App herunterladen
8.76% arnie sa mundo ng tikbalang / Chapter 17: chapter 10 : Pagkikita

Kapitel 17: chapter 10 : Pagkikita

Hindi agad nakahuma si barako ng makita niya si Arnie, kinilabutan siya at nakarandam ng takot habang nakatitig kay Arnie.

Barako : ( totoo ba itong nakikita ko? si Arnie nga ba ito?)

nakatayo si Arnie sa may kawayanan ngunit animo transparent ang kabuuang katawan nito, tanging ang ulo lamang ni Arnie at ang mata na kumikislap sa dilim ng gabi na parang mata ng aso ang tanging malinaw na makikita sa kanya sa kabila ng kulay puti ang kanyang kasuotan at madilim ang paligid.

Arnie tawag ni Roger, na pumukaw kay Barako sa pagkamangha. ikaw nga ba yan? dagdag pang tanong ni Roger.

nagulat si Arnie pagkarinig at pagkakita sa lalakeng hindi nya namumukhaan kung sino. hindi ito pamilyar sa kanya, kung kaya't natatakot siyang napahakbang paurong.

mabilis ang naging kilos ni Roger sa pag aalalang mahulog si Arnie sa malalim na ilat sa ibaba ng kawayanan, agad nyang nilapitan at sinunggaban ang kamay ni Arnie

Arnie!!! baka mahulog ka!!! sigaw ng mga nag aalalang kalalakihan na kasama ni barako at adobo sa paghahanap kay Arnie.

ngunit sa pagkabigla ng lahat, walang anumang iwinaksi ni Arnie ang kamay ni Roger na naging dahilan para bumagsak itong parang puno ng saging sa paanan ni Arnie.

bagamat nahihintakutan dali daling lumapit si Barako kay Arnie at hinawakan ito sa braso, sa pag aalang mahulog ito o di kaya'y tumakbo.

Barako : Arnie ako ito si kuya Barako, dagling pakilala nito kay Arnie sa takot na baka matulad siya kay Roger.

napatingin si Arnie kay barako, at nang makilala nya ito dali daling humawak din ito sa braso ni Barako na para bang nakakita ng tagapag ligtas.

nakahinga ng maluwag ang lahat, nilapitan naman ni dolpo at adobo si Roger na nooy hindi pa tuluyang nakakatayo upang tulungan ito bago lumapit kay Arnie at Barako.

Adobo : Arnie halika na uuwi na tayo, nag aalala na silang lahat sa iyo

Arnie : kuya adobo nasaan ako? anong lugar ito? nasaan si uloy? bakit maraming tao?

sunod sunod na tanong ni Arnie sa pinsan

Adobo : si Uloy? hindi namin kasama si uloy, patay na si uloy sagot ni adobo na nagtataka sa sinabi ni Arnie.

halika na uuwi na tayo, at inakay ni adobo si Arnie paakyat sa matarik na gubat ng patay na burol.

sama samang naglakad sila adobo at mga kasama pauwi, sa kanilang paglalakad nakasalubong nila ang grupo ng kanyang amang si kiko at ang grupo nila kapitan dune at iba pang konsehal na sumama sa paghahanap


Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C17
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen