App herunterladen
11.47% PHOENIX SERIES / Chapter 42: Again

Kapitel 42: Again

Chapter 39. Again

    

    

MATAPOS ng araw na iyon, kahit ayaw ni Jasel, ay pinagayan niyang bumalik si Vince sa Pilipinas para asikasuhin nito ang naiwang trabaho. Said he would come back sooner or later.

Isang linggo... dalawang linggo... hanggang sa umabot ng isang buwan, subalit hindi pa rin ito bumabalik. Gayunpama'y palagi naman silang nagkakausap at alam ang mga pangyayari sa kani-kanilang buhay.

"It's our wedding soon, baka pwedeng bumalik ka na rito," sambit niya nang isang gabing kausap niya ito sa video call.

"I can't wait to see you. Pero sa susunod na linggo pa ako makakabalik."

Hindi niya pinahalata ang panlulumo niya. Inayos niya ang kanyang upo at nagpanggap na tinitingnan ang mga nagniningning na bituin sa langit. Nasa veranda pa rin kasi siya habang ka-video call si Vincent.

"Baby..."

"Ano ka ba? Ayos lang talaga, 'no!" Bumaling siya sa lente ng camera ng kanyang laptop.

"Do you really want to marry me?"

Kinabahan siga sa tanong nito. Why would he ask that? May bago na ba ito? No, that was not the case, she knew Vince, he would never cheat.

"Hindi ka ba napipilitan lang dahil sa awa?"

Napamaang siya sa gulat. "Bakit naman ako maaawa?"

"Because you know how broken and devastated I was when I thought you died."

"Yes, and I was, too."

Saglit itong tumahimik habang siya'y nagtataka sa mga sinasabi nito.

"I love you..."

"I love you, too. Bakit ba parang iba ang timpla ng mood mo ngayon? May problema ba tayo, Vince?" Hindi mapigilang tanong niya.

He smiled faintly. "I'm sorry if I didn't tell you about everything. I am still working on the case related about what happened to you. I promised to myself that this will be the last time and I will quit after this... I'm sorry..."

"Ano'ng...? Vince, nasaan ka?!" natatarantang tanong niya. Ngayon lang niya napansin na parang madilim ang paligid kung nasaan ito ngayon at tila may iniinda itong sakit. Dumagundong ang kaba sa kanyang dibdib.

"I love you so much, Jase..."

"Vincent!" Natatarantang bulalas niya ngunit madilim na lamng ang nakikita niya sa screen. Gabi na ba sa Pilipinas ngayon?

Mabilis na kinuha niya ang cellphone at nag-long distance call kay Stone.

"Stone, si Vince, I think he's in trouble... He called me and he was in a dark place, and I t-think he's hurt... Stone... Akala ko ba nag-quit na siya? Hindi magkandaugagang bulalas niya nang sagutin ng kaibigan niya ang tawag. Mabilis na siniwalat niya rito ang iba pang mga detalye. She turned on the speaker of the phone as she kept on calling Vince on the other line. Natataranta na siya't hindi alam kung kanining tawag ang haharapin. Stone was asking her some questions but she could not answer properly.

"Did the line cut?"

"Hindi ko alam. Madilim nga ang paligid—"

"Don't end the call yet. I'll track my cousin's device location."

Isang malakas na pagsabog ang narinig niya mula sa kabilang linya kung nasaan si Vince.

"Oh my god! The line got cut! Vincent..."

Hindi magkandaugagang pinagpipindot niya ang kung ano-anong keys sa laptop pero wala na talaga ang kabilang linya.

Marahas na nagmura si Stone at may sinagot na tawag. Ilang sandali pa ay siya ulit ang kinausap nito, "I know where he is." Mabilis na pinatay nito ang tawag at alam niya na umaksyon na agad ang mga ito para puntahan at mailigtas si Vince.

Mabilis na inasikaso niya ang pag-uwi ng Pilipinas, bumili siya ng ticket na available nang araw na iyon pero hindi siya hinayaang makaalis ng kanyang kuya at ng kanilang uncle. Nang umuwi kasi Si Vince sa Pinas ay nag-check-out na siya sa hotel suite na tinuluyan nila para makitira sa kanyang uncle. Nandoon din ang kuya niya't si Ice, pero hindi gaya nila ni Vince ay roon sa bahay ng kanilang uncle namalagi ang mga ito.

"Hayaan n'yo na akong makauwi. My flight will be in two hours now. Makakaabot pa ako kung aalis na ako ngayon," pagmamakaawa niya.

"Let's wait for their go signal, Jasel. Baka mapahamak ka."

"Pero Kuya, si Vince! Baka napahamak siya..."

"I know! That's why you have to stay here. Do you think he would allow you to go to the Philippines knowing that there might be a danger lies ahead?"

"Kuya..."

"Listen to him, Jase," si Ice. "Nahuli na raw ang mga kriminal pero hindi pa sigurado kung may mga kasabwat pa. Kaya mas makabubuting dito ka muna."

"I don't care! They don't even know who I am! Alam nilang patay na ang witness sa kaso nila." Hindi siya mapakali lalo pa't alam na niyang sumugod si Vince sa kuta ng mga kriminal at hanggang ngayon ay wala pa rin siyang balita, kahit tatlong oras na ang nakalipas. She was now a mess. Balisa at takot na takot sa mga maaaring nangyari kay Vince. She only hoped that nothing bad had happened, but she couldn't stop herself from overthinking. From worrying especially when she knew what kind of job did he do.

"Paano kung may nangyari na palang masama sa kaniya? Kailangan ko siyang puntahan!"

"Please, calm down..." naiiyak na pigil sa kanya ni Ice. Nanghihina siya nang inalalayan siyang makaupo ng kanyang kuya at ni Ice sa sofa. Kanina pa kasi siya pabalik-balik ng lakad sa sala.

"Why did he have to go there alone? He should have just stayed here. Or he should've cam back right away."

"Uminom ka muna ng tubig."

She only held the glass of water using her both hands. At sa sobrang panginginig ay natatapon ang laman niyon. Agad na binawi ni Ice ang baso at inalalayan siya sa pag-inom. Uminom na rin siya dahil nararamdaman na rin niyang natutuyo na ang lalamunan niya.

"Gusto mo ng sleeping pills? Para makapagpahinga ka muna."

Agad na umiling siya. "I won't sleep until I get in touch with Vince. Bakit ba ang tagal nilang tumawag?"

Napansin niyang nag-angat ng tingin si Jasel sa kuya niya at nakauunawang tumango ito. Mukhang tatawag sa Pilipinas para malaman kung ano na ang balita.

"I shouldn't have let him go back to the Philippines..."

"Jase..."

"Why did he have to leave me again?"


Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C42
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen