nilalabanan ang kaniyang puwersa sa aking leeg. Unti-unti akong pumipikit hanggang sa nakarinig ako ng pagbukas ng pinto ng kuwarto.
"Oh my gosh! Doc! Help Carmina!"
Narinig ko ang boses ni ate Jaye na sa sobrang lakas ay nabuhayan muli ako. Idinilat ko ang aking mga mata at nakita ang dalawang doktor na nakapalibot kay ate Freya.
"Miss, bitawan mo siya!"
Sigaw ng isang matandang doktor na sa tingin ko ay isa na itong veteran doctor. Naramdaman ko ang unti-unting pagbitaw ni ate Freya sa aking leeg dahilan para makahinga muli ako nang mabuti.
"At sino ka para utusan ako?!"
Agad na lumapit si ate Freya papunta sa isang doktor at tinulak sa sahig. Pumatong si ate Freya sa doktor at sinakal nang mahigpit.
"Oh my gosh! Help!"
Narinig ko si ate Jaye na humihingi ng tulong sa labas ng kuwarto habang dala niya ang phone sa kaniyang kamay na nakatutok sa amin.
Agad na pumasok ang ilang mga nurses at doctors upang tulungan kami sa sitwasyon na hinantungan namin. Naka-pokus lahat sila sa pagtanggal kay ate Freya mula sa ibabaw ng beteranong doktor na nasasaktan na sa kaniyang pagsakal.
"Are you okay, Carmina?"
Lumapit sa akin si ate Jaye at inalalayan ako patungo sa pinto ng kuwarto. Napakaingay ng paligid, puno ng sigawan at hiyawan dahil sa nangyayari.
"Ganyan na yang pasyente na iyan. Hindi ko alam kung bakit pero siguro may kinalaman iyan sa kaniyang aksidente"
Sabi ni ate Jaye habang patuloy pa rin siya sa pag-record ng sitwasyon sa kaniyang phone habang nanatili akong tulala at tahimik dahil sa mga nangyayari.
"Sa aksidente lang po ba? Hindi yan may kinalaman sa bayan natin?"
Hindi ko maiwasang matanong ang bagay na iyon sa kaniya.
"Haha! What are you talking about? Well, siguro may kinalaman yan sa The Humming Lady"
Biro niya. Hindi ko na nagugustuhan ang mga pinagsasabi ni ate Jaye, parang ginagawa niya kasing katatawanan.
"Ah, s-siguro po kailangan ko na pong umuwi!"
Nagdesisyon na muna akong tapusin ang pag-uusap namin at napangiti nang wala sa oras.
"Ahh, sige, mag-iingat ka! Adiós!"
Niyakap ako ni ate Jaye nang hindi inaasahan at masayang kumaway sa akin. Hindi ko alam kung bakit nagawa niya pa ring ngumiti kahit na may mga taong nahihirapan na sa paligid niya, at kabilang na rin ako doon.
Sa aking paglabas ng kuwarto at sa pagsara ng pinto, agad na napalitan ang aking ngiti ng isang seryosong mukha at mga naluluhang mata. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Nakikita na ng aking mga mata kung gaano naghihirap ang aking pinsan at hindi ko pa inaakala!
At ang pinakamasaklap pa ay wala akong magagawa dahil kapag mayroon, tiyak na mahahanap ako nina Angelia. Mabilis akong tumakbo patungo sa labasan ng ospital at sa sakayan ng dyip kung saan pinuntahan ko ang bahay namin, o bahay ni ate Belle.
Sa aking pagbaba sa dyip, mabilis akong tumungo sa bahay ni ate Belle habang tinatakpan ko ng balabal ang aking mukha. Nang aking makita ang konkretong bahay sa hjndi kalayuan, inilibot ko muna ang aking mga mata para tingnan kung ligtas nga bang pumasok sa loob.
Ilang segundo ang nakalipas at nakaharap ko na ang pinto ng bahay. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto nito ngunit sa kasamaang palad ay nakakandado ang buong bahay. Pati ba naman sila, mawawala? Nasaan sila? Nasaan si Carmen? Hindi ko mapupuntahan si kuya at papa dahil nasa malayo sila! Nasaan sila?!
Pinuntahan ko ang parke kung saan naririnig mo ang napakaingay na kantahan ng isang artistang nagko-concert. Tiningnan ko ang bawat bahagi ng parke ngunit wala talaga akong makitang mukhang puwedeng lapitan. Hindi kaya nawawala rin sila? Ano ba nangyayari? Nasaan din si Maxine?
Ilang minuto ang aking paglilibot sa hindi gaanong malaking parke ay bigla kong nakita ang mukha ng aking kababatang kapatid. Si Carmelle, hawak-hawak ng isang lalaking matangkad at payat na nakasuot ng isang polo at pantalon. Balak ko sana itong lapitan ngunit naalala ko na dapat hindi ako mapagkamalang si Mary.
Nagdesisyon akong sundan ang lalaking ito. Mahigpit na hinahawaka ang kamay ni Carmelle na parang isang tatay. Sino ba itong lalaking ito? Mukhang mayaman at hindi mukhang masamang tao dahil sa napaputing kutis ng balat. Dahan-dahan akong sumunod sa bawat hakbang nila. Hindi ko alam kung saan sila papunta pero kailangan kong makita si Carmelle.
Sa isang sidewalk na puno ng maraming tao, sila'y gumilid patungo sa isang tahimik na lugar na puno ng mga nagtatayuang mga puno. Masasabi ko itong ibang gubat kumpara sa gubat nina Aling Rosing. Nakatutok nang husto ang aking mata sa likod ng lalaki habang sinusundan sila. Saan sila papunta?
"Establishment closed. Please don't enter"
Ako'y unti-unting nakakaramdam ng takot nang makita ang isang sign na nakadikit sa iilang mga puno. Anong establishment?
Ilang saglit ay nakita ko na ang isang gusaling gawa sa bato. Marahil ito ang dating municipal hall ng Mastoniaz. Nasa gitna ng mini-forest? Sino ba sila para pumasok diyan sa gusali? Pinagmasdan ko ang mukhang kalmadong paglalakad ng lalaki kasama si Carmelle.
Nagsimula akong magdalawang-isip. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Bagama't may nagsasabing "Curiosity killed the cat", pero atleast "The cat died knowing. Ginamit ko ang aking tapang para pasukin ang tahimik na gusali.
Tahimik akong pumasok sa gusali para tingnan ang napakadilim na loob nito. Ang bawat sulok ng gusali ay puno ng mga sapot at ang bawat kuwarto ay pinamamahayan na ng mga daga at ipis. Lumibot ako sa bawat parte ng unang palapag at wala kang makikitang anumang bagay sa bawat silid.
Napag-isipan kong umakyat sa ikalawang palapag nang tahimik at alert sa mga puwedeng mangyari. Dumaan ako sa isang mahabang hallway na may nga pader na puno ng mga sulat at vandal, siguro mga pirma ng mga magtotropang unang beses makapunta sa haunted places.
"Alam mo na?"
Bigla kong narinig ang isang mababang boses ng lalaki na umalingawngaw sa aking tainga.
"Papatayin mo siya! Walang kuwentang estudyante! Nagpapakalat ng balita! Marami na siyang nalalaman kaya patayin mo na yun, eto bayad"
Dagdag pa niya. Bumibigat ang aking pakiramdam nang marinig ko iyon. Alam kong may papatayin sila, ngunit sino? At ano yung nalaman ng estudyanteng iyon? Bakit nila papatayin?
Narinig ang papalakas na tunog ng pagyapak ng isang sapatos. May paparating! Mabilis akong tumakbo nang tahimik ngunit hindi maiwasan na makagawa ako ng ingay dahil sa takong ng aking sapatos.
"May tao?"
Dinig ko ang matining na boses ni Carmelle habang patungo ako sa isang silid na halos walang kabagay-bagay, walang kahit ano maliban sa isang sofa kung saan sa ilalim ako nagtago kahit na alam kong magaspang ang sahig dahil sa bato.
Pumikit ako at tinakpan ang aking bibig para hindi ako makagawa ng ingay. Umaasa ako na hindi ako mahanap dahil magiging huli ko na ito kung gayon.
Ilang minuto ang lumipas ngunit wala akong naririnig o nararamdaman na naririyan pa ang lalaking kasama ni Carmelle.
Lumingon ako sa aking likod at aking nakita ang isang magulong mga karton na naglalaman ng mga papel na inaamag na sa sobrang tagal na ng kakalagay. Kumuha ako ng isa sa isang karton para tignan ang laman.
Isang liham ng pamamaalam.