Mary's Point of View
"Okay lang po ba kayo, Miss?"
Binulabog ako ng taxi driver sa aking pag-iisip. Hindi ko na pala namalayan na lumuluha na ang aking mga mata dahil sa nangyari kay mama.
"Opo"
Tumango lamang ako kay manong at ngumiti lamang siya sa akin sa rear-view mirror. Alam kong nararamdaman niya na hindi ako okay pero hindi niya ako kilala kaya mas minabuti niyang manahimik na lang.
Isinandal ko ang aking ulo sa bintana sa kanang bahagi at pinanonood ang unti-unting pagbubukang-liwayway habang kinukumutan ko ng aking mga braso ang aking katawan dahil sa lamig sa loob ng taxi.
-•-
Nagising ako nang bigla sa ingay ng dalawang lalaki sa labas ng taxi. Nanginginig ako sa sobrang lamig sa loob, parang winter season lang.
Nakita ko ang isang lalaking may sombrero na nasa labas ng taxi at dito ko napagtanto na nasa isang gas station kami.
"Oh, gising ka na pala, hija"
Nagulat ako nang pumasok sa harap ng pinto ng taxi si manong habang hawak-hawak ang isang sandwich.
"Sarado raw ang daan ngayon na dapat dadaanan natin papunta sa iyong lugar, maya-maya pa ang bukas. Dito muna tayo sa gas station tatambay hanggang magbukas ang daan"
Dagdag niya habang ngumunguya. Yumuko ako sa inis. Sino naman ang hindi maiinip lalo na kung wala ka nang pasyensya sa buhay.
"B-bakit po b-ba?"
Binuksan ko ang aking tuyong labi dahil sa lamig.
"May aksidente raw sa hindi kalayuan. Si Kuya Toni na driver ng isang jeep, kawawa nga siya eh. Siya nga lang yung nagmamaneho ng jeep tuwing gabi"
Mabilis siyang sumagot sa aking tanong habang nakatingin sa akin nang diretso.
"Totoo po? Siya lang po yung nagmamaneho tuwing gabi?"
Nakaramdam ako ng takot dahil alam kong may sinakyan akong jeep kagabi at baka mamaya, iyon pala ang kasama sa aksidenteng tinutukoy nito ni manong.
Tumango lang nang mabagal si manong sa akin. Kung gayon nga, baka tama na nga ang nasa isip ko. Marahil siya nga yung naaksidente.
Natulala ako sa bintana ng taxi habang hinihintay na gumalaw ang sasakyan. Kung hindi kaya ako bumaba sa jeep na iyon, baka hindi na ako aabot dito, baka hindi na ako buhay dito, humihinga.
Napagpasyahan kong itulog na lang ang aking sarili nang hindi masayang ang oras sa kakahintay.
-•-
|11:00 AM|
"Maraming salamat po sa masayang biyahe!"
Nakangiti akong nagsasalita kay manong habang gumagamit ang puwersa para mabuksan yung pinto ng taxi. Hindi ko kasi alam kung paano magbukas ng pinto nito.
"Maraming salamat din!"
Tugon ni manong habang kumakaway sa akin. Ang kaniyang mga kamay ay puno ng mga salapi na aking binigay sa kaniya. Mabuti na lamang at nakakapag-ipon ako ng pera noong nasa juñior high school pa lamang ako.
Bumaba ako sa taxi nang nakasuot ng pilit na ngiti habang lumilingon sa aking paligid.
Sa oras na umandar na ang taxi sa aking likuran ay agad akong may narinig na mga sigawan.
"Lagi na lang may namamatay doon!"
"Oo nga. Hindi ko alam kung bakit hindi pa iyon isinasara!"
"Tama ka jan, bes!"
Narinig ko ang mga usapan ng tatlong babaeng matatanda sa aking gilid habang mabagal kaming naglalakad sa gilid ng kalsada.
