App herunterladen
51.09% PHOENIX SERIES / Chapter 187: Humming

Kapitel 187: Humming

Chapter 5. Humming

       

       

"'NAY, nandito na po ako," Jinny called her mom the moment she entered the apartment. That small, but homey place was actually provided by their CEO. Alam ni Rexton dela Costa na wala siyang matitirhan sa Maynila, at kasama sa kasunduan na hindi niya kailangang bumukod sa pamilya at tumira sa iisang bubong kasama ang mga miyembro ng Sunshine. Even the other members didn't want that, too. No matter how close they were towards each other, most of them still wanted to go home—aside from Lana, the most independent girl she'd ever known. Acel was also living apart from her parents due to some conflicts while Bree and Milka lived with their families just like her.

"O, anak, kumain ka na ba niyan?"

"Opo," sagot niya 'tsaka nagmano. Kalalabas lang nito mula sa kwarto nang marinig siyang tumatawag. Kahit gaano kalapit sa kanyang ina ay nasanay na siya sa paggamit ng po at opo rito pati sa kanyang ama. Ganoon na rin ang pagmamano sa mga ito na nakagawian na nilang magkakapatid.

Naalala pa nga niya noong high-school siya, kung saan may General Assembly sa eskwelahan para sa Parents-Teacher's Association ay nagmano siya sa kanyang nanay nang makita ito sa covered court doon. Her classmates were amazed by the fact that in their family, they're still doing that. Katwiran kasi ng mga ito ay araw-araw namang nakakasama ang mga magulang kaya hindi na nasanay na magmano sa mga ito, hindi gaya sa mga tita o tito, at iba pang nakatatanda na hindi naman nakakasama.

But her parents always reminded her and her siblings about some of those Filipino cultures—laging magmano sa mga nakatatanda at galangin ang mga ito sa pamamagitan nang paggamit ng 'po' at 'opo' sa tuwing makikipag-usap sa mga nakatatanda. Lalo na sa mga magulang.

"May dala ho akong vegetable salad, binili nina Milka para sa inyo ni Itay," pagbibigay-alam niya. "Mayroon ding spaghetti 'tsaka burger and fries."

"Nakapag-hapunan na kami ng Itay mo. Akin na't ilalagay ko muna sa ref nang makain natin bukas. Pakisabi sa mga kasama mo, salamat, ha?"

"Sige, 'Nay." Inabot niya ang dalang brown paper bag dito. "si Wella ho pala?"

"Nakatulog na sa silid namin. Mag-hilamos ka na at nang malipat ko na sa kwarto ninyo."

Kaagad na tumalima siya.

The apartment had two rooms, one master bedroom where she and Luella were rooming, and the other one was an ordinary room where her parents decided to occupy. Nang una kasi'y iginiit niyang sa master's bedroom ang mga ito lalo pa't may sariling banyo, pero sa huli ay ipinasya ng mga ito na sila ng kanyang anak ang maglagi roon. The Master's bedroom was turned into her room-slash-nursery room after they had decided.

It had a small dining room and a cooking area, too, and the comfort room was few meters away the kitchen. Nandoon din ang laundry, pati maliit na espasyong lagayan ng mga mop at kung ano pang panlinis ng bahay.

She drank water first before going in to their room. She immediately entered the bathroom to take a shower. Kinse minutos lang siyang nag-shower para makuha na si Luella sa silid ng kanyang mga magulang at nang makapagpahinga na rin ang inay niya.

Bago pa makalabas ay makasalubong niya ang kanyang ina na karga-karga si Luella.

"Akin na si Wella, 'Nay. Magpahinga ka na," aniya nang akmang kukunin na ang bata.

"O, sige."

Nang buhatin niya ang kanyang anak ay bahagya itong nagising at paiyak na pero nang halikan niya ang noo nito ay kaagad itong kumalma—tumahan, at tuluyan nang gumising dahil naramdaman ang kanyang presensya.

"Good evening, aming munting Luella, nagpakabait ka ba kina Lola't Lolo mo?" magiliw na pakikipag-usap niya rito. Para namang naintindihan siya ng bata nang magiliw itong ngumiti. She also mumbled something not understandable but she could feel that she's really happy seeing her.

"Padedehin mo na kaagad at ako'y matutulog na."

"Opo, 'Nay," sagot niya't akmang tatalikod na.

"Subukan mo nang pasusuhin ng gatas mo ngayon. Sayang naman iyan." Mahinahon man ang tono ay nasisiguro niyang sa kaloob-looban nito'y sinesermunan na siya. She only pouted and told her mom to go to bed already.

She, on the other hand, went back inside their room, and put Luella on the crib that's at the right corner of the room. Sa katapat ng crib ay nandoon ang malambot niyang kama. Ilang metro lamang ang layo ng banyo sa paanan ng higaan niya, at sa kabilang banda ay mayroong sliding door na nagmistulang malaking bintana patungo sa maliit na balkonahe. Doon kadalasan inilalagay ng inay niya ang mga isinampay na nilabhang mga damit para kahit paano'y maibilad, pati na rin sa balkonahe sa silid ng mga ito.

"Sandali lang, Luella, titimplahin ko lang ang gatas mo," aniya.

But the baby cried the moment she stepped away. Sa huli ay kinalong niya ito habang pinagtitimpla ng gatas.

"Miss mo na ba si Mama? Hmm?" Nakangiting bulalas niya.

Luella kept on baby talking as if she was telling her about her whole day as she was speaking about what she did, too.

"Ma ma... Mmama mama..."

She chuckled lightly as she kept on listening to her. Luella's laughter was therapeutic. Nakawawala ng pagod at nakagagaan ng pakiramdam.

"Keep on smiling and laughing like that, Wella. I pray that you'll grow beautifully, too. Sana'y hindi mo danasin ang dinanas n—"

She whimpered because Luella accidentally pulled her hair as she was putting her down on the soft bed. She didn't notice she was gripping her hair tightly.

"Hindi aalis si Mama, baby, ihihiga lang kita sa kama para maka-dede ka nang maayos," malamyos na aniya habang diretsong nakatitig sa biluging mga mata ng kanyang anak.

Nang maihiga ito sa kama ay kaagad niyang pinadede ang tinimplahang gatas sa feeding bottle. Hinaplos-halos niya ang bunbunan nito habang dumedede hanggang sa matapos ito.

She then carried her so she would burp and laid her down on the bed again afterwards.

"Ang ganda-ganda naman ng prinsesa namin, mukhang anghel..." bulong niya na lalong nagpalad sa ngiti ni Luella. "Mukhang nawala ang antok mo, ah? Gusto mo bang ipagkanta kita para makatulog muli?" Paano'y mulat na mulat ang magandang pares ng mata nito. Her blue eyes were really beautiful and were like a love light in her eyes. Malayong-malayo sa itim at chinita niyang mga mata.

"Namana mo talaga ang mga mata niya... pati ang makibot mong labi, anak." Nakangiti man ay may kalungkutan ang nasa kanyang tinig nang pabulong na sambitin niya ang mga katagang iyon matapos hagkan ang ulunan nito.

Humiga siya sa tabi nito at tinapik-tapik nang marahan ang hita nito. She then started humming to a lullaby until her little angel fell asleep.

Before she could doze off, too, she immediately transferred Luella in to the crib and she went back on the bed to have some rest.

That night, she had a dream about the past—about how she had their beautiful angel, Luella...


Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C187
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen