App herunterladen
91.25% PHOENIX SERIES / Chapter 334: Agree

Kapitel 334: Agree

Chapter 19. Agree

  

   

HINDI naabutan ni Rellie si Sinned sa law firm kaya hiningi niya ang address nito kay Marc. Oddly, he gave it to her. He's probably just approachable and kind, and already treating her as one of her friends, that's why he gave it.

Tiningnan niya muna ang pinagsulatan nito ng memo pad at binasa iyon. Nangunot ang noo niya nang mapagtantong isa iyong apartment complex.

"Sa apartment lang siya nakatira?" she voiced out. Agad na natutop naman niya ang bibig nang mapagtanto ang sinabi. "I mean, sa isang apartment pala siya nakatira." Given her background about Sinned, she was just surprised by that fact.

Bahagyang natawa si Marc. "Oo, puntahan mo na lang. Nandoon lang iyon."

"How sure you are?"

"I called him before I handed you the address." Kaya pala nagtagal ito nang bahagya pagkapasok sa opisina kanina. "Ah, wait," pigil nito nang tumango siya't nagpaalam na. May kinuhang isang envelope at binigay sa kanya.

"Aanhin ko 'to?"

"Pakihatid sa kaniya." Bahagya pa itong kumindat kaya nangunot ang noo niya.

"Makikisuyo ka lang pala kaya walang pag-aalinlangan mong ibinigay ang address sa 'kin."

Hindi makapaniwalang tumingin ito sa mga mata niya saka nailing na lamang. "Ibigay mo na nga lang iyan sa kanya. Salamat!"

"Sige. Salamat din sa address!"

At dahil nag-taxi lang papunta roon ay sumakay na lang ulit siya ng taxi papunta sa tirahan ni Sinned. Nang makarating ay pinasadahan niya ng tingin ang four-storey building kung nasaan ang apartment na tinitirhan ng lalaki. She really could not believe he lived there. Maganda naman ang gusali; ang inakala lang talaga niya ay may sarili itong bahay o condominium unit.

Bumati siya sa gwardiya at sinabi ang sadya niya roon. Pinapasok siya kaagad. Hindi naman pala maselan doon hindi gaya sa ibang mga apartment. Mayroon ding elevator kahit apat na palapag lamang ang gusali, pero dahil nasa ikalawang palapag lang naman ang apartment ni Sinned ay nag-hagdan na lamang siya. Nang nasa tapat na ng pinto ay kumatok siya. Isang babae ang nagbukas ng pinto at nanlaki ang mga mata niya nang hindi si Candace iyon.

"Sino ka?"

"Uh, s-si Sinned?"

Nangunot ang noo nito na mukhang kagigising lamang. Hindi gaanong nakabukas ang pinto, sakto lang ang siwang upang makasilip ito. "Sino iyon?"

Natigilan siya. G-in-ood time ba siya ni Marc at ibang address ang ibinigay sa kaniya? She checked the address. Tama naman. Then, she check the apartment number, 11B ang nakalagay. Then, she realized she knocked on the wrong door. "Oh, sorry, I got it wrong," humihingi ng paumanhing saad niya at nakauunawang tumango naman ang babae at sinara na ang pinto. Now, she went on the correct front door and knocked. Ilang katok pa lamang ay bumukas na iyon at bumungad sa kaniya ang isang Sinned na hindi siya pamilyar.

"How much is the total—what are you doing here?" Mabilis na nangunot ang noo niya. Siya naman ay natulala dahil sa suot nitong kulay lumot na t-shirt at cotton shorts! Gosh! Ibang-iba sa laging naka-coat and tie na abogadong nakikita niya. He looked domestically hot! With that stubble of his and disheveled hair...

Goodness gracious!

"I was asking why are you here," madiin na ulit nito sa tanong. "How did you find my address?"

"Can't I come in first? Nauuhaw ako."

"Wait here. I'll get—" Iritado na bumuntonghininga ito. "Alright, come in."

"Thanks! Pinabibigay pala ni Marc."She handed him the envelope.

"Inutusan ka niya?" kunot-noong tanong nito nang tanggapin iyon.

"Hindi, pinakisuyo lang niya kasi alam niyang pupunta ako rito. Oh, and yeah, he gave me your address."

"You, two, are close?"

"Hmm... I guess so? I even think we're already friends. Thanks to you."

Napansin niyang nagtatanong ang mga tingin nito.

"I mean, thanks, since we met because of you," she clarified.

Hindi na ito kumibo. Inilibot naman ng paningin niya ang kabuuan ng apartment. She kind of expected more but this one was lame. Cream-painted walls, white ang ceiling, may desk sa tabi ng kama, at single-sized bed. Ni walang dining table at kung ano pang decorations. Mas malaki pa ang law firm sa tirahan nito. Mas homey rin ang law firm for her. Pero hindi naman siya gaanong nadismaya, ang importante ay malinis at mabango. She could even smell his musk scent all over the place.

Bumalik ito na may dalang isang basong tubig at pinaupo siya sa maliit na sofa. Pangdalawahan lang kung parehas na malalaking tao ang mga uupo. Nang umupo siya, ang akala niya ay uupo ito sa tabi niya, pero nanatili itong nakatayo. Kinuha nito ang baso pagkatapos niyang uminom at inilagay iyon sa mesa.

"Bakit ka narito?" tanong uli nito pagkabalik sa tabi niya; nakatayo pa rin.

Nag-angat siya ng tingin. Naninibago talaga siya na nakikita niyang Sinned ngayon, pero mas gusto niya dahil mas nadepina ang katawan nito. Nangangatal tuloy ang mga kamay niya na mag-sketch. Pagkuwa'y tumikhim siya saka sinabing, "It's about my offer. I'll pay you generously just to be my subject."

Tumiim ang bagang nito.

"I can double, triple—or sextuple the price so I can have you."

Halata na na-offend niya ito base sa nakikita niyang iritasyon sa mga mata nito. Pero hindi sa pagiging matapobre, gusto lang talaga niyang makuha itong modelo, at para matigil na rin ang panggugulo nito sa utak niya.

"Don't be mad, I just really want to—h-hey! What are you doing?" Paano'y bigla itong naghubad ng damit pang-itaas.

"You only want sex, don't you?"

"W-what?!" Nanlaki ang mga mata niya. Bahagyang napalingon sa naninigas nitong muscles pero pinilit niyang manatili ang mga tingin sa mukha nito. Damn, was that fire she's seeing in his eyes now?

"I'll give you what you want, just leave me alone right away."

  

   

SINNED stepped forward to be closer with Rellie. Ibibigay niya ang gusto nito nang matigil na ito sa kagugulo sa utak niya. Fucking shit! He and Candace even parted ways just because he could not give her what she liked the most—sex. Sa kalagitnaan ay ang magandang mukha ng babaeng kaharap niya ang nakikita niya kaya natitigil sila palagi. Hanggang sa umalis si Candace ng bansa upang magpagamot sa Texas, USA. Ang kakatwa ay hindi niya ito pinigilan; hinayaan niyang magkawalay sila.

Bahagya siyang napailing. He was fed up. That's all.

"Y-you're heavy..." ang maliit na tinig ni Rellie ang nagpabalik sa diwa niya rito. Kaya bahagya niyang inangat ang sarili, subali't ikinulong pa rin niya ito habang nasa ibabaw siya nito. He muttered a curse because he did not even notice he was already on top of her.

Damn... Her body is so soft...

He wanted to caress her face and slowly kiss her inviting lips.

She was already breathing heavily but wasn't doing anything to push him away. Sa huli ay tumayo siya at tinapunan ito ng malamig na titig.

She cleared her throat and bravely told him that, "Hindi naman sex iyong sinabi ko. Sextuple. I mean, I'll pay you six times."

He fucking knew what that meant. Inakala lang niya na sex lang ang habol nito sa kaniya. Parang si Candace.

O baka ikaw lang ang may gusto niyan sa babaeng kaharap mo?

"Shut up!" Dumagundong ang boses niya at napansin niyang napakislot si Rellie.

"Isang beses na l-lang nga, s-sige... I'll just memorize your body so I won't have to ask you to be my model again." Halatang kinabahan ito nang husto pero nilakasan ang loob. She even stood up just to get his shirt on the floor, and faced him. Napaiwas pa siya ng tingin dahil pagkayuko nito ay lumitaw ang cleavage sa suot na oversized v-neck tie-dye shirt na naka-tuck in sa maong nitong shorts.

Damn that lacy purple brassiere!

He sighed harshly and grabbed the shirt she was holding, then, he wore it.

"Sa totoo lang kasi, mula nang makita kita, ikaw na lang nang ikaw ang na-i-imagine ko hanggang dumating sa punto na hindi na ako makapag-pinta o makapag-guhit ng ibang modelo."

He was not certain if should he be irritated or flattered on what she just revealed. He was amazed that she told her that, though.

"Kaya nga kahit nakakahiya na, binabalak-balikan kita. I don't want to end my journey here. I want to learn more. So, please...?"

He felt her sincerity on her sweet and soft voice.

"If you agree, I promise I won't bother you anymore. Hindi sex ang habol ko, kasi kung sex lang, bakit hindi na lang ako pumatol sa ka-edad ko?"

He clenched his jaw. Well, she had a point. But he just did not like the idea on how their age gap was emphasized.

Why? Don't you want to baby her? His mind asked and he didn't entertain that thought.

"Why don't you try to offer other people?"

"You think I didn't? I even attended my brother's painting exhibit. Pero, wala." Pagkuwa'y may naalala kaya kinalkal nito ang bag. Isang sketchpad ang kinuha nito at bago pa mabuksan iyon ay nagsalita siya na pumapayag na siya. "What did you just say?" Natigil ito sa paglipat-lipat ng mga pahina.

"I'm agreeing to be your subject. But we will have a contract—" Hindi pa siya tapos sa sasabihin nang mapatili ito at napatalon pa. His eyes were glued on how her face brightened as if it also brightened his dull room.


AUTORENGEDANKEN
jadeatienza jadeatienza

Ginulat ako ni Sinned. Hubad kung hubad kaagad, eh. Hahaha!

Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C334
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen