App herunterladen
79.23% PHOENIX SERIES / Chapter 290: Suntok

Kapitel 290: Suntok

Chapter 19. Suntok

      

       

SINUNDAN ni Romano ang lalaking bigla na lang lumabas dahil mukhang mapagtanto nitong totoong hindi si Nami ang nakaratay sa ospital. Kahit hindi kilala ang tinawag na attorney ni Glaze at sinundan pa rin niya ito, pero alerto pa rin siya kung sakaling makipagbunuan siya rito. Nasa lobby na nang bumaling sa kaniya.

"Stop following me."

Umiling siya at matikas na nagpakilala. "I'm Romano Caballero. I want to know what happened to my girlfriend." Diniinan niya ang pagsabi sa huling kataga.

"Your girlfriend, huh?" Nagtagis ang bagang nito. Since they were getting attention, the latter continued to go, then, he went to follow him.

"Who are you?" tanong niya nang tumigil ito sa tapat ng isang dark grey na sedan.

"I am your girlfriend's stepson."

Kinalma niya ang sarili. "How did that happen?"

"Because he married my step-dad?" sarkastikong sagot nito.

He clenched his fist. "Why?"

"Dahil sa yaman ni Papa."

Gusto niyang mapikon dahil nakakaloko kung sumagot ang huli. At isa pa, kilala niya si Glaze. Hindi ito kailanman nasilaw sa materyal na bagay. Kaya nga ba gutso niyang pagdudahan kung abogado nga ba ang lalaking kaharap niya ngayon, o baga isa lamang gago.

"And now he's dead. I'm just not sure if there's a foul play, and if there was, I think it's self-defense. She got bruises all over her body..." He paused for a while. "But this is just my speculation. She may have really killed him so she'd be able to acquire all the inheritances."

Ayaw na niyang makipag-usap dito dahil baka masapak pa niya't mabaliktad ang sitwasyon. Malaki ang tsansang maipakulong siya nito kung sakaling mapuruhan niya. At ayaw niya ng abala gayong kailangan niyang malaman kung ano ang mga nangyari kay Glaze.

Tumalikod siya at umalis nang hindi nagpapaalam. While striving, he got his phone and dialled Arc Prietto's number—the private investigator—and told him to don't do the job anymore.

"Why?"

"I'll investigate myself."

Since he was already in the province, he decided to make a move himself. Ihahatid niya muna si Nami sa Maynila bago umpisahan ang imbestigasyon.

Nang makabalik siya ay nahihimbing na ulit si Glaze. Binigyan daw ng pampakalma dahil nagwala ito nang maalalang nakunan. Napansin din niyang hindi mapakali si Nami at hindi makatingin ng diretso sa kaniya.

"May masakit ba sa iyo?"

Umiling ito, pero halatang may bumabagabag dito.

"Hey, maupo ka nga." Bahagya niyang tinapik kang espasyo sa sofa na inuupuan niya.

She shook her head again.

Pagkuwa'y lumapit sa kaniya at hinila siya patayo. Hindi kaagad siya nagpagiya pero nang hilahin ulit siya ay sumunod na lamang siya.

They went to the emergency stairs where there were no people around.

"Are you alright?" tanong niya nang pabalik-balik ito sa paglakad.

"H-hindi ikaw ang ama..." nahihiyang bulalas nito. Baka hihingi ito ng tawad sa mga inakusa nito sa kaniya kaya inunahan na niya.

"That's alr—"

"Anak ni Atty. Jacobs! Anak ng gagong matandang iyon!"

Magkapanabay silang nagsalita, hindi natapos ang kaniyang sasabihin dahil nagulat siya sa pasigaw na isiniwalat ni Nami.

"What did you just say?" hindi makapaniwalang bulalas niya. "Kaninong anak?"

Pumikit nang mariin at saka ito tumingala, naglilitawan ang litid nito sa leeg dahil sa sobrang frustrations at galit.

"Kanino mo naman narinig iyan?" He's not believing any of it. Kilala niya si Glaze, baka tinakot lang ito; pinagsamantalan. Shit! He must make a move now and find what really happened. Kailangang may managot!

Bumaling ito sa kaniya nang magmulat. "Kay Idy. Umamin siya sa 'king siya ang personal OB ni Glaze, at nalaman kong kay Victor Jacobs nagpakasal ang kakambal ko! Bilang ako!" Napamura ito nang malakas, nanginig ang mga kamay nang mapahilot sa sentido. "Fuck, Glaze! What did you do?"

That's exactly his question right now. Subalit sobrang nabigla siya sa nalaman at hindi namalayang nangilid ang kaniyang luha. He felt betrayed, was cheated on, and worse, she's already married. He didn't know what to feel exactly and he found himself punching the wall with all of his strength.

Humiyaw si Nami para patigilin siya pero hindi siya natinag.

        

       

"YOU will damage your hands! Shit! Stop it, Rome!" hindi magkamayaw na hiyaw ni Nami sa lalaki. Mukhang wala itong naririnig ngayon dahil patuloy ito sa pagluha habang nangangalit na pinagsusuntok ang pader. Gusto tuloy niyang pagsisihan kung bakit sinabi niya kaagad dito ang nalaman. Of fucking course, he'd react this way! He was her twin's boyfriend!

Dapat ay sinigurado muna niya bago naniwala. Ngayon lang niya naisip ang magpaimbestiga, kung kailan nagwawala na si Romano.

Sa sobrang pagkataranta ay hinarang niya ang sarili sa pader na pinagsusuntok nito, at siya ang natamaan nito.

Doon pa lang ito natauhan at natigil sa ere ang kabilang kamao nang mapagtantong nasuntok siya nito. Napamaang ito at hindi niya mabasa kung anong emosyon ang nasa mga mata nito dahil ininda niya ang sakit ng pagkakasuntok nito.

Siguradong pumutok ang ilang ugat sa kaliwang gilid ng kaniyang labi dahil pakiramdam niya ay tumulo ang kaniyang dugo roon. Nagmanhid din ang pakiramdam niya sa lakas ng suntok nito, lalo na ang parteng nasuntok nito.

Sinuntok nito ang pader sa gilid niya at hinuli ang kaniyang baba para matitigan ang napinsala sa kaniya.

Paulit-ulit at malulutong ang mga mura nitong tumitig doon, saka mabilis na napalitan ng pag-aalala ang nasa mga mata. He was already apologetic when he caught her gazes, but still, he raged, "Bakit ka humarang!? Are you stupid, Nami? Look, I've hurt you!" Napamura ulit ito at hinawakan ang kaniyang braso. Hinila siya palabas doon at dumiretso sila sa emergency.

"Tend her wound, Miss. Make sure it won't leave any scars," puno ng awtoridad nitong baling sa isang babaeng nurse na nandoon.

"What happened?" the nurse asked.

Siya'y nanatiling nakatingin sa kamay nitong nakahawak pa rin sa braso niya, palipat-lipat ang mga tingin niya roon at sa kabila nitong kamay. Hindi hamak na ito ang mas nangangailangang maasikaso kaagad. His knuckles looked as if they're already swelling.

It must be painful...

"Unahin mo siya," aniya sa nars.

Nagtatakang bumaling sa kaniya ang nurse pero tumingin lang siya sa mga kamao ni Romano na animo'y tinuro iyon, na sinundan ng tingin ng nurse.

Napasinghap ito. "Oh, God! Anong nangyari sa mga kamao mo, Sir?!"

Doon pa lang yumuko si Romano at bahagya rin itong nagulat sa nakita—bigla ay bumitiw ito sa kaniya at mukhang hindi ma-kontrol nang maayos ang mga kamao. Mukhang ngayon lang nito naramdaman ang sakit roon.

"Mukhang na-fracture," nag-aalalang komento ng nurse. "Pa-X-ray na ho natin," dagdag pa nito.

Akmang tututol si Romano pero inunahan na niya. "You need to go and have your hands checked. I'll get my wound be treated, too. Don't worry."

Nag-aalangan man ay tumango ito saka sumama sa nurse nang igiya papunta sa kung saan ito i-e-X-ray.


AUTORENGEDANKEN
jadeatienza jadeatienza

Sige na nga, aamin na ako. I won't elaborate what happened to Glaze here because she will have her own stand-alone story. Pero matagal-tagal pa siguro~

P.S.: Sinong gustong manuntok kay Romano after this chapter? Ipasusuntok ko talaga siya!

Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C290
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen