Red eyes.
Yes. I have red eyes.
At hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.
Ang ibig sabihin ba nito...ay bumalik na ako sa pagiging bampira? Pero hindi. Hindi talaga eh...parang may kulang pa.
She smiled at me again.
"Now, drink up. You need this" she said saka itinaas ang baso na may lamang dugo sa harapan ko.
I can fully smell the smell of the blood that's coming from it. Pero kung talagang bumalik na ako sa pagiging bampira ay bakit nandidiri parin ako sa iisiping iinom ako ng dugo? Diba dapat gustong-gusto ko na ang amoy nito? Pero bakit hindi?
Is it maybe because I didn't fully came back of becoming a vampire again?
Napangiti nalang ako ng hilaw at iniatras ang baso na iniaalok nya sa akin.
"Ah...hindi na...okay lang ako" ang nakangiting sabi ko sa kanya saka ako tumitig sa mukha nya. "By the way, who are you?"
Oo, itinanong ko nalang yun para ma-change topic kami. Kahit na hindi pa ako nakaka-recover mula sa pag-iisip na pula ang mga mata ko at amoy na amoy ko ang amoy ng dugo ay kailangan kong maging matatag habang wala ang mga kasamahan ko.
She smiled at me.
"My name is Helga..." she said. "And you are?"
I smiled at her.
"Eva..." I said.
Oo, hindi ako komportable na ipakilala ang totoong pangalan ko lalo na't hindi ko alam kung mapagkakatiwalaan ko sya.
Tumayo ako mula sa kama.
Ngayon ko lang napansin na wala na ang mga sugat na natamo ko mula sa pagtakbo ko mula kay Maalouf. Maybe my conclusion na partially akong bumalik sa pagiging bampira ay totoo. Nakita kong nasagutan na ang mga kasamahan ko at hindi na bago sa akin ang ideya na madaling maghilom ang sugat ng mga bampira.
Naglakad ako at nagpunta sa malaking bintana na katabi ng simpleng kwartong iyon.
And what I saw next from that window drop my jaw.
An endless field of beautiful white flowers...
"They are called camellia flowers..." ang biglang sambit ni Helga.
Naramdaman kong tumayo sya sa tabi ko at nakititig sa magandang tanawin na iyon.
Ramdam ko pa ang ihip ng hangin na pumapasok sa bintana at tumatangay ng buhok ko. At ngayon ko lang na-realize na hindi na ako nangangatog sa lamig.
Yes. This is my final conclusion: unti-unti na akong bumabalik sa pagiging bampira.
"What is this place?" ang mangha kong tanong.
"This is the place of Murrk, the place of camellia flowers" ang biglang sulpot ng bagong dating na lalaking boses na iyon.
Sabay kaming napalingon sa bagong dating and what I saw is that tall handsome guy.
He has also black hair and pair of golden eyes...at nakita kong napuno ng pagmamahal ang mga matang iyon nang makita ang babaing katabi ko.
And in a second ay nakatayo na si Helga sa harapan ng bagong dating na lalaki and I saw them kissed.
So he must be the husband...
Pero nabigla ako nang ma-realize kung ano ang sinabi nya...
Murrk...
Tama. Yun ang lugar na sunod naming pupuntahan ng Arcadian Knights sa paghahanap ng esylium.
Magkayakap sila na sabay na lumingon sa akin at nakita kong nakangiting nagsalita uli ang lalaki.
"My name is Van" ang pakilala nya sa sarili. "At ako ang nakakita sayo na natutulog sa dulo ng field ng camellia flowers so I brought you here"
"We are the keepers of the field of camellia" ang nakangiting dugtong ni Helga. "And we are bloodmates..."
Saka nya nakangiting ipinakita ang marka na nasa leeg nya. At ipinakita din ni Van ang marka na nasa braso nya.
The mark looks like a flower na iginuhit doon.
Bloodmates. Tama. The way of marriage among vampires.
"So...nagpa-tattoo kayo as a symbol that you are bloodmates?" ang unsure na tanong ko.
Afterall, I don't know anything about it.
Nakita kong nagkatinginan sila pero after din nun ay sabay pa silang tumawa.
"Silly girl" Van said then turned to me. "This mark will come out once you became a bloodmate to someone..."
"I think she hasn't recovered yet" ang nakangiting lingon naman ni Helga sa asawa nya.
Okay. So ganun pala yun? Kapag may bloodmate ka ay may marka na lalabas sa iyo?
Napatango nalang ako. Geez. What do I know of bloodmating?
Pero natigilan ako nang may bigla akong naalala...paano ako napunta sa lugar na ito? At sino ang nagdala sa akin dito?
Hindi kaya...
Hindi kaya ang magandang babaing iyon na may silver na buhok ang nagdala sa akin dito? Pero ano naman ang rason nya para dalhin ako dito?
"Who brought me here?" ang agad na tanong ko kay Van. "Nakita mo ba kung sino ang nagdala sa akin sa field ng camellia?"
Umiling sya.
"No" he said then smiled. "Ikaw lang ang natagpuan kong natutulog doon"
Agad akong nagtaas ng mukha.
"Sorrow" I said. "Kailangan kong bumalik sa lugar na iyon dahil nandoon ang mga kasamahan ko. Malapit lang naman siguro yun diba?"
Nagkatinginan sila uling mag-asawa bago sila lumingon sa akin. At nabigla ako sa sumunod na sinabi ni Helga.
"Sorrow is two mountains far away from here..." she said.
Tuluyan na akong nanigas.
Two mountains?
Paano na?
Paano ko na makikita ang mga kasamahan ko?
I'am now left all alone. Paano ko magagawang hanapin ng mag-isa ang esylium sa lugar na ito?
I saw Helga smiled and in a soft voice, she spoke.
"You could stay here with us hangga't sa hindi mo pa nakikita ang mga kasamahan mo" ang nakangiting sabi nya.
*******************
I was left with no choice.
Hilingin ko nalang na sana ay maisipan ng mga kasamahan ko na dumiretso na sila sa susunod na lugar sa mapa without me. Dahil kung hindi ay maiiwan akong mag-isa sa vampire world na ito.
Nagpapasalamat nalang ako at partially akong bumalik sa pagiging bampira kaya bumalik na ang vampire scent ko at hindi ko na kailangang kabahan kung maamoy nila ang human scent ko.
Mag-isa akong nakaupo ngayon sa gilid ng field ng camellia flowers.
The wind is blowing kaya tinatangay nito ang mahabang buhok ko kasama ang magagandang petals ng puting bulaklak na iyon.
This place is so beautiful.
Nakatayo lang sa gitna ng field ng camellia flowers ang simpleng bahay nina Van at Helga.
"Wag mo masyadong pagurin ang sarili mo"
Napalingon ako sa pinagmulan ng boses at nakita kong magkaharap na nakatayo sa may pinto ng bahay sina Van at Helga habang nag-aalalang nakatingin sa kanya si Van.
Nakita kong nakahawak pa sa magkabilang pisngi ni Helga ang mga kamay ni Van and his worried face is so obvious while looking at his wife.
I envy them.
Yes. This is the first time na nainggit ako sa ibang couple.
Naiinggit lang naman ako dahil kitang kita ko kung gaano nila kamahal ang isa't isa. They love each other so much na maski ako na bagong kakilala palang nila ay nararamdaman yun.
"I will..." Helga answered and I saw them kissed.
After that ay nakita kong ipinagdikit pa nila ang mga noo nila and I can see from their smile of how happy they are right now.
Saka sila nagbitiw at nakita kong pumasok na sa loob ng bahay si Van samantalang nakita kong naglakad papunta sa akin si Helga.
Nakangiti akong lumingon sa kanya at nakangiti naman syang naupo sa tabi ko.
"He loves you so much" I said.
She turned to me and she's so beautiful with the wind blowing her hair. Mukha syang anghel mula sa magandang simpleng puting dress na suot nya.
"As I love him so much too..." she answered.
Napatingin nalang ako uli sa field ng magagandang bulaklak na iyon.
"How did you two met?" ang nakangiting tanong ko sa kanya.
She sigh.
"Nagkakilala kami nung mga bata palang kami...we fell in love and we decided to become bloodmates" ang nakangiting sagot nya. "He's a Corrigan while I'am an Alethean"
Napalingon ako sa kanya.
"Now I know that it is possible for two types to become bloodmates..." ang nakangiti kong sambit.
She turned to me and smiled.
"There is no impossible when it comes to love. I love him and he loves me and that all that matters to us" ang nakangiting sabi nya.
Napangiti nalang ako.
Ngayong napag-uusapan ang pag-ibig ay hindi ko maiwasang maalala si Dylan. Kung sakali nga kayang hindi sya namatay nung araw na iyon ay makakasama ko kaya sya dito? Matatanggap kaya nya na isa akong bampira? At pwede rin bang maging bloodmate ang tao at bampira?
At may isa pa akong naalala...
"I love you..."
Tama. Sinabi sa akin ni Alex yun nung huli kaming magkita. At hanggang ngayon ay nagtataka parin ako kung bakit nya nasabi yun. Hindi ko rin maintindihan kung bakit...
Kung bakit hanggang ngayon ay hindi parin matanggal sa isipan ko ang nakangiting gwapong mukha nya habang sinasabi yun...and there is some strange emotions that's been flickering inside me from what he said. God, what's happening to me?
Naipilig ko nalang ang ulo ko at iniba ang topic.
"Corrigans..." I whispered. "How did they get into this world? Diba half human, half vampire sila?"
She turned to me and smiled.
"A Corrigan is forced to live in this world. Magiging malaking problema para sa kanila kapag nakisalamuha sila sa mga tao dahil kahit anong mangyari ay mananatiling may dugo ng bampira na nananalaytay sa dugo nila...kaya pinili ng ancestor namin na mamuhay sila dito imbis na sa mundo ng mga tao...and Exodus, the anti-vampire organization who became now an ally to us is the one who will make sure that all vampires should always be place into this world. Even the half blood like Van" she said.
My brows met.
"So how is that? Afterall, may dugo parin ng tao na nananalaytay sa dugo nila" I said. "So...hindi ba kayo naba-bother sa half human blood nila?"
She smiled.
"Not at all. And afterall, Corrigans are respected in this world dahil magkapareho sila ng type ng nag-iisang mate ng original ancestor"
Nabigla ako sa narinig ko.
"So...isang Corrigan ang mate ng original vampire ancestor na si Demon?" I asked.
She turned to me and smiled.
"Yes" she said then turned to the field of camellia. "Murrk was known for it is a sacred place. Kahit saan ka magpunta sa lugar na ito ay may camellia flower and it was known to be the place of love for this is where most bloodmates always go. The history itself of this place begins with love because this place was built by the original ancestor only for his bloodmate and only love, lady Camellia..."
"Camellia?" I asked.
"That's her name..." she said then smiled. "...the name of the mate of the Original Vampire's Ancestor, Demon"
Camellia...
Ngayon ko lang nalaman ang totoong pangalan ng lola ko.
Now that I think of that ay hanggang ngayon ay nagiging palaisipan parin sa akin kung nasaan na nga ba sila ni Demon. At bakit ba sila nawala in the first place? Bakit nila iniwan ang lugar na ito? Bakit nila iniwan ang vampire's world para magdusa sa ilalim ni Lucian? At bakit nila hinahayaan na sirain nito ang barrier? Bakit nila kami iniwan?Bakit nila ako iniwan para gawin ang mahirap na task na ito?
Nang maisip ko yun ay hindi ko maiwasang makaramdam ng pagtatampo sa mga grandparents ko.
Bakit ba nila ako hinahayaan ngayon?
They are the one who should be here and facing these problems. Pero nasaan sila?
And now, I was left alone to find the next esylium.
Pero saan ako magsisimula?
Saan ko hahanapin sa lugar na ito ang susunod na esylium?
"A flower that blooms in the middle of thy grave. A heart that fails shall give thy third"
Yan ang naalala kong sinabi ng oracle.
Ano ba ang ibig sabihin nun?
Nasa ganuon akong pag-iisip nang mapansin kong nakahawak ng mahigpit sa dibdib nya si Helga at mukhang nahihirapan syang huminga.
"Are you okay?" ang nag-aalalang tanong ko.
Pero nabigla ako sa sumunod na nangyari.
"Helga!" I screamed when she fell to the white petals of the camellia flower.
****************
Ngayon ay nagpapahinga na sya sa loob ng kwarto nya.
Kasama ko rin ngayon si Van na agad na dumating kanina nang matumba sya sa gitna ng camellia flowers. Hindi ko rin maiwasang makaramdam ng lungkot ngayong nakikita ko kung gaano nag-aalala si Van sa asawa nya.
He's holding her hand so firmly at nakaupo sa tabi nito.
Samantalang nakatayo lang ako sa isang tabi at nakatitig sa kanila.
"She has a fragile body..." ang biglang sambit ni Van saka hinaplos ang noo ng natutulog na asawa. "Hindi sya pwedeng mapagod dahil madali syang manghina at magkasakit..."
Nalungkot ako sa nalaman ko at napatingin sa magandang mukha ni Helga.
Nakita kong unti-unti nyang iminulat ang mga mata nya dahilan para mapatayo ako ng maayos. Gusto kong lumapit pero kailangan ko silang bigyan ng privacy na mag-asawa.
"V-van..." she whispered and held his hand so tight.
"Yes love?" ang agad namang sagot ni Van.
Pero nabigla ako sa sumunod kong nasaksihan.
Nakita ko ang isa-isang pagpatak ng luha sa mga mata nya habang nakatitig sa asawa.
"H-hindi ko na k-kaya V-van..." she whispered while tears continue to fall from her eyes.
Nabigla ako sa sinabi nya.
Anong ibig sabihin nun?
Pero nakita kong yumuko lang si Van sa asawa at hinalikan ito sa labi. And then he touched his forehead into hers and in a loving voice, he spoke.
"Of course, you can..." he whispered. "You can love..."
Samantalang naiwan akong nakatayo mula sa kinatatayuan ko. And while looking at them, kahit na wala akong maintindihan sa nangyayari ay hindi ko maiwasang malungkot.
to be continued...