App herunterladen
50.81% PHOENIX SERIES / Chapter 186: Grateful

Kapitel 186: Grateful

Chapter 4. Grateful

     

     

"MAY quick interview tayo with VBS, huwag muna kayong magbihis," pagbibigay-alam kila Jinny ni Acel, ito ang huling pumasok sa dressing room matapos ng kanilang promotional tour nng gabing iyon.

"Ay, nakapagbihis na ako," aniya.

Pinasadahan siya ng tingin ni Milka. "Ayos na iyan. T-shirt naman."

Lumapit si Lana at tinupi ang bandang manggas ng kanyang may kaluwagang t-shirt na kulay dilaw.

"I-tuck-in mo na lang sa pants mo," ani Bree.

Which she did. After a few, they went out to go to the designated area where the quick interview took place. She expected Timo would be there but he wasn't.

"What's with the long face?" Bree asked as they were heading to their van that's in the parking area.

Hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa. "Do you personally know Timo Estacio, Bree?"

Saglit itong natigilan, hindi inasahang iyon ang kaniyang itatanong. "Why?"

"So you do," she concluded.

"His parents were my mom's college friends, we met few times before and I remember meeting him lots of times during my teenage years at some parties," sumusukong amin nito.

"M-may nakaraan ba kayo?" Hindi niya namalayan ang paggamit nito sa katagang 'were' sa pagbanggit sa parents ng lalaki.

"No way!"

"W-why?" bakit ba siya kinakabahan?

"Because I clearly remember him as a rude person. Sobrang bastos. Kaya hindi ko gusto na nagtatanong ka tungkol sa kanya. Baka mag-take advantage pa siya sa iyo knowing that you are already experienced."

"H-huh?" takang-tanong niya.

"O, ba't parang nagulat ka? Of course he'll try to bed you. May anak ka, kaya iisipin niyang ayos na ayos kung ikama ka dahil naranasan mo na."

Napangiwi siya. "Ganoon ba talaga iyon?"

"Oo. Kadalasan ganoon. Kaya huwag na huwag mong papatulan iyon. Mababasag ka nang husto kapag napaikot ka."

"Bakit parang ang dami mong alam?"

"Anong pinagkukwentuhan ninyo? Sali ako!" si Lana na umakbay sa kanila't pilit na pumagitna. May ilan pang kinuhanan sila ng pictures, mga fans na nasa parking lot.

Nakasakay na sila nang sagutin ni Bree ang tanong niya.

"It's because one my friends shattered her heart because of him. Matapos makuha ang puri, iniwang parang pinagsawaang laruan."

Natahimik siya. Was he really that kind of person? Walang puso at gago?

"Pero paano kung nagbago na siya?" depensa niya bigla sa paraan ng pagtatanong niyon.

"Huh? You're seriously siding with the person?"

"H-hindi naman... Naisip ko lang na baka masyado pa siyang bata noon para sa seryosong relasyon, hindi ba?"

"Kung gan'yan lang, okey pa sana. But he uploaded some photos and videos of my friend while he's banging her! Kahit ulo, o kahit mukha lang ni Li ang kita, halata sa videos na may ginagawa sila!"

She was taken aback.

"Kung ayaw mong maniwala—" Bree paused and browsed something on her phone. "—here!" she added after a few.

On the screen, it showed the face of a familiar woman to her.

"Siya iyong nasa Restroom..." Noong may exclusive interview sila sa VBS.

"Ano ba kasing pinag-uusapan ninyo?" sabad ni Lana na kaagad inawat ni Acel.

"Shh..."

"'Ku! Nakiki-tsismis lang din kayo kaya ang tahimik ninyo," kantiyaw ni Lana kina Acel at Milka. Wala si Rachel sa van, their manager took a cab and went straight home. Sila'y ihahatid na ng driver isa-isa.

Ang utak niya'y pilit na humahabi at nagtatagpi ng mga kwento. If she remembered it correctly, that woman, Liann, called Timo an ex-convict. That was why Jinny kept on thinking what must be the reason why.

Was it because of those said photos and videos? Nakulong ba talaga ang lalaki? Nah, she would just try to research about him some other time. Ayaw niyang pati sa pag-uwi sa kaniyang tahanan ay iniisip pa rin niya ng lalaking iyon.

She must be focused on her own family especially her child.

She sighed disappointingly. Hindi naman siya paaalalahanin ni Bree kung hindi totoo ang mga sinabi nito tungkol kay Timo. At isa pa, mas matimbang pa rin ang pamilya niya sa kanyang puso kaya mas pipiliin na lamang niyang ibaon ang namumuong pagsinta niya sa lalaki mula pa noong unang makita at makilala niya ito.

"Ang mabuti pa, kumain muna tayo ng dinner sa C'est La Vie bago umuwi. Masasarap ang pagkain doon," si Milka.

Mabilis siyang tumanggi. She missed Luella and she badly wanted to go home now. Hindi man niya maabutang gising ang kanyang unica hija ngayon ay gusto pa rin niyang makatabi ito o makasama ng mas matagal. Kung minsan nga'y napapaisip siya kung tama bang pinasok niya ang pagbabanda, pero sa tuwing naaalalang hindi lang naman pansarili ang dahilan kung bakit pumayag siya na maging gitarista ng Sunshine ay mabilis niyang naitataboy ang pag-aagam-agam.

"O, sige na nga. Mag-take out na lang tayo," ani Milka. "Kuya, pakidaan na lang po sa malapit na drive-thru, bibili lang ng pagkain," tawag nito sa pansin ni Kuya Teban na driver nila. He's not actually old, probably on his mid or late-thirties. He's kind of buffed so instead of being a driver, mas mapagkakamalang bodyguard o bouncer si Kuya Teban.

"Copy!" sagot nito at sumaludo pa.

Napailing siya, kung minsan, mahahalata pa rin sa kanilang driver na galing itong military service sa loob ng halos isang dekada base sa mga kwento nito minsan. Isa itong navy officer noon at nagretiro kamakailan lamang.

"What's your order?" she was asked by Milka when they're already at the drive-thru fast-food restaurant.

"Bahala na kayo," tugon niya.

"Pag-take out na rin namin ng burger at fries sina Nanay," ani Lana.

"Veggie salad na lang, Lana," sambit naman ni Acel.

The girls called her parents ''Nay' and ''Tay', too. At gustong-gusto naman ng mga magulang niya dahil anang mga ito ay para na rin silang magpapamilya.

Hindi pa rin talaga siya makapaniwala na maraming nagbago sa buhay niya sa nakalipas lang na higit isang taon. Kung inakala niyang ang malaking pagbabago ay ang hindi inaasahang pagdating ni Luella sa kaniyang buhay at ang natigil siya sa pag-aaral upang arugain ito ay nagkakamali siya.

Dahil si Luella ay ang biyayang ipinagkaloob sa kanya ng Maykapal upang tahakin niya ang landas patungo sa pagkamit ng kanyang mga mithiin.

"Umiiyak ka ba?" puna ni Bree na nasa kanan niya. She was sitting beside the window, too.

Kaagad namang umiling siya. "Napuwing lang," dahilan niya.

"Dramarama sa gabi!" sabad ni Lana at alam niyang pinagagaan lamang nito ang loob niya.

"Naalala ko lang kasi si Wella. Hindi ko na kasi madalas makasama, pero hindi ako nagrereklamo at nag-aalala nang husto lalo pa't alam kong inaalagan siya ni Nanay."

"Ganoon talaga, Jinny, working nanay ka na ngayon, eh. Kaya hindi twenty-four seven na kasama mo ang anak mo."

Totoo ang sinabi ni Acel at mas mainam na ganoon nga ang mangyari kaysa kasama nga niya parati ang kanyang anak, ngunit umaasa pa rin sila sa kanyang mga magulang.

No, she'd never allow that to happen. Kaya kahit mahirap ay titiisin niya. Kung tutuusuin ay swerte siya dahil ng bagay na bumubuhay sa kanila ngayon ay ang bagay na gusto niyang gawin. Unlike some other parents, they're working even when they didn't like the surroundings, their workmates or even their bosses, but they had to go on—they must continue working in order for their family to be fed, to be dressed and to be given everything they needed to.

"At isipin mo na lang na para sa kinabukasan ang lahat ng ginagawa mo," Milka added.

"You sounded like a politician," Lana joked around and she added, "But I agree with them. At isa pa, nakakauwi naman tayo especially weekdays, or kapag tapos na ang gig."

Napaangat siya ng tingin sa mga kabanda niyang nakatutok ang atensyon sa kanya. Then, she realized another thing why she couldn't let go of the band—because of these girls who always empowered her. Mula nang makilala niya ng ang mga ito ay naging positibo na siya sa buhay. At mas lumawak ang kaisipan niya sa mga bagay-bagay gaya na lamang ng pagpili sa kung alin ba ang mas matimbang: ang kuryosidad ba niya kay Timo o ang kaniyang sarili at pamilya?

She smiled, delivering how grateful she was to them.

'Thank You,' She uttered silently and wholeheartedly to The One above because she realized how blessed she was for having these amazing girls by her side; for letting her slowly achieved her goals; and for making her believe about 'dream come true' again.


Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C186
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen