Ang magandang mukha ni Arnie ay naging lalong ka akit - akit lalong naging
matangos at prominente ang kanyang ilong ang kanyang kilay na dati rati ay
medyo may kanipisan ay naging napakaganda ng hugis na tila iginuhit ng
magaling na pintor. Ang kanyang mata na kulay berde na paminsan minsan
ay nagiging kulay abo ngayon ay kulay ube (violet) na at mayroon maganda
at mahabang pilik .
Ang kanyang kutis na natural na makinis at maputi ay lalong kuminis na
parang ivory sa kinis at puti, sa mas tamang salita ,ito ay maituturing na higit
pa sa flawless....
Anupat nagkaroon ng isang napaka laking pagba-bago ni Arnie. Bagamat dati
na itong napaka ganda at kaakit - akit, ngayon ay lalo at mas higit itong gumanda
at kaakit - akit.
Ang makukulay na liwanag at liwanag ng buwan na tuluyang nagsanib ay unti unting
Na absorb o pumasok sa mga pores ng balat ni Arnie bilang isang napaka lakas at
makapangyarihang enerhiya....
Makalipas ang ilan pang minuto, unti unti ng nawala ang matinding liwanag na
bumabalot kay Arnie hanggang sa muling bumalik sa normal, si Haring Boras at
mga kasama na sumaksi sa ritwal ay nanatiling tahimik, silang lahat ay pare parehong
nakinabang din sa pag sasanib ng liwanag. Ang matinding liwanag na mula sa buwan
at makulay na liwanag ay kanila ding na absorb, bagamat iba ang naging epekto nito
sa kanila, ito ay nagdulot din sa kanila ng kakaiba at matinding lakas at kapangyarihan
HARING BORAS : Tapos na ang ritwal, ganap na ang kapangyarihan at lakas ng nagbalik
na itinakda, ang saad ni haring Boras na bakas sa mukha ang kasiyahan. Tinaounan nito
ng sulyap si Arnie na nasa ere pa rin at patuloy na nakapikit ang mga mata.
Ang maputi at makinis nitong balat ay tila kumikinang pa na nag re reflect sa tila salamin
na tubig ng mahiwagang batis.