Ano na naman kaya ang nangyari? May namatay na naman ba? Bakit kasi hindi gumagalaw ang mga taong may mataas na posisyon?
"Hindi ko alam kay Mayor Jeffrey Anthony! Wala naman yatang ginagawa yun!"
Bigkas ng isang babaeng matanda. Binagalan ko ang aking lakad para sila ang mauna sa daan habang sumusunod lang ako, nakikinig sa kanilang mga tsismis.
Sa kalagitnaan ng paglalakad, may huminto sa aming isang van dahilan para ako'y kabahan.
Napahinto naman ang tatlong matandang babae habang tinititigan ang van.
"Granny! Nakita pala kita dito!"
Bumukas ang pinto ng van at aming narinig ang isang matining na boses. Nakita ko ang paglabas ng isang babaeng makakasira ng aking araw, si Angelia.
"Oh, saan ka pupunta?"
Tanong ng isang matandang babaeng may isang yayamanin ng kuwintas sa kaniyang leeg. Lumapit at niyakap ni Angelia ito nang mahigpit.
Saan ba ang daan paalis dito? Gusto ko nang makauwi, at the same time, medyo kinakabahan ako dahil napatay ko ang mama ni Angelia.
"To the funeral of mom"
Sagot ni Angelia sa "granny". Balak ko na sanang umalis dito ngunit bigla akong tinawag.
"Mary! Nandirito ka pala!"
Lumingon ako kay Angelia na nakangisi ngunit hindi mo pa rin maipagkakaila na malungkot ang mga mata ng babaeng ito.
"Where did you go? I saw you last last night in the party even if you were not invited. How come?"
Tumawa siya nang pilit sa harap ng tatlong matandang babae na kasama niya. Nakikita ko rin na may kasabay siyang guard sa loob ng van. Kung wala lang itong mga ito, lalaban ako nang husto.
"Ah, eh kas-"
"Why were you no where to be seen when something bad happened in the party?"
Hindi pa man ako nakakasagot nang maayos ay agad pa siyang nagbigay ng isa pang tanong sa akin.
Nagsimula akong pagpawisan dahil hindi ako makasagot.
"Ah, kasi nakauwi n-na ako?"
Nanginginig akong nagsalita sa kaniya at ikinatawa lang nila ang aking sagot.
"You know it is a violation, huh?"
Wika niya. Agad na tumalon sa gilid ang matandang babae na tinuring niyang 'granny'.
"Ah eh dapat pala itong ipadala sa barangay dahil nagkamit siya ng isang pagkakamali!"
Wika ng matanda sa akin. Napaatras ako sa kanila habang yumapak ang matanda papalapit sa akin.
"S-sorry po. Hindi ko po alam! Mamamatay po kasi ako kapag hindi po ako pumunta!"
Mangiyak-iyak na ako sa mga nangyayari kaya hindi ko na maiwasang sumigaw.
"Hahahaha! Talaga ba? But you still committed a violation!"
Tumawa nang malakas si Angelia. Dahil sa takot, napag-isipan ko na tumakbo nang mabilis papaalis sa kanila.
"Kuya Melvin! Get that lady!"
Dinig ko ang papahinang sigaw ni Angelia habang tumatakbo sa gilid ng kalsada.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta dahil kalaban ko na ang mayor na sakop ang buong lugar na pinagtatakbuhan ko.
Mabilis akong tumitingin sa aking paligid para makahanap ng pagtataguan o kaya daan para maligaw ang humahabol sa akin.
Nakatitig sa akin ang ibang mga tao habang dinig ko ang mga tahol ng mga aso sa akin.
Napaliko ako sa isang iskinita at doon muntik na akong madapa dahil sa sikip at sa dami ng mga tao. Naririnig ko ang mga hiyaw ng mga tao.
Lumabas ako sa dulo ng iskinita at aking nakita ang napakaraming tao habang sila'y nagsasaya. Nakita ko ang mga naglalakihang float sa gitna ng kalsada dahilan para ako'y bumagal sa pagtakbo.
Lumingon muli ako sa likod ko para tingnan kung nasaan na ang guard. Pero nakikita ko pa rin ang kaniyang mukha at napayuko ako dahil akala ko tapos na.
Pinilit ko pa ring sumiksik sa mga tao nang makaalis na rito. Ngunit natumba ako nang may nakabangga akong isang babaeng napakalakas.
"Aray ko!"
Hinawakan ko ang aking palad na may maliit na sugat.
"Sorry, miss!"
Lumapit sa akin ang aking nakabanggaan. Ang babaeng inakala ko ay isang lalaki pala. Isang lalaking pamilyar. Nakilala ko yata ito sa parke kasama ni Tristan.
"Mary!"
Narinig ko ang sigaw ng isang boses na pamilyar. Ito na nga. Nakita ko si Tristan na nakangiti sa akin nang todo.
Lumapit silang dalawa sa akin para tulungan akong makatayo mula sa sahig.
"Nagkita ulit tayo! Kamusta na?"
Tanong sa akin ni Tristan, ngunit hindi ko siya sinagot dahil nasa paligid ko pa ang guard. Nanatili akong kalmado habang tinititigan ang t-shirt ni Tristan.
Alam kong parang nagiging manyak na ako pero kailangan kong hindi mahanap ng guard na iyon.
Ngunit biglang tumalon ang aking puso nang inakbayan ako ni Tristan.
"Nood ka na lang!"
Tugon niya sa akin habang tinuturo ang mga float sa gitna ng kalsada.
"Oo nga! Magsaya ka naman! Bakit mukha kang haggard?"
Wika ng kaniyang kaibigan na may mahabang buhok sa aking gilid.
Bakit biglang naging ganito ang pangyayari? Pero atleast nakakatulong sila para hindi ako makita ng guard.
Ilang minuto ang nakalipas, at hindi ko na nakikita ang guard kahit saan sa paligid ko. Pero nananatili pa rin ang kamay ni Tristan sa aking balikat, hindi ko alam kung bakit.
"Tara na nga!"
Tinawag ni Tristan ang kaniyang kaibigan na busy sa panonood habang bigla na lang hinawakan ang aking pinagpapawisang kamay at dinala kami sa isang espasyo kung saan walang masyadong tao.
"Bakit, tol?"
Tanong ng kaniyang kaibigan. Nakita ko ang seryosong mukha ni Tristan. Nakikita ko na may hitsura siya at ang kaniyang suot at nagbibigay appeal sa kaniya.
"Mukhang wanted itong si Mary ha. Tama ba ako? Bakit ka hinahabol ng guard?"
Tugon ni Tristan sa akin at sabay tumawa. Nagbigay lamang ako ng pilit na ngiti. Nakakapanghanga na alam niya ang nangyayari sa paligid.
"E-ewan ko. I think pumasok ako sa party nila nang walang invitation"
Sagot ko sa kaniya habang inaayos ang aking buhok na sumasabay sa hangin.
"Ano?! Hayss"
Nagulat ako nang sumigaw itong si kuyan long-haired sa tabi ko habang papunta sa isang bench.
"Tumahimik ka nga, Kev, tol. Nakakagulat ka!"
Natawa lamang ako nang pinalo ni Tristan itong kaibigan niya. So ang pangalan nitong long-haired na ito at si Kev?
"So, do you need any help now as of the moment?"
Tanong sa akin ni Tristan. Hindi ko na pala namalayan na nakaupo na kami sa isang upuan na gawa sa bato.
"Oo, siguro I need a place to sleep"
Sumagot ako sa kaniya nang wala pang sampung segundo. Alam kong mukha akong walang hiya pero kailangan ko nang gawin ito alang-alang sa aking buhay at sa sumpa.
"Hi guys!"
Nakarinig ako ng isang sigaw sa hindi kalayuan. Nakita ko ang isang babaeng may maikling buhok at isang lalaking pamilyar sa aking mga mata na parehong naglalakad papalapit sa amin.
"Oy! Ano? Kamusta yung inyong thesis?"
Tumayo sa gilid ko si Tristan at sumigaw. Hindi ko alam ngunit napangiti na lang ako sa kaniya habang pinagmamasadan siya sa pagsigaw.
"Okay lang, psh!"
Sa pagdating sa harap namin ang dalawang kaibigan nila, agad na nagsalita ang babae habang gumagamit ng cellphone.
"As usual, pasado kami. Walang mga maling nahanap. Haha"
Sagot din ng lalaki. Pamilyar talaga itong lalaking ito, hindi ko lang matandaan dahil masyado akong makakalimutin.
"Grabe talaga ang luck mo haha!"
Tugon ni Tristan sa kanilang dalawa at sabay nag-high five sa lalaki. Ngumisi lamang sa kaniya ang lalaking ito.
"Nah, it is because ang talino ko lang hehe. I'm not being arrogant though"
Wika ng lalaki habang nakatitig sa akin nang lubos dahilan para ako'y makaramdam ng kaunting discomfort.
"Ah, Mary, ito nga pala ang aking mga kaibigan, si Kristein tsaka si Rhandall"
Pagpapakilala ni Tristan sa kaniyang mga kaibigan. Rhandall? Ito ba ang nakaaway namin ni Ate Freya sa masquerade party?
Ngumiti kami sa isa't-isa at lumapit sa akin si Kristein para ako'y yakapin.
"We met each other somewhere"
Ani Rhandall habang nakatitig kay Tristan. Hindi siya makatitig sa akin?
"Well, I hope Mary will be a cool friend and not those persons na hindi kayang makisama sa mga taong katulad ko"
Rhandall rolled his eyes. Ang taas naman ng standards nitong lalaking ito.
"Oh don't be like that, Rhandall. Mukhang masayang kasama si Mary!"
Bigla na lang pinisil ang aking pisngi ni Kristein. Nanggigigil ka ba sa akin?
"Guys, kailangan pala ni Mary ng matutulugan"
Narinig ko ang mga salita ni Tristan na aking ikinatahimik. Bakit kailangan niya pang sabihin iyon?
Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Rhandall sa kaniyang labi na tinakpan niya ng dalwang kamay.
"Oh really? You can go to my house! There will be free food since my mom is very kind!"
Itinaas ni Kristein ang kaniyang kamay as if nasa classroom lang siya. Napangiti lamang ako sa kaniya dahil akala ko hindi siya mabait pero it turns out na si Rhandall lang pala rito ang may attitude.
"My parents are also kind. In fact, nakabuo sila ng organization para mag-donate ng mga necessary things for those who are in need"
Muli, isiniksik na naman ni Rhandall ang kaniyang sarili sa amin na nagsasaya na.
"Pake namin?"
Ngumuso naman itong si Kristein kay Rhandall sabay tumawa. Medyo nainis si Rhandall sa ginawa ni Kristein.
"Ako na bahala kay Mary, Tristan! I'll text you when we need something! Let's go!"
Sigaw ni Kristein na halos ikabingi ko na sa sonrang lakas. Bigla niyang hinwakan ang aking kamay at sabay kaming tumakbo paalis sa kanila.
"W-wait lang haha!"
Hinihingal na kaagad ako kahit na wala pang ilang minuto sa pagtatakbo.
Ngunit masaya kaming tumungo sa bahay nina Kristein pero nawala ito nang makita ko siya.
Nakita ko muli ang The Humming Lady na nakatitig sa akin sa isang upuan na tila hindi niya gusto ang mga nangyayari sa akin.
Bakit nga ba siya nagpaparamdam? May kailangan ba siyang ipagawa sa akin o ipaalala